Malawak ang ngiti ni Lacim habang panaka-naka ang sulyap niya sa kanyang mag-ina na nasa sofa sa sala ng kanyang unit ng mga sandaling iyon. Hindi pa rin siya makapaniwala na okay na ulit silang dalawa ni Aleigh kahit na hindi pa rin sila nag-uusap ng tungkol sa bagay na iyon. Hindi nila inungkat ang mga nangyari sa nakaraan na alam niyang kapwa nagdulot ng sakit at pait sa kanilang dalawa. Hindi niya na matandaan pa kung anong oras tumigil sa pag-iyak niya si Aleigh habang yakap-yakap niya sa loob ng silid ng hospital, ang tanging kanyang natatandaan ay ang mabilis na paggaling ng anak nila. “Parang nagdahilan lang ah?” kausap dito ni Aleigh habang nasa likod sila ng sasakyang minamaneho ni Aiza, “Hambog na ulit ang pumayat na Ale kong iyan, hambog na ulit.” dagdag pa ni Aleigh na pin

