Bahagyang nagkakailangan man pagkatapos ng kanilang unang halik ay nagawa pa rin nilang ngumiti sa isa’t-isa habang lulan na ng sasakyan ng binata. Hindi mabitawan ni Lacim ang isang kamay ng dalaga na bahagyang nanlalamig kahit pa sinimulan niya ng paandarin ang makina ng kanyang sasakyan. Hindi pa rin mapawi ang kanyang mga ngiti sa kanyang namumulang labi, marahan niyang kinagat-kagat pa iyon bagay na lalong nagpailang kay Aleigh na mas pinili na lang ibaling ang tingin sa labas ng sasakyan nito. Binalikan ng dalaga ang mga kalokohan nilang napag-usapan habang magkalayo silang dalawa, iyon ang naging dahilan upang maglaho ang kanyang pagkailang sa nobyo niya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na uuwi ka kahapon?” lingon ni Aleigh sa kanya na bahagyang natatawa, “E ‘di sana nasundo kita

