Kabanata 17

2673 Words
Kanina ko pa tinitgnan ang binigay na papel saakin ni Adam na papel kung saan nakasulat ang number niya. Pinag-iisipan ko pa kasi kung ibibigay ko nga ba iyon kay Jewel or hindi. Panigurado kasi na hinmdi naman iyon papansinin ni Jewel dahil nga hindi naman siya malanding babae na papatol sa iba habang may boyfriend siya. Which is one of here good traits, kahti papaano. Tumayo ako atsaka naglakad lakad sa loob ng kwarto ko. Pabalik-balik ako na akala mo naman ay nakakatulong itogn ginagawa ko. Maski ang mannerism ko ay ginagawa ko na dahil hindi ako makapag-isip ng matino, ang pagkagat sa kuko ko. Ugh! Na-sstress ako at naiinis ako kay Adam at the same time. Bakit ba naman kasi ako pumayag sa ganitong set-up. Kinuha ko ang papel at ang cellphone ko at naisip ko na ako nalang muna ang magtext sakaniya gamit ang isa kong phone na luma. Siguro ay ako nalang muna ang magiging text mate ni Adam. Atsaka ko nalang sasabihin kay Jewel kapag okay na kami. Hindi naman magtatagal ay siguro naman mabbayaran ko na rin ang nagawa ko sa tshirt niya. Kung hindi man, kukuha nalang ako ng tutor para makaipon ng pambayad. Hindi na kinakaya ng anxiety ko ito kaya naman nagsimula ako magtype ng sasabihin sakaniya. To: +639166869*** Hi, is this Adam? Para kong tanga sa una kong message pero okay na rin siguro ito para naman hindi niya mahalata na ako iyon. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko at hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ni Jewel kapag nalaman niyang nagpapanggap akong iba at hindi lang iyon, para pa sulutin siya! Napapasapo nalang ako sa noo ko nang marealize ko iyon.  Tumong ang phone ko at nakita kong si Adam iyon. Kabado kong binuksan ang phone ko. Fr: +639166869*** Yes. Is this Jewel? Malamang, sino pa ba? Si=iguro ang daming ineexpect nitong taong to kaya naninigurado pa. Tss, kapag talaga sinaktyan nito ang kapatid ko, lagot siya kay Daddy! Pero hindi ko naman balak na paabutin pa doon dahil malaking gulo iyon atsaka kapag nakapag-date na sila ng tatlong beses, okay na. We're quits. Iyon naman ang sabi saakin ni Adam. I just need to set-up three dates. To: +639166869*** Yes. Do you need anything? Wala pang isang minuto ay naka-reply na ito agad kaya agad ko rin naman iyon tinignan. Grabe, wala siguro itong ginagawa ngayon. Buti nalang pala tapos na ako sa mga articles na ipapasa ko sa isang araw. Linggo palang kasi bukas at balak ko naman na simulan ang project namin sa Chemistry bukas.  Fr: +639166869*** Nothing. I just want to meet you.  Wow, ang landi ng datingan ha. Hindi ko akalain na ganito pala siya kalandi sa mga babae. Si Adam aksi yung akala ko ay tahimik lang dahil nga mahilig din siya mag-arl pero parang mali yata ang pagkaka-kilala ko. Hindi ko naman akalain na ginagamit niya rin pala ang pagiging famous niya para sa mga babae. To: +639166869*** We're classmates tho. Lol. Try ko kaya nag mag-sungit para Jewel na Jewel? Oo tama kasi hindi naman talaga palakibo sa ibang tao si Jewel. She's a b***h kaya! Hindi dapat ako amging nice dito kay Adam dahil baka mag-assume siya na crush siya ni Jewel.  Fr: +639166968*** Yeah, i just hope we become close.  Gusto kong sumigaw na ang landi niya! Pero hindi ko ginawa dahil narinig ko si Jewel na dumating. Hindi naman siya pumasok sa kwarto ko. Well, hindi namna talaga yon papasok. Ibinaba ko na ang phone ko at hindi na pinansin pa ang sinabi ni Adam. Maghahating gabi na rin pala kaya naman nagdesisyon na rin akong matulog.  Pagdating ng Lunes ay maaga ako pumasok ulit sa school dahil sasamahan ko si Min para gumawa ng assignment namin sa Pre-Calculus. Malapit na rin kasi ang Midterms kaya tinuturuan ko na rin siya hangga't maaga dahil kapag nag-focus na ako sa pag-aaral ay hindi ko na siya matuturuan. PEro never nangyari iyon dahil kapag si Min ang nag-rerequest ay Oo agad ko dahil kaibigan ko siya at alam kong kailangan niya talaga ako.  "Alam mo girl, malaking gulo yang ginawa mo." Nakwento ko kasi kay Min ang ginawa ko kagabi para lang hindi maghintay si Adam kay Jewel.  "Alam ko naman iyon pero bigyan mo lang ako ng time." sabi ko naman saknaiya. Pakiramdam ko kasi sobrang kulang ako ngayon sa araw kaya at dahil na rin naman iyon sa pressure ko kay Adam kaya naman ganon nalang ang naisip kong gawin. Kung may ibang paraan lang, gagawin ko naman kaya alng yung isang paraan na alam ko, mapapahamak lang ako kay Daddy at iyon naman ang pinaka-ayokong mangyari. "Bakit kasi hindi mo nalang sabihin kay Adam yung totoo? Papahiramin nalang kita ng pambayad dun sa damit na natapunan mo ng juice. BEsides, may ganon din akong damit at nadadaan naman sa laba yung mga ganong stains." sabi naman ni Min. Alam ko naman papahiramin niya ako pero nahihiya ako lalo at ako naman ang may kasalanan nito kaya dapat ako rin ang umayos. Hanggat maaari, gusto ko lang itong wakasan ng hindi kailangan gumastos or maglabas man ng pera.  "Alam ko naman na papahiramun mo ako pero ayoko lang kasi na istorbohin ka. Atsaka hindi rin naman ito magtatagal, okay?" paniniguyrado ko sakaniya. Totoo naman na kailangan ko lang ng time. Ang dapat kong gawin dito ay siguraduhin na hindi ako mahuhuli ni Jewel sa mga ginagawa ko. Mahirap pero hindi naman imposible.  "Hay nako ewan ko sayo, girl!" frustrated din siya katulad ko.  "Basta, Min, tulungan mo nalang ako okay?" sabi ko sakaniya. Hindi ko alam kung paano niya ako tutulungan pero sinabi ko parin iyon at hindi naman din siya tumanggi kahit na natatakot rin siya para sa plano kong ito.   Nandito na kami sa room at nagsimula nang magklase anf teacher namin. Buong klase ay nakikita ko si Adam na nagnanakaw ng tingin kay Jewel. Siguro ay un comfortable siya dahil sa mga sinasabi niya? Huh, ayan ang landi mo kasi. Si Jewel naman ay busy sa pakikinig sa teacher namin at nagsusulat pa ito ng notes niya sa IPad niya. Ako lang yata nag hindi makapag-focus dito kaya naman itinigil koi na ang pagtingin din kay Adam atsaka naman nagfocus na rin .  Nang matapos naman ang klase ay nagdesisyon kami ni Min na kumain sa may canteen. BAgo pa man lumabas ay napansin ko si Adam na nakaupo pa at hawak ang phone niya. Hindi ko alam pero feeling ko ay si Jewel nag itetext niya. Jeez, hindi ko pa naman dinala ang phone  na iyon kaya kung si Jewel man ang itext niya ay hindi ko agad mababsa iyon.  Si Jewel naman ay hawak rin ang phone niya. Fudge! "Uy, tara na!" aya sakin ni Min pero busy ako sa pagtingin sakanila. NAapansin kong si Adam ay tumingin bigla kay Jewel pagtapos niya magtype pero hindi siya pinansin ni Jewel dahil agad nitong nilagay ang phone niya sa bag atsaka lumabas na rin sa room kasama ang mga kaibigan niya. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko iyon. Grabe, nakalusot pa ako doon.  "Alam mo, girl, simula na ng araw-araw na kaba yan. Kung ako sayo ititigil ko na yan bago pa man ako masiraan ng ulo." sabi niya at inaya na niya ako sa canteen. Umorder lang ako ng Rice atsaka ng Pork Katsu na may kasamang cabbage atsaka lang isang gulaman. GAnoon lang din yung kay Min. Habang kumakain ay hindi ko napansin an ansa likod lang pala namin ang tropa ni Adam kaya naman nung dumating siya ay nakita namin. "Uy, pre! Akala ko hindi ka kakain. Pero eto sayo na to. Rax, bili ka pa." nakita ko na naupo si Adam sa tabi ni Rico. Mukhang badtrip? NAkaharap kasi ako sa table nila, si Min naman ang nakatalikod sa kanila. Si Adam ay NAkatalikod saakin kaya hindi niya alam na naririnig ko sila. "Oh bakit ganiyan itsura mo?" tanong naman ni Rico sakaniya. "Wala naman." masungit na sagot nito. NAgkatinginan naman ang ilan pa nitong kaibigan at nagkibit-balikat lamang. Sus, arte anman nitong Adam na to akala mo naman katapusan na ng mundo niya. "Malamang hindi nanaman siya pinansin ni Jewel!" sabi ni Rax habang dala ang isang tray ng food para siguro sakaniya dahil nga ibigay na niya yung kanina niyang pagkain kay Adam. NAgkangisihan naman ang mga lalaking kaibigan niya kaya ams lalo siyang nainis.  "Alam mo namang may boyfriend yon, pare! Kaya talagang hindi ka papansinin non." Sagot naman ni Rico. Inaasar asar siya ng mga kaibigan niya kaya naman naiinis rin siya. Pikon pala to e.  "Adam, hindi pwede yung ganyan ka. Why dont you just chill first then wait a little longer?  Wala naman nagiging matagal na karelasyon si Maxx." NAging curious ako lalo nang marinig ang pangalan ni Maxx.  MAxx is popular guy same as Adam. APreho sialng nasa Varsity at nag-aagawan sa pagiging MVP sa basketball pero mas lamang nga lang lagi si Adam pero alam ko at ramdam naman ng lahat ang kumpetensya ng dalawa sa laro palagi. Minsan nga parang sila pa ang magkalaban kesa sa kalaban talaga nila. Hindi naman namin kaklase si Maxx dhail iba ang strand niya, nasa ABM siya dahil balak yata nito sundan ang Dad nito na isang magaling na business man sa buong Asya at ilang parte ng America.  MAy kwento na kumalat noon na nagkaroon ng away kay Maxx at Adam noon dahil sa noong minsang talunin ni Adam si Maxx sa Basketball. ANging marumi ang laro non kaya ang ending nagkaroon  ng pikunan na nauwi sa bugbugan.  "Tama kaya wag ka na mag-alala, Adam at baka ilang buwan lang ay sayo na rin si Jewel." pag-papalakas pa ng loob ni Rax. TInapik lang ni Rico ang likod ni Adam atsaka naman sila kumain na rin. Disappointed ako dahil akala ko ay makakrinig ako ng kuwento kung bakit gustong gusto ni Adam maka-ganti kay Maxx.  Natapos  ang araw na ito at susunduin namana ko ng driver namin kaya naman sabay na kami naghintay ng service ni Min sa may waiting shed. Nakita ko sila Adam atsaka mga kaibigan niya papunta sa may carpark. Hindi ko naman na iyon inintindi pero bigla kong nakita na nandoon pala si Jewel papunta kasama rin ang mga kaibigan niya! "Oh no!" Bigla kong sabi kaya naman angulat si Min sa reaksyon ko. Saktong dating naman ng service ni Min. "Hoy, san ka pupunta ha?" sabi niya nang akmang pupunta rin ako sa parking pero hinawakan niya ang braso ko. "Si Adam at Jewel magkikita sila sa may Parking! Baka kausapin yon ni Adam!" pagappanik ko. Nang makita kong nakita rin ni Adam si Jewel ay napahinto ito at parang nagbabalak na kausapin si Jewel. Tumakbo ako sa direksyon naiyon, mabilis hangga't kaya ko. "Hoy, Michelle!" iyan ang huli kong narinig kay Min at hindi ko naman na ineexpect na susunod siya dahil nandiyan na rin ang sundo niya. Okay lang yon basta ang mahalaga ay mapigilan ko sialng dalawa. Nako, Adam sinasabi ko sayo wag kang gagawa ng ikakagulo nanaman ng buhay ko!  Bawat hakbang ko ay mabigat at talagang pinipilit kong bilisan. Malapit na si Adam kay Jewel habang si Jewel naman ay nakikipagtawanan sa mga kaibigan niya. Nakikita ko ang ilang pag-tingin saakin ng mga ibang students pero wala na akong pake doon dahil lagot ako kapag talaga tinapat ni Adam si Jewel!!! Nang ibubuka na ni Adam ang bibig niya ay buong sarili kong sinigaw ang pangalan ni Adam. "Adam!!!" tawag ko sakaniya kaya naman napatingin ang ilang students sa ginawa ko at pati sila Jewel ay napatingin rin saakin. Saktong pagharap saakin ni Adam ay saktong nadapa ako! Bumagsak ako sa sahig at naitukod ko ang baba at siko ko. Basta ang alam ko nalang na sumunod na nangyari ay nakaramdam ako ng kirot sa siko ko.  "Aray." mahinang sabi ko sa sarili ko. Bigla akong nakarinig ng mga tawa sa paligid ko. May ilan akong nairirnig na nagsasabi ng tanga, bulag at kung ano ano pa. Nahihiya akong umupo ng maayos para makita ang sugat ko sa siko. Buti nalang hindi nahulog yung salamin ko kung hindi wala akong magagamit. PAgtingin ko kela Jewel ay tumatawa ito at may hawak pang phone na para bagang kinukuhanan ako ng letrato. at pagtingin ko naman kay Adam ay ngumiti ako ng  half lang dahil kumirot namana ng sugat ko. Walang reaksyon ang mukha nito saakina t ang mga kaibigan naman nito ay gustong tumawa pero hindi magawa dahil alam kong mas nangingibabaw ang tanong sa isip nila kung bakit ko tinawag ang kaibigan nila. Hello, loser tapos tatawagin yung famous? Dahan dahan akong tumayo sa pagkakadapa atsaka naman nagsimulangn maglakad papalayo. Pati sa tuhod pala ay nagkasugat ako kaya naman ang sakit tuloy maglakad. Gusto ko nalang umuwi. Pero okay na rin ito atleast hindi natuloy magka-usap si Adam atsaka si Jewel. Kinakarma na tal;aga ako sa mga ginagawa ko, tadhana na rin ang nagsasbai na huwag na ako gumawa ng kasinungalingan. Pinaparusaan niyo po ba ako, Lord? Naupo muna ako sa may bench dito sa courtyard ng school. May bench dito at malapit lang ito sa may gate kaya naman mapapansin ko agad kapag dumating ang sundo ko. Wala na masyadong students na dumaraan dahil uwian na rin naman atsaka wala naman masyado tumatambay dito dahil nga rin wala namang magagawa dito.  Paglihis ko ng palda ko ay nakita ko ang dumudugo kong sugat. Pinunasan ko iyon gamit ang panyo ko. Naramdaman ko ang hapdi nang dumampi ang panyo doon. "Hay, napakatanga ko talga. Aray." kauspa ko ang sarili ko. Inilabas ko sa bag ko ang alcohol at nilagyan iyon. Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko nang nakaramdam ako ng sakit. Grabe mgayon anlang ulit ako nagkasugat. At ang malupit doon, dhail pa sa walang kakwenta-kwentang bagay! Tatalian ko na sana ang tuhod ko ng panyo para lang hindi na maimpeksyon ang sugat ko, sa bahay ko na tuluyang lilinisin iyon nang biglang may lumuhod sa harapan ko at tinabig ang kamay ko. Pag-tingin ko rito ay nakita ko si Adam. Tinignan niya ang sugat sa tuhod ko atsaka naman siya may kinuha sa bag niya. "Ano ginagawa mo rito?" pagtataka ko naman sakaniya dahil hindi ko naman inaasahan na puypuntahan niya ako.  Hindi niya ako pinansin at nang makita ko ang nilabas niya sa bag niya ay nakita ko na band-aid pala iyon. Hindi lang yung maliit na banda-aid iyon kung hindi yung square na band-aid. Wow, boy scout ba siya at always ready? Nilagay niya iyon sa may tuhod ko tapos yung maliit na band-aid ay nilagay naman niya sa siko at baba ko na may maliit na sugat rin. Tulala lang ako habang ginagawa niya iyon. NApansin ko rin ang seryoso niyang mukha habang ginagawa iyon saakin. Hindi naman siguro ako pinaparusahan ng tadhana dahil walang dumaraan na mga estudyante ngayon. Kung meron ay paniguradong tsismis nanaman ang mangayyari.  "Sa susunod huwag kang tatanga-tanga." Sabi niya saakin atsaka naman ako kinutusan sa ulo. Napahawak ako doon dahil masakit iyon. Hinampas ko anman siya sa braso niya pero parang wala lang iyon sakaniya.  Bwisit talaga, tumawa lang siya ng bahagya. Tumayo lang siya sa harapan ko. Busangot akong umiwas ng tingin sakaniya. Hindi naman to mangayayri kung hindi niya ginulo ang buhay ko in the first place. "Sa susunod, sabihin mo sakin agad kung may kailangan ka saakin."sabi niya. Nakataas ang isa kong kilay nang tignan siya. "Sa sususnod kasi sabihan mo rin ako kung balak mo na ba kausapin si Jewel. Mamaya magalit sakin yon!" inios kong sabi sakaniya. Good thing, I was able to talk to him at this way. "Hindi mo naman ako ininform, Miss." sabi pa niya. Inirapan ko lang siya at nagdesisyon na akong tumayo dahil nakita ko na rin ang service ko.  Hindi pa man ako nakakalayo sakaniya ay narinig ko pa siyang mag-salita.  "Set me a date on her on Saturday."  *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD