Masayang pinagsaluhan nila ang sinigang na bangus nang sumapit ang tanghali. Ulam na makaraan ng lagpas isang taon ay muling nagawang matikman ni Aleigh na luto ni Lacim. Nasa crib si Ale at kasalukuyan din kumakain ng kanyang tanghaliang gatas na tinimpla muna ni Aleigh bago sila magsimulang kumain na magkasalo ni Lacim sa malayong mesa. Nang mga sandaling iyon ay unti-unting napawi na ang pag-aalinlangan at pagkailangan na nararamdaman ni Aleigh. Unti-unti niyang ibinabalik ang pagmamahal kay Lacim na hindi naman nawala, nagtago lang iyon pansamantala sa kaibuturan ng kanyang puso. At kailanman ay alam niyang hindi naman niya magagawang kalimutan ang kanyang asawa. “Noong naglilihi ako kay Ale, gustong-gusto kong kumain ng sinigang na bangus kaso ay walang may alam sa aming dalawa ni

