Chapter 10: Disaster
"A-Ameefa..." nanginig ang boses ko nang bigkasin ko ang pangalan niya.
"M-Mama..."
"Mama?" nanunuyang sabi niya at sinilip pa niya ang aking anak kaya ginawa ko ang lahat para hindi niya makita si Poinier.
Nakasuot siya ngayon ng pulang dress na masyado hapit sa katawan niya. May hawak din siyang bote ng alak.
Lasing siya. Kaya hindi maayos ang paglalakad niya. Natitisod pa siya habang papalapit sa aming puwesto. Kakaiba ang bigat ng presensiya niya, napakadilim ng aura at may ngisi pa sa labi.
May malakas na kutob ako na may gagawin siyang hindi maganda sa amin. Hindi ko maiwasan ang kabahan hindi para sa sarili ko dahil para sa anak ko na ramdam ko ang kaba niya sa likod ko.
Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng damit ko at halos bumaon na ang mukha niya roon.
"Ano'ng ginagawa mo rito, Ameefa? Paano ka nakapasok sa loob?" tanong ko na pilit kong pinapatapang ang boses ko kahit nilukob na ako ng takot at kaba sa dibdib.
Umatras ako dahil hindi siya huminto sa paghakbang palapit sa amin. Nang makita niya iyon ay malakas na tumawa siya na tila nang-aasar lang sa amin. Klaseng tawa na nanunuya...
"Natakot ko ba kayong mag-ina, Reolla Moon? Ano ulit ang pangalan ng anak mo? Hmm... Poinier? At ipinangalan mo pala talaga sa asawa ko... Ang kapal ng mukha..." nanunuyang saad niya. Narinig ko ang mumunting paghikbi ng anak ko.
Ayokong makarinig na naman siya. Ayokong masasaktan na naman ang aking anak. Hindi ko hahayaan si Ameefa na gawin iyon sa anak ko at saktan niya.
Humakbang ako palapit sa hagdanan at nakita ko ang pag-upo niya sa sofa namin.
"At saan kayo pupunta?" malamig na tanong niya sa amin.
"Mag-uusap tayo, Ameefa. Huwag mong idamay ang anak ko," mariin na sabi ko at nangungusap ang mga mata na tiningnan ko ang anak ko. Takot na takot talaga siya at halos mamutla na rin ang mukha niya.
"Poinier, umakyat ka. Pumasok ka sa kuwarto natin, anak ko. Isarado mo iyon. Ano man ang mangyayari ay huwag na huwag kang lalabas. Huwag mong pagbuksan ang mga taong gustong pumasok sa loob, okay?" mahigpit na pangaral ko.
"M-Mama..." pumiyok na sabi niya. Hinalikan ko ang noo niya at ako pa mismo ang nagtulak sa kanya para makaakyat sa hagdanan at nagawa niyang kunin ang bag ko.
"Let her stay, Reolla Moon! Hayaan mo siyang marinig ang pinag-uusapan natin!" sigaw ni Ameefa at natulos ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang nakabibinging ingay na iyon.
"Ameefa!" sigaw ko sa pangalan niya at agad ko siyang nilapitan.
Mabilis kong hinawakan ang kamay niya na hindi ko inaasahan na may hawak na pala siyang baril.
Sinulyapan ko si Poinier na nakahinto lang sa gitna ng hagdanan at umiiyak. Kitang-kita ko ang panginginig ng katawan niya at ang pagbuhos ng mga luha niya.
"M-Mama! Mama..."
"Umakyat ka na, Poinier! Umakyat ka na bilisan mo!" umiiyak na sigaw ko at nararamdaman ko ang paglaban sa akin ni Ameefa.
"P-Paano ikaw, Mama ko? Mama..." umiiyak na sabi niya pero inilingan ko siya.
"Sige na, anak... Umakyat ka na at isarado mo ang pintuan!"
"This fvcking betch!" Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya na may hawak na baril at dahil sinusubukan niya iyon na agawin ay hindi ko siya hinayaan. Hangga't hindi ko nakikita ang pag-alis ng anak ko.
"Sige na, Poinier! Umalis ka na! Si Mama na ang bahala rito..." sigaw ko. Narinig ko ang malakas na pag-iyak niya saka siya nagmamadaling umakyat sa hagdanan. Nag-alala pa ako dahil baka madulas siya.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan sa itaas.
"Bitawan mo nga ako! Bakit mo ba pinaalis ang anak mo! Hayaan mo siyang makita ang gagawin ko sa 'yo! Para hindi ka tularan ng sarili mong anak! Sa pangangabit at paninira ng pamilya!" sigaw sa akin ng babaeng ito.
Nakainom siya at lasing pero ramdam ko ang lakas niya kaya nahihirapan din ako sa paghawak sa kamay niya.
"Tigilan mo na ito, Ameefa! Kung may balak ka mang masama sa akin ay tumigil ka na!" asik ko sa kanya pero tumawa lang siya na parang baliw.
Palipat-lipat ang nguso ng baril at mas kinabahan ako lalo dahil baka...mahila niya ang gatilyo... Natatakot ako para sa kalagayan namin ng dalawa. Pero kung isa sa amin ang matataman at ako iyon... Hindi ko kaya iyon dahil baka si Poinier ang sunod niyang sasaktan.
"Ameefa..."
"Don't call my name like that! Hindi ba sinabi ko sa 'yo noon sa susunod na punta ko rito ay sisiguraduhin ko na mawawala ka na! Mawawala ka na kasama ang anak mo para wala na kaming kahati pa sa pagmamahal ng asawa ko!" hinaing niya at hindi ko siya naintindihan.
Sa paanong nahahati ang pagmamahal ni Poirier sa amin at sa mag-ina niya? Hindi ba sila ang pinili ni Poinier?
Bakit ganito siya kagalit sa amin?
"Ameefa, tahimik kaming namumuhay rito ng aking anak at hindi namin kayo ginugulo pa! Ni hindi namin ginugulo si Poirier!" sigaw ko at sana makuha niya ang gusto kong iparating sa kanya.
Naiintindihan ko ang galit niya sa akin, sa amin ng anak ko pero ang sobra-sobra na? Ang mga pinagsasabi niya na nahahati namin si Poirier? Ay iyon ang hindi ko maintindihan.
"Dapat mawala na kayo sa landas namin! Kayong mag-ina ang may kasalanan ng paghihirap at sakit na dinanas ko! Walang matutuwa sa malaman na may anak sa ibang babae ang asawa nila, Reolla Moon! At nagawa kang lokohin habang may relasyon pa kayo!" malakas na sigaw niya na halos mapigtas ang galit na galit na ugat niya sa leeg.
Dahil sa pag-aagawan namin ng baril ay hindi maiwasan ang pagtulakan namin at hindi ko siya hahayaan na makuha niya ang baril.
"Kayo ang pinili ni Poirier! At hindi ko naisip na agawin sa 'yo ang asawa mo, Ameefa! Nag-iisip ka pa ba?! Kinalimutan na nga niya ang anak niya dahil mas pinili niya kayo! Mas pinili kayo ng asawa mo kaysa sa amin! Dahil kayo ang mahal niya! Hindi kami! Pag-usapan natin ito ng maayos, Ameefa... K-Kung hihilingin mo na...aalis na kami at hindi na...magpapakita pa sa asawa mo ay gagawin ko..." Dahil natatakot ako na masaktan niya ang anak ko pagkatapos nito.
"Pakiusap... T-Tigilin mo na ito..." nakikiusap na sabi ko at may tumakas na luha mula sa aking mata.
Pero hindi ako pinakinggan ni Ameefa mas nagpursige siya na makuha ang baril at ang nakalolokong tawa niya lang ang umaalingawngaw sa sulok ng sala.
"Hindi! Hindi mo ako madadala sa pakikiusap lang, Reolla Moon! Hindi mo ako makukuha sa ganyan dahil hindi rin iyon tunalab sa asawa ko! Sinasabi mong kami ang pinili ni Poirier?! Kami ba talaga, ha betch?!" galit na tanong niya. Sobrang lamig ng boses niya.
Dahil sa sinabi niya ay mas naguluhan na ako lalo at hindi ko na siya maintindihan pa.
Naalala ko lang kasi ang sinabi sa akin ni Poirier...
"Na anak ko rin, Reolla... Kaya mahal na mahal ko siya... Hindi ako nagsisisi na dumating siya sa buhay ko... Ang pinagsisisihan ko lang ay...palagi kong nabibigo si Poinier. Kaya kung dumating man ang araw na...nabigo ko ulit siya... Patawarin niya ako... Patawarin niyo ako ni Poinier... Sinisikap ko ang maging... mabuting ama at mahalin ng pantay-pantay ang mga anak ko...pero may isang bagay lang ang bumabagabag sa akin, Reolla..." Na wala rin ang ideya kung ano nga ba ang bagay na bumabagabag sa kanya.
"Na darating ang araw...ay kailangan kong pumili... Na dapat iyong tama, na hinding-hindi ko pagsisisihan sa huli... Iyong tamang desisyon..."
Na alam kong may napili na si Poirier. Hindi ba ang kanyang legal na pamilya? Kaya hindi na siya nakikipagkita pa sa amin. Dahil si Zoer na anak niya at ang legal wife niya na si Ameefa ang kanyang pinili.
"Tutal mamamatay ka naman, 'di ba? Kaya sasabihin ko na ito sa 'yo! Sinasabi mong kami ang pinili ng asawa ko...pero mas kayo ang nabibigyan niya ng pansin! Oo, pinili niya kami, pinili niya ang manatili sa piling namin pero hindi siya buo, Moon! Hindi siya buo dahil nahahati natin siya! Kung dati ay iisipin ko na hindi kayo pinili ni Poirier, matatanggap ko pa... Pero ngayon na-realized ko na ang lahat... Kaya pala siya nanatili sa tabi namin ay dahil sa inyong mag-ina! Binantaan ko kayong dalawa noon, kung lalapit pa siya sa inyo... Hindi ako magdadalawang isip na guluhin ang buhay niyo. Kaya sinabi mong kami ang pinili ng asawa ko? Ikaw ang nagkakamali... Pinoprotektahan niya lang kayo! Sinundan ang bawat kilos ko at magagawa niyo iyon kung nasa iisang poder lang kami..."
Umawang ang labi ko sa gulat at bumilis ang t***k ng puso ko sa mga nalaman ko mula sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Maniniwala ba ako o baka hindi naman iyon totoo? Pero saan nga ba nagsimula ang galit sa akin ni Ameefa?
Malamang sa nalaman niya tungkol sa amin. Pero dapat naging masaya na siya dahil mahal siya ni Poirier at sila ang pinili nito at hindi kami.
Kaya ano ang pinagsasabi niya sa bagay na pinoprotektahan lang kami ni Poirier? Na ginagawa niya lang ang lahat ng ito dahil sa amin?