Chapter 6

1516 Words
Tinulungan ako nina Red upang makapunta na kami sa hotel na pagmamay-ari pala ni Boy hablot, oo 'yon ang tawag ko sa kan'ya dahil naiinis pa rin ako kapag naaalala ko ang ginawa niya sa 'kin. "Shantal, room 101 kayo. Here's the card." Ibigay sa 'kin ni Red ang card para makapasok sa kuwartong binigay nila sa amin ni Jaica. Pagbukas ko ng pinto ay tinulungan ako si Red na akayin si Jaica papasok at maihiga sa kama. "Ah, Red dito na lang, ako na bahala sa kan'ya." ani ko at nilapag na namin si Jaica na talagang tulog na. "Shantal, okay na ba kayo rito? Baka may kailangan ka pa sabihan mo lang ako," sabi niya pa. Nakakatuwa dahil mababait naman ang mga kaibigan ni Boy Hablot pero siya, ewan ko, kumukulo ang dugo ko sa kan'ya. "Wala naman na, Red. Thank you, ha!" nagpasalamat ako sa kan'ya dahil hinatid niya kami rito at para makaalis na rin siya. Gusto pa sana kaming ihatid ni Finley pero hindi ako pumayag kaya wala na siyang nagawa. Nagprisinta naman na si Red na ihatid kami dito kaya, okay na rin sa akin. "Sige Shantal, mauna na ako para makapagpahinga ka na rin. Ito 'yong number ko incase na may kailangan ka nand'yan lang ako sa baba, okay?" anito Kinuha ko naman ang calling card niya. "Okay, thank you ulit Red. Good night." At hinatid na siya sa pinto "Good night Shantal," tugon niya at nginitian ko naman siya. "Bye!" Kinawayan ko siya bago ko sinarado ang pinto at dumiret'so sa washroom dahil nanlalagkit na talaga ako. Buti may roba naman dito kaya ito na lang muna ang gagamitin ko, ipapa laundry ko na lang 'yong damit ko. 'Hay! Bakit kasi nasobrahan naman 'tong babaita na'to sa kalasingan, hindi tuloy kami nakauwi.' Kalalabas ko lang ng washroom ng tumunog ang buzzer sa pinto. 'Sino naman kaya 'yon?' Naglakad ako patungo sa pintuan at binuksan. Nagulat ako dahil si Finley ang nasa labas ng pinto at may dala-dalang paper bags . "A-ah, dinalhan ko lang kayo ng mga damit para makapagbihis na muna kayo," nauutal pa siya ng sabihin niya 'yon sa akin at hindi makatingin. Saka ko na lamang napagtanto na naka robe lang pala ako at wala akong suot na panloob. "Ikaw na naman! Bakit ba ang hilig mong sumulpot? Hindi ko naman sinabing dalhan mo kami ng damit, ah!" nakakainis talaga siya, at naiinis din ako sa sarili ko dahil nakarobe lang ako. 'My god!' "Hey! Bakit nagagalit ka naman? Dinala ko lang 'to, oh!" Itinaas niya ang mga dala kaya napatingin ako at kinuha 'yon sa kan'ya. "Puwede mo namang ipada na lang sa mga personel mo dito, hindi na ikaw mismo!" singhal ko sa kan'ya. "Whoa! I'm just being concerned here, ako pa mali," sagot niya kaya natigilan naman ako. Pero hindi ako nagpahalata kaya tinatagan ko pa rin ang boses ko. "Then, thank you!" inis kung sagot alam ko naman na 'yon lang ang gusto niyang marinig. "Wow! Gan'yan ka ba ang nagpapasalamat, galit?" sabi niya pa ng nakangisi kaya lalo akong naini sa pagmumukha niya. "Ewan ko sayo! Doon ka na nga!" taboy ko sa kan'ya. "Okay, good night Shantal. Dream on me." Sabay kindat niya sa akin na may matamis na ngiti. "Huh? Good night, your face!" At padabog kong isinara agad ang pinto. "Bwisit ka talaga, boy hablot! Ugghh!" asik ko. 'The nerve!' Kinabukasan ay nauna pa rin akong nagising kay Jaica kaya ginising ko na siya, kailangan na naming makauwi dahil baka hinahanap na kami ni Tita Janice. "Jaica! Jaica! Gising na. Jusme kang babaita ka! Gumising ka na at kailangan na nating makauwi, lagot tayo nito kay, Tita," niyugyog ko ito upang magising at tinampal-tampal ang mukha niya. "Best, anong oras na ba?" tanong niya na akala mo hirap magsalita." Alas syete na ng umaga kaya gumising kana d'yan. Hindi na tayo nakauwi dahil lasing na lasing ka kagabi,'' paliwanag ko sa kan'ya. "Best! Ang sakit ng ulo ko, eh! Maya-maya na tayo umuwi, antok pa talaga ako best," ang tila nagmamakaawa ani niya. "Ayan kasi, iinom-inom hindi mo naman pala kaya. Hala, sige na, tayo ka d'yan at maligo ka ng mahimasmasan ka na." Hinila ko na siya para bumangon at tinulak patungong washroom. Maya-maya ay nagring ang telephone dito sa kuwarto kaya sinagot ko ito. "Hello?" sagot ko "Hello Shantal, good morning," nakilala ko naman agad ang boses ng tumawag. Si Red. "Good morning Red, ba't ka tumawag?" tanong ko sa kan'ya. "Ah, gising na rin ba si Jaica? Bumaba na kayo dito, sabay-sabay na tayong ma breakfast," sabi niya pa. "Okay Red, oo gising na si Jaica susunod na lang kami," tugon ko. "Okay, bye!" Binaba na niya ang tawag, sakto naman lumabas si Jaica sa washroom nakabihis na rin ito kaya ako naman ang sumunod na naligo. Hinatid kami ng isang personel ng resort sa isang kubo at maganda ang view makikita mo ang dagat. Ang masarap na simoy ng hangin. Maya-maya pa ay natanaw na namin ang tatlong magkaibigan sina Seth, Red, at Giovan may mga dala sila at mukhang mga pagkain 'yon. Naka summer clothes silang tatlo na bagay naman sa kanila, si Jaica. Ayan na naman mistulang kilig na kilig na naman ang lokaret. "Good morning, beautiful ladies," bati ni Seth sa 'min ni Jaica "Good morning Shantal, and to you Jaica," bati naman ni Giovan. "Hi, good morning Jaica," bati naman ni Red sa bestfriend kung marupok. "Good morning guys." Nakangiti kong bati sa kanilang tatlo. "Wow! Ang dami naman niyan at ang guwapo ng mga waiter, ha!" dagdag pa ni Jaica. "Joke!" sabay tawa pa ng loka. "Puro ka kalokohan," ani ko sa kan'ya. "Okay lang naman sa 'kin kahit maging waiter mo ako, Jaica. Handa naman akong pag silbihan ka," sabi naman ni Red. Pero 'lang 'ya talaga! Hindi man lang magpakipot 'tong bestfriend ko. "Ayiieeee… Ay, tigilan mo 'ko Red baka kiligin ako niyan," sagot niya naman. Napailing na lang ako dahil ako ang nahihiya. "Yeah, kami ang nagluto niyan kaya pagpasensiyahan niyo na," ani naman ni Giovan. "Naku! Kami nga dapat mahiya dahil naabala pa namin kayo, puwede naman na kaming umuwi eh!" sagot ko naman. Nagluto sila ng bacon, scrambled egg, hotdog at churiso, garlic fried rice at may pritong bangus at danguit na tuyo.. Meron ring sawsawan at kamatis. Natakam naman ako dahil ang bango, may orange juice din at kung ano-ano pa. "Wait, guys nasaan pala 'yong owner ng resort?" bigla namang tanong ni Jaica sa tatlo. Oo nga hindi ko naalala mga kaibigan niya pala 'to! "Ayon oh!" sabay ani nilang tatlo na nakaturo sa dagat. Nakita ko naman si Finley na kakaahon lang at may dala-dalang, Surfing board. Mukhang kanina pa siya ro'n naka topless siya at napatingin ako pababa sa dibdib niya habang palalapit sa amin bumaba pa sa tiyan niya na may 8 packs abs, bababa pa sana ang tingin ko ngunit agad akong umiwas. 'Ano Shantal nagagandahan ka sa katawan niya?' tudyo ng boses sa utak ko. 'Maganda naman talaga aminin mo na! Perfect ang body parang, Greek God dhay! Nakita mo naman 'di ba? Habang papalapit siya kanina, at ang V shape, Olalah! Kahit wala ka nang ulam, kanin lang sapat na.' Sabi pa muli nito. "s**t, nababaliw na ba ako? Nagha-hallucinate yata ako." bulong ko Hindi ko namalayan na tinatawag pala ako ni Jaica, bumalik lang ang ulirat ko ng may pumitik sa noo ko. "Hey, are okay?" tanong ni Finley at siya ang pumitik sa noo ko. "Maganda ba?" Nakangisi niyang tanong. "A-ang a-alin?" ang nauutal kong tugon. 'Hahaha!' Natawa siya bigla. "Never mind, kumain ka na baka gutom lang 'yan," dagdag niya pang sabi. Sinamaan ko naman siya agad ng tingin. "Bakit ka ba namimitik? Mommy ko nga hindi never akong pinitik eh!" singhal ko sa kan'ya. "So, Mommy's girl ka pala? E, 'di isumbong mo 'ko," ani pa niya. "Kanina ka pa kasi tinatawag ni Jiaca para kumain hindi mo yata naririnig, nakatulala ka sa akin," dagdag pa niya kaya biglang umusok ang ilong ko sa inis. "What?! Masiyado ka naman yatang bilib sa sarili mo! Guwapong-gwapo eh, no! FYI Boy hablot! Hindi ako nakatulala sa 'yo, na akala mo napakaguwapo mo! Nakatingin ako sa 'yo kasi sa isip ko nilulunod na kita sa dagat!" Nanggagalaiti kong sabi sa kan'ya. 'Hahahahah!' Naghalakhakan naman ang mga kaibigan niya "Guwapong-guwapo daw?" pag uulit pa ni Seth sa sinabi ko. At sinaman naman ng tingi ni Finley bago bumaling ulit sa akin. Nakangisi na siya, "Ano? Gusto mo akong lunurin? Halika maglunuran tayo!" Bigla niya ako pinasan na parang isang sakong bigas. Hindi siya nagbibiro, talagang dadalhin niya ako sa dagat. "Finley! Ano ba! Put me down!" Pagmumumiglas ko ngunit sobrang lakas niya. "Isa, pag hindi mo ako binitawan.." Natigil ako sa sasabihin ng putulin niya ang sasabihin ko. "Ano? Magsusumbong ka na naman sa Mommy mo?" sabi niya pa. "Well, It's fine with me, para ma meet ko na ang mga future in laws ko." dagdag niyang sabi at natigilan naman ako.a "Ano daw?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD