bc

Christmas Miracle ( Felicia ❤️ Ivan)

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
family
HE
bxg
campus
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Felicia Vera ay isang dalaga na mapagmahal na anak, mahilig kumanta at isa siyang choir sa simbahan at isang volunteer teacher, isa sa pagtuturo ang pinakagusto niya dahil mahilig siya sa mga bata, ngunit sa kasamaang palad ay lumalaban siya sa sakit na leukemia na bone marrow at ang tanging pinagdarasal niya sa Maykapal ay ang magkaroon pa siya ng mahabang buhay at gusto niyang maranasan na makatagpo siya ng lalaki na mamahalin siya ng tapat at buo.Ivan Santiago ay isang mapagmahal na anak at galing sa mayaman na pamilya, isa sa nagmamay-ari ng mga mall sa Maynila at ibang probinsya pero sa pagpanaw ng kanyang mga magulang ay hindi na ito naniniwala na may Panginoon dahil sa sunod-sunod na pagkuha ng mga mahal niya sa buhay at akala ni Ivan na wala ng tatanggap sa kanya, kaya wala na rin siyang ganang mabuhay pa sa mundo.Ngunit sa pagtangka sana ni Ivan na tapusin ang buhay niya ay niligtas siya ng isang estranghero na nagpabago sa kanyang pananaw sa buhay at kalaunan ay nakatagpo siya ng pagmamahal sa dalaga. Masaya sila bilang magkasintahan ngunit nalaman ni Ivan na may sakit ang dalaga at ito ay isang leukemia.May happy ending pa ba kaya sa kanilang dalawa ni Felicia Vera at Ivan Santiago?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
CHAPTER 01 Si Felicia Vera ay lumalaban sa sakit na leukemia sa edad na twenty-four, isang choir sa kanilang simbahan at magaling na volunteer teacher. Ito ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Hiling niya na bago man siya mawala sa mundo ay maranasan niyang may nagmamahal sa kanya kahit sa tingin n'ya ay malabo dahil natatakot siya na baka masaktan siya at iwan dahil sa sakit niya. Isa pang kahilingan niya ay kahit may boyfriend man o wala ay sana bigyan pa siya ng mahabang buhay para sa kanyang mga estudyante na natutunan na niyang mahalin. "Malapit na ang pasko, excited na ba kayong makatanggap ng mga regalo?" Tanong niya sa mga bata na kung saan siya nagtuturo ng libre. Sa isang orphanage. Meron naman siyang pagkakakitaan at ito ang pagbebenta ng mga pabango at ang pagsusulat ng mga kanta. Binebenta niya ito through online. "Yes, teacher! Excited na po ako makatanggap ng bagong laruan!" Anito sa isang batang lalaki at sumang-ayon naman ang iba nilang kaklase. Maliban na lamang sa isang batang babae na tahimik lang at parang malayo ang tingin sa sarili at may iniisip. Pagkalabas ng mga bata ay nilapitan ni Felicia ang batang babae. "Ikaw Tala. Excited ka ba sa paparating na araw ng Pasko?" Tanong nito at umiling lang si Tala. "Bakit naman?" "Kasi… iyan po ang araw na iniwan po ako sa kinilala ko po na mama dito sa bahay-ampunan. Dahil hindi niya na po ako kayang alagaan kaya dito po ako napadpad.” Hindi alam ni Felicia kung paano niya pasayahin si Tala. Sa anim na taong gulang pa lamang ay ito na ang naranasan niya. Sobrang bata pa na iwan siya ng kanyang ama at pinagpalit ng ibang pamilya, samantalang ang kanyang ina ay namatay dahil sa depression. "Huwag kang mag-alala Tala, nandito lang kami para sa 'yo. Nandito ako, pwede mo akong maging pamilya kahit na hindi man tayo magkadugo." Sabi ni Felicia sa batang babae na si Tala. Gustuhin man niyang ampunin si Tala pero nahihirapan siya, lalo at may mga maintenance na gamot din siyang binibili para sa sarili niya. Nag-iipon pa siya ng pera para sa pagpapagamot sa sakit niya sa bone marrow. Hanggang sa pag-uwi ni Felicia ay dala-dala niya ang sinabi ng kanyang estudyante. Napabuntong-hininga siya habang binabagtas ang kahabaan ng kalsada. Malapit lang ang bahay niya kaya hindi na siya nag-atubili pa na sumakay ng jeep. Dadaan siya ng tulay at sa pang tatlong street na madadaanan niya ay doon ang kanilang bahay. Habang naglalakad at nag-iisip si Felicia na ireregalo niya sa kanyang mga estudyante sa darating na kapaskuhan ay may napansin siyang lalaki na nakatayo malapit sa tulay. Parang may iniisip, malayo ang tingin habang nakatitig sa ibaba ng tulay. "Omg… hindi kaya?" Bulong ni Felicia sa kanyang sarili. Kaya agad siyang naglakad ng mabilis at agad niyang hinablot ang kamay ng lalaki kaya napasubsob silang dalawa sa lupa. "What the hell? What are you doing?" Nagulat si Felicia dahil sa pagsigaw ng lalaki sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
311.9K
bc

Too Late for Regret

read
295.8K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.7M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
138.7K
bc

The Lost Pack

read
413.4K
bc

Revenge, served in a black dress

read
149.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook