Chapter 04

646 Words
CHAPTER 04 Habang nasa mall si Felicia para bumili ng mga gamit ng mga estudyante niya ay nararamdaman niya na may mga pares na mata na sumusunod sa kanya at hindi nga siya nagkamali. Paglingon niya ay namukhaan niya agad si Ivan na sumusunod nga sa kanya. Nag-usap sila kagabi sa phone at doon niya nalaman kung bakit mag-isa na lang siyang binubuhay ang kanyang sarili, kahit may mga kamag-anak naman siya ay hindi pa rin sapat na nariyan sa tabi ang mga mahal sa buhay lalo ang mga magulang. "Ikaw pala, tinupad mo talaga ang sinabi mo na pupunta ka?" "Yeah! How are you? Napuyat ka ba kagabi?" Tanong ni Ivan kay Felicia at tumaas ang kilay ng dalaga bago sumagot. "Medyo, pero kailangan kong gumising ng maaga para dito, dahil mamaya ay ibibigay ko ito sa mga bata na tinuturuan ko," sagot ni Felicia. "Let me help you," wala nang magawa si Felicia na kinuha ni Ivan ang cart na dala nito at naglibot na sila sa mga pantry kung saan nakalagay ang mga gamit na school supplies at iba pa na magugustuhan ng mga bata. Hindi na rin mapigilan ni Felicia na magdagdag si Ivan ng dalawang cart dahil sa pinamili nila. Natawa si Felicia, "Uubusin mo ba ang lahat na paninda rito? Paano naman ‘yong iba?" Tanong nito kay Ivan at nagkibit-balikat lamang ang binata. "For sure paparating na ang mga ibang supplies, kaya huwag kang mag-alala." Tanging katwiran lamang ng binata. Hindi akalain ni Felicia na marami itong madadala na regalo para sa mga bata dahil hindi lang ang mga estudyante niya ang mabibigyan nila ng mga gift kundi ang ibang mga bata na rin na hindi si Felicia ang nagtuturo. Dahil iyon kay Ivan. Kaya laking pasasalamat niya sa binata. Isang CEO si Ivan Santiago sa kilalang mall sa Maynila na Santiago's Mall. At ang pinuntahan nila na mini mall kung tawagin ay si Ivan pala ang may-ari. Kaya nagtaka si Felicia kung bakit pinaayos lang niya ito sa mga baggers ang mga napili nila at hindi na raw kailangan na bayaran. Nagkakamabutihan sina Ivan at Felicia, hanggang nagtapat ng nararamdaman si Ivan kay Felicia na nagugustuhan na niya ang dalaga. Dahil gustong maranasan ni Felicia na magkaroon ng taong nagmamahal sa kanya, at sa tingin niya na si Ivan na ang ibinigay sa kanya ng tadhana kaya sinagot na niya ang binata. "Will you marry me, Felicia babe?" Biglang napaahon si Felicia ng kanyang katawan at tiningala ang binata, hindi sigurado sa narinig. "What did you say?" Nakangiting tanong niya. Nasa tabing-dagat silang dalawa para mag celebrate ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan. "I said, will you marry me?" Tanong ulit ni Ivan. Agad tumayo si Felicia habang nakaupo pa rin si Ivan sa nilagay nila na sapin sa buhangin na kung saan sila nagpipicnic. "I do, Ivan." Kasabay ng pagpatak ng luha ni Felicia dahil sa kasiyahan ay saka naman pumatak ang ulan, kaya imbes na bumalik sa kanilang sasakyan at umuwi ay hinayaan nila ang sarili nilang mabasa ng ulan at sumayaw na tanging hampas ng tubig-dagat at patak ng ulan ang tanging musika ang sinusundan nilang dalawa. Magkayakap at sumasayaw habang umuulan. "Mahal na mahal kita, Ivan." Saad ni Felicia habang lumuluha pa rin dahil nag proposed si Ivan. "Mas mahal kita babe, mas lalo kitang minahal araw-araw. Sa panahon na walang-wala ako. Ikaw ang sandigan at tahanan ko!" "Thank you sa lahat-lahat," pagkasabi ni Felicia ay agad itong nanigas at kung hindi siya nakayakap kay Ivan ay babagsak na sana ito sa buhangin. "Babe? Babe! What happened? Wake up! What happened? Babe!" Tanging sigaw ni Ivan sa kanyang kasintahan. Agad niya itong dinala sa ospital at doon nalaman ni Ivan na may sakit pala ang dalaga. Hindi niya matanggap na sa isang iglap ay bigla na namang gumuho ang mundo niya dahil sa balita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD