Chapter 10

1170 Words
~Shantal~ Ang sarap nang pakiramdam ko habang naglalakad-lakad dito sa baybayin at makikipag-habulan sa mga alon. Nakakatuwa dahil para akong bumalik sa pagkabata. Masaya lang, walang problema, at tahimik na buhay dito sa isla ng Palawan. Masaya rin naman ang buhay ko. Pero iba ang saya nang simpleng pamumuhay katulad nito. At gusto ko rin na balang araw ay sa ganitong pamumuhay ang mayro'n kapag nakapag-asawa na ako. Ngunit naputol ang pagmumuni-muni ko nang biglang may nagsalita sa likuran ko. "Shantal," tawag pansin nito sa 'kin. Panandalian akong nagulat nang makita ko siya subalit agad na nainis na naman ako at sinamaan ko siya nang tingin. "Ano ginagawa mo dito?" galit ako sa kan'ya at ang lakas pa nang loob magpakita. "Ah..gusto kitang makita, eh." 'T'se!' "Shantal, puwede ba tayong mag-usap?" Hindi ko siya inimik. "Tungkol kahapon, I"m not saying sorry about the kiss. I'm here to apologize if you felt disrespect but, Shantal I'm really sorry," paulit-ulit na pagso-sorry niya na naman. 'Hindi ba siya magsasawa? Makakarinde na! Buwisit.' "Tapos ka na ba? Kung tapos ka na ay makakaalis ka na rin," walang gana kong sabi, kahit papaano ay nagtitimpi ako sa kan'ya dahil maganda ang araw ko kanina kung hindi lang siya dumating. "Gusto ko lang naman na maging okay na tayo, alam kong hindi maganda ang naging unang pagkikita natin kaya sana ay bigyan mo ako nang chance," pakiusap niya. 'At Bakit niya naman ako pag-aaksayahan nang oras? Puwede naman na kalimutan na lang 'yon!' "Alam mo! Nakapakasimple lang sana, pero bakit mo ba pinoproblema? Eh, 'di kalimutan mo na! Hindi naman tayo magkakilala kaya dapat ay tapos na! Pero anong ginagawa mo? Kasalanan ko pa?" naiiritang kong sabi, ano ba pinaglalaban nito at ayaw akong tantanan. Imbes na tahimik ang buhay ko dito ay ginugulo niya! Bigla-bigla ka lang sumusulpot sa kung saan, parang kabute. "Shantal please, puwede ba na kausapin mo naman ako nang maayos. Hindi 'yong palagi ka na lang galit," anito. 'Ako na naman ang mali.' "Hoy! Ako pa ngayon ang mali! Ako pa ngayon ang masama! Samantalang, ikaw 'tong lapit nang kapit sa 'kin." Nakapamaywang sinabi 'yon sa kan'ya dahil mauubuasan na yata ako nang pasensiya. "Hindi kasi gano'n yon! Makinig ka kasi muna, please?" muling pakiusap niya. "Oh! Eh, ano kasi yon?! "Gusto kitang ligawan," biglang sabi niya. Natigilan naman ako. 'Tama ba ang narinig ko? Gusto niya akong ligawan?' "Kaya ako nandito dahil gusto kitang ligawan, kaya sana bigyan mo 'ko nang chance?" seryoso niyang sabi. 'Pero bakit? Dahil nahalikanna niya ako ay gano'n na? Papayag na 'ko?' "Bakit? Ano namang nakita mo sa 'kin at gusto mo akong ligawan, aber?" tanong ko. "Hindi ko rin masabi, basta angalam ko ay gusto kita. Kaya sana, give me a chance to prove it to you? Know me more if you want, or anything you want me to do, I will do it for you, " bigla may naisip ako. "Kahit ano ba kamo?" Nagliwanag naman bigla ang mukha niya nang tanong ko 'yon sa kan'ya. 'Mukhang akala niya ay papayag ana ako sa panliligaw niya. Hindi gano'n kadali, no!' "Yeah! Kahit ano, gagawin ko," pagkumpirma niya. "Okay, baka sakaling napapayag mo 'ko. Pero kung sumuko ka na agad ay wala na akong magagawa," sabi ko pa. "Sure, ano ba ang ipapagawa mo?" excited na talaga siya. "'Di ba ang sabi mo ay patutunayan mo sa 'kin, at gagawin mo ang lahat?" Sunod-sunod naman ang pagtango niya. "Okay, gusto ko ay ikaw ang mag-sibak ng panggatong, mag-igib ng tubig namin nina Jaica," kita kong nabigla siya. 'Tingnan narin kung kaya mo!' "Okay, gagawin ko hanggang sa napapayag kita," tinanggap niya ang hamon ko sa kan'ya. 'Sige, hanggang saan kaya ang mata mo.' Umuwi na kaming dalawa kina Jaica, 'yon na ang usapan. Umpisa bukas ay gagawin na niya 'yon hanggang sa napapayag niya raw ako. 'Yon ay kung mapapayag niya 'ko. Sinabi ko lang naman 'to para, sana, tumigil na siya ang Kaso ay hindi, eh.' Hindi nagtagal ay nagpa-alam na sila ni Red at babalik na lang daw siya bukas, siya na lang mag-isa dahil may sarili rin naman itong trabaho. "Shantal, una na kami, ah. Ikaw ang bahala kay Finley." Sabay kindat at binalingan na ang kaibigan ko. Ang loka naman ay todo ngiti. 'Masiyadong bigay na bigay, ang loka. ' "Bye, Shantal. See you, tomorrow," paalam na rin nito. Tanging tango lang ang tinugon ko. "Oh, Kumusta? At bakit babalik siya bukas?" tanong ni Jaica. Doon ko sinabi ang gusto kong ipagawa kay Finley. "Grabe ka naman best, gagawin niya 'yon araw-araw, dito? Buti napapayag mo naman," aniya. Dapat lang, dahil kung ayaw niya ay tapos ang usapan. "Pero excited na 'ko best, ang sweet kaya na gagawin niya 'yon para sa 'yo. Seryoso talaga siya best," kinikilig pa niya sabi. Napangiwi naman ako sa kan'ya. 'tong babaeng 'to, always na lang kinikilig. Kaloka!' Kinabukasan ay may naririnig akong ingay sa labas, sinipat ko ang orasan at nakita kong alas syete na ng umaga. Bumaba na ako upang maligo nang muling makarinig ng ingay. Ngunit nagulat ako sa bigla kong nakita. Si Finley, nagsisibak at nakatopless, hingal na hingal. Kitang-kita ko ang pawis na nasisituluan ka katawan niya at nangingintab pati likod niya sapawis. "Good morning Shantal, nandito na 'ko, oh. Sabihin mo lang kung may gusto ka pa, okay?" Hindi ko siya sinagot, pumasok na ako ng banyo upang maligo na. Napailing ako sa sarili ko nang maalala ang nakita ko kanina. Eh, ano naman kung nakatopless? Natural lang sa mga lalaki 'yon. 'Tss. Naliligo na nga lang, bakit ko ba siya iniisip? Wala akong pake sa kan'ya. Hmmnp!' "Good morning," bati ko kina Jaica at tita Janice, naghahanda na sila nang almusal. "Good morning best, ang aga niya," tukoy nito kay Finley. "Shantal, ikaw talagang bata ka. Ano bang naisip mo at pinagsibak mo 'yong si Finley? Tawagin mo na upang makapag-alusal," utos ni tita. Lumabas naman ako upang, ayain na muna siyang mag-almusal. "Ahmmn… Finley! Pinapatawag ka na ni tita, mag-almusal ka na," ni ko sa kan'ya. Ngumiti siya sa 'kin pagbaling niya. "Sure, sige susunod na 'ko, salamat." Muli, ay bumalik na 'ko sa loob. "Oh, nasa'n na siya?" ani ni tita. "Susunod na raw po, saglit lang," tugon ko. 'Kumakain kaya siya ng tuyo?' Ito kasi ang ulam namin at pritong itlog at longganisa. Maya-maya lang ay sumunod na siya, mabuti naman at nakadamit na. 'Pero bakit gano'n? Ang presko niya pa ring tingnan kahit pawis na pawis na siya kanina.' "Finley, maupo ka na at kumain. Pagtiyagaan mo na lang ulam namin, ha. Kumakain na ba ng mga 'yan?" tanong ni tita. "Opo, hindi naman po ako maselan sa pagkain," anito. "Ay, sandali Nakalimutan kitang ipagtimpla ng kape. Shantal, ipagtimpla mo na muna si Finley na kape," utos sa 'kin ni tita Janice. 'Bakit ako?' Wala naman akong nagawa kung 'di ay ipagtimpla nga siya ng kape. Nakita ko naman nakangiti ito sa 'kin kaya inirapan ko siya. 'Ang saya mo, ah!'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD