Umalis na din si George pagka tapos nyang sabihin iyon. Ilang minuto ko nakita ang sarili ko na tulala at iniisip iyon. Hindi ko lang kasi mapigilan isipin kung matagal na bang nakikita ni Adam si Jewel. Well, Jewel is a popular girl Kaya nga siguro kahit sa ibang school ay kilala siya. Palibhasa ay cheerleader captain siya. Bata palang kami ni Jewel ay napansin ko na ang hilig niya sa pagsasayaw at Mas nahubog yon ng sumali siya sa cheerleading.
Napagdesisyunan ko nalang na pumunta sa banyo dahil gusto ko maghilamos at para na rin umihi. Pakiramdam ko ay napapa sobra ako sa inom Kaya naman gusto ko nang magpasa-sober. Hindi na ako nag-abala pa na hanapin si Adam dahil nakita ko siya kanina na na doon sa bandang sulok ng bar na may mga nakapalibot na mga babae. Maling mali talaga na sumama pa ako dito. Dapat talaga ay gumawa nalang ako ng mga articles na ipapasa ko sa org namin para sa next week na issue na ilalabas.
After I peed, I was about to go out when I heard a familiar voice. Hindi ko tuloy tuluyan binuksan ang cubicle.
"That was fun!" rinig kong Sabi ng isang babae. Halatang enjoy na enjoy ngayong gabi.
"Yes, right? Mabuti pala at pinayagan ka ng Daddy mo, Jewel?" rinig ko pang boses ng isang babae. I was right, it's jewel. Kasama niya ang dalawang kaclose niyang cheerleader. If I am not mistaken, that was Tiffany and Regina.
"Of course. Basta ako nag papaalam kay Daddy, hindi siya nakakahindi sakin." ang sweet ng boses ni Jewel talaga kapag si Daddy ang pinag-usapan. Hindi ko nanaman maiwasan ang makaramdam ng inggit.
"Ang lakas mo talaga sa Dad mo! “ kantsaw naman ni Tiffany sakanya. Nagtawanan sila doon. Napaupo naman ako sa isinara kong water closet.
" Alam niyo naman na ako lagi ang pinapaboran ni Daddy. " dagdag pa ni Jewel.
" I feel sorry for your twin sister. Siguro kung ako siya ay namatay na ako sa inggit." Sabi ni Regina. Napayuko ako sa narinig ko. Alam pala nila ang nangyayari sa bahay. Hindi malabo na buong cheerleading team ay hindi alam iyon.
"don't feel sorry for her. She deserves all the hate after all." seryoso ang boses nang sabihin iyon ni Jewel. Biglang nag-init ang gilid ng mga mata ko at naramdaman ko ang pamumuo ng luha doon.
"I hate her at araw araw ko nalang hinihiling na sana hindi nalang siya ang naging twin sister ko." dagdag ni Jewel. Doon alam ko na hihikbi na ako dahil da pagpipigil ng iyak mabuti nalang ay napigilan ko. Hanggang sa makaalis sila ay hindi pa ko lumalabas ng banyo. Nanghihina ang tuhod ko sa mga naririnig ko. Ang daming taon na ang lumipas pero sariwa parin ang sugat sakin ng nakaraan.
Ilang minuto pa ko umiyak bago ko napagdesisyunan ang lumabas at bumalik sa may table namin. Mabuti nalang ay madilim dito Kaya hindi mahahalata ang mata ko. Pag balik ko doon ay nandoon na si Adam at nakikipagkwentuhan naman kay George. Naupo nalang ako at patingin ko sa relo ko ay alas dos na pala ng Umaga. Panigurado ay nakauwi na si daddy. Nag text nalang ako sa kanya na may biglaan akong sleepover. Hindi naman niya iyon papansinin panigurado.
"George?" may babaeng tumawag sa pangalan NI George Kaya naman pahinto sila ng kwentuhan at na patingin dito. Pag tingin ko ay si Regina! Kasama niya sila Jewel Kaya bigla akong napatayo sabay talikod sakanila.
Damn!
Nararamdaman ko ang kaba sa puso ko kaya naman hindi ko alam ang gagawin ko. Kung meron man akong gagawin ay dapat ay umalis na ako dito!
"Regina? Long time no see!" bati naman ni George sakanya.
"Yeah. This is Tiffany and of course, Jewel." pagpapakilala nito sa mga kaibigan niya. Pakiramdam ko ay mag kaklase dati sila Regina at George Kaya naman ganito ang eksena nila.
"Yeah, I know you, girls. The amazing cheerleaders of UST." Sabi ni George sabay naman tawa Kaya naman napatawa nalang din ung ibang babae. Habang nagkukwentuhan sila ay unti unti akong naglakad papalayo sakanila. Plano ko na ang lumabas atsaka nalang mag-taxi pauwi dahil ayoko naman mangistorbo pa kay Adam Lalo at ka harap na niya si Jewel. It's his time to shine!
Unti unti akong nakikigulo sa dancing crowd Kaya nahihirapan ako magka labas. Hay nako bakit ko ba ito ginagawa sa sarili ko. Halos mahulog ang salamin ko sa mga nagsasayaw na tao. Hindi Bale na, basta ang kailangan ko ay makaalis na dito sa lugar na to. Biglang may nakabunggo sakin at muntik na akong matumba. Tinanggal ko ang salamin sa mata ko dahil baka mabasag. Kahit malabo ang nakikita ko ay nagpa tuloy ako pero nabubunggo parin ako.
May biglang humawak sa palapusuhan ko kaya naman napatigil ako at pagtingin ko ay si Adam pala iyon. Wala siyang sinabi at bigla nalang ako hinatak papunta sa labas. Ilang saglit lang ay nakalabas na kami. Masyado ang hingal ko sa ginawa niyang pagkaladkad saakin. Grabe!
“Pwede bang umuwi na ako? Hindi ako pwedeng maunahan ni Jewel. Mag-grab nalang ako" Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko dahil sa hingal. Sinuot ko na ulit ang salamin ko. Hindi siya nag Salita Kaya naman nagpunta na ako sa may abangan para mag-book sana pero hinatak nanamn niya ako. Masakit na braso ko kakahatak niya sakin!
Nakarating kami sa parking. Hindi ako sumasakay at tumayo lang ako doon.
"Bumalik ka na sa loob. Mag-grab nalang ako, Adam." Sabi ko sakanya. Seryoso yung mukha niya. Pakiramdam ko ay naiinis siya saakin.
"Hatid na kita." simpleng sagot niya lang.
"Hindi na. Okay lang ako. Atsaka sayang naman na doon na si Jewel sa harap mo. Kausapin mo na." Sabi ko naman sakanya. Kinuha ko ang phone ko para mag book na ng grab.
"ihahatid na kita. Sumakay ka na." ma-awtoridad niyang sabi sakin pero hindi ako tumigil dahil ayoko na talaga siyang abalahin.
"Sumakay ka na, Michelle." Sabi niya pa atsaka ako pinagpilitang isakay sa sasakyan niya.
"Ano ba, uy!"
Umikot na siya sa kabilang pinto Kaya wala naman na akong nagawa kung hindi ang intayin siya makapasok sa loob. Napabuntong hininga nalang ako nang pinaandar na niya ang sasakyan.
"Wag kang magagalit sakin ha. Ikaw nagpalampas ng pagkakataon na to." Sabi ko sakanya. Seryoso parin mukha niya at hindi ko alam bakit ba siya Ganon. Kung sabagay masungit naman nga pala talaga siya.
"Marami pa namang pagkakataon" Sabi niya lang. Tumango tango naman ako sakanya. ANG ganda ng Manila talaga kapag gabi. Yung mga ilaw yung nakakapagpamangha talaga sakin Lalo ang mga building na matataas.
"Adam may tanong pala ako." Sabi ko sakanya.
"What is it?" sagot naman niya.
"How did you knew Jewel?" tanong ko sakanya. Nakita ko ang paglunok niya sa tanong ko. Wala lang, gusto ko lang sana malaman although pwede namang dahil famous nga siya.
"Why? Is it not obvious?" masungit nanaman niyang Sabi. Napairap nalang ako at napabaling sa daanan.
"Wala naman. Maybe I'm just curious." simpleng sagot ko sakanya. Hindi siya agad sumagot. Ilang minuto ang lumipas.
"She's famous that's why." bigla niyang Sabi. Tama nga ako. Why did I even bothered to ask.
"I knew it." mahina lang na Sabi ko. Sapat lang para ako ang makarinig.
"Hindi ka kasi famous" Sabi ni Adam and he even chuckled!
Napaharap ako sakanya at inirapan siya. Gusto ko siyang hampasin pero naalala ko na hindi nga pala kami close baka bigla akong ibaba neto.
"Ano naman? I like it tho. Simple atsaka tahimik na life lang. Do you like being famous?" I asked him.
"Sometimes." He answered. Kung sabagay may mga privilege kasi ang mga famous. Hindi man natin sabihin pero minsan talaga lamang ng mga kilala ang mga masipag at matalino. Unfair ha.
Okay lang sana if famous man si Jewel sa ibang mga tao, basta ba kay Daddy pantay sana kami pero hindi. I'm still left behind. I'm still a loser. How I wish my life was easier.
"Do you have plans tomorrow?" tanong naman niya saakin . Oo nga pala weekends Kaya walang pasok.
"Baka gumawa ako ng mga articles. Ipapasa na kasi sa Monday. Bakit?"
"Make breakfast tomorrow and clean my place." Sabi niya. Ang kapal ng mukha talaga!
"Excuse me? Hindi mo ba nadinig na may gagawin nga ako?" pagsusungit ko rin sakanya.
" I heard. You can do it after." Sabi pa niya. Namimihasa na talaga sya. Matapos niya ako ayain sa gimik at pauwiin ng 2am ay gusto pa niya na gawan ko siya ng breakfast? Nahihibang yata siya!
" I'm not sure. Almost 3am na rin. Maybe lunch?" I negotiated.
" Okay. " Sabi niya. Buti naman ay pumayag siya kung hindi ay lunch parin ako pupunta sa condo niya. Gusto ko nalang talaga tapusin na itong kontrata ko sakanya! Gusto ko na ulit matahimik ang buhay ko!
Ilang saglit pa ay nakarating na ako sa Bahay. Nagpasalamat lang ako atsaka naman umalis na siya Kaya naman pumasok na rin ako sa loob. Pagdating ko ay sarado na ang mga ilaw at wala pa ang sasakyan ni daddy. Baka nasa office parin siya.
Pagdating ko sa kwarto ko ay saktong pagdating naman NI jewel. Sinilip ko ulit siya sa bintana at nakita kong hinatid siya nila Regina. Mukhang lasing dahil pagewang pa siyang maglakad. Gusto ko siyang tulungan Kaya naman bumaba ako para salubungin siya. Tama ako dahil pagbaba ko ay nakahiga na sya sa may sofa namin. Pag nakita siya ni Daddy na ganito ay baka mapagalitan pa siya o baka si Nanay Flor pa dahil hindi sya inasikaso.
"Jewel." tawag ko sakanya. Umungol lang siya at hinawi ang buhok niyang humaharang sa may mukha niya. Namumula siya dahil na rin panigurado sa alak.
"Jewel, Tara na. Akyat na tayo." Aya ko sakanya atsaka siya inalalayan tumayo. Mabuti nalang at nakisama naman siya. Pag dating sa kwarto niya at inihiga ko agad sya sa kama niya. Bagsak na bagsak ang katawan niya. Inayos ko lang ang higaan niya at kumuha ng pamalit niya para naman maginhawahan siya.
Pagkatapks ko siyang punasan at palitan ng damit ay alam kong nahimasmasan na siya dahil nagising siya pero lasing parin.
"What are you doing here, loser?" Sabi niya. Baka sa boses niya ang pagkahilo mula sa alam Kaya hindi ko nalang pinansin iyon.
"Don't touch me" pagiinarte niya nang punasan ko ang mukha naman niya dahil Namumula parin siya. Tinabig pa niya ang kamay ko dahil nga hilong Hilo pa siya.
Habang pinupunasan ko siya ay nagulat ako nang lumakas ang pagtabig niya sa kamay ko kaya naman na ibaba ko ang bimbong hawak ko sa sahig.
"Don't touch me! I hate you! You're a loser!" pagsisigaw niya. Ganito ba talaga kapag lasing? Kung ano ano ang sinasabi. Nakita k ona umiiyak siya. For some reason, hindi ko alam kung bakit pero may kutob na ako.
"I sued you for life, Michelle! I hate you!" Sabi nito. Umiiyak siya at humahagulgol. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Jewel, wag ka nalang ngang malikot!" Sabi ko sakanya at nagsubok ulit na punasan siya pero tinabig parin niya iyon.
"Ano ba!?" sigaw ko sakanya pero hindi parin siya tumitigil umiyak! Naiinis na ako skanaiya dahil ako na nga ang nagmamalasakit sakanya!
"I hate you. You killed..." napahinto siya sa sinasabi niya. She is sobbing. Alam ko naman na sasabihin niya. This even happened before nung malasing din siya. Last time na na lasing siya, she was devasted and even ended up in the hospital. Tapos pagka gising niya, she's telling dad how upset she is dahil sakin kahit na wala namna akong alam sa mga sinasabi niya that time.
"Jewel, pwede ba..." halos hindi ko masabi ang mga susunod na Salita dahil naiiyak na rin ako. She will just blame me over and over again. Paulit ulit nalang Kaya paulit ulit nalang din ang sakit na saakin. Gusto ko nalang di naman ang maka-move on.
"You killed Mom...leave!"
*