Kabanata 23

1068 Words
* Maaga akong nagising para ihanda yung babaunin namin ni Sir Jayson papuntang Isle del Carmel. Nabalitaan ko sa Mommy niya na limang lalaki at tatlong babae ang kasama namin mamaya. Dinamihan ko na ang gibawa kong sandwich atsaka pasta para maipagshare din ang mga kaibigan ni Sir Jayson. Paniguradong maa-out of place ako doon mamaya sakanila. Pero hahayaan ko nalang iyon dahil ang pakay ko naman talaga ay ang samahan lang si sir Jayson at hindi ang makisalamuha sa mga kaibigan niya. Nang handa na ang pagkain ay nilagay ko iyon sa picnic basket atsaka ako pumasok ng kwarto ko upang kumuha ng tuwalya at maligo. 8 am daw kasi ang alis namin ni Sir Jayson. 7 palang naman ng umaga kaya makaliligo pa ko ng maayos. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng mahabang palda atsaka isang tshirt. Sinuot ko na din ang sandals ko para kung sakaling mag-aya na si Sir Jayson ay okay na ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay siyang oagbaba naman ni Sir Jayson sa hagdanan. Nakita kong naka boardshorts siya atsaka simpleng tribal shirt. May nakasukbit pang salamin sa tee shirt niya at naka-adidas na tsinelas siya. Bagay na bagay sakaniya ang kaniyang suot kahit simple lang ito. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa kaniya. Para siyang artista e. "Close your mouth, miss." Seryoso niyang sabi. Natauhan naman ako sa sinabi niya at dali daling umiwas ng tingin sakaniya. Nakakahiya! Dinala ko nalamang ang picnic basket na puno ng pagkain atsaka iyon dali daling nilagay sa likod ng kotse niya. Nilagpasan ko pa siya sa may hagdan para lang maiwasan na siya dahil nahihiya dalaga ako sa ginawa kong pagtitig sakaniya. Nakanganga pa pala ako don. Pagkalagay ng basket sa compartment ng kotse ay hinintay ko nalang lumabas si Sir Jayson ng Mansion nila. Nakaparada na kasi ang kotse niya sa labas ng gate kaya dito ko nalang siya inantay. Ilang saglit lang naman ay lumabas na rin siya na hawak ang cellphone niya na waring may kausap. "Okay. Im on ny way, Rance. Bye." Matigas niyang ingles sa kasama niya. Iba pala talaga kapag sa ibang bansa tumitira, gumagaling sa ingles. Ako kasi, kahit nag-aaral dito sa bicol ay kaunting ingles lang ang alam ko. Kaya ko din naman magsalita ng ingles pero kinakabahan ako kapag ganon kasi alam ko na baka mamali ako ng Grammar. Napatingin siya sa gawi ko kaya nag-iwas ako ng tingin at tumingin sa sandals na suot ko. Naramdaman ko ang pagtitig niya saakin kaya naman nag-angat ako ng tingin. Tama ako, nakatingin siya pero hindi saakin kundi sa suot ko. "Conservative, huh?" Ingles niya. Hindi naman sa pagiging conservative pero ganito kasi talaga ako manamit. Simple lang. "Let's go. Sit in passenger seat." Sabi niya. Tumango naman ako sakaniya atsaka dali daling sumakay sa kotse niya. Hindi ko maiwasang mamangha. Unang beses ko kasing makasakay sa ganito. Tahimik kaming bumiyahe at walang nagsasalita. Wala naman kasi akong sasabihin dahil di ko naman siya kaclose. At isa pa, ayos na iyon dahil ba kausapin ako ng ingles ni Sir Jayson at nakakahiya naman kung hindi Ingles ang isasagot ko kaya mas mabuti ng tahimik kami. "Are we near?" Napalingon ako sakaniya. Seryoso siya sa pagmamaneho ng kotse. Nakikita kong magreflex yung mga muscles niya sa braso. Ang macho niya. Nakakamangha talaga siya. "O-Opo. Mga 30 minutes n-nalang po siguro." Sagot ko. " Hindi na ako bumalik ulit sa cotrtage kung saan kami kumain. Nagsabi nalang ako kay Min na sumakit ang ulo ko kaya mag-stay nalang ako sa room namin ni Min. Pagdating ko sa kwarto na iyon ay agad kong sinarado at ni-lock ang pintuan dahil gusto kong mapag-isa. ayokong umiyak kaya kinumbinsi ko ang sarili ko na magiging okay rin ako. Ilang saglit kong binlangko ang isipan ko para hindiu ako maiyak. Nahiga ako at tinuon ang mga mata ko sa kisame ng kwarto. Walang laman ang isipan ko. Hanggang sa maisipan ko na libutin nalang ang kwartong ito para malibang ko ang sarili ko. Masyado pang mahaba ang gabi at hindi na ko makapag-hintay na makabalik ulit kami sa hotel na tinutuluyan namin. HAbang naglilibot doon ay napansin kong malamig sa loob kahit na walang aircon. Gawa kasi sa kawayan ang bahay na to kaya malamig. Pagtingin ko sa bintana ay nakita ko ang maliwanag at bilig na bilog na buwan. Ang ganda nito ay talagang mapapatigil ka. Ilang saglit ay lumapit ako sa bintana at naupo doon. Hindi ko mapigilan ang ngumiti. Namiss ko si Mommy sa mga sandaling ito dahil mahilig kaming tumitig sa buwan kapag gabi lalo kapag bago niya ako patulugin noon. Sabi ni Mommy noon, kapag daw punong puno yung utak ko ng isipin at pakiramdam ko ay mag-isa ako, tumitig lang daw ako sa buwan para marealize ko na kahit mag-isa ako ay nagshishine ako. True enough, the moons still shines even if its surrounded with darkness. Napangiti akong muli kasi mom never failed to make me feel better.  "I miss you, mommy." I whispered and hoping that my mom will hear me.  Ilang oras pa akong nagtagal doon at napagdesisyunan kong matulog na dahil gusto ko na bumilis ang oras. ero hindi ako makatulog. Ginugulo parin ako ng isipan ko sa naging tagpo namin ni Adam kanina. Ayoko na iyon isipin pa ulit dahil masyadong nakakpagod ang araw. I decided to read a bible in my phone and meditate. After a long day, nakatulog na rin ako kahit na wala pa sila Min. Nagtext nalang ulit ako na matutulog na ako at okay lang daw dahil susunod na rin naman daw siya maya-maya. * ADAM's POV Pag-balik ko sa cottage ay narinig ko na hindi na raw babalik si Michelle dito dahil masakit ang ulo. Kahit kailan talaga napaka-sinungaling niya. Itinuon ko ang kanina at kumuha ng isang beer na iniinom din nila. Bahagya akong lumakad papunta sa dalampasigan. May liwanag pa akong natatanaw dahil bilog na bilog ang buwan at sobrang maliwanag ito. HAbang tinititigan ko iyon ay biglang nagflash sa utak ko ang mukha ni Michelle na tumutulo ang luha. May kung anong  kirot sa puso ko. Napangisi ako dahil iyon ang gusto ko. Gusto ko siyang masaktan dahil sa ginawa noon. Gusto ko ibalik sakaniya lahat ng sakit. GUsto ko pagsisishan niya na sinira niya yung buhay ko at ng kapatid niya. At gagawin ko lahat para hindi siya maging masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD