CHAPTER 02
Hindi niya pa rin ito binitawan at baka tatalon ito sa tulay. Malalim pa naman ang babagsakan niya kung sakali at hindi niya kayang habulin ang lalaking ito.
Agad niyang pinalo ang balikat ng lalaki habang mahigpit pa rin ang paghawak nitong sa kanyang kamay.
"Magpapakamatay ka ba?" Galit na sabi niya sa lalaki.
"Sino ka ba? Ano naman sayo kung magpapakamatay ako?" Galit na tanong ng lalaki. Pilit niyang hinahawi ang kamay ng babae pero hindi talaga siya nito binitawan.
"Hoy! Aba! Akala mo madali iyon. Oo madali, pero bakit ka magpapakamatay? Iyong iba nga nagdadasal na magkaroon pa sila ng mahabang buhay tapos ikaw… sasayangin mo lang!" Pabalang na sabi ni Felicia sa kanya.
"Wala kang alam!"
"Then, pwede mo naman sabihin ang mga nararamdaman mo sa kilala mo baka matulungan ka nila." Matalim itong binalingan ng lalaki.
"Hindi madali ang sinasabi mo, kahit sabihin ko sa kanila, hinding-hindi na babalik ang mga magulang ko. Hinding-hindi na sila kailanman mabubuhay dahil kinuha na sila sa akin!" Aniya kaya biglang nasaktan si Felicia sa narinig. Ganito pala ang sinapit ng binata kaya siya ganyan mag-isip.
"May dahilan kung bakit nangyari ang mga bagay na ganyan, sir. Tanging ang Panginoon lang po ang nakakaalam kung bakit maaga niyang kinuha ang mga magulang mo at ikaw-"
"Wag na 'wag mong ibabanggit sa akin ang Diyos mo dahil simula na kinuha niya sa akin ang mga mahal ko sa buhay ay nakalimutan ko na nandiyan siya!" Umiling si Felicia dahil mali ang mga iniisip niya.
"Huwag mong sabihin ang mga salita na 'yan. May mga bagay sa mundo na hindi man natin maintindihan kung bakit kailangan na mangyari ang mga bagay na ayaw natin. Hindi ibig sabihin na kinuha sila ay hindi ka na mahal ng Diyos. Lahat tayo pupunta rin diyan. Lahat tayo mawawala rin sa mundong ginagalawan natin. Hiram lang ang buhay natin sa mundo. Kaya nga di ba? Pahalagahan ang buhay natin sa bawat minuto dahil hindi natin alam kung hanggang kailan na lang ang nalalabing oras natin sa mundo. Gayunpaman, masakit mawalan ng mahal sa buhay pero mas masakit kung ikaw mismo, uunahin mong mawala sa mundo. Marami pang pwedeng mangyari. May iba, lumalaban pa sa buhay para mabuhay pa ng matagal tapos-" Mahinahon niyang sabi sa binata.
Natigilan ang lalaki sa sinabi ni Felicia. Hindi niya alam kung maniniwala ba ito sa sinasabi ng dalaga dahil sarado na ang kanyang puso at isipan.
Ginawa naman niya ang lahat para maniwala na talagang hanggang doon na lang ang sinapit ng kanyang mga magulang.
Gusto na niyang sumama sa mga ito dahil sa tingin niya wala na siyang kakampi. Wala na rin ang kanyang mga Lolo at Lola dahil labing-tatlong gulang pa lamang ang lalaki na namatay sa katandaan ang mga ito.
"Halika ka nga!’’ Tawag ni Felicia sa lalaki. Ngumiti si Felicia dahil ayaw tumayo ng lalaki sa pagkakaupo sa semento.
"Tumayo kana diyan at pinagkakatinginan na tayo ng mga motorista. Baka akala nila inaaway kita.