~Shantal~
Halos mag-iisang linggo na rin ako ngayon kina Jaica at talagang masaya naman ako, hindi rin pumapalya na makausap ko sina mommy at daddy.
Mabuti at maayos naman company, walang problema. Isang taon lang naman at ako na ang magma-manage no'n.
Matagal na naman ako makakabalik siguro dito kapag nangyari 'yon.
"Shantal! Bumaba ka na d'yan at magtatanghalian na," tawag sa 'kin ni tita Janice kaya bumaba na ako agad.
Naghahabol ba ito sa hapag kaya tumulong na ako. Ngunit napansin kong wala pala si Jaica.
"Tita, nasa'n po si Jaica?" tanong ko.
"Ah, pakitawag mo d'yan sa labas. May karapatan 'yon siya kanina, eh," ani pa ni tita.
"Sige po." Lumabas naman na ako agad.
"Ay, hindi naman.
Okay lang, ikaw baka busy d'yan at ako ang nakakaistorbo sa 'yo," dinig kong sabi ni Jaica sa kausap.
'Sino naman kaya ang kausap nito. Mukhang kinikilig ang loko.'
"Jaica, Kakanin na. Pinapatawag ka na ni Tita," mahinang sabi ko sa kan'ya. Tumingin naman ito sa 'kin at sinabing sandali lang.
"Ah… Red, sandali lang. Tawag na raw ako ni Nanay, eh.
Tanghalian na kasi, ikaw kumain ka na rin d'yan," Sabi pa nito. Si Red pala ang kausap niya.
'Hmmn..mabait naman si Red, kung nagkakamabutihan na sila ay masaya ako para sa kanila.'
"Aba! Mukhang okay na okay kayo ni Red, ah! Nanliligaw na ba?" Tumango namAn siya agad at tila nagniningning ang mga mata.
"Oo, eh! Gusto ko rin naman siya, tatanggi pa ba, ako?" aniya.
"Asus! Oo na, dali na sa loob at akalain na," aya ko sa kan'ya.
"Shantal, hindi ko yata nakita ngayon ang masugid mong manliligaw?" Nakangiting tanong sa 'kin ni tita.
Tumawag pala ito kanina sa 'kin na hindi siya makakapunta dahil may aasikasuhin lang siya.
"Ah… opo Tita, tumawag po kanina may gagawin lang daw siya," tipid kong sagot.
"Ay, akala ko best natauhan na, eh. Palagi mo ba namang paghirapan tapos sinusungitan pa!
Kawawa naman si Finley," ang pangungonsensiya ng loka sa 'kin.
'Ewan ko ba kung bakit, pero naiinis ako sa kan'ya.'
"Bahala siya, okay lang naman sa 'kin kung titigilan na niya ako, wala nang makulit." Nagpatuloy lang ako sa pagsubo at si Jaica naman ay nginiwian lang ako.
"Ewan ko sa 'yo!
Mabait naman si Finley, sipag nga no'n suyuin ka kahit na para kang tigre." Inirapan ko naman siya at hindi na sumagot.
Kinagabihan ay nagpa-alam akong magpaalam akong maglalakad-lakad sa tabing dagat.
Ang sarap kasi sa pakiramdam ng mapag-isa. Ang peaceful na at nakakagaan sa pakiramdam.
"Good evening." Biglang may nagsalita na naman sa likuran.
"Ay Kalabaw!" Pinaghahampas ko siya dahil sa gulat ko.
"Ikaw, palagi mo na lang ako gunugulat! Buwisit ka!
Aatakihin ako sa 'yo kung may sakit lang ako sa puso, eh," inis kong sabi sa kan'ya.
Tinawanan ang lang ako nito. "Grabe ka naman, napaka-magugulatin mo!
Hindi ka pa ba nilalamig dito, Sweetie?" ayan na naman siya sa tawag niya sa 'kin. Pero hinayaan ko na dahil kukulitin lang naman niya ako.
Hinubad niya naman ang coat at ipinatong sa balikat ko. Nagulat ako sa ginawa niya, pero inaamin kong nagustuhan ko naman 'yon.
"Eh, ikaw? Hindi ka ba nilalamig at pinasuot mo sa 'kin ito?" tanong ko sa kan'ya at nginitian niya naman ako.
'Ngayon ko lang napagmasdan nang maayos ang mukha niya. Guwapo nga naman talaga siya.'
"Hmmn… nilalamig, pero puwede mo naman akong yakapin para hindi ako ginawin dito," anito. Sinamaan ko siya agad nang tingin.
"Ikaw, para-paraan ka!" singhal ko sa kan'ya.
Tumawa naman siya ng malakas. "Baka lang kasi makalusot, nagbabakasakali lang." Pangiti-ngiti nitong sabi.
"Gabi na, ah! Bakit ka pa pumunta dito?"
Kung kailan kasi ang gabi ay saka siya pupunta. "Hindi pa ako nakauwi, galing ako sa maynila. 'Di ba sabi ko kanina may aasikasuhin lang ako? Do'n ako galing Sweetie," saka ko naman napansin na nakapang business attire pa ito.
"Dumiret'so na ako dito kasi gusto kitang makita, pangtanggal pagod ko," sabi niya pa.
Parang may sumikdo naman sa dibdib ko nang sabihin niya 'yon. Nakaramdam ako ng guilt dahil sinungitan ko pa siya.
"Naku! Kumain ka na ba?" tanong ko dahil baka nga hindi pa siya kumain. Agad naman itong umiling.
"Hindi pa nga, eh! Pero kumain naman ako kaninang hapon," anito. Kaya hinila ko na siya pabalik sa bahay.
"Halika na nga! Kumain ka na muna. Baliw ka talaga! Anong oras na kaya tapos hindi ka pa kumakain," sermon ko sa kan'ya.
"Really? Tama ba ng narinig ko? Concern sa 'kin ang, Sweetie ko?" Natigilan naman ako bigla.
"'Wag kang assuming d'yan!" Hinila ko na siya ulit. Pangiti-ngiti na naman siya dahil do'n.
"Umupo ko na at ipaghahain kita." Bigla naman pasok si Tita Janice na kusina.
"Oh! Finley, Nandito ka pala," ani ni tita nang makita siya rito.
"Yes po, Tita. Galing sa po akong maynila at dito na 'ko dumiret'so," tugon niya naman kay tita.
"Hay naku, Tita! Hindi pa siya kumakain kaya heto, ipinaghain ko na!" Nikapag ko na sa lamesa ang kanin at ulam na Tinolang manok at pritong galunggong.
"Wow! Thank you, Sabayan mo kaya ako," aya nito sa 'kin.
"Sige na, maiwan ko na muna kayong dalawa. Kumain ka lang nang kumain Finley, 'wag kang mahihiya," ani ni tita bago umalis.
"Thank's po Tita, of course. Sweetie ko naghanda nito kaya uubusin ko talaga!" Umalis naman na Natatawa si tita Janice.
'Bolero!'
"Ano gusto mong inumin? Soft drinks, juice or cold water?" tanong ko sa kan'ya. Buti at Mayro'n naman kami dito.
"Cold water na lang, Sweetie," anito kaya kinuhanan ko naman na siya.
Nakakatuwa siyang panuorin kumain dahil magana talaga siya, at mukhang gutom nga!
'Bakit kasi nagpapagutom, ang dami-dami naman niyang pera.'
Pagkatapos niyang kumain ay agad ko nang hinugasan ang pinagkainan niya. At habang nasa lababo ako ay bigla siyang yumapos sa baywang ko.
Bigla akong naninigas sa kinatatayuan ko, naramdaman ko ang ang mainit niyang hininga sa batok ko kaya nagsitayuan naman ang mga balahibo ko.
'Yawa! Ano ba naman 'to!'
"Hoy! Bakit ka nangyayakap bigla? Umalis ka nga d'yan!" nagkunwari akong hindi apektado.
"Sweetie, five minutes lang. Please? Pagod lang talaga ako," naawa naman ako.
"Bakit kasi nagpunta ka pa dito, dapat ay nagpapahinga ka na," tugon ko naman.
"Ikaw nga ang pahinga ko, eh! Sa 'yo ako umuwi," malambing nitong sabi.
'Diyos ko! Ganito ba talaga siya?'
Bumilis bigla ang t***k ng puso ko. Pakiramdam ko rin at nagkanda buhol-buhol na ang bituka ko!
Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko!
Pero hindi ako nagpahalata na gano'n ang nararamdaman ko. "Hoy Finley! Ikaw nga ay umalis d'yan sa likod ko, ha!
Hindi mo ko girlfriend para yakap-yakapin mo 'ko nang gan'yan!" singhal ko sa kan'ya pero hindi pa rin siya umalis.
"Eh, 'di sagutin mo na 'ko!" tugon niya.
'Aba!'
"At bakit? Pinayagan na ba kitang manligaw? Hindi naman 'di ba?" Kumalas naman siya sa pagkakayapos sa 'kin bigla.
"I'm sorry, Sweetie. I'm sorry kung niyakap kita. Baka isipin mo na naman ay–"
"Okay, lang," awat ko sa sasabihin niya. Bigla kasi siyang nataranta, naisip niya siguro 'yong nangyari sa resort.
"'Wag mo lang uulitin, baka sabihin nila kay relasiyon na tayo," ani ko sa kan'ya.
"Salamat, parang gusto ko tuloy dito matulog. Paalam kaya ako kay, Tita," sabi niya.
"Hoy! Hindi puwede, sa'n ka naman hihiga dito? Wala ng kuwarto!" Saway ko sa kan'ya.
'Lalaking 'to! Kung anu-ano naiisipan.'
"Puwede naman sa kuwarto mo, eh!" Sabay kindat niya kaya mabilis na hinampas ko na naman siya
"Ikaw, Puro ka kalokohan!"
Tinawanan niya na naman ako. "Joke lang, saka na kapag kasal na tayo!"
'Yawa talaga!'
Lalo akong napamaang sa sinabi niya. "Sige na, uuwi na 'ko para makapag-pahinga na rin kayo.
Salamat sa hapunan sobrang nabusog ako pati puso ko!"
'Talagang naisingit niya pa 'yon, ah!'
"Ewan ko sa 'yo! Sige, ingat ka.
Wait, hatid na kita sa labas." Nagpa-alam naman na siya kay tita Janice.
"Hatid ko lang po siya sa labas, Tita," paalam ko.
"Sige, mag-iigat ka," pahabol naman ni tita.
"Yes po! Salamat Tita." Nang makarating na kami sa gate ay humarap na siya sa 'kin.
"Good night, Sweetie." Nagulat ako dahil hinalikan niya ako sa pisngi.
"Dream on me!" Naiwan akong nakatulala sa gate, hindi na rin ako makasagot sa kan'ya.
"Bye! Pasok ka na do'n," sabi niya nang makasakay na siya sa kot'se.
"S-sige, bye!" Kumaway na ako sabay talikod. Umalis naman na siya agad.