Chapter 7

1087 Words
Natigilan ako sa sinabi ni Finley. 'Future in-laws raw. Hibang ba siya?' Isip-isip ko "Ano ba! Bakit mo 'ko dinala dito? Gago ka!" sigaw ko. Pero nginisihan niya lang ako at dinala sa bandang malalim. "Hoy! Finley! Kapag ako namatay mumultohin talaga kita! Bumalik na tayo do'n, ibalik mo na 'ko!" Halos maputol ang litid ko sa leeg kakasigaw ay pumiglas sa kan'ya. "Sige bumalik ka kung kaya mong lumangoy pabalik," sabi pa niya. 'Napaka walang hiya niya talaga! Humanda talaga 'to 'pag ako nakaalis dito eh!' "See? Hindi mo kaya, bakit ba kasi ang sungit mo sa 'kin, pero sa mga mokong na 'yon ang bait mo naman," dagdag pa niya, sinamaan ko naman siya ng tingin. "Hindi ba obvious na ayaw ko sa 'yo? O talagang likas na makapal 'yang mukha mo!" inis kong singhal sa kan'ya. "Ah, gano'n! Susungitan mo pa rin ako. Puwes hindi tayo aalis dito Shantal," aniya nang nakangisi kaya natigilan naman ako. 'Seryoso ba siya?' "Ano ka! Ano?! Ibababad mo ako sa tubig alat? Alam mo Finley, banas na banas na talaga ako sa 'yo. Ano ba'ng gusto, mo?" matapang kong tanong sa kan'ya dahil hindi na siya nakakatuwa. "Ikaw," anito natigilan na naman ako ulit. "Alam mo nang una kitang makita at bigla mo akong iniwan do'n ay hindi ka na nawala sa isipan ko, Shantal," hindi naman na ako makasagot sa kan'ya. "At sinabi ko sa sarili ko na hindi 'yon ang huli nating pagkikita, kaya ngayong nakita na kita ulit ibig sabihin lang no'n ay nakatadhana tayong dalawa," seryoso niyang sabi. 'Haha haha!' Hummakhak ako ng malakas. "Bilib din naman talaga ako sa imaginations mo, eh, no? Tadhana? Ulol ka ba? Masiyado mo naman yata dinamihan ang pagsinghot ng rugby," pang uuyam ko sa kan'ya. 'Masyadong mahangin ang lalaking 'to kainis!' 'Hahaha!' 'Wag mong pangaraping ma adik ako dahil baka hanap-hanapin ang mo gagawin ko sa 'yo!" agad niyang sagot sa akin. 'Pakshet!' "Bastos!" Akmang sasampalin ko siya nang saluhin niya ang kanang kamay ko. "Whoa! Nananakit kana ha! Kapag hindi mo itatahik 'yang bibig mo, hahalikan na talaga ka kita." Natigilan na naman ako. 'Buwisit!' "Gag--mp." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sa kan'ya ng bigla niya akong hinalikan sa labi. Nakadilat ako habang lumapat ang labi niya sa labi ko. Madiin. Itutulak ko sana siya ng hawakan niya naman ako sa batok para hindi ko mailayo ang mukha ko sa kan'ya, naramdaman kung gumalaw ang labi niya. 'Tengene Shantal 'wag kang magpa mukbang!' sigaw ng utak ko. 'Ano masherep ba?' sigaw pa ng isang tinig sa isip ko. "Open your mouth, Baby," nagsalita ito ng hindi nilulubayan ang labi ko. Hindi ako sumunod sa sinabi niya kaya bahagya niyang kinagat ang ibabang labi ko kaya nasaktan ako at nagulat at mapag tagumpayan niya lang nais. Naramdaman kong pumasok ang dila niya at nag lumikot sa loob ng bunganga ko. Malambot ang labi niya damang-dama ko ang paghalik niya kaya tuluyan na akong nanghina, hindi na ako makalaban pa dahil nadadala na ako sa mga halik niya. Nang nararamdaman niyang hindi na ako pumiglas ay dinahan-dahan na niya ang paghalik sa akin. Hindi ako tumugon dahil wala naman akong alam sa paghalik. Saka naman ako bumalik sa katinuan ng maalala ko 'yon, kaya buong lakas ko siyang itinulak. Napahiwalay ang aming mga labi. Habol namin pareho ang aming hininga, hingal na hingal ako. Matagal bago humupang muli ang aking paghinga at nakahawak ako sa aking dibdib habang siya ay nakayapos ang mga braso sa bewang ko. Paano niya nagawa 'yon? Sa akin? hindi ko siya kilala, hindi niya, ako kilala. At lalong hindi ko siya boyfriend para kunin ang first kiss ko. Napakasama niya! Namumuhi ako sa kan'ya. "Masaya ka na ba?" ang mahinang boses kong tanong sa kan'ya at hindi ko mapigilan ang mapaluha, hindi ko matanggap na ginawa niya sa akin 'to. Umangat ang tingin ko sa kan'ya ng may luha sa mga mata. Tinitigan ko siya at nakita ko na bigla siyang nataranta at may pag-aalala. "Wala akong natandaan na naging kasalanan ko sa 'yo para lapastanganin mo ako, Finley! Gan'yan ka ba sa lahat ng mga babae mo? Dinadaan mo sa dahas?" tanong ko rito na nagpupuyos sa galit ang kalooban. "Shantal," ani nito. Tila natigilan siya. "Im sorry, hindi ko sinasad'ya!" Napangiti ako na mapakla "Wow! Tapos ngayon magso-sorry ka, para ano? Para okay na?" hindi siya naka sagot. "Ito lang ang masasabi ko sa 'yo Finley. Wala kang kuwenta!" Sabay tulak ko sa kan'ya upang kumalas sa pagkakayapos niga sa baywang ko. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa pampang ng dagat, nang makarating ako, ay tumakbo na ako agad pabalik ng hotel at hindi ko nililingon ang mga naroon sa kubo. Hindi ko mapigilan ang mapahikbi, hindi ko matanggap ang ginawa niya sa akin, pakiramdam ko hinayaang ko siyang bastusin ako. Agad ako dumiretso sa room namin ni Jaica at tumuloy sa washroom. Napaupo ako sa lapag at binuhos ko ang luha kong hindi matigil-tigil. 'Gago ka! Wala kang kuwenta!' Maya-maya ay narinig ko siJaica na tinatawag ako. "Best! Shantal! Okay ka lang ba?" ang may pag-aalala na boses nito habang tinatawag ako mula sa labas ng washroom. "Shantal, anong nangyari sa 'yo? Open the door please, sumagot ka!" pagmamakaawa nito sa labas. "Okay lang ako best, maliligo lang ako," sagot ko dito na pinakalma ang boses. "Okay, hihintayin kita dito," aniya Nang buksan ko ang pinto ay naghihintay na siya sa aking paglabas. "Best, bakit ka umiiyak? Anong ginawa ni Finley sa 'yo?" tanong niya ulit at t'saka ko kinuwento kay Jaica ang ginawa ni Finley habang nasa dagat kami. "Gago pala siya, eh! Humanda sa akin 'yon mamaya bago tayo umalis. Sasapakin ko talaga siya!" galit na asik nito. "Jaica, umuwi na tayo. Ayaw ko na siyang makita pa, please?" pakiusap ko. Gusto kung humiga at matulog, gusto kong mapag-isa. Inayos naman na namin ni Jaica ang kuwarto bago kami umalis upang umuwi na. Bigla naman kami sinalubong ni Red nang makababa kami sa lobby. "Shantal! Are you okay?" tanong niya ng makalapit sa amin. Hindi ako sumagot at makatingin sa kan'ya kaya si Jaica na ang sumagot. "Hindi okay ang best friend ko! At dahil 'yon sa kaibigan niyo!" singhal nito kay Red.. "Pakisabi aalis na kami, at 'wag na siyang magpapakita kay Shantal kung may hiya pa siya, ha!" galit na ani ni, Jaica. "Halika na best, umuwi na tayo dahil hindi pala safe dito!" dagdag pa niya bago kami tuluyang makaalis. ,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD