Chapter 5

1554 Words
Shantal's POV "Thank you so much everyone," pasasalamat ko bago bumaba ng stage. 'Sarap talaga sabunutan 'tong babaita na 'to eh!' isip-isip ko. Pabalik na ako sa puwesto naming dalawa ni Jaica. "Best friend, grabe wala pa din talagang kupas ah!" Salubong agad sa 'kin ni Jaica na akala mo kinikiliti. "Loka ka! Nakakahiya, bigla-bigla ka na lang d'yan sumisigaw at tinuro mo pa talaga ako, ha!'' sermon ko sa kan'ya na parang ikinatutuwa pa lalo. "Ikaw naman best, bakit hindi mo ba namiss 'yong gano'n? Kasi ako hindi magsasawa d'yan sa boses mo," sabi pa nito sa'kin. Hindi na ako makipagprotesta dahil hindi rin naman ako mananalo, naiiling na lang lang talaga ako sa babaita na 'to eh! Maya-maya pa ay may lumapit sa aming tatlong lalaki. Pinasadahan ko silang tatlo at mukhang matitino naman at mga guwapo. Para namang inasinan na bolate itong katabi ko bigla habang nakatitig lang sa tatlo. "Hi ladies, can we join you?" tanong ng isa sa kanila. Sasagot na sana ako ng unahan na ako ni Jaica. "Sure," sagot nito. Basta guwapo marupok talaga ang isang 'to! "Thank you," pasalamat nito sa pagpayag ni Jaica. "Ahmn.. By the way I'm Seth nga pala, and these are my best friends. Giovan and Red," pakilala no'ng Seth sa dalawang kasama. "Hello, I'm Jaica." Nauna na itong makipagshake hands sa mga kasama ni Seth. "Nice meeting you guys." Nakangiting sabi ni Marupok. 'Syete talaga!' "Hi, I'm Shantal. Nice to meet you, Giovan, Seth, and Red." Isa-isa ko silang kinamayan. "Same to you, Shantal. Actually apat kami may pinuntahan lang 'yong isa naming kasama." "Ah, okay. Have a sit," alok ko sa kanila. "Thank you," ani Seth at naupo na rin silang tatlo. "Wala ba kayong ibang kasama?" tanong naman ni Giovan sa 'min ni Jaica. "Wala, kami lang talaga ni Shantal," sagot ni Jaica rito. "Ako talaga ang taga dito, taga kabilang bayan lang ako. Si Shantal naman ay bumisita lang sa 'kin, kaya naisipan ko na dalhin ko siya dito," paliwanag ni Jaica sa kanila sa tatlo. "Ah, gan'on pala. Ang ganda ng boses mo Shantal, nakita mo lahat napatulala kanina," sabi ni Red na nginitian ko na lang. Hindi talaga ako sanay 'pag may pumupuri sa 'kin ng ganito. "Brow, asan na ba si Finley? Bakit ang tagal?" tanong ni Giovan sa dalawa, tinutukoy niya yata ang isa pa nilang kasama. "Oh! Ayan na pala si, Finley," sabi ni Seth na nakatitig sa papalapit. Nilingon ko naman ito, at gano'n na lang agad ako nakaramdam ng inis nang makita ko kung sino ang kaibigan na tinutukoy niya. Sinamaan ko ito ng tingin pero binawi ko din agad at hindi ko na siya tiningnan pa. "Brow, saan ka galing ang tagal mo ah!" tanong ni Seth sa kan'ya. "Ah, may kinausap lang ako saglit na isang guest sa hotel," sagot naman nito sa kaibigan. "So, what's going on here?" tanong niya, hindi ko pa rin siya tinatapunan ng tingin na parang wala lang siya. "Hi," bati nito sa 'min ni Jaica pero sa 'kin siya nakatingin. "I'm Finley." Nauna siyang makipagshake hand kay Jaica. "Hello, I'm Jaica. Nice to meet you." Tinanggap naman nito ang kamay ni Finley at talagang namang kinikilig na naman ang loka. Sunod naman ay ako na ang binalingan nito. "Hello, Shantal," bati niya sa 'kin pero hindi ko siya inimik. Bad trip talaga ako sa kan'ya. "It's nice to see you again," anito. "Ako, Hindi.," Walang gana kung sagot sa kan'ya. "Whoah!" Sabay na bulaslas ng tatlo. Si Jaica naman ay palipat-lipat lang ng tingin sa 'min ni Finley. Mahina pa itong natawa. "Galit ka pa rin ba sa 'kin?" tanong niya pa. "Look. I'm sorry okay," ayan na naman siya sa sorry niyang nakakarindi. "I'm sincerely apologize for what happened yesterday," seryosong sabi nito sa 'kin. "Wait," biglang singit ni Jaica. "Magkakilala kayo?" ang nalilito niyang salitan ng titig sa 'ming dalawa ni Finley." "Yeah! Siya 'yong sabi ko sa 'yo kahapon," walang gana kung saad kay Jaica. "Hala! Siya 'yong mayabang at pangit, bestfriend?" tanong ni Jaica sa 'kin. 'Lang 'ya talaga 'tong babait na 'to dinugtungan pa talaga eh!' "Parang hindi naman best friend," sabi niya pa. Sinamaan ko naman siya ng tingin, pero wala lang sa kan'ya. 'Hahahah!' Sabay na bumulanghit na tawanan ang tatlo niyang mga kaibigan. "Brow, ang pangit mo pala eh! So, guwapo talaga ako!" mapang-asar na sabi ni Seth kay Finley. "Paano ba 'yan. Mukhang ayaw kang kausap ni Shantal," sabi pa ni Giovan. Habang si Red at tahimik lang pero halatang nagpipigil lang na tumawa. "Mga gag*." Sinamaan niya ng tingin ang tatlo kaya biglang tumahimik. "Baka gusto niyong umuwi na agad," napipikon na sabi nito sa mga kaibigan. "Easy brow, joke lang 'yon!" Ssabi ni Seth rito. "'Di ba Shantal?" ako pa talaga ang tinanong, ano namang paki ko. "Whatever," sagot ko. "Okay guys, enough for that arguing issue. We're here to drink and enjoy the night, right?" Awat ni Red sa 'min kaya tumahimik at uminom na lang kami ulit. Med'yo tipsy na ako kaya nagdahan-dahan na ako sa pag-enom. Si Jaica naman ay lasing na, mabilis lang kasi ito malasing dahil hindi naman siya sanay. Bigla naman akong niyaya ni Jaica sumayaw sa gitna dahil nagpatugtog na sila ng disco dance. "Best friend, sayaw tayo dali." Hinila ako nito bigla sa gitna. Wala na akong magawa dahil hindi niya rin naman ako titigilan. Nilingon ko naman ang apat para mag-excuse sa kanila. Tinanguan naman ako ng ni Seth kaya nagpatuloy na kami sa gitna ni Jaica. "Whoohhh! Sige best, sayaw ka lang. Namiss ko 'to, sobra!" masayang sabi ni Jaica sa'kin. Tutuo naman kasi dahil hindi kami nagpapahuling dalawa sa sayawan. Maliban sa pagkanta ay hilig ko din ang pagsayaw at gano'n din si Jaica. Biglang naman nagpalit ang music na GASOLINA kaya mas ginanahan na rin akong sumayaw, kanina med'yo tipsy na ako sa mga na enom ko pero ngayon pakiramdam ko ay nawala. Umawra naman kami ni Jaica sa pagsayaw ng GASOLINA dance craze sa t****k. Bigay na bigay kaming dalawa at nagkakaintindihan sa simpleng tinginan lang. Napansin na lang namin na kaming dalawa na lang pala ni Jaica ang sumasayaw sa gitna. Ang lahat ay gumilid at masayang nanunuod sa 'min. Tinapos namin ang sayaw at masaya kami dahil pinalakpakan nila kaming dalawa. "Whooh! Grabe ang galing niyo!" sigawan nilang lahat. Nag vow kami ni jaica at nagpasalamat sa lahat. Grabe ang sarap sa pakiramdam na nagagawa ang gusto. Agad na bumalik na kami ni Jaica sa table namin, nakalimutan king may mga kasama pala kami. Nakita ko naman ang paghanga sa mga mata nila habang nakatitig sa 'min ni Jaica. "Grabe! We're speechless, guys. Sobrang galing niyo sumayaw kanina," papuri ni Givon sa 'min. "Yeah, ang hot niyo ni Jaica," ani naman ni Red. "May mga boyfriends na ba kayong dalawa?" tanong pa niya. "Kasi kung ako 'yon. Binakuran ko na talaga." 'Hahahah!' Natawa naman sina Seth at Giovan sa sinabi ni Red. Nakita ko naman na nakatiim bagang si Finley sa sinabi nito. Pero hindi ko na lang pinansin. "We're NBSB guys," biglang sabi ni Jaica, mukhang may tama pa nga siya. "NBSB, what's that?" tanong nilang magkakasabay. Humalakhak naman ang loka! "Hindi niyo pala alam 'yon? NBSB that means. No boyfriend since birth, 'yon lang 'yon." Tawang-tawa pa ang lokaret. "Ow! 'Yon pala ibig sabihin no'n," ang natatawang sagot naman ni Seth. " Yes. So, Red, puwede mo akong bakuran kung gusto mo!" biglang sabi ni Jaica kay Red. 'Loka talaga 'to! Isusumbong ko talaga kay tita Janice bukas, ang harot.' "Ah, Haha.. Pagpasensiyahan niyo na si Jaica, madaldal kapag nalalasing," ani ko na lang sa kanila. "No, it's fine. I will ask her again tomorrow about what she said," sagot naman ni Red sa 'min. "Yon, oh! Ayos 'yan brow," ani naman ni Giovan. Tinampal-tampal ko naman ang mukha ni Jaica dahil mukhang tutulugan na niya ako dito. Pag nangyari 'yon ako na lang mag-isa. "Hoy! Jaica, 'wag mo akong tinutulugan. Halika na umuwi na tayo." Pero papikit-pikit na ang mata nito. "Shantal, sure ka na makakauwi pa kayo niyan? Eh, tulog na si Jaica," sabi ni Giovan. "Sa hotel na lang kayo magpalipas ng gabi," sabi pa niya. "Gano'n na nga siguro. Hay naku Jaica! Akala mo naman kasi kaya mo eh, no!" Sermon ko dito na hindi ko alam kung naririnig pa ba ako. "Pasensiya na kayo, ha! First time niyang uminom eh!" paumanhin ko. "Okay lang, hatid na lang namin kayo. nand'an din naman 'yong owner ng hotel eh! I mean this resort," dagdag pa ni Seth. Bigla naman akong natuwa sa sinabi niya. "Talaga?" tanong ko sa kan'ya. "Oo, naman, right brow?" Baling nito kay Finley. "Of course. You and Jaica can stay for free, Shantal," tugon naman ni Finley. Na gets ko agad ang ibig sabihin ni Seth kaya tinanong ko naman agad si Finley. "Ikaw ba ang may ari nitong resort?" Taas kilay kong tanong. "Yes," sagot nito sa 'kin. Nabigla man ay hindi ako nagpa halata. "Ah! Hindi mo naman kailangan na i-libre, may pambayad naman kami," mataray kong ani sa kan'ya. "Look! I'm not saying that you can't pay for it, I insisted," sagot niya sa 'kin. bigla naman akong nakaramdam ng hiya sa nasabi ko. "Fine!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD