Hindi na ako bumalik ulit sa cotrtage kung saan kami kumain. Nagsabi nalang ako kay Min na sumakit ang ulo ko kaya mag-stay nalang ako sa room namin ni Min. Pagdating ko sa kwarto na iyon ay agad kong sinarado at ni-lock ang pintuan dahil gusto kong mapag-isa. ayokong umiyak kaya kinumbinsi ko ang sarili ko na magiging okay rin ako. Ilang saglit kong binlangko ang isipan ko para hindiu ako maiyak. Nahiga ako at tinuon ang mga mata ko sa kisame ng kwarto. Walang laman ang isipan ko.
Hanggang sa maisipan ko na libutin nalang ang kwartong ito para malibang ko ang sarili ko. Masyado pang mahaba ang gabi at hindi na ko makapag-hintay na makabalik ulit kami sa hotel na tinutuluyan namin. HAbang naglilibot doon ay napansin kong malamig sa loob kahit na walang aircon. Gawa kasi sa kawayan ang bahay na to kaya malamig. Pagtingin ko sa bintana ay nakita ko ang maliwanag at bilig na bilog na buwan. Ang ganda nito ay talagang mapapatigil ka. Ilang saglit ay lumapit ako sa bintana at naupo doon. Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Namiss ko si Mommy sa mga sandaling ito dahil mahilig kaming tumitig sa buwan kapag gabi lalo kapag bago niya ako patulugin noon.
Sabi ni Mommy noon, kapag daw punong puno yung utak ko ng isipin at pakiramdam ko ay mag-isa ako, tumitig lang daw ako sa buwan para marealize ko na kahit mag-isa ako ay nagshishine ako. True enough, the moons still shines even if its surrounded with darkness. Napangiti akong muli kasi mom never failed to make me feel better.
"I miss you, mommy." I whispered and hoping that my mom will hear me.
Ilang oras pa akong nagtagal doon at napagdesisyunan kong matulog na dahil gusto ko na bumilis ang oras. ero hindi ako makatulog. Ginugulo parin ako ng isipan ko sa naging tagpo namin ni Adam kanina. Ayoko na iyon isipin pa ulit dahil masyadong nakakpagod ang araw. I decided to read a bible in my phone and meditate. After a long day, nakatulog na rin ako kahit na wala pa sila Min. Nagtext nalang ulit ako na matutulog na ako at okay lang daw dahil susunod na rin naman daw siya maya-maya.
*
ADAM's POV
Pag-balik ko sa cottage ay narinig ko na hindi na raw babalik si Michelle dito dahil masakit ang ulo. Kahit kailan talaga napaka-sinungaling niya. Itinuon ko ang kanina at kumuha ng isang beer na iniinom din nila. Bahagya akong lumakad papunta sa dalampasigan. May liwanag pa akong natatanaw dahil bilog na bilog ang buwan at sobrang maliwanag ito. HAbang tinititigan ko iyon ay biglang nagflash sa utak ko ang mukha ni Michelle na tumutulo ang luha. May kung anong kirot sa puso ko. Napangisi ako dahil iyon ang gusto ko.
Gusto ko siyang masaktan dahil sa ginawa noon. Gusto ko ibalik sakaniya lahat ng sakit. GUsto ko pagsisishan niya na sinira niya yung buhay ko at ng kapatid niya. At gagawin ko lahat para hindi siya maging masaya.