Lalo pang lumalim ang halik ni Lacim sa kanyang kasintahan, hindi niya na makontrol pa ang kanyang sarili lalo na nang pumulupot ang dalawang kamay ng nobya sa leeg niya. Lasing na lasing na siya sa lasa ng halik ng nobya at hindi sa alak na kanyang nilaklak. Lalo pa siyang nahalina sa pamilyar na amoy ng dalaga, hindi niya maipaliwanag kung bakit lalo siyang nahuhumaling sa halik nito gayong ngayon pa lang iyon natikman ng matagal. Tila may kung ano sa katawan ng nobya at lalo pa siya nitong binabaliw, bagay na hindi niya pwedeng palampasin at hayaang dumaan na lang ng mga sandaling iyon. Marahan niyang kinagat-kagat ang malambot nitong labi na lalo pang nagdala sa kanya sa kabilang ibayo ng lugar na kanilang kinaroroonan ngayon. Damang-dama niya ang umaapaw niyang pagmamahal sa kanyang k

