*
Lakad-takbo ang ginawa ko para agad makarating sa hotel dahil tumutulo na ng husto ang mga luha ko. Maraming tao sa beach ngayon kaya nahihiya ako kapag nakita nila akong umiiyak. Minsan na akong naging mahina sa harap ng maraming tao, ayoko ng maulit ulit yon dahil gusto ko ng maging matapang. Hindi tulad ng dati. Pero bakit ngayon? Bakit sa simpleng wish lang niya ay halos maguho nanaman ang mundo ko? Halos mawasak nanaman ang puso ko?
Hindi ba pwedeng kahit isang beses lang? Maging masaya naman ako dahil kay Adam?
Medyo malayo pa ako sa hotel pero nakakaramdam na ako ng pagod marahil an rin sa siguro sa paghikbi ko at sa pag-iyak.
Takbo lang ng takbo, Michelle. Hanggang sa mapagod ka. Hanggang sa hindi mo na kayanin.
Naramdaman ko nalang na napaluhod ako sa buhangin. Mabuti nalang at narito na ako sa parte ng beach na wala masyadong tao. Walang makakakita na umiiyak ako. Walang makakakita na mahina ako. Wala.
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa gusto ko. Hanggang sa hindi natatanggal yung sakit sa puso ko dulot ng sinabi niya.
Hindi na niya ako gusto pang makita. Ano ba ang hindi ko naintindihan doon? Ano ba yung mahirap i-sink in sa utak don? Ayaw niya akong makita! That's it. Kasalanan ko rin naman hindi ba? Sinaktan ko kasi yung taong mahal na mahal niya. Dinamay ko kasi sa katangahan yung mahal niya e. Ang tanga ko kasi e!
Wala namang ibang dapat sisihin dito kung bakit ako nasasaktan ngayon kundi ako lang din e. Ako lang talaga dahil ako lahat may kasalanan. We are friends way back then pero ngayon ay wala na yung friendship kasi sinira ko.
Sinira ko lahat ng merong kami.
At isa pang katangahan ko.
Yung naniwala akong mahal niya din ako! Yung sinabi niyang pipiliin niya ako. Naniwala ako hanggang sa madurog ako. Naniwala ako hanggang sa naloko ako! Naniwala ako kasi mahal ko siya. At higit sa lahat, naniwala ako kasi sinabi niya. Kasi naramdaman ko.
"Mapapagod ka rin sa katangahan mo, Michelle." Isip ko.
*
Nakarinig ako ng katok sa kwarto ko. Hindi ako nakatulog. Buong magdamag akong nakatulala sa kwarto ko habang nakahiga at patuloy na umiiiyak.
"Michelle? Gising ka ba?" Narinjg kk ang boses ni Kuya vince sa labas pero di ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kawalan.
Ayoko munang may makausap or makita sakanila. Panigurado kasing kasama na nila ngayon si Adam dahil balita ko ay magpaparty sila.
"Michelle, pupunta kami sa Bar ni Adam. Gusto mo ba sumama?" Rinig ko pa.
Hindi ako sasama. Ayoko dahil bukod sa maraming tao, ayokong makita at makasama si Adam. Iyon naman din ang birthday wish ni Adam saakin kaya sige, tutuparin ko nalang. Kahit masakit, tutuparin ko. Basta gusto niya. Basta masaya siya.
"Michelle?" Tawag pa ni Kuya Vince. Hindi ako nagsalita ulit.
"Ano? Sasama daw ba siya?" Narinig k onaman na nagtanong si Ate Janine.
"Walang sumasagot e. Baka natutulog. Magyetext nalang ako sakaniya na nasa Bar tayo." Sabi pa ni Kuya Vince.
Makaraan ng ilang sandali ay hindi ko na sila narinig pa. Siguro ay umalis na sila.
Mabuti yan. Mag-isa nalang ulit ako. Mag-isa nanamang matutulog.
Mag-isa nanamang iiyak.
"Adam, akin na nga iyang ketchup! Gusto ko lagyan ng ketchup yung kanin ko!" Sigaw ko kay adam. Nasa canteen kasi kami ngayon. Lunch break namin at sumabay siya kumain saakin.
Ang luko, ayaw ibigay yung ketchup.
"Ayoko nga!" Sabi niya atsaka dumila pa. Nainis naman ako sa mukha niya. Kainis siya!
"Tsk! Ibigay mo sabi e!" Sabi ko pa. Nauubusan na ko ng pasensya sakaniya. Kanina pa kasi kami nagtatalo tungkol rito e!
'Kiss mo muna ako!" Sabi niya atsaka ngumuso sa harap ko. Nag-init yung pisngi ko sa sinabi niya. Kinikilig nanaman ako sakaniya!
"Gusto mo salakin kita?" Tanong ko sakaniya.
"Ayoko. Gusto ko kiss!" Maktol niya. Isip bata talaga! Kung wala lang siyang nililigawan iisipin ko, mahal niya ko kasi lagi siyang ganyan. Nanghihingi ng kiss tapos laging sweet.
"Kay jewel ka humingi. Wag sakin!" Sabi ko sakaniya at inabot ang ketchup pero ayaw ibigay.
"Ayoko na don. Ikaw na ang gusto ko!" Sabi niya. Napatigil naman ako sa pag-agaw ng ketchup sakaniya at napatingin ng seryoso. Ano daw?
"Ano?"
"I said I like you. Hindi na si Jewel." Ulit niya. Ayan nanaman yung malakamatis kong pisngi! Gusto ko din kasi si adam e at alam naman niya iyon.
"Baliw ka talaga. Adam, kahit na gusto kita, di mk naman kailangan pilitin ang sarili mo na gustuhin din ako." Sabi ko saniya.
"Seryoso ako. I like you. Ginamit ko lang si Jewel para pagselosin ka no!" Sabi niya.
Gusto ko namang matuwa sa sinabi niya pero ayoko dahil masasaktan si Jewel sa ginawa niya!
"Adam naman, kelan mo pa natutunang gunamit ng ibang tao?" Inis kong tankng sakaniya.
"For good naman e." Sagot niya.
"Adam, huwag ako. Si Jewel nalang. Siya ang nililigawan mk in the first place kaya please lang, wag mong sabihin sakin yan." Sabi ko sakaniya atsaka naman tunayo na para umalis.
"Mich naman! I like you, okay? ....No! I LOVE YOU, MICHELLE."
*
Napadilat ako agad. Napaniginipan ko nanaman. Pati ba naman sa panaginip ko ipapaalala kung paano ako lokohin ni Adam? s**t! Ang gusto ko lang ngayon ay matulog dahil sa sandaling nagkita kami ni Adam ay parang nauubusan na ako ng lakas. Parang nawawalan na ako ng gana.
Pinikit ko yung mga mata ko pero hindi ako makatulog. Umupo ako sa gilid ng kama ko.
Ano na ang gagawin ko? 11pm palamang ng gabi.
I check my phone. At may nagtext saakin. Nasa bar nga pala sila Kuya Vince. Ayoko namang sumunod doon. Siguro pupunta nalang ako sa may dalampasigan para makapagrelax.
Isinuot ko ang shorts ko atsaka lang ako nag-shirt ng simple at ang cardigan ko na binili ko para sa trip na ito. Pag labas ko sa hotel ay napaisip ako kung saan ba ko dapat pumunta dahil bumaba ako dito nang walang kaplano plano man lang. Mabuti nalang ay buhay na buhay ang resort na ito kahit na maghahating gabi na. Ang daming turista dito at ilang bakasyunista Kaya nakakatuwa. Lumina linga ako bago napagdesisyunan na maghanap nang makakainan. Gusto ko sana mag pizza dahil hindi pa ko kumakain dahil nga sa umuwi ako agad pag ka-surprise kay Adam.
Madami namang restaurants at stall dito kaya hindi ako nahirapan hanapin ang gusto kong kainin. Nakangiti akong pumasok sa loob at dumiretso sa cashier.
"Good evening, Ma'am. May I take your orders, please?"
"4 pieces of garlic parmesan wings and 8 inches Hawaiian pizza. Thick crust tapos pa-add ng mozzarella." Sabi ko naman sa cashier.
"is that all, Ma'am? How about your drinks?" tanong naman ulit sakin kaya sabi ko ay coke in can nalang. Nang matapos ko sabihin ang orders ko atsaka ko Mas naramdaman ang gutom. Natawa nalang ako ng maisip ko kung bakit ko ba pinaparusahan ang sarili ko. Madami rin ang taong kumakain ngayon dito at puro sila may kasama Kaya ako lang mag-isa dito sa 4-seater na upuan.
Habang naghihintay nang orders, na patingin ako sa ka an ko Kung saan may mga nagtitipon na tao dahil may nagfifire show. Nakakamangha yung mga taong nagpeperform na yon. Napakapropesyunal kung iisipin dahil kahit na delikado ay na gagawa nila iyon. Kung sabagay, hanap buhay nga pala nila iyon.
Sa malayong part naman ng kanan ko ulit ay mga tents ang nakikita ko dahil sguro ay para iyon sa mga gusto mag overnight sa tabing dagat. Para tuloy gusto kong subukan iyon mamaya. Bukod kasi sa tent, meron silang mini samgyup Sal at pa-soju doon na good for 2 to 3 persons.
Ilang saglit pa at dumating na ang orders ko at agad akong kumain. Ang sarap ng pagkain kaya wala akong maisip na iba kung hindi ang ubusin lahat ng ito. Ngayon nalang ulit ako nakakain ng pizza kaya siguro ganito nalamang ako kasabik. Tinapos ko na ang pagkain ko atsaka ako uminom ng soda ko para bumaba naman lahat ng kinain ko.
Bigla naman tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag ang Kuya Vince ko. Sinagot ko naman iyon kaagad.
"Kuya?"
"Michelle, where are you? Wala ka daw sa hotel!?" bakas sa boss ni Kuya ang irita ngunit may pag aalala. Naririnig ko sa background na nasa bar pa siya dahil sa ingay kaya sa pa lagay ko ay Pina check niya ako sa information sa hotel. Pinunasan ko ang bibig ko bago sumagot sakanya.
" I went out..." I tried to sound okay as much as possible pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kaya magsinungaling sa Kuya ko. Kung mayrong tao na hindi ko Kaya pagsabihan ng hindi totoo, ang Kuya at Mommy ko yon. Narinig ko ang oaghinga ni Kuya ng malalim na bigla namang nakapagpabigat ng dibdib ko.
"...i need to breathe kaya umalis ako sa Hotel. Hmmm, nandito lang naman ako sa isang restaurant. I will text you the place so you know where to find me if---"
"Go ahead." pagputol ni Kuya Vince sa page explain ko sakanya. Napahinto ako at di ko alam kung ano ang ibig niya sabihin doon sa sinabi niya.
"You are right. You need to breathe Kaya enjoy ka lang, okay? If you need Kuya, just let me know." Mas kalmado na ang bosses ngayon ni Kuya. Kahit hindi niya ako nakikita ay ngumiti ako. Gumaan na kahit papano ang dibdib ko.
"Sure, Kuya. I'll text you nalang if something came up." Sabi ko pa.
Pagkatapos non ay sinabi rin ni Kuya na uuwi na din sila Maya Maya Kaya pupuntahan niya ako sa room ko mamaya to check up on me kaya nag agree nalang ako doon. After that call, maglakad lakad muna ako at nagmasid masid sa lugar. Habang tumatagal, Mas gunaganda sa paningin ko ang Salvatore Isle. Mas Lalo tuloy akong na-proud kay Adam...
Napahinto nanaman ako sa naisip ko Kaya dali dali kong pinili ang ulo ko dahil ayoko na muna sguro isipin si Adam. Gusto ko muna ipahinga ang puso at isip ko sa puro Adam. Mas okay sguro kung kasama ko ngayon si Min para may nakakausap ako kaya lang ayoko naman siya istorbohin dahil kasama niya ang boyfriend niyang si Kuya Jeremy. At isa pa, masyado na ko nagging dependent sa kaibigan ko Kaya kahit papano ay naguiguilty naman ako kung a ayain ko pa siya ngayon.
Hindi naman sa hindi ako sa ay mag-isa. Sa totoo lang ay sanay na ko mag-isa dahil tinuruan ako ng past ko dati na matutong mapag-isa pero suggested ng doctor ko sakin na lagi ako dapat may companion na makakausap ko palagi para hindi ako malunod sa mga iniisip ko. I always take that advice naman pero miniminimize ko na iyon bago pa man umuwi ng Pilipinas dahil sa tingin ko naman ay kaya ko na. Hopefully ay kayain ko na nga dahil gusto ko na din nakawala sa bigat at lungkot.
Papaunti na ang tao sa gnawing napuountahan ko kaya napahinto ako. Iniisip ko kung tutuloy pa ba ako dahil papadilim na doon sa dulo dahil kaunti lamang ang ilaw.
" Okay, Michelle, gawin mong harapin ang fears mo." Sabi ko sa sarili ko Kaya ipinagpatuloy ko pa nag paglalakad hanggang sa napahinto ako sa isang square space na may disensyo na puro glass ang facade. Maganda ang disensyo nito kaya napukaw nito ang mata ko. Madilim na kasi kaya hindi ko magawang masilip ang kung ano ang meron sa loob. Hindi ko na rin naman alam kung nasaan ako.
Lumapit ako lalo sa harapan ng maliit na building na ito at talagang wala akong makita sa loob. Sguro ay may tabing pa ito at hindi pa sguro naiilabas sa publiko. Nang maisip ko iyon ay umurong na ako atsaka nagdesisyon na titigan nalang muna ito dahil hindi ko nanaman maiwasan pairalin ang pagiging arkitekto ko. Hay, kapag ba arkitekto talagang napapansin agad ang mga detalyo?
Mula sa baba hanggang taas ng monumentong iyon, alam ko sa sarili ko na Pina-architect yon dahil ang ganda ng disensyo. Siguro ay maganda ang plano ni Adam sa lugar na ito kaya pinagtuunan niya ng pansin ang lugar na ito. Dahil sa sinag ng buwan, nasilayan ko ang isang karatula kung saan nakalagay ang pangalan ng lugar na ito.
'Natatangi Island'
I see that this pace is not that far naman sa pinaka-busy part ng resort ngayon Kaya sigruo ito ang pangalan. Wala akong ideya sa kung ano ang reason sa likod ng pangalann na iyon pero sigurado ako na mayrong reason sa pangalan na ng Island na yon. Nagdesisyon na akong umuwi pabalik sa hotel ngunit Sabi ko nga pala ay sususbukan ko na sa tent matulog sa labas na nakita ko kanina habang kumakain ng pizza.
Along the way iyon kaya naman doon na ko dumiretso. Nag tanong ako sa namamahala doon.
"Ma'am, may companion ka ba?" tanong nito sakin.
"Wala po. Ako lang mag-isa" Sabi ko naman.
"nako ma'am, two to three persons po dapat para hindi po lugi." explain naman niya sakin. Nilibot ko naman ang mga mata ko nakita ko na puro nga may kasama ang nasa loob.
"uh, Ate pwede ba ako lang mag-isa kahit bayaran ko ay pang three persons." Sabi ko naman sakanya.
"Sigurado ka ba, Miss? Mahal din kasi ang rent ng tent for overnight tapos unli samgyupsal pa tayo, Ma'am."
Saakin naman ay wala lang iyon kaya lang naisip ko naman na sayang naman kung walang makikinabang nung iba kong binayaran.
"Sayang naman yung babayaran ko pala. Uh, wait lang ate ha...."
Nagulat ako nang biglang may pumatong na kamay sa balikat ko kaya napa-pitlag ako sa gulat at nilingon kung sino ba iyon.
Isang lalaki na naka-asul na t-shirt ang nagmamay-ari ng kamay.
" excuse me, do I know you? " tanong ko naman. Hindi parin niya inaalis ang kamay niya at hindi ko naman magawang gumalaw.
Ngumiti naman siya saakin na sobrang kinilabutan ako dahil that is so weird. I don't even know this guy!
"No. We don't know each other but I have the eagerness to know you." he said and smiled again. Nilahad niya ang kamay niya at napatingin doon at nagaatubili kung iaabot ko ba ang kamay ko.
"I'm Tristan." pagpapakilala niya. Inabot ko naman na ang kamay ko sakanya atsaka awkward na ngumiti dahil bakit ang pres ko netong lalaking ito.
"Mich." pagpapakilala ko din.
"Wow, pretty name bagay sayo." na awkward nanaman ako sa sinabi niya dahil parang ang smooth naman niya yata.
"by the way, gusto mo ba mag overnight diyan?" Sabi nya atsaka tinuro ang mga tent. Ang lugar kasi ay open lang naman pero may barikada lang ng mga kamay sa gilid para may property line.
"Ah, O-Oo sana kaso lang for 2 to 3 person daw e." pagkukwento ko. Siguro ay di naman masama na makipagkilala sa strangers tutal ay hindi naman na bago ito sakin dahil nung nasa states ako, ito ang pinakanaging malaking adjustments saakin.
"Gusto mo ba sumama sakin? Gusto ko rin sana masubukan mag overnight diyan." Sabi naman niya sakin na ikinalaki ng mata ko dahil Nagulat ako sa sinabi niya. We are strangers parin naman kasi.
Nang mapa sin niya sguro na Nagulat ako ay natawa siya. Gusto ko tanungin kung ano ba ang nakakatawa pero nauna na siysng mag explain.
"Sorry, Mich. Hahaha di ko nanaman napigilan yung pagiging presko ko sa mga nakikilala ko." buti naman ay aware siya.
"Huwag ka mag-a lala, mabait naman ako. Gusto ko lang din naman ng kasama atsaka look, madami naman ding tao sa paligid so I think you are still safe with me."
Napalingon naman ako sa mga tao at totoo ngang madaming tao ang naroon Kaya sguro ay ayos lang naman if sasama ako sakanya.
Sa huli ay napapayag niya din ako at nandito kami sa pinakaharap ng Beach. Maganda ang pwestong nakuha namin kaya hindi na rin masama ang loob ko na sumama ako kay Tristan.
Inabot samin ang ilang pang-samgyup na dishes at nagsimula naman siysng magluto ng baboy. Pinagmamasdan ko lamang siya dahil hindi ko naman alam ang dapat ko ikwento sakanya.
"Nagbabakasyon ka din ba dito?" tanong niya saakin habang isa isa nila lagay ang meat.
"Siguro?" sagot ko dahil di ko naman masabing nagbabakasyon ako.
"Ha? Hindi ka ba sigurado?"
"para kasing hindi pasok sa definition ko ng Vacation ang ginagawa ko rito." page explain ko sakanya atsaka naman kumain ng ka in at sinabayan iyon ng fish cake. Siya ay busy parin sa baboy.
"Pwede ko ba it anong kung ano ang definition mo ng Vacation?" pag tatanong naman niya.
"Ang bakasyon kasi sakin ay pagrerelax so that you can rebuild and repair what you miss for yourself." Sabi ko sakaniya Kaya napatingin naman siya sa mga mata ko.
"don't tell me, hindi ka nakakapag relax ngayon?" tanong niya at nag make face naman na ako na parang sinasabi na parang Ganon na nga.
"Ang Ganda kaya ng resort na ito. Actually, pinili ko talaga yung resort na to para nakapag relax ako Kaya hindi ko lang din mapigilan isipin kung bakit hindi ka makapagrelax dito" mahabang sabi niya.
Hindi naman niya ako maiintindihan kung bakit hindi ko magawang mag relax dito. Kahit kailan, hindi magiging relax at kalmado ng puso at buong sistema ko knowing na nandito si Adam at ang buong lugar na ito ay pagmamay ari ng pamilya niya.
"Hindi mo ko maiintindihan." maikli kong sagot.
"Kung sabagay, iba iba naman kasi tayo ng life experiences."
Tumango naman ako sakaniya at pinagpatuloy ang pagkain. Na miss ko ang samgyupsal. Nung napunta ako sa Korea last year ay tsaka ko lang ito nasubukan at buti nalang at maroon na dito sa Pilipinas.
" May I ask if you are currently working, Mich? "
"Kakauwi ko lang ng Pilipinas kaya wala pa pero baka mag start na ako magtrabaho ulit sa company ng Dad ko."
"oh? Kakauwi mo lang ng Pilipinas? Saan ka galing na bansa?" Nagulat niyang tanong saakin.
"Michigan."
"Don't tell me, nag Punta ka sa Michigan Kas Mich pangalan mo?" natatawa niyang Sabi. Di ko mapigilan ang tumawa ng mahina din dahil sa sinabi niya.
"You are funny tho. Pero hindi, I moved there 8 years ago tapos ngayon nalang ako ulit nakauwi."
"Doon ka na Siguro nag-aral, no?" sbai niya at nilagyan na niya ng baboy ang plato ko. Pa tuloy lang sa pagkain habang nagiintay ng mga tanong niya. Ang pagkain naman nya ay hindi pa nababawasan.
"Yep. And doon na din ako kumuha ng experience sa work."
"Ano profession mo?"
"I'm an architect. Ikaw, ano profession mo?" tanong ko naman dahil puro nalang ako nag tinatanong niya. Kahit papano at gusto ko rin siyang makilala.
"Doctor. Neurologist ako sa Manila Hospital." bigla naman ako napatigil sa narinig ko. Grabe, big time pala iting kasama ko. Hindi halata sakaniya.
"Big time ka pala, Doc! You're like my mom! " gulat kong Sabi sakaniya. Natawa naman siya saakin. Ngayon ko lang tuloy napansin ang suot niyang relo, very doctor ang datingan.
"Not really, 3 years palang naman ako Doctor. Ikaw ang big time! Ikaw palang ang kakilala kong architect sa buong buhay ko." Sabi naman niya sakin. Ngumiti naman ako sakaniya dahil sa narinig ko. Talagang natutuwa kasi ako kapag Naririnig ko na cinoconsider nila na isa akong arkitekto.
" Salamat, Doc. 2 years palang naman ako nagwowork as licensed architect." kwento pa.
"By the way, are you staying here na ba or babalik ka pa ng states?" pag babalik niya sa topic namin kanina.
"Baka dito muna ako for some reasons. Sa Manila ako mags-stay since nandon ang company ng Dad ko."
"rich kid."
bulong niya na narinig ko naman. Natawa naman kami pareho sa sinabi niya at nagpa tuloy na kumain.
Sa mga sandaking ito, pakiramdam ko wala akong problema. Para akong nasa ibang Mundo at Tila ba nagsisimulang muli. Hindi naman nga masama pala ang makipag kilala sa ibang tao. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit lagi sinasabi ng psychiatrist ko na lagi akong kumausap ng tao.
*