Kabanata 30

812 Words
"Alam mo, Ikaw? Napakasinungaling mo talaga, 'no?" Bulyaw ko sakaniya pagkakita ko sakaniya sa may Parking lot. "Ano nanaman ba?" Tanong niya. "Tintanong mo pa talaga ako ah? Ikaw na nga itong nakikipagmake out sa may University Garden e!" Sigaw ko pa sakaniya. Pumasok kami sa may kotse niya at inistart niya ang kotse niya. "Ano naman? Lagi naman akong ganon." Presko niyang sabi. "Ewan ko sayo! Sabi mo magkita tayo sa Parking lot pero makikita kitang nasa Garden at nakikipaghalikan? Tanga ka talaga no?" Giit ko pa sakaniya. Nagdrive na siya palabas ng University. "Anong magagawa ko? Eh finlirt niya ako e." Sabi pa niya. Aba! Proud pa ang loko. Napakalandi talaga ng lalaking to! Akala mo napakagwapo niya para makipaglandian sa kung saan saan! Ugh! "Ay nako, bahala ka na nga. Palibhasa tanga ka kaya ka ganyan e. Di nagiisip." Sabi ko naman atsaka humarap nalamang muli sa may bintana. Lagi ko naman siyang pinagsasabihan sa mga ganoong bagay pero lagi nalang siyang di nakikinig saakin. "Ano naman sayo kung nakikipagflirt ako? Nagseselos ka ba?" He asked. Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya at agad na napaharap sakaniya. Tinampal ko naman ang braso niya. "Ang kapal mo ah!" He just laugh at me and drive way to restaurant. Tumingin nalamang muli ako sa bintana ng kotse niya habang bumibiyahe papunta sa may kakainan namin. Tahimik lang kaming dalawa. Buti naman dahil kung hindi ay baka mag-away nanaman kaming dalawa! Hmp! Minsan talaga gusto ko magkaaway kami netong si dylan para naman nakikinig siya sakin kahit papaano! "We are here." Sabi naman niya. Napalingon naman ako sa harap at nakita kong dinala niya ako sa isang filipino style restaurant. "Bakit dito?" Tanong ko namab sakaniya. "Ayaw mo?" Tanong rin niya. Napairap naman ako sakaniya. "Sagutin daw ba ako ng tanong rin!" Bwisit kong sabi sakaniya. Pinark na niya ang kotse niya sa harapan ng restau. "Gusto ko rito e." Sagot naman niya. "Nakakapanibago ka naman, mas gusto mo kaya sa seafoods o kaya sa Thai foods pero ngayon naman filipino. Di mo sinabi, sana pinagluto nalang kita sa bahay niyo." Sabi ko naman sakaniya. Pinatay na niya ang makina ng kotse niya atsaka naman siniguradong sarafo ang pintuan sa likod. Akmang aalisin ko na ang seatbelt ko ng hawakan naman niya ang kamay ko. Ewan ko pero biglang bumilis ang t***k ng puso ko sa lapit ng mukha niya saakin. May kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng hawakan rin niya ang kamay ko. Nakita kong nakatuon ang mga mata niya sa labi ko. Parang gusto niyang halikan yon. Rinig na rinig ko na yung pintig ng puso ko. At kitang kita ko ang paglunok niya. Unti unting lumapit ang mukha niya saakin at hindi ko alam pero napapikit ako sa paglapit niya. Hindi ako nagkamali dahil lumapat ang labi niya sa labi ko. He kiss me slowly and i kiss him back. Pumulupot ang mga braso ko sa batok niya habang ang kamay niya ay nasa may magkabilang pisngi ko. Parang noon lang nagagalit ako kapag hinahalikan niya ako. Pero ngayon naman ay parang gustong gusto ko. Baliw na yata ako. Binabaliw mo ko, Dylan sa simpleng paghalik mo sakin. Naramdaman kong ngumiti siya sa gitna ng halikan namin kaya napatigil na ko. "Let's eat now." Sabi naman niya habang nakangiti. Bigla namang namula ang mga pisngi ko sa nangyari. Tinanggal na lamang niya ang seatbelt ko atsaka naman humalik muli sa pisngi ko bago buksan ang pinto. Di ko alam pero ang sweet ng ginawa niya saakin. Pagkabukas ng pinto ay lumabas ako agad atsaka naman niya sinara ang pinto. Nauna akong maglakad sa may restau pero nakakailang hakbang palang ako ng hilahin ni Dylan ang kamay ko kaya napaurong ako at tumama ako sa dibdib niya. "Sabay tayo. Date nga e." Sabi niya atsaka ngumiti. Umakyat nanaman yata ang lahat ng dugo ko sa mukha ko. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso sa may bewang ko. Mahigpit iyon kaya napatingin ako sakaniya. "Akala mo naman mawawala ako sa higpit ng hawak mo." Sabi ko sakaniya. Napatingin siya saakin habang nakangiti. "Baka maagaw ka sakin dito e. Mahirap na." Presko niyang sabi sakin. Siniko ko nalamang siya. "Loko ka talaga!" Sagot ko sakaniya. Tumawa nanaman siya. Tsk, ang saya naman nere! "And besides, ang sexy mo pala." Sabi niya. Inirapan ko nalamang siya. Pagpasok namin sa loob ay inanyayahan kami nung babae sa isang table at hinintay ang order namin. Si Dylan naman ang umorder saamin kaya okay na sakin. Pagkasabi niya non ay umalis na ang babae. "Dylan, next week uuwi ako sa farm namin. Magb-birthday si Kuya e." Sabi ko sakaniya. "Sino kasama mo?" Tanong niya. "Baka ako lang kasi mauuna na si Mommy doon sa Farm dahil siya ang magaasikaso ng party ni Kuya. Imbitado kasi lahat ng nagtatrabaho sa Farm e." Sabi ko. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD