CHAPTER 9

1400 Words
Chapter 9: Almost caught NAKA-PINK off-shoulder crop top siya at pink na short pants din. Halos lahat ay pink ang suot niya. Bumagay sa kanya dahil nagmana siya sa Daddy niya, maputi ang kutis niya kaya mas nadepina ang balat niya sa matingkad na kulay, na naging paborito niya rin. Sasabihin talaga ng mga tao na anak mayaman ang batang ito. Sa hitsura pa lang. Maganda nga talaga ang anak ko. Naka-ponytail ang buhok niya na hanggang balikat lang ang haba. May suot pa siyang hairband sa ulo. May pink na relo rin na binili ko sa kanya bago dumating ang birthday niya. Binuhat ko ang anak ko hanggang sa gate dahil wala kaming masasakyan na taxi rito dahil mahigpit din kasi ang mga security guard para sa mga taong hindi nakalista ang mga pangalan. Ayoko naman siyang mapagod sa kalalakad. Paglabas namin ay 'saktong may taxi agad, kaya sumakay na kaming dalawa nang ipara ko ito. Pagkarating namin sa mall ay ang nursery station ang una naming pinuntahan. "Just enjoy, anak ko. Dito lang si Mama," ani ko at marahan ko pa siyang itinulak para makalapit na sa mga laruan. Maraming mga bata ang nasa playroom at masayang nanonood din sa kanila ang parents nila. "Sige po, Mama," saad niya at patakbong lumapit na roon. Pumuwesto ako sa bakanteng table at mabuti may mini-cafe rito kaya nag-order ako ng dalawang slice banana cake at dalawang drinks. Sinulyapan ko si Poinier na sinusubukan niya ring makipagkaibigan sa ibang bata. Napangiti ako lalo. Nag-iisang bata lang siya sa mansion namin at kami-kami lang ang nakasasama niyang maglaro. Kaya dapat ay madalas ko rin sana itong gawin sa kanya para may mga bata naman siyang makikilala. Hindi puro bahay lang siya. Bumalik naman ang anak ko at nakikain din siya dahil nagutom daw siya pero nang pumunta rito ang ibang mga bata para ayain siya sa paglalaro ay dalawang malalaking subo ng banana cake ang ginawa ko ayon sa inutos niya at sumimsim ng drinks niya saka siya bumalik. Natatawa na lamang ako pero napahinto ako nang may mahagip ko ang pamilyar na mukha ng isang babae sa hindi kalayuan na puwesto nito. Bumilis ang t***k ng puso ko at wala sa sariling napatingin ako kay Poinier. Ngayon ko lang nakita ang mga ngiti niya na nakakahawa at ayoko namang maglaho iyon. Humugot ako ng malalim na hininga at yumuko na lamang. Sana lang ay hindi na niya ako makilala pa. Ang tagal naman noong huli naming pagkikita. Kaya sana ay nakalimutan na niya ako. Pero nang mag-angat ako ng ulo ay hindi sinasadyang nagtama ang mga mata namin. Hindi ako kaagad nakaiwas ng tingin dahil nakita ko ang gulat sa mukha niya. Mas bumilis pa lalo ang t***k ng puso ko nang makita ko ang pagtayo niya at ang malalaking hakbang niya palapit sa akin. "Reolla, right? I remember you! Ikaw si Reolla na nakilala ko sa Manila Cathedral, hindi ba? Iyong nawalan ng malay at dinala namin sa hospital?" nagagalak na tanong niya at ang laki rin ng kanyang ngiti. Wala na akong dahilan pa upang ideny iyon kaya tumango na rin ako. Wala na rin akong choice kundi ang magpakilala na rin sa kanya. "Elysian. Ako nga iyon. Naaalala mo pa pala ako," sabi ko at tipid na ngumiti. "Oh, my God! Hindi nga ako nagkamali! It's been four years since the last time we meet! Pero oo, naaalala pa rin kita. Buntis ka noong unang pagkikita natin. Where's your kid, by the way? Kasama mo ba siya ngayon? Gusto kong makilala!" masayang sabi niya sa akin. Nilingon ko ang side ng anak ko at nakita ko na pabalik na siya kasama ang mga new friends niya. Nakikisabay rin siya sa mga batang kalaro niya. "Mommy, I'm thirsty po!" sabi ng isang batang babae at mas matanda ng ilang taon kaysa kay Poinier. Halos kaedad niya rin ang dalawang bata. Siguro mga nasa 7 years old pa lamang sila o patas? "Sheyjane. Nandoon ang table natin. Nandoon ang Daddy mo. Pumunta ka roon, honey. May kausap pa si Mommy," malambing na sagot ni Elysian sa kanyang anak saka siya bumaling sa akin. Hinila pa niya ang anak niya palapit sa kanya. "Si Sheyjane nga pala, Reolla. Panganay ko at ang bunso namin ay nasa Daddy niya. Sheyjane, greet your Tita Reolla, she's your Mommy's friend." May kung ano'ng malambot na bagay ang humaplos sa dibdib ko dahil sa aking narinig. Pinakilala niya ako bilang kaibigan niya... Bago sa akin iyon pero masarap sa pakiramdam... Inaamin ko na wala akong naging kaibigan. Pero dahil sa pagdatingan ni Poirier... Huminga ako ng malalim. "Hi po, Tita Reolla," nakangiting bati niya sa akin at lumapit pa. Yumuko ako para mapantayan ko ang tangkad niya. Humalik siya sa pisngi ko. "Ang sweet mo namang bata, Sheyjane," ani ko sa kanya. Nahihiyang ngumiti na lang siya sa akin at nagtago pa sa likod ng binti ng Mommy niya. Natawa si Elysian dahil sa inasal ng kanyang anak. "Mahiyain talaga siya..." "May friend ka po, Mama?" tanong naman sa akin ng anak ko. Tinanguan ko siya at binalingan ko ng tingin si Elysian, "Si P-Poinier, anak ko," sambit ko at kitang-kita ko ang pamimilog ng mga mata niya. Ang pag-awang ng mga labi niya habang titig na titig sa anak ko. Halos hindi na siya kumurap. "Poinier... A-Ang gandang bata naman..." nauutal niyang saad at para lang siyang nakakita ng multo dahil sa gulat. "Salamat," nakangiting sabi ko, "Poinier, siya si Tita Elysian," pakilala ko naman. "Nice to meet you po, Tita Elysian," malambing na bati ni Poirier kay Elysian. Iba ang ginawa ng anak ko dahil inabot niya ang kamay nito saka siya nagmano. "Ang sweet mo ring bata, Poinier. Ang ganda-ganda mo naman... May kamukha ka..." "Talaga po?" Bigla akong kinabahan. "Kasama ko ang mga kaibigan ko. Kung okay lang sa 'yo, Reolla. Ipapakilala kita sa kanila," sabi niya at nag-aalangan na ako. "Uhm..." "Let's play again, Ate Sheyjane!" "Wait muna, Zoer." Napatingin ako sa mga bata at napako lang iyon sa batang lalaki na kamukhang-kamukha ni Poinier. "Si Daddy ko nandiyan na! Baka uuwi na kami niyan, eh..." pagmamaktol ng bata na mas ikinabilis ng t***k ng puso ko. "K-Kailangan na namin palang umalis. Masaya akong makita ka ulit, Elysian. Next time mo na lang akong ipakilala sa mga kaibigan mo... M-May...may pupuntahan din kasi kami ngayon, eh," sabi ko at nakipagbeso-beso pa ako sa kanya. "Ha? Wait, Reolla..." Hindi ko na siya pinansin pa at basta ko na lamang binuhat ang aking anak. "Ninong Poirier!" Mas lalo akong kinabahan ng marinig ko ang pagbanggit ng bata sa pangalan na iyon. Hindi imposible na nandito nga si Poirier dahil nakita ko ang anak niya. Alam kong iisa lang Zoer na kilala ko. Hindi ko naman ipagkakait kay Poinier ang makita ulit ang Daddy niya pero mas masasaktan ito kung makikita niya na may kasamang batang lalaki at anak ito ng Daddy niya. Masasaktan lang siya. "Wait... Did I just saw the little version of our friend?" "Poirier..." "What? What are you talking about?" Sobrang liit ng mundo namin... HINDI na nagtanong pa sa akin ng mga bagay-bagay si Poinier na mahirap ko namang ipapaliwanag sa kanya. Na kung bakit bigla kaming umalis eh kararating lang namin? Na bakit uuwi kami agad gayong mamasyal pa kami? Bumili lang kami ng bagong laruan niya saka kami umuwi at nakita ko na hindi naman siya nalungkot agad dahil maaga nga kaming umuwi na dalawa. Bukas ang front door nang makauwi kami sa mansion. Nilingon ko pa ang anak ko dahil baka dumating na nga ang dalawa pero hindi ko alam kung bakit may kaba sa dibdib ko. "Baka nasa loob na sila," ani ko. "I missed them, Mama!" masiglang sabi niya. Dahil sa excited ay mabilis kaming pumasok sa loob pero gayon na lamang ang takot ko nang makita ko ang pagkalat ng mga gamit namin sa sala. Parang dinaanan ng bagyo ang sala. Nagkalat ang mga babasaging gamit sa sahig. Ang sofa na gupit-gupit. Basag ang TV flat screen at tinaob ang center table. Nagkagulo sa loob at wala akong idea kung sino ang may gawa nito... "M-Mama..." natatakot na tawag sa akin ni Poinier at napayakap siya sa binti ko. Mahigpit ang hawak ko sa balikat niya at iniharang ko siya sa posibleng susugod sa amin. Hindi nga ako nagkamali... "Welcome home..." "Ameefa..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD