*
Mabilis lumipas ang mga araw. Kung kailan ko gustong bumagal yung week na ito atsaka naman bumibilis dahil an rin sa dami nang kailangan ipasa dahil midterms week na nga. Nung mga nakaraang araw ay exam day namin kaya naman stressful tapos nakikisabay pa si Adam sa problema ko. Every morning ko parin siya dinadaanan sa Condo niya para ipagluto tapos sinasabay naman niya ako pumasok pero kinakailangan ko pa palagi maglakad dahil binababa na niya ako bago ap man sa gate ng school. Mas okay na rin iyon dahil nga iwas na rin issue.
Tuwing gabi, nagtetext parin si Adam at tuloy parin ang pagpapanggap ko bilang si Jewel. Binabanggit na rin ni Adam ang tungkol sa sabado pero hindi parin ako sumasagot sakaniya ng Oo dahil hindi ko alam ang gagawin ko kung sasabihin ko ba kay Jewel na magkikita sila ni Adam sa Sabado or what. Kahit ako gulong gulo na ang utak ko. Mabuti nalang ay last na yung exam ngayong araw.
"Tulala ka nanaman, girl!" sambit ni Min. Medyo nagulat ako dahil narealize ko na nawawala nanaman ako sa matinong pag-iisip kakaisip sa problema ko sa sabado.
"Min, ano gagawin ko? Hindi ko alam talaga, malapit na ang Sabado!" sabi ko. Napasabunot nalang ako sa ulo ko atsak naman napatukod bigla sa lamesa. Kumirot naman agad ang sugat ko sa siko kaya naman naguilat rin ako sa ginawa ko. NAndito kami sa Library nagrereview para sa ususnod na exam namin.
"Malapit na talaga kasi bukas ay Sabado na! Girl, friday na ngayon kaya nag last day na ng exams! NAo ka ba?" sabi ni Min.
"ANO?" biglang napalakas ang boses ko kaya naman pinatahimik ako ng Librarian dahil pati ibang students na nag-aaral ay napatingin rin. NAgsorry lang ako sakanila atsaka naman ibinaba ang librong binabasa ni Min.
"Talaga ba? Sabado na bukas?" pagkukumpirma ko pa. Tumango lang siya sakin. Napangiwi naman ako doon at parang gusto ko nalang umiyak nang malaman kong totoo ngang sabado na bukas at heto ako at wala paring plano kung mapapasipot ko ba si Jewel bukas! '
"Ano gagawin ko, Min? Tulungan mo ko." NAkakahiya man pero ako itong pumasok sa ganitong sitwasyon tapos ako pa ang may gana na manghingi ng tulong sa kaibigan kong nananahimik. Grabe gusto ko nalang saktan ang sarili ko.
"Gusto mo ng tulong ko?" tanong ni Min at agad naman ako tumango ng sunod sunod sakaniya.
"Isa lang naiisip ko, girl. Hindi siya malalaman ng twin evil sister mo at hindi rin naman malalaman ni Adam...hopefully." napaatras naman ako. Naguluhan kais sa idea na pinopropose niya saakin pero gusto ko yung idea na hindi malalaman ni Jewel pero bakit pati si Adam?
"Ha? Ang gulo mo. Diretsahin mo nalang ako." sabi ko naman sakaniya.
"What I want to say is, ikaw ang pumunta sa dinner. Disguise as Jewel." ang dali dali lumabas sa bibig ni Min ng mga sinabi niya at heto ako, tulala at sinusubukan na i-sink in ang suggestions niya.
"Safe ka doon, basta galingan mo sa pag-disguise para hindi malaman ni Adam. Siguro naman hindi kayo magkikita ng kapatid mo sa pupuntahan ninyo ni Adam. MAlas mo nalang kunga ganon, diba?" ang dami nanaman niyang sinabi na hindi ko parin maintindihan. Gusto ko lalo umiyak.
"Ano na? Nag-sink in na po ba?" pang-aasar saakin ni Min.
"Gusto mo ba mag-away kami ni Jewel?"
"Ipapaalam mo ba kasi?" pag-bara niya sa sinabi ko.
"delikado parin yung idea. Dalawa yung lolokohin ko dito kapag ginawa ko yan." sabi ko naman sakaniya. Inirapan naman niya ako.
"Bahala ka, wala na akogn ma-suggest na iba!" sabi anman niya atska anagbas ana ulit ng libro. Ano ba naman yan. Napakamot nalang ako sa ulo ko nang narealize kong maganda yung idea ni Min kaya lang lang torn talaga ako between sa pagpapanggap or what.
"Paano ko naman gagawin yon?" tanong ko naman sakaniya. Dahan dahan niya ibinaba yung librop at nakangiti siya an para bang may binabalak si gaga!
"huy ano na? kinakabahan ako sa mga ngiti mo ha." sabi ko naman sakaniya.
"Ako bahala sayo. MAy pupuntahan tayo mamaya after ng exam. focus ka muna dyan." after she said that, she winked at me.
Kung ano man binabalak niya, wala akong tiwala sakanya.