~Shantal~
Lumipas ang isang buwan ay walang palya ang panliligaw sa 'kin ni Finley, kung hindi man siya makapunta ay nagsasabi at tumatawag naman siya sa 'kin.
Napakakulit niya talaga at do'n ako naiirita sa kan'ya.
Minsan natutuwa ako sa kan'ya, pero madalas akong nabubiwisit.
Habol nang habol, dikit nang dikit.
Kahit na magkakapit lang naman kami.
Hindi ko rin alam sa ngayon ang nararamdaman ko para sa kan'ya, nalilito pa ako.
Fiesta ngayon dito sa lugar nina Jaica, masaya at maraming tao. May mga dumating na kamag-anak at kaibigan naman sina tita Janice.
Dumating din ang kumare umano ni tita Janice at kasama nito ang anak na binata na malapit din kay Jaica. Kinakapatid niya ito, si Raven.
Agad naman itong sinalubong ni Jaica at natuwa pa ito nang makita niya ang kinakapatid.
"Raven! Nice, buti nakapunta kayo ni Ninang," masayang salubong ni Jaica rito.
"Oo nga, eh! Kumusta ka na? Namiss kita." Nakangiting tugon naman nito kay Jaica.
"Okay lang, siyempre maganda pa rin." Natawa naman si Raven.
Habang masaya silang nag-uusap ay nakarating ako sa gate, ang sabi kasi ni Finley ay pupunta siya.
Tanghali na ngunit wala pa rin ito.
'Nasaan naman na kaya, 'yon!'
maya-maya lang ay biglang lumapit na sina Jaica sa 'kin at si Raven.
"Ahmmn.. Best, kinakapatid ko pala. Si Raven, and brother. She my best friend, Shantal," pakilala ni Jaica sa 'ming dalawa ni Raven.
"Hi, Shantal. Nice to meet you," bati nito at inilahad ang kamay.
Tinanggap ko naman 'yon at nakangiti ko rin siyang binati. "Nice to meet you, too. Raven."
Habang busy si Jaica ay ako na muna ang naiwan kausap ni Raven. Natawa ako kasi akala ko ay straight na lalaki ito, 'yon bala ay bakla ang loko!
Tawa lang ako nang tawa sa kan'ya dahil napakakuwela niyang kausap.
Naging palagay na agad ako sa kan'ya at minsan nga ay naghahampas ko na siya.
Hindi ko na namalayan ang oras, at hindi rin dumating si Finley. Inabot lang ng hapon.
Lumabas ako saglit ng gate, nagbabakasakali na parating na si Finley ngunit wala.
Nagpasiya akong pumasok sa loob ngunit napakunot ang noo ko dahil may boque ng bulaklak akong nakita sa basurahan.
Agad ko naman itong dinampot dahil ang ganda, sayang naman.
'Kanino kaya galing 'to! Sayang naman. Akin na nga lang.'
Dinala ko ito sa loob, nakita naman ako ni bakla. "Ay, bongga may pabulaklak. kanino galing?" agad ko naman sinubukan tiningnan at hinanap kung may card na kasama.
Tinulungan naman ako ni bakla.
"Oh! Ito, mayro'n nga. Dali, buksan mo na, baka para sa 'kin pala 'yan!" Eksahiradang pagmamadali ni Raven.
"For the girl who stole my heart.
Sweetie.'
Basa ko sa nakasulat sa card. Natigilan naman ako bigla, ibig sabihin ay dumating siya.
'Bakit hindi siya tumuloy at hindi nagpakita sa 'kin?'
"Ano girl? Kilala mo kung sino? Para kanino?" sunod-sunod na tanong naman ni Raven.
"Oo eh, malakas ang kutob ko galing kay Finley 'to!
Kaso, bakit nasa basurahan na at hindi siya nagpakita sa 'kin?" nag-aalala kong tugon kay Raven.
"Gano'n ba? Jowa mo ba girl?" tanong niya pa.
"Hindi, nanliligaw pa lang siya sa 'kin at sabi nga niya ay pupunta siya. Inabot na lang nang hapon ay wala, tapos makikita ko 'to!" Imangat ko ang bulaklak, naiinis ako na ewan.
"Hala ka bakla! 'Di kaya nakita niya tayong nag-uusap kanina, tapos nagselos.
Baka iniisip niya na nakikipag-flirt ka sa 'kin dahil ang saya kaya natin habang nag-uusap kanina, naghahampasan pa," aniya pa.
Napasapo naman ako sa noo ko.
'Maaring nga kayang nakita niya kami kanina?'
Agad ko itong tinawagan ngunit hindi siya sumasagot, nakailang ulit ako ngunit wala pa rin.
Bakit ba hindi niya sinasagot! Nakakainis naman talaga, kaya tinigilan ko na. Kinagabihan ay wala na ang mga bisita at tapos na rin kaming magligpit.
Tumulong na ako upang malibang dahil iniisip ko si Finley.
Kung ano nga ba ang nangyari at hindi ito nagpakita sa 'kin kanina.
'Nakakainis ka talaga!'
Hinintay ko pa kung tatawag pa ba ito o magme-message man lang ngunit wala talaga, kaya hinayaan ko na.
Kinabukasan ay walang Finley ang dumating, wala ring paramdam. Hanggang sa lumipas ang tatlong araw ay wala na talaga.
Nagpa-alam ako kay tita Janice, at Jaica na susubukan kong puntahan si Finley sa resort niya upang makausap.
Oo, hindi niya ako girl friend pero nag-aalala pa rin naman ako dahil sa nakita kong bulaklak na sigurado akong galing talaga sa kan'ya.
Ayaw ko lang na may bumabagabag sa 'kin dahil hindi rin ako matahimik at mapakali.
Pagkarating ko sa resort niya at agad na akong dumiret'so sa lobby. Magtatanong ako kung nasaan ang boss nila.
"Hi good morning," bati ko sa receptionist.
"Hello good day, Ma'am. Welcome to Monterde's Resort. How may I help you?" tanong nito.
"I would like to talk to your Boss, is he here?" tanong ko rin sa kan'ya.
"Do you have an appointment with my Boss? If you don't mind Ma'am?" alam kong hindi ko siya basta-basta makakausap kung wala akong appointment ngunit nagbakasakali ako.
"Ahmmn.. No! But please. Can you inform him that I am here?" pakiusap.
"Okay I will try, Ma'am. May I know your name, please?" Agad niya naman dinampot ang telephone at may tinawagan do'n. Si Finley na 'yon malamang.
"Hello Sir, may naghahanap po sa in'yo dito sa lobby," aniya kay Finley.
"Ma'am, what's your name?" agad ko namang sinagot.
"Shantal sabihin mo sa kan'ya." Tumango naman ito sa 'kin.
"Si Shantal raw po, Sir," aniya't sinabi ang pangalan ko.
"Okay Sir, bye," paalam nito sa kausap at ibinaba na ang telepono.
"Ahmmn.. Ms. Shantal, you can proceed to the 15th floor sa pad po niya." Napamaang naman ako.
"Bakit do'n? Hindi ba puwedeng sa opisina niya na lang?" Alanganing tanong ko.
"Do'n na din po ang office niya. Sa kan'ya po ang buong 15th floor Ms. Shantal. Hinihintay niya na po kayo," aniya sa 'kin kaya wala na akong nagawa kun 'di ang umakyat na lang sa 15th floor.
'Relax, mag-uusap lang kayo, okay?'
Nang makapasok ako sa elevator ay agad na pinindot ang botton hanggang 15th floor.
Kinakabahan ako na nanlalamig, hindi ko mawari.