Chapter 42

1074 Words
~Shantal~ "Sige na, lumabas ka na muna do'n. Hintayin mo na ang ako, susunod ako agad. Hmmn?" Inayos naman na nito ang damit kong ginulo niya. 'Grabe, napakahilig niya talaga.' "Sige na nga! I love you." Humalik pa siya sa 'kin bago lumabas. Napailing na lang ako sa lalaking 'yon! Saglit kong sinipat ang kuwarto ko at mukhang nalilinis naman ito ni Jaica kahit na wala ako, nagpasiya akong lumabas dahil wala naman na akong gagawin dito. Paglabas ko ay nakaupo lang din si Finley sa sala, napangiti ako dahil mukhang ang bait niya tingan. Lambingin ko nga! "Sweetie, bakit hindi ka na muna lumabas do'n? Hindi ka ba naiinip? Baka nagugutom ka magsabi ka lang." Inayos ko ang nagulo niyang buhok pero kahit gano'n ay ang guwapo niya pa rin. "Ayaw ko, gusto ko kasama ka lang." Humilig ako sa balikat niya at naramdaman ko naman ang paghalik niya sa noo ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil-pisil. "Sana ganito na lang tayo palagi, tulad nito. Ang sweet mo sa 'kin," kita ko ang pagmamahal nito sa 'kin at masuyo ako nitong tinitigan sa mga mata at hinaplos niya ang aking mukha. Paano kapag dumating na ang araw na kailangan ko nang bumlik, uwumi at maging taga pamahala nang kumpanya. Malayo kami sa isa't isa, ako pa rin kaya mahalin niya? Okay lang kaya sa kan'ya kung magkalayo kami sa isa't isa? May 8 months pa ako para mag-stay dito, at sana sa 8 moths 'yon san ay walang problema sa 'ming dalawa. Posible ba 'yon? Siyempre, hindi! Kung ano man 'yon, sana ay malagpasan naming dalawa. Sumapit ang gabi ay nang magtungo kami bandang alas 7 sa dalampasigan. Nag-von fire kami at nagdala rin siya ng inumin at kung anu-anong pagkain upang ipulutan. Saktong may tent siyang nakatago sa sasakyan niya kaya ginamit nga namin 'yon. "Bilib na talaga ako sa 'yo, mukhang handa ka talaga palagi no!" ani ko rito. Akalain mo'ng kumpleto ang gamit namin. "Oo naman, minsan kasi kapag nagkayayaan ang mga mokong basta-basta na lang kami umaalis kung saan nila gusto magpalipas ng gabi at minsan nga ay nasa beach kami." Inabutan naman ako nito ng isang beer in can. "Sweetie, kunti lang inumin mo," sabi nito sa 'kin. "Oo naman, hindi naman ako mahilig uminom talaga. Tama na sa 'kin ang isa o dalawa," sabi ko sa kan'ya. "Okay, pulutan oh." Inabot niya sa 'kin barbeque na siya ang nagluto. "Thank you!" "Hmmn...uuwi ka pa, ba? O bukas na lang?" tanong ko dahil nakaenom na siya mamaya at baka kung mapano pa. "Depende, kung ayaw mo akong pauwiin ay puwede naman." Ngisi pa nito sa 'kin, alam ko kung ano na naman ang iniisip nito. "Sige, puwede ka naman dito matulog sa tent mo, eh!" Nawala ang ngisi niya at lihim akong napatawa. "Sweetie naman, hindi mo ba sasamahan?" sabi ko na nga ba eh! Para-paraan niya lang din talaga. "Do'n ako sa bahay, okay ka nama dito." "Ayaw ko nga! Baka mamaya may gumapang pa sa 'kin dito at pagsamantalahan pa ako," sabi niya pa na akala mo naman ay totoo. "Kapal mo na naman!" singhal ko na tinawanan niya lang. "Kaloka ka! Ano ka chix?" mas lalo naman siyang napahalakhak. Yumakap siya sa 'kin ang pinaulanan ako ng halik. Parang tanga! "Sanadali, sandali nga!" pati ako ay natatawa na rin eh! "Tigilan mo 'ko nakikiliti ako!" "Pakiss lang naman eh! Sige na Sweetie." Nanguso pa siya sa 'kin para humalik kaya hinuli ko ang labi niya at pinisil. "Magtigil ka...ikaw napakahilig mo kahit kailan! Pakiss..ha! Eh, nakarami ka na nga." "Sweetie naman, parang hindi mo naman mahal niyan, eh," maktol niya pa. "T'se! Bakit halik lang ba ang batayan para lang malaman mo na mahal kita?" natahimik naman siya bigla kaya napataas ang kilay ko. "H-hindi," tipid at nakasimangot niyang sagot. Gusto ko talagang matawa sa itchura niya ngayon. "Eh, ano?" pagmamaldita ko sa kan'ya kunwari. "Sige na nga, alam ko naman na mahal mo 'ko kasi may nangyaricna nga sa 'tin at nasara–" "Hoy! Ikaw talaga, pati 'yan isisingit mo pa! Hindi ka talaga matinong kausap. Ha! Ha! Ha!" pinaghahampas ko siya sa gigil ko. Panay naman ang pananga niya sa mga hampas habang tumatawa. "Nakainis ka!" "Okay, okay, suko na 'ko! Hey, I'm just kidding," ngayon ay sobrang lambing niya na. "Seryoso Sweetie, gusto-gusto ko talagang halikan ka dahil isa 'yon sa sinasabi ng puso ko, gusto kong mahilakan ka, gusto kong yakapin ka, gusto kong makasama ka, dahil. Masaya ako. Masaya ako dahil mahal kita at sobrang halaga mo sa 'kin alam mo ba 'yon? At ayaw kong mawala ka pa sa 'kin," sinabi niya 'yon habang nakatitig sa mata ko at hindi bumibitaw. Parang hinaplos naman ang puso ko sa mga sinabi niyang 'yon. Nanubig ang mata ko and this time he sincerly said that. "I love you so much, Shantal." Hindi ko na mapigil ang kilig at saya ko kaya ako na mismo ang lumapit upang siya naman ang halikan ko. Naglaat ang mga labi naming dalawa at sinalubong niya rin ako ng mahigpit na yakap, buong puso ko ay umaapaw sa pagmamahal ko sa kan'ya. "I love you too, Finley. Hindi ako mawawala sa 'yo, pangako." Napangiti kaming dalawa at muling yumakap sa isa't isa. "Titigan mo ang buwan, Sweetie." Turo niya kaya napatitig naman ako ro'n. "Ako ang buwan at ikaw ang ilaw ako. Dahil hindi makikita ang ganda ng buwan na 'yan kung hindi dahil sa liwanag na dala mo. Ikaw ilaw ko Shantal, at sana ay hindi ka mapagod sa pagbibigay ng liwanag mo sa tuwing madilim ang mundo ko. Mawala na ang lahat 'wag lang ikaw. Gano'n kita kamal." Tuluyan na akong napaiyak sa mga sinasabi niya, sobrang dama ko talaga. "Mahal na mahal kita, oo pangako hinding-hindi kita iiwan. Hindi man ako ng naunang maghala sa 'ting dalawa ay mamahalin naman kita hanggang sa huli," lumuluha kong sabi. Pinunasa niya ang mga luha ko at nakangiti siya, masaya. "Alam ko, kaya ang suwerte ko dahil minahal mo 'ko. 'Wag ka nang umiyak. Ayaw kong umiiyak ka, Sweetie..hmmn?" "Masaya lang ako, ayos lang. Ikaw kasi napakadrama mo rin pala," mahina naman siyang natawa. "Yeah! Marami nga kumukuha sa 'kin para mag-artista tinanggihan ko lang." Napailing na lang ako dahil ayan na naman ang pagmamayabang niya. Pero totoo, puwede talaga siyamg maging artista. Pero 'wag na din. Mas marami sko kaagaw kapag gano'n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD