Kabanata 24

1197 Words
Ako nalang "Kasi naman naglalasing ka e! Hindi mo naman pala kaya." Pagsesermon ko naman sakaniya habang nakaalalay sakaniya. Buti nalang at may susi din ako ng Condo niya kaya madali kong maiihatid tong si Adam sa loob ng Condo niya. "Ano ba, Adam! Umayos ka nga at napakabigat mo!" Pagalit kong sabi sakaniya dahil anumang oras ay maari kaming matumba fito sa loob ng elevator kung hindi siya tatayo ng maayos or para maalalayan  ang sarili niya. Pagkabukas naman ng pinto ng elevator ay lumabas na kami at pumunta sa tapat ng Condo niya. "Walangya tsalàga iyang shi George! Nyilashing ako. s**t!" Salita niya. Napailing nalang ako at dinukot sa bulasa ko ang susi atsaka naman binukasan ang pinto ng Condo niya. Nang nabukasan ko iyon ay diniretso ko siya sa kwarto niya at inihiga sa kama niya. Para naman akong naging magaan dahil sa pagkakaalis niya saakin. Napakabigat talaga ng mokong na re! Inuwi ko lang siya ng tawagan ako ni Min na nasa bar daw niya si Adam at nakikipag-away kaya kahit na natutulog na ko ay pinuntahan ko siya para maawat na siya sa kakainom at ng maiuwi na siya dahil may pasok pa kami bukas. Hinubaran ko siya ng pang-itaas atsaka naman ng pants, sapatos at medyas. Nakaboxer shorts nalang siya ngayon tapos ay kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo para mapunasan siya. Nang pinupunasan ko naman siya ay mahimbing lang siyang natutulog. Pulang pula na ang mukha niya na siguro ay dala na rin ng alak na nainom niya. Maski dibdib niya ay namumula na din. Kahit kailan talaga walang paki alam sa sarili niya itong si Adam. May pasa siya sa gawing gilid ng labi niya. Ang gwapo parin ng mokong na to! "Therese..." narinig kong sabi niya habang nakapikit parin at siguro ay tulog parin. May kung anong tumusok sa puso ko ng marinig ang pagbanggit niya sa pangalan ni Therese. Hanggang ngayon parin ay gusto pa rin niya itong si Therese. O baka naman mahal parin niya ito kahit na masakit ang nakaraan niya kay Therese. Patuloy kong pinupunasan ang mukha ni Adam ng lumuhod ako sa gilid niya para mapantayan ko ang mukha niya. Nararamdaman ko ang hininga niya sa kamay kong dumadampi sakaniyang mukha. Di ko siya maintindihan, Masakit ang nakaraan niya kay Therese pero bakit nandito parin siya at patuloy na minamahal si Therese? Kahit na wala ng paki sakaniya ay heto parin siya at binabanggit parin ang pangalan ng taong mahal na mahal niya. Hanggang kelan ba siya aasa? Its October 16. Kaya pala siya ganito kalasing. Tuwing tatapat ng 16 ang araw sa kalendaryo, ganito siya. Lasing na lasing. Nakikipagsuntukan sa bar. Absent sa school. Lagi lang nasa kwarto niya sa umaga para magmukmok. Hindi niya ko kilala kapag 16. 2 years na simula ng di niya na nakita pang muli si Therese. Dalawang taon na siyang ganito. Umiinom tuwing gabi. Maglalasing hanggang sa hindi na niya makaya. Makikipagsuntukan. Dalawang taon na siyang miserable dahil sa babaeng mahal niya. Naawa na ko sakaniya kahit na kapag nasa school kami ay wala siyang imik at minsan ay maharot. Hindi naman siya ganiyan. He used to be a wise man. Hindi umiinom ng alak, hindi naninigarilyo, hindi nanggagamit ng babae at hindi niya pinapabayaan ang pag-aaral. But now, ibang iba na siya. Lagi nalang niyang sinusuway ang Mommy at Daddy niya kapag pinagbabawalan siya. He dont even listening to what his Mother's saying. Minsan nga ay nagagalit ako sakaniya kapag ganon siya dahil minsan tatalikuran pa niya ang mommy niya kahit di pa sila tapos. Alam kong mahalaga ang sinasabi ng Mommy niya sakaniya pero he just choose to ignore it. Kaya nga heto at nandito siya sa Condi niya laging umuuwi. Wala siyang kasama dito. Minsan dito niya ako pinapatulog, or kapag naman hindi ay dinadalan ko lang siya ng pagkain tuwing umaga. Gigising pa ako minsan ng maaga para ipagluto siya o kaya ay dumaan sa isang restaurant. Buong buhay ko simula ng maging magkaibigan kami, ako na yung nandiyan sakaniya. Kahit kaibigan lang, higit pa sa kaibigan ang ginagawa ko para sakaniya. Kahit na mahirap, kinakaya ko kasi mahal ko siya kahit na hindi niya maramdaman yon. Kahit na kaibigan lang ang turing niya saakin. Okay na saakin yon, basta nandiyan siya saakin. Basta wag siyang mawawala. Kahit na nasasaktan ako. "Si Therese nanaman." Banggit ko habang hinahawi ang ilang takas na buhok niyang tumatama sa muka niya. "Bakit ba si Therese nalang palagi?" Tanong ko kahit na alam kong hindi siya saagot dahil tulog siya. "Nandito naman ako, Adam ah. Hindi mo lang nakikita kasi lagi nalang si Therese." Sambit ko. Parang may kung ano ngang nakabara sa lalamunan ko ng sambitin ko yon. Naginit bigla ang gilid ng mga mata ko dahil sa nasabi kong iyon. Kahit minsan, never niya akong nakita ng higit sa kaibigan. Aaminin ko, sweet siya saakin, he used to do what I want my future boyfriend to do. Lahat ng gusto kong maranasan sa isang nibyo, pinaparamdam sakin ni Adam. Kaya eto, nahulog ako sakaniya na kahit ang totoo ay dapat friends lang kami. Nasasaktan ako kapag miserable siya. Kapag nakikita ko siyang hindi masaya. Ayokong malungkot siya kaya nga araw araw hinihiling ko na magbago ang ikot ng mundo para ako naman ang mahalin niya kasi ako? HINDI KO SIYA SASAKTAN TULAD NG GINAGAWA SAKANIYA NGAYIN NI THERESE. "I love you..." sambit pa ni Adam. Kahit talaga tulog siya nagsasalita siya. Ganito talaga siya, nagsasalita kapag tulog. Marahil ay nananaginip nanaman siya. "I love you..." Ulit pa niya. Napangiti ako. "Mahal din kita. Mahal na mahal." Sabi ko kasabay ng pagtulo ng aking luha sa mga pisngi ko. Sana gising nalang siya habang sinasabi ang salitang iyon sa mga mata ko. Magiging masaya ako kapag nangyari iyon. "I love you, Therese." Tumulo nanamn ang luha ko. Pinigilan kong mapahikbi ako. Nasaktan nanaman ako. Nasaktan nanamn ako sa narinig ko sakaniya. Lagi nalang akong nasasaktan kapag si Adam ang kasama ko pero kahit na ganon, di ko siya maiwan. Ilang saksak pa ba sa puso ko ang kailangan para lang malaman kong tama na? Kahit siguto ilang beses akong masaktan ay hindi ko siya maiwan iwan dahil parte na siya ng pang araw araw kong buhay. Ewan ko ba. Napakatanga mo, Mivhelle. Sobrang tanga mo talaga. "Ako nalang sana, Adam. Ako nalang." Bulong ko sakaniya at napaiyak ng tuluyan. Ako nalang sana yung mahalin niya para hindi na siya nasasaktan ng ganito. Ako nalang yung pag-aksayahan niya ng oras, di ko babalewalain lahat ng yon kasi ako mahal na mahal ko siya. Ayoko ng nasasaktan siya. Ayoko ng umiiyak siya. Ako nalang sana. Kapag ako minahal niya, ibibigay ko lahat ng gusto niya basta wag niya lang ako iwan. Kasi ang mahalin ang isang Steffan Adamson Daniels? Napakasayang mahalin nila. Pero alam kong kahit tawagin ko ang lahat ng santo upang hilingin na ako naman sana ang mahalin ni Adam at alam kong di mangyayari. Kasi kung pwede yon, di na dapat pa nasasaktan si Adam ngayon. Kailangan ko nalang yata talagang tanggapin na hindi kailanman magkakaron ng siya at ako. *
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD