~Shantal~
Araw ng linggo ngayon at hindi ako pumasok sa opisina dahil ngayon darating sina, Jaica at Nanay Janice.
Ipinaghanda ko sila kina manang, excited na akong makita silang dalawa, miss ko na talaga sila.
Mahigit isang taon na din na hindi ko sila nakitang dalawa simula no'ng umalis ako ng palawan. Karga ko si Shan habang hinihintay na sila dahil malapit umano ang mga ito, pinasundo ko kasi sila sa airport.
Maya-maya lang ay dumating na ang sasakyan namin at na-excite talaga ako.
"Bessstt.." tili ni Jaica nang makalabas na ito ng kotse at sinalubong naman namin ito ni Shan.
"Besssttt...sa wakas," sabi ko pa at niyakap ko siya.
"Ay grabe! Baby Shan, nandito na Ninang ganda. Awww...ang ganda at ang cute naman ng inaanak ko na 'yan, mana talaga sa Ninang," natawa naman ako.
"Tita Janice." Sinalubong ko ito ng mahigpit na yakap dahil sobrang miss na miss ko talaga sila.
"Kumusta ka Shantal? Masaya akong makita ka Anak," naantig naman ako bigla. Ito ang isa sa namiss ko kay tita Janice.
Malumanay na pakasabi niya no'n parang kapag si tita ang kausap mo ay sobrang nakakagaan ng pakiramdam pagkatapos mo siyang kausapin. Alam kong marami kaming pag-uusapan kaya panaghandaan ko talaga.
"Pasok na po tayo! Nando'n po sina Mommy sa loob," aya ko sa kanila at si baby Shan naman ay karga na ni Jaica papasok, tuwang-tuwa naman ang anak ko sa ninang niyang maharot.
"Janice, Im glad to see you, again," masayang salubong ni mommy kay tita.
"And to you, Ija. Naku! Napakaganda mo, may boyfriend ka na ba?" baling naman nito kay Jaica na kinatawa ko.
'Si mommy may pagka-marited din, eh.'
"Siyempre naman Tita, sa ganda kong 'to!
Hindi dapat binuburo lang, dapat ipagmalaki,'' natawa naman kaming lahat.
Kahit kailan talaga ang bunganga nitong babaitan na 'to, eh!
"Wow! Mero'n nga! Naku, eh..'di malapit ka na rin niyan magka-apo Janice," sabi pa ni mommy na kinatigil naman ni Jaica.
"Ewan ko diyan sa batang 'yan! Malaki naman siya at nasa tamang edad na rin naman." Napakamot naman ng ulo si Jaica na pangiti-ngiti.
"'Nay, guto niyo na din ba ng Apo? Sabihin niyo lang po dahil gagawa ksmi agad ni Red," sabi pa niya na kinabilog ng mga mata ko.
Sinamaan naman siya ng tingn ni tita Janice. "Siguraduhin mo lang na pananagutan ka Jaica, dahil kapag hindi ay gagawing kong Puti ang Red mo!"
Nagkatinginan naman kami ni Jaica. "Si Nanay talaga ang pangit mag-joke."
Muli na naman kaming nagtawan, at inaya na sila ni mommy upang makakain. "Let's go guys, may inihanda ako para sa in'yo kaya tayo na muna. Do'n na narin ituloy ang masayang kuwentuhan."
Iginiya na sila ni mommy patungo sa hapag. "Grabe best, ang ganda mo at ang sexy mo parin. Parang hindi ka nanganak ha!" sabi pa nito sa 'kin.
"Naku, Im sure matutuwa si–" putol nito sa sasabihin sana.
"Matutuwa si Raven kapag nalaman na nagkiga tayo, kinukumusta ka pa naman no'n sa 'kin," aniya, pero alam kong iba daat ang sasabihin nito kanina ngunit binalewala ko na lang.
"Akin na muna si Shan nang makakain ka."
Kinuha ko,na muna si Shan kay Jaica uoang makakain na ito, ako naman naman ay busog pa kaya dinaluhan lang namin sila sa hapag habang masahang makikipag-kuwentuhan.
"Wow! Mukhang masasara lahag ng niluto mo Tita, paborito mo lahat eh," masayang papuri naman ni Jaica kay mommy.
'Sus! Lahat naman ng pagkain paborito niya.'
"Of course, especial talaga 'yang lahat na niluto ko para sa in'yo kaya sige lang, umain lang kayo," sabi pa ni mommy at napuno nang masayang usapan at tawanan ang dining area.
Nang makatulog na si Shan sa mga bisisg ko ay dinal ko naxsiya sa nursery room, sumama naman si Jaica sa 'kin haban si Tita Janice ay naiwan kausap ni mommy."
"Best hindi ka ba nahirapan kay Shan?" tanong nito sa 'kin kaya binalingan ko naman ito.
"Mahirap pero kailanga kong kayanin para anak ko. Mabuti nandiyan sina mommy para sa 'kin.
Pero alam mo ang mas kakaiba sa pakiramdam ay ang masilayan mo na ang anak mo, hindi mo na maaalala pa 'yong sakit kung paano ko siya nailabas sa sinapupunan ko," sabi ko pa.
"Ibang saya lalo na kapag mahawakan at makarga mo na siya, kapag narinig mo na ang unang iyak niya."
Bakas naman sa mukha ni Jaica ang paghanga sa 'kin. "I'm happy ang proud for you, best. Nakayanan mo kahit na wala si– F-finley sa tabi mo," anganing sabi nito kay Jaica.
"Wala ka ba'ng balak na sabihin sa kan'ya? Siya pa rin naman ang ama ni Shan kaya dapat niya ring malaman best," walang gana kong sinagot ang sinabi niya.
.
"Para saan pa? Kaya ko naman buhayin si Shan nadiyan sina mommy para gabayan ako."
.
Kung balang araw pala magkita ma'n sila kaya go.
"Kung disidido siya talaga ah, e 'di dapat hinabol niya,ako no'n kaso hindi.
Kaya hndi ko siya kailangan ngayon, may fiance naman na siya."
"Sana bigyan mo ng chance na makapag-usap na kayong dalawa ni Finley."
"Sana ay magkaayos pa kayo best."
"Hindi ko rin alam, eh.''
Hindi ko rin talaga alam kung kaya ko na ba siyang makitang muli, kaya ko na ba siyang harapin?
Bahala na, ang importante ngayon ay si Shan lang at ako.
Gumawa siya ng paraan kung gusto niya akong makausap.
Dahil kung ako. Wala siyang aasahan na pupuntahan ko siya, hindi na.
"Hindi mo ba namimiss kung paano naging kayong dalawa?
Kung paano mo siya minahal.
Kung paano at sino ang nag-aalaga sa kan'ya kapag may sakit siya?
Hindi ko alam ang isasagot ko kay Jaica.
Bahala na, maliit lang naman ang mundo, alam kong posible naman kaming magkita or kahit co-insident lang din eh! Magkikita at magkikita kami.
Kailangan ko nang ihanda ang aking sarili sa muli naming pagkikita kung sakali ni Finley.
Pero hindi pa ako handa na sabihin ang tungkol sa anak namin natatakot akong baka ilayo niya sa 'kin ang anak ko.
.
Hindi ako papayag.