Hindi na mapigilan ni Aleigh na maiyak habang pinagmamasdan ang kanyang anak na mayroong dextrose ang isang kamay. Tila binibiyak ang kanyang puso sa tanawing iyon. Tuluyan pang piniga ang kanyang puso nang marinig niya ang mahina nitong mga iyak. Mahigpit niya pa itong niyakap, nakaupo siya sa gilid ng kama nitong inuukopa habang karga ang anak na mahinang umiiyak. Hindi niya na matagalan pa ang sitwasyong iyon. “Aleigh...” mahinang tawag sa kanya ni Aiza na nananatiling nakaupo sa sofa doon. Nasa private na silang room ng mga sandaling iyon, hinihintay na lang ang resulta ng laboratory ni Ale habang nilalapatan na rin ito ng gamot upang pababain ang fever. Hindi siya pinansin ni Aleigh, nanatiling nakatungo ang mga mata nitong nasa anak. “Sorry...” muling saad ni Aiza, pakira

