Sa gabing iyon ay hindi nakauwi ng tahanan nila si Aleigh, bukod sa nananakit niyang mga balakang ay tila lantang gulay din siya na parang lalagnatin. Walang choice si Lacim kung hindi ang iuwi siya sa kanyang hideout upang doon magpalipas ng gabi. Mula sa garahe ay binuhat siya ni Lacim sa kanyang likod, bagay na ikinahagikhik nang mahina ni Aleigh. Naiisip na ang sweet ng ginagawa nito sa kanya ngayon kahit na alam niyang mabigat siya. Hindi niya rin ma-imagine na makakarating siya ngayong gabi sa tagong tahanan ng kasintahan ng hindi nakaplano at hindi naman sinasadya, bagay na lalo pang nagpahulog ng kanyang damdamin sa nobyong malawak lang ang ngiti sa kanya ngayon. Hindi naman lubos maisip ni Lacim ang saya na kanyang nararamdaman, sa nangyari sa kanilang pagitan ay tila naging g

