Kabanata 31

1009 Words
* Be with him "No, Merwin. Hindi ka pupunta ng Isla kasama ang mga kaibigan mo!" Naririnig kong sigaw sa may sala. Malamang ay si Ma'am Angie iyon at ang anak niyang kauuwi lamang ng New York na si Sir Jayson. "Mommy naman, 21 na ko. Kaya ko nang pumunta mag-isa doon sa Isle del Carmel." Maktol ni Sir Jayson. Nandito kasi ako sa may hagdanan nila, naglalampaso kaya rinig na rinig ko ang usapan ng mag-ina. Napahawak nalamang sa baywang itong si Ma'am Angie dahil sa katigasan ng ulo ng anak. Kanina pa kasi sila nagtatalo neto. Nais yatang pumunta ni Sir Jayson sa Isle Del Carmel kasama ang mga kaibigan niya. Malamang ay hang-out na nilang magkakaibigan iyon dahil matagal tagal din nakauwi ng Bicol si Sir Jayson. "No! Masyadong malayo ang Isle del Carmen dito sa lugar natin, Merwin. At isa pa, this place is new from you. Paano kung mawala ka?" "Mommy! Stop it! Hindi na ako baby. Yes, I spend my 12 years in New York pero it doesn't mean na hindi ko na kabisado ang bicol, Mommy!" Katwiran pa neto sa Mommy niya. Napaupo nalamang si Sir Jayson sa kanilang malaki at malambot na sofa dahil na sa sobrang frustration para lang mapapayag ang Mommy niya. Ang Mommy naman niya ay napaayos ng tayo sa sinabi niya pero hindi parin nawawala ang kamay sa baywang. "Exactly my point, Merwin! 12 years kang nasa New York. Ano ang alam mo sa Bicol?" Saad ng mommy nito. "Mom!? Please naman. Hindi ba pwedeng pumayag ka nalang?" Ani Sir Jayson na siguro ay pagid na magexplain ng paulit-ulit sa Mommy niya. Tinapos ko na ang huling hakbangan sa hagdan sa pagpupunas atsaka niligpit na ang mop at basahan sa lalagyan. Ibababa ko na at ilalagay sa likod ng bahay para makatulong na ko sa pagluluto kay Nanay. "Besides, 12 weeks lang ako dito, Mommy. Hayaan mo naman na kong kabisaduhin ang Bicol para sa susunod na uwi ko ay alam ko na ang pasikotsikot dito." Hindi ko maiwasang hindi tumingin kay Sir Jayson na ngayon ay nakatingin sa Mommy niya. Hindi maikakailang gwapo ang anak ni Ma'am Angie at Sir Jaden. Matangos ang ilong, Makikinis at mapuputing kutis, at mas nakapagpaagaw saakin ng pansin ay ang mapupula niyang labi. Hindi ko alam pero nagustuhan ko yung parteng iyon sakaniya. 'Ano ba itong iniisip ko. Masyado na akong magpantasya.' Nang dadaanan na ko sa may sala ay yumuko ako para sa pag-galang at para naman hindi isipin ni Ma'am Angie na nakikinig ako sa away nilang mag-ina. Kahit na ang totoo ay pinakikinggan ko sila dahil hindi naman talaga maiiwasan iyon lalo na at malakas talaga magsalita si Ma'am Angie. "Okay." Rinig ko ng papatapat na ako sa gawi nila. Mukhang pumayag na ang Mommy ni Sir Jayson. "Pumapayag ka na?" Tanong ni Sir Jayson na halatang may excitement sa boses niya. "Yes. Basta kasama si Jaycel." Ani Ma'am Angie. Napahinto ako sa paglakad ng marinig ko ang pangalan ko at napaharap kay Ma'am Angie. Pagkaharap ko naman ay napatingin din sila saakin. "S-Sorry po, Ma'am Angie, S-Sir Jayson. N-Narinig ko po kasi yung pangalan ko. Hindi ko po sinasadyang marinig." Sabi ko sabay tingin sa sahig. Nakakahiya, dapat pala ay hindi na ako huminto. "Its okay, Jaycel. Mabuti nalang pala at narinig mo. I want you to be with Merwin tomorrow. Samahan mo siya sa may Isl---" "Mommmy! Bakit kailangan kasama pa siya?" Putol naman ni Sir Jayson sa mommy niya. "That is my condition, Merwin. If you dont want to bring Jaycel tomorrow, then my decision is you'll stay here all day!" Giit ni Ma'am Angie atsaka nagmartsa umalis. "Ugh!" Sabi niya atsaka napasuklay nalamang sa buhok niya sa sobrang inis. Tutal ay umalis na rin naman si Ma'am Angie ay umalis na rin ako atsaka isinauli na ang mga gamit na ginamit ko panglinis ng hagdan. Iniwan ko na din si Sir Jayson habang naiinis parin sa naging desisyon ni Ma'am. Nakita ko si Nanay na nagluluto doon sa Kusina. "Nay, nakasaing na ho ba?" Tanong ko. "Nako, hindi pa pala anak." Histerikal sabi ni Nanay. "Nay, ako na po." Sabi ko ng akmang iiwan ni Nanay ang niluluto niya. 'Asige, anak. Dagdagan mo na rin ng tatlong gatang dahil magpapakain din si Ma'am angie sa mga tauhan nila sa Rice Mill." Sabi ni Nanay. Tumango ako sakaniya atsaka pumunta sa may lalagyanan ng bigas atsaka iyon hinugasan atsaka isinalang sa may Rice Cooker. "Nanay Lucy, pakihainan niyo nalang po mamaya ang mga tauhan sa Rice mill. Parating na po sila. Aalis lang po ako saglit para kumuha ng pera sa Intercity." Naabutan ko doon si Ma'am Angie na nag-aayos ng bag niya habang may sinasabi kay Nanay. "Osige, hija. Walang problema. Maghahain na ko sa labas." Sagot ni Nanay. Ngumiti naman sakaniya si Ma'am Angie. "Salamat po, Nanay lucy ah. Hindi ko na po kasi maasikaso kasi nagmamadali itong si Larry na papuntahin akk sa Intercity." Paliwanag ni Ma'am Angie. "Nako, walang problema." Sabi ni Nanay. Umalis naman si Nanay para ayusin ang labas at naiwan ako doon sa may likuran ni Maam Angie. "Ma'am, sasamahan ko po ba talaga si Sir Jayson bukas?" Tanong ko. Napaharap naman siya. "Ikaw pala, Jaycel. Oo. Please be with him. Gusto ko kasi safe siya kaya gusto kong isama ka niya. Kung yon ay ayos lang naman saiyo." Ayos lang naman sakin kung samahan ko si Sir Jayson bukas ngunit pakiramdam ko ay hindi iyon ayos kay Sir Jayson. "W-wala pong problema. Pero kasi po, mukhang ayaw po ni Sir Jayson na isama ako." Sabi ko. Hindi naman sa nagsusumbong ako ngunit yun kasi ang pakiramdam ko. "Dont worry. Ako na ang bahala. Kakausapi ko siya pagkauwi. But for now, uuna na ko dahil kanina pa ko tinatawagan ni Larry. Excuse me, Jaycel." Sabi ni Maam atsaka umalis kaagad. Ngumiti nalang ako habang pinapanuod ang likod ni Maam angie na papaalis. Bumalik na ako sa trabaho ko dahil marami pang trabaho ngayon sa loob ng Mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD