Ang marahang haplos ni Lacim sa katawan ni Aleigh ay mas uminit pa nang mahina nang humalinghing ang asawa samahan pa ng marahan nitong pagpikit at pagdilat ng kanyang mga mata. Hindi naputol ang kanilang halikang dalawa, bagkus ay lalong lumalim pa iyon kasabay ng nagmamadali nilang paghinga. Damang-dama na nila ang init ng katawan na tila bulkang sasabog ng mga sandaling iyon. Hindi na bago pa ang pakiramdam na iyon, ngunit ng mga sandaling iyon ay tila bumalik sila sa unang beses na kanilang ginawa ito. “I love you...” usal ni Lacim na nakatitig pa rin sa mga mata ng kanyang asawa, “Alam ko noon na tanging ikaw lang ang babaeng para sa akin. Oo, naging babaero ako pero nang makilala kita, binago mo ako. Tinuruan mo akong magmahal at maging faithful sa iyo.” patuloy nito na bahagyang

