Nakauwi na ako sa resort ngayong hapon, galing ako kina Jaica dahil inumpisahan ko na ang pinapagawa sa 'kin ni Shantal.
Grabe ang pagod ko. Grabe! First time kong mag-sibak ng panggatong buwisit na 'yan!
Siya lang ang bukod tanging babae ang nakagawa sa 'kin nito.
'Tangina!'
Kahit nga magsaing, hindi ako marunong.
Pero siya, napagsibak ako ng kahoy at pinag-igib pa ng tubig.
'Hanep!'
Ilang araw, o buwan ko naman kaya gagawin 'yon!
Paniguradong pagtatawan lang ako ng mga ulol kapag nalaman nila ang mga pinaggagawa ko.
Lalo na si Seth...lakas pa naman mang-asar ng gagong 'yon!
Kailangan ko yata uminom ng painkiller para sa na nanakit kong katawan. Nanibago talaga yata ako.
Buti na lang at may gamot naman ako dito in case of emergency.
Pagkatapos kong maghapunan ay naisipan kong tawagan si Shantal. Kumustahin ko lang, baka sakaling bumalik Kahit ¼ lang.
Dinial ko na ang number niya na kinuha ko pa kay Red.. Hanep!
Buti pa loko binigyan, ako ay hindi man lang.
"Hello?" sinagot niya sa wakas ang tawag ko.
Tumikhim muna ako bago magsalita. "Ahmmn… It's me Finley," tugon ko naman.
"Oh! Ba't ka napatawag? Kanino mo nakuha number ko?
Gabi na nambubulabog ka pa?" Inilayo ko nang konti ang cellphone ko dahil masakit sa tenga ang boses niya.
'Grabe ang sweet niya talaga!'
"Shantal naman...gusto ko lang marinig 'yang boses mo, eh.
'Wag ka nang magalit...alam mo namang natatakot ako kapag nagagalit ka na, eh," pagsusumamo ko sa kan'ya.
Ini-imagine ko na para na naman siyang magbubuga ng apoy.
"Oh, eh… bakit nga kasi?"
'Grabe talaga siya kasuplada, pabilhan ko kaya sa quiapo 'to ng mga gamot do'n para sa babaeng masungit.
Baka sakaling tumalab at bumait sa 'kin.'
"Wala, mag-go-goodnignt lang naman sana ako sa 'yo,'' mahinang sabi ko. Natahimik naman siya sa kabilang linya.
"Okay, mag-iingat ka at 'wag magpalipas ng gutom. I miss you," mahinahon niyang sabi.
'Tangina sinabi niya talaga talaga 'yon sa 'kin?
Felling ko naging sampo ang puso ko.'
"I mi–"
"I'm sorry nand'yan ka pa?" sasagutin ko na sana siya nang muli siyang magsalita.
"Huh?" Nangungot naman ang noo ko.
"Tumawag ang Mommy ko, hindi niya ako macontact dahil tumatawag ka kaya kay Jaica na lang sila tumawag," aniya.
Biglang tumamlay at bumagsak ang balikat ko.
Akala ko pa naman ay para sa 'kin na 'yong mga sinabi niya.
"Gano'n ba? Sige matulog ka na, good night Shantal." Ibababa ko na sana nang magsalita siya.
"Good night, see you tomorrow," sabi niya.
'Nak's! Sabi na, gusto niya rin talaga ako makita, eh.
Ang sweet niya talaga.'
Nakatulog naman na ako agad dahil sa sobrang pagod.
Kinabukasan ay med'yo gumanda na ang pakiramdam ko.
Dahil siguro sa inimik kong gamot ay nawala ang sakit ng Kalamnan ko.
Maliligo lang ako at pumunta na agad kina Jaica, do'n na rin ako ulit makikikain para ipagtimpla muli ako ni Shantal ng kape.
Pangalawang araw ko na 'to! Sana ay may improvement ang kasungitan ay mabawasan.
Pagkarating ko sa bahay nina Jaica ay nakita ko agad si tita Janice na magpakilig ng bakuran.
"Good morning po, Tita Janice," masayang bati ko rito.
"Good morning din sa 'yo, Finley.
Naku! Ano na naman ang pinapagawa sa 'yo ni Shantal?" tanong pa nito.
"Ah… Para po kasi pumayag si Shantal na ligawan ko siya,
kaya ko po ito ginagawa," tugon ko naman.
"Hay naku! 'Wag ka nang mag-sibak at masiyado pang marami at panggatong namin.
Gisingin ko lang sina ni Jaica." Pumasok si tita sa loob upang gisingin na nga, ang dalawa.
Nakita ko namang bumaba na si Jaica, sunod ay si Shantal.
Mukhang antok pa rin ito umupo kasi ito sa upuuan at muling pumikit.
'Ang cute niya.'
Hindi niya alam na pinagmamasdan ko siya habang nakapikit.
Kaya pumasok ako sa sala at dahan-dahang naupo sa tapat niya.
Talagang nakapikit pa siya, bigla namang lumabas si Jaica mula sa kusina, sinenyasan ko itong 'wag maingay dahil kay Shantal.
Ngunit nginisihan lang niya ako. "Shantal...ano matutulog ka pa?" tanong nito kay Shantal habang nakapikit.
"Uhmmn… give me 5 minute's, please," pakiusap pa nito.
"Paano pala 'pag dumating na si Finley, anong gagawin niya?" Ngisi ni Jaica na kina maang ko.
"Uhmmn… Hindi ko alam, bahala siya kung anong gusto niyang gawin," tugon naman ni Shantal.
"Eh 'di, papayag ka na bang ligawan ka niya?" mahinang tawa ni Jaica.
"Ano ba 'yan. Ang aga-aga 'yan agad tinatanong mo," reklamo naman ni Shantal kahit nakapikit parin.
"Eh 'di 'wag! Sige ka, 'pag 'yon si Finley ay may nagustuhang iba. Bahala ka!" ani naman ni Jaica.
"Huh? Sino naman?"
Hanep! Nakakaaliw tuloy 'tong ginagawa ni Jaica, sumasagot naman si Shantal habang nakapikit.
"Si Jelai, 'yong Anak ng kapitbahay natin," tugon pa ni Jaica.
"Tss. Pangalan pa lang ang bantot na! Mas maganda ba sa 'kin 'yon?" Natawa kami pareho ni Jaica sa sagot niya.
"Hmmn… Ewan ko! Tanungin mo si Finley, kasi nakita kong nag-uusap silang dalawa, eh." Napalingon ako bigla kag Jaica.
"Anong sinasabi mo d'yan? Mayayari pa ang diskarte ko, eh!" pabulong kong sabi.
"'Wag ka nga! Akong bahala! Hindi 'yan didilat, tulog pa 'yan." Napahilamos naman ang ng mukha.
Baka kasi kung ano pa masabi.
"Eh, 'di do'n siya! 'Wag lang siya magpapakita sa 'kin.
Sabi-sabing manliligaw pero nando'n pala siya sa iba!
Kailan mo nakita?"
'Yari na! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, eh!'
"Lumabas ka na! Gigisinging na 'yan! Labas na bilis." Tumayo naman ako bigla dahil baka makita niya pa ako.
Bumalik ako sa labas na parang walang nangyari.
Sakto naman maya-maya ay gising na nga ito.
Sunilip siya sa labas, siguro ay hinahanap na niya ako.
"Good morning Shantal." Ngiting bati ko.
Ngunit sinamaan ako nang tingin
"T'se!" singhal niya agad.
"Do'n ka sa, Jelai mo!"
Aysus! Pahamak talaga 'tong si Jaica, eh.
Beast mode na naman tuloy ang Sweetie ko.
Pumasok na ako upang suyusin siya.
"Sweetie naman, ang aga-aga nagagalit ka na agad… Sinong Jelai? Wala akong kilalang gano'n!" tanggi ko.
"Pake ko kung may kilala ka! O wala!"
Nang tingnan ko si Jaica ay naka-peace sign na ito sa 'kin.
'Haaaysstt! Pahamak ka, Jaica!'