Maagang pumasok si Aleigh sa kanyang trabaho kinabukasan, bago siya tuluyang umalis ay masinsinan niya pang kinausap ang bago nilang kasama sa bahay. Ibinilin na rin niya kay Aiza na siya na ang bahalang magpaliwanag ng ibang mga bagay na kailangan nitong malaman. Nasa company na ang kanyang secretary pagdating niya doon, malawak ang ngiting naghihintay na sa kanyang pagdating. Malawak na ngumiti si Aleigh sa kanya bilang pagbati na sinuklian ng kanyang sekretarya nang magaan at marahang tango. “Good morning, Thea.” pagbati niya na sa kanya nang daanan niya na ang harapan ng lamesa nito. “Good morning din po, Ma’am Aleigh.” ganti nito na lalo pang lumawak ang mga ngiti. “Ang aga mo yata ngayon?” tanong ni Aleigh na bahagyang nanibago sa maagang pagpasok ng kanyang secretary na

