Natapos ang exam namin at sobrang nakaramdam ako ng pagod sa araw na ito dahil ilang araw ako puyat sa pag-aaral para sa two days exam namin. Mabuti nalang ay hindi masyado naging mahirap ang ibang exam ng ilang subjects pero sobrang na drain ako sa physics namin.
Bago ako tumayo sa upuan ko qy inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay na iyon sa bag ko. Ilang saglit pa ay inaya na rin ako ni Min umuwi.
"Sobrang hirap talaga ng Physics. Hindi tuloy ako confident sa answers ko." pagkukwento naman niya.
"Sinabi mo pa." pag sang ayon ko naman sakanya habang tumatango pa.
"" Pero atleast tapos na ang araw na to. Pede na tayo mag-saya." bakas sa boses niya ang saya. Gusto ko rin sana ang matuwa pero naalala ko nanaman na sabado na nga pala bukas at Yun yung araw na gusto ni Adam makipag kita kay Jewel.
Nang mapansin ni Min na malalim ang iniisip ko ay hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko at iniharap sakaniya. Tinitignan niya maigi ang mukha ko kaya naman naguluhan ako sa inaasta niya. Tinanggal pa niyo ang salamin ko at tumitig pa sakin Lalo.
"Anong ginagawa mo?" tinanong ko siya. Binitawan naman na niya ako at humarap sakin ng maayos.
"You need a make over. Kita tayo bukas. 10am sa may mall. Okay?" wala siyang Inintay na sagot mula sakin at tumalikod na siya agad para mag lakad palayo. Naiwan lang ako na tulala dahil hindi ko alam bakit kami pupunta sa mall.