CHAPTER 03
Pero bago ka tumayo diyan. Huwag kang pumipiglas dahil sa paghawak ko sa kamay mo, naninigurado lang at baka mamaya, tatakbo ka para gawin ang gusto mo. Huwag mo ng gagawin iyon ha! Maliwanag ba?" Saad ni Felicia. Parang bata ang lalaking kinakausap niya at kailangan na ipaintindi sa kanya ang mga bagay na hindi niya dapat gawin.
Tumango lamang ito sa kanya saka pa siya tumayo. Pinagpag muna nila pareho ang mga damit na may konting dumi. Hinawakan ni Felicia si Ivan, ang pangalan ng lalaki, sa kanyang kanang kamay at naglakad sila patungo sa bahay ni Felicia.
Pagkarating nila sa kalye ay agad silang pinagtinginan ng ibang mga kapitbahay. Hindi naman ikaila na may itsura ang kasama niya.
"Hala! Ang gwapo! Nakabingwit agad si Felicia ng gwapo oh," isa sa mga halimbawa na naririnig nila ni Ivan. Hindi nila pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad ang dalawa.
"Mama! Nandito na po ako!" Tawag ni Felicia sa kanyang ina.
"O anak, nandito ka na pala. Ayy! May kasama ka pala." Nagulat ang kanyang ina pagbukas ng pinto na may lalaking kasama ang kanyang anak. Pagagalitan na sana niya ang kanyang anak na si Felicia dahil baka sabihin na buntis na siya sa lalaki o boyfriend niya na si Ivan at ngayon lang nagpaalam na mag-aasawa na sila pero inunahan na siya ni Felicia.
"Dito po kakain ang kaibigan ko, mama." Parehong nagulat ang ginang at si Ivan dahil sa sinabi ni Felicia.
"Huwag na po, hinatid ko lang po ang anak niyo." Pareho silang nagkatinginan ni Ivan at Felicia dahil siguro sa sinabi ng binata.
"Dito ka na kumain, iho. Kumakain ka ba ng mga gulay at isda? Bukas pa kasi makakabili ng karne sa palengke." Tanong ng ina ni Felicia.
"Kumakain ka ba? Kung hindi bibili tayo sa palengke ng karne-"
"Kumakain naman, lalo na ang pinakbet. Isa kasi iyan sa paborito ko na niluluto ni mommy sa akin noong nabubuhay pa siya." Saad ni Ivan. Ngumiti si Felicia sa binata at iginaya sa hapag para doon na kumain sa kanila. Akala ni Felecia na hindi kumakain ang mga mayayaman ng mga ganyan, dahil kahit hindi sabihin ni Ivan na may kaya sila ay parang nahulaan na ito ni Felicia.
Bago sila mag-umpisa na kumain ay nagdasal na muna sila. Hindi mapigilan ni Ivan na maging emotional dahil isinama siyang ipagdasal ng dalaga.
Naging masaya ang kwentuhan nila at pakiramdam ni Ivan na nakatagpo siya ng bagong pamilya kaya bago umalis si Ivan ay maraming habilin si Felicia sa kanya. Isa na sa sinabi niya ay huwag na huwag nang gagawin ang ginawa niya kanina, Sinabi niya sa binata na kahit anong mangyari ay kumapit lamang siya sa Panginoon.
Hindi pa nakuntento si Felicia, kinuha niya ang cellphone number nito para matawagan kung nakauwi na ba si Ivan sa kanilang bahay.
Baka mamaya mabalitaan na lang nito na ginawa na pala ang binabalak niya kanina. Para saan pa ang mga habilin niya kung binabalewala lamang ng lalaki.