Pag-gising ko ay tumatama na sa mga mata ko ang araw. Nakalimutan ko pala isara ang kurtina ko kagabi. Pag tingin ko sa side table ko, nakita ko na 7:34 palang ng Umaga. Gusto ko pa sana matulog dahil anong oras na rin ako nahiga kaninang madaling araw. Naka ramdam ako ng pagod nang tumihaya ako at napatulala sa kisame.
Wala naman akong naiisip sa ngayon. Gusto ko lang tumulala saglit. Siguro naman ay normal lang ito. Kung hindi man, hindi ko na rin alam. Ang soothing lang kasi tumulala Lalo at weekends ngayon. Walang hinahabol na oras at walang masyadong kailangan gawin.
Ilang minuto pa ng pagmumunimuni ko ay nag desisyon na rin ako tumayo at naligo na rin ako sa banyo para magising ang diwa ko. Mabuti nalang din ay hindi ako Nagkaroon ng hang over sa kagabi. Mahihirapan ako gumawa ng article kung sakali man. Nag tagal ako sa loob ng banyo dahil gusto ko mag relax. Kapag katapos ko maligo ay nagbihis na ako ng pambahay. Gagawa muna siguro ako ng article bago ako pumunta sa condo ni Adam.
Pagbaba ko sa kusina ay nakaluto na pala si Nanay Flor Kaya naman kumain na rin ako. Wala si Daddy dahil kakaalis lang daw kasi may meeting siya. Ako lang mag-isa ngayon ang kumakain nang biglang bumaba si Jewel. Naka hawak ito sa ulo niya atsaka naman halos nakapikit pa ang mata. Siguro ay masakit ang ulo niya dahil sa hang-over.
"hang-over?" I bothered to ask kahit na alam ko naman na oo. Hindi ko alam kung nakita ba niya ako kagabi pero sana ay hindi.
Napalingon siya sakin at tumango naman. Lumapit sya sa table atsaka naman naupo sa upuan. Nagkaharap lang kami dahil parehong dulo ang inuupuan namin. Bigla siyang dumukdok sa hapag Kaya naman tumayo na ako para kumuha ng Plato at baso ng tubig para maka inom na sya.
"inumin mo yung tubig tapos kumain ka na para may laman yung tiyan mo kapag uminom ka ng gamot." Sabi ko naman sakanya. Ayoko mag mukhang concern ako sakanya dahil ayaw niya na Ganon ako sakanya. Kahit naman masama siya sakin ay mahalaga parin siya sakin.
Sinunod naman niya ang sinabi ko kaya wala ring naging problema doon. Ipinagpatuloy ko naman na ang pagkain ko. Ngayon nalang ulit ako nakaka in ng breakfast na may kanin at ulam talaga. This week kasi puro ako cereal dahil laging nagmamadali para may mahiram na libro.
Pag tapos ko kumain ay niligpit ko na rin ang pinagkainan ko. Nagtimpla ako ng kape para iakyat sa kwarto ko. Doon ko na iinumin yon habang nag-gagawa ng article. Habang hinihintay ko mag-brew yung coffee ko ay tumunog ang phone ko. May nag text pala sakin.
ADAM:
Don't forget my lunch.
Napairap naman ako ng nabasa ko yon. Nabasa ko palang iyon ay nasisira na agad ang araw ko. Akala mo siya prinsipe kung maka-utos. Gusto ko nalang talaga mabayaran siya pero last time na chineck ko yung price ng shirt niya ay nalula ako. Wala ako ganong pera at kapag kumuha ako sa savings ko ay paniguradong malalaman na yon ni Daddy.
Hindi ako nagreply at umakyat na pagka tapos mag-brew ng kape ko. Naiwan rin si Jewel sa hapg at mukhang Kaya naman na niya ang sarili niya. Well, ginusto nyang uminom Kaya naman panindigan niya iyon.
Ilang oras ang lumipas at nakaka-isa palang ako ng natatapos na article. Dalawa ang kailangan ko ipasa. Pero dahil mag 11am na rin ay nagpasya na ako magbihis para pumunta sa condo ni Adam. Nag suot nalang ako ng pants atsaka simpleng tshirt at nag doll shoes nalang ako. Pag tapos ay nag pahatid na ako kay Manong.
Pagdating ko sa condo ni Adam ay bukas na iyon dahil iniwan na ni Adam na bukas dahil nag text naman ako sakanya na papunta na ako. Hindi ko siya nakita pagka pasok ko. Siguro ay natutulog pa siya Kaya naman hindi ko na siya ginulo. Dumiretso ako agad sa fridge niya para tignan kung ano pwedeng lutuin at wala akong napala doon. Sobrang empty ng refrigerator niya. Akala mo x-ray!
"Adam!" tawag ko sa labas ng pintuan ng kwarto niya. Naka ilang ulit yon hanggang sa kinatok ko naa siya ng paulit-ulit.
"Ano ba?" naiirita niyang tanong nang buksan niya ang pintuan. Gulo gulo pa ang buhok niya at halata ng kakagising lang niya. Biglang nag init ang ulo ko nang sigawan niya ako. Talagang pag sa taong to sumasama ang ugali ko. Nakakairita.
"Wow ha!? Pasensya na po. Tanghali na po kasi at wala pa ako mailuto sainyo po dahil walang laman po yung ref niyo!" Sabi ko naman sakanya at sinadya kong maging tunog sarcastic.
"Diba Sabi ko sayo ikaw na ang bahala ngayong lunch?" kung pwede lang siyang sampalin ginawa ko na para magising siya kasi parang tulog pa yata ang utak niya.
"Paano nga ako magluluto kung wala akong lulutuin?" paguulit ko sakanya. Kelan pa naging mahina utak neto?
"So? What do you want me to do?" naiirita niyang tanong sakin. Inirapan ko nalang siya.
"Maligo ka na, mag grocery muna tayo." Sabi ko sakaniya. Nung una ay ayaw niya pang sumunod sakin pero malaon ay lumabas siya na dala ang tuwalya niya para maligo.
Habang hinihintay siyang matapos ay nagligpit muna ako. Madami siyang kalat sa totoo lang pero hindi naman nga pagkain yon kung hindi mga papers. Yung Ilan ay yung research subject namin. Masipag naman siya mag aral at halata naman sakaniya iyon dahil isa si Adam sa mga studious student sa school namin.
Itinaas ko ang blinds ng bintana niya at nakita ko ang ganda ng Manila. Grabe, ang ganda pala ng view dito. Ang ganda ng spot dito para maggpaint or mag sulat. Hay, gusto ko rin ng ganitong nook at view.
Pagka tapos niya maligo at lumabas na rin siya. Naka suot lang siya ng black na polo atsaka shorts atsaka siya nag-crocs lang. Akalain mong bagay sakaniya ang crocs. Inaya na niya ako sa parking lot.
Dito kami sa Landers nakarating dahil Sabi ko sakaniya ay kailangan niya ng stocks sa condo niya. Mukhang ilang taon na siyang hindi nagggrocery sa sobrang walang laman yung kitchen niya. Pagka rating naman namin sa loob ay agad lang kami Dumiretso sa row ng mga kape, condiments, tinapay, pasta, rice at kung ano ano pa. Pati na rin mga gulay at frozen foods at bumili na rin kami. Dito ko na rin binili yung mga basahan Kaya naman naging isa lang lakad na ginawa namin.
"Do you like fettuccine or spaghetti?" tinanong ko siya habang nasa aisle kami ng pasta atsaka sauce.
"Any." mailing sagot niya lang. Kumuha ako nang pang fettuccine dahil iyon ang specialty ko sa dalawa. Nagluluto rin naman ako ng spaghetti pero Mas masarap ako mag fettuccine Sabi ni Nanay Flor.
"Kumuha ka na ng Milk na gusto mo, Adam." Sabi ko naman sakaniya pagdating sa milk aisle. Kumuha naman ako ng Almond milk atsaka SILK milk para sa Iced coffee ko. Ako magbabayad nung kinukuha ko para sa sarili ko.
Kumuha lang siya ng Full Cream milk atsaka naman ng Fortified Milk. Hindi ko na siya pinakialamanan dahil baka iyon talaga ang preference niya.
"Where did you learned how to cook?" tanong niya. Nang tignan ko siya ay hindi siya nakatingin sakin. Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang tumitingin ng tinapay.
"Sa Yaya ko. Atsaka minsan sa YouTube lang." kwento ko naman.
"Buti may kumakain?" napairap nalang ako sa narinig ko. Napakabwisit talaga ng Fila nitong taong to.
"Tama ka. Wala naman talaga kumakain Kaya hindi ako maiinis sayo this time. Tss." Sabi ko naman atsaka ko tinulak na yung cart papunta naman sa mga sabon.
"Bakit? Hindi masarap no?" pang-aasar pa niya ulit. Kumuha ako ng mga hand soap atsaka naman ng mga panlinis na rin ng banyo.
"I don't know. Lagi ako walang kasama sa bahay Kaya ako lang din kumakain ng niluluto ko. Don't worry kapag hindi masarap yung lulutuin ko ngayon, itapon mo nalang tapos wag mo na ako guluhin ha?" sarcastic kong Sabi nung ba dang huli. Sa totoo lang, Nagluluto ako kapag may occasion or kapag gusto ko mag celebrate ng small or big victories ko Lalo sa school pero wala ako nakakasama kumain non dahil busy si Dad tapos si Jewel naman sa mga restaurant kumakain.
Hindi na siya natanong pa Kaya naman nagbayad na siya sa counter. Sabi niya siya na rin daw magbabayad ng mga kinuha ko kaya hindi na rin naman ako tumanggi pa. Dito na rin kami kumain sa loob. Umorder lang kami ng pizza atsaka ng bucket of chicken. Sa dinner ko nalang siya lulutuan ng adobo. Yun daw kasi gusto niya.
"Kelan mo pala balak I-date si Jewel?" tanong ko habang kumakain.
"Why?"
"para mapaghandaan ko. Hindi kasi kami masyadong close ni Jewel, just so you know." kwento ko sakaniya. Para namang hindi siya nagulat doon sa sinabi ko. Well, halata naman dahil hindi nga kami nagpalansinan non sa room e.
"Baka sa next Saturday?" Sabi naman niya. Tumango naman ako. May ilang araw pa ako bago sabihin kay Jewel. Hindi ko alam if papayag yon pero bahala na.
"Paano kapag hindi siya pumunta?"
Napatigil siya ng kain atsaka nag seryoso ng tingin saakin.
"You're dead."
Inirapan ko siya. Akala mo naman talaga kaya niyang gawin yung sinasabi niya. Tss kapal ng mukha niya.
"Hindi ko kasi sure kung nakakausap ko siya pero ttry ko." simpleng Sabi ko sakaniya. Kumain lang kami hanggang sa napagdesisyunan namin ang umuwi na rin.
"bigay mo kay Jewel to. SIGURADUHIN mong it text niya ako mamaya." sabay abot sakin ng number niya.
*0