Shantal
matapos naming mag-usap ni Jaica ay ay lumabas na muna kami sa nursery room at ibinilin ko na mina ang anak ko sa tagapag-alaga niya.
Bumaba na muli kaming dalawa at binalikan namin sina mommy, nasa sala na sila ngayon ni tita Janice ay nag-uusap.
Sakto namang nagring ang cellphone ni mom kaya sinagot niga na muna 'yon.
"Ahmm..excuse me guys, I have to answer this call," paalam nito sa 'min.
"Mahimbing na,ba,ang tulog ni Shan?" tanong naman ni tita Janice na tinanguan ko naman.
"Masaya ako dahil kinaya mo at napaka tapang mong hinarap ang problema mo no'n.
At napakaganda ng Anak mo Shantal mana sa in'yo ni Finley," alam kong babanggitin din ito ni tita kaya ayos lang.
"Hindi lahat ng bagay ay sa buhay mo na darating ay maganda, alam mo 'yan na may pagsubok na dumarating. Pero lagi mo'ng tatandaan na ang pagsubok ay hindi para magpanghinaan ka o sumuko ka na lang at agad," payo ni tita Janice at hinawakan pa nito ang kamay ko.
"Ang ibig lang no'n sabihin ay maging mas matatag ka pa at lawakan mo pa ang 'yong pag-unawa mo sa mga bagay-bagay lalo na sa mga kahaharapin mo'ng pa'ng mga problema.
Natural na mapagod ka masaktan ka dahil tao ka lang eh.
Pero 'wag kang susuko Shantal, ang pagsubok ay malalampasan. Ang problema ay laging may sulusiyon at paraan," ito na ang pinakagusto ko kay titaJanice, ang mga payo niya na talagang tataktak sa 'yo na para ba'ng pati kaluluwa mo ay kinakausap niya rin.
"Opo Tita, tatandaan ko po 'yan. Salamat," magalang kong tugon.
"Anak..." tawag pansin namang muli ni mommy.
"Oh, bakit po?" nagtataka kong tanong at nakangiti na itong lumapit sa 'min.
"Sinabi ng Friend namin ng Daddy mo ay bukas ay sila naman umano ang dadalaw dito
Schedule na naman kasi ng anak nila na bumalik sa doctor nito kaya bukas ay dadalaw sila dito.
Sakto at nandito kayo Janice, ipapakilala ko sila sa 'in'yo," masayang sabi pa ni mommy.na pumapalakpak pa.
"Talaga ba Mommy? Mabuti para makilala ko na rin 'yang mga kaibigan mo. Ilang beses ko nang hindi na sasaktuhang makita 'yang mga kaibigan mo, eh!
Mabuti at bukas ay makikita ko na sila," tugon ko naman kay mommy.
"Oo nga Anak. I'm sure na matutuwa sila dahil makikita nilng muli si Shan. Lalo na 'yong Anak nila na talagang magiliw kay Shan," dagdag pa na saad ni mommy.
"I'm sure kapag nakita mo si Andrew at talagang masasabi mo'ng guwapo siya Anak."
Ayan na naman si mommy sa kasasabi ng guwapo raw umano ang anak ng mga ito.
"Uy...may nirereto ka na kay Shantal Tita ah! Sino ba 'yan?" Usiserang tanong din nito kay mom.
"Anak 'yon ng kaibigan naming mag-asawa. 'Yon nga ang gusto naming pakasalan sana ni Shantal.
Ang kaso ay ayaw nya at dumating na nga ang apo ko.
Pero ayos lang, hindi naman namin siya pinipilit.
Importante pa rin ang disisiyon niya." Napatango na lamang sina Jaica at tita Janice.
Hindi na ako dumugtong pa sa mga pahayag ni mommy para hindi na humaba pa.
Nang titian ko si Jaica ay, ngumisi ito sa 'kin na halatang inaasar ako nito. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan, kahit kailan talaga ang hilig niyang asarin ako.
Nang matapos kumain sina Jaica ay humiwalay kami kina mommy at tita Janice. Inaya ko si Jaica sa garden upang do'n kami tumabay saglit.
"Kumusta kayo sa Palawan best? Alam mo namiss ko rin ang mga tao do'n. Ang dagat, dalampasigan na palagi kong tamabayan," saad ko pa na tila binabalikan ang nakaraan ko sa palawan.
"Hmmn...'yon lang ba ang namimiss mo?" may nanunudyo sa boses ni Jaica na halatang nag-uumpisa na naman mang-asar.
"Pero seryoso best, ni Minsan ba ay hindi mo namiss si Finley?" hindi ako nakasagot at nag-iwas ako ng tingin.
"Woi! Ano na? Tayong dalawa lang naman dito, oh! 'Wag ka nang mahiya," aniya pa.
"Hindi!" tipid kong sagot.
"Weehhhh....'yong totoo?"
'Loka 'to! Magtatanong tapos ayaw maniwala.'
"Oo nga! Bakit ko naman 'yon mamimiss? Galit nga ako do'n 'di ba?" singhal ko.
"Kanino ka galit?"
"Sa rinatanong mo!"
"Kanino nga!"
Anak ng tokwa! Ayaw ko nang smbarin pa 'yong pangalan no'n, loka-loka talaga 'to eh!
"Si Finley," inis kong sabi.
"Ah....bakit hindi mo bigyan ng xhance 'yong tao para magkaliwanagan kayo best?
O, 'di kaya'y kung ayaw mo na talaga ay kahit closure na lang.
Para rin naman 'yan sa kalooban mo, para gumaan din.
Alam kong mabigat pa rin ang at masakit para sa 'yo pero mas magandang malinaw sa 'yo ang lahat, sa in'yong dalawa," paliwanag ni Jaica. Parang si tira Janice nacein ito kung makapangaral.
"Darating din tayo diyan, hihintayin ko na lang siguro na mangyari 'yon!
Pero kung ako, hindi ako magtatangkang lumapit pa sa kan'ya,
Hinding-hindi."
"Okay, sabi mo 'yan eh!" pagsuko niya.
"Maiba tayo, kumusta kayo ni Red?" tanong ko dahil wala na akong balita sa kanilang dalawa..
"Okay naman kaming dalawa, patay na patay sa 'kin 'yon eh!" Natatawa nitong sabi.
"Minsan, nagkakatampuhan kaming dalawa pero mababaw lang naman, hindi naman maiiwasan 'yon talaga 'di ba?" Tumango ako.
"Masaya ako para sa in'yong dalawa, sana hanggang huli kayo pa rin," sabi ko.
Nakakainggit silang dalawa, mabuti pa si Red ay hindi gano'n kahit na magkaibigan silang dalawa ni Finley. Unang usap ko pa lang kay Red no'n ay halatang serious type talaga siya, nakikipag-biruan pero malawak ang pag-intindi.
"Sayang naman kung hindi pa kayo niyang magkakatuluyang dalawa, sana hindi kayo magaya sa 'min ni Finley," hindi ko maiwasang magkumpara.
"Naku, hindi ko nga iniisip 'yan! 'Yang mga probelamna 'yan! Bahala siya kung magloko siya, nasa kan'ya na 'yon! O ano mang kamalian niya.
Basta sabihin niya lang sa'kin ang rason, kung balit niya nagawa ang mga bagay na 'yon kung mangyayari man."
Hangga ako sa haba ng pasensiya nito, himdi katulad ko.
Paano nga kaya kung pi akinhhan ko ang paliwanag ni Finley no'n?
May magbabago kaya?
'Hayysst..tapos na 'yin Shantal! 'Wag nang balikan pa!'