~Red~
Nagpaalam sa 'kin na luluwas ng maynila sina Jaica at Nanay niya, at kina Shantal ang mga 'to pupunta.
Natuwa naman ako dahil sa wakas ay magkakausap na rin sila ni Shantal, alang-alang sa kaibigan namin kahit na ako pa ang kumausap at magmakaawa kay Shantal na pumunta kay Finley kahit saglit lang,
magkausap lang sila ay akos na sa 'kin.
Kung ayaw niya na talaga ay kahit closure man lang sana, para matahimik na rin naman ang kalooban ni Finley.
"Honey, please...puwede ko ba'ng malaman kung saan, o baka puwede kong makausap si Shantal?" pakiusap ko sa girlfriend ko.
Bumuntong-hininga naman ito. "Hon, ako na ang bahala. Kasama ko si Nanay, kami na ang bahala humilot sa desisisyon ni Shantal, okay? 'Wag ka nang mag-alala diyan," paniniguro naman nito sa 'kin.
"Talaga ba? Tutulong si tita?" bulalas ko nang malaman 'yon.
"Oo kaya relax ka lang, hinay-hinay lng tayo kay Shantal. Sige na, ibababa ko na 'to. Ikumusta mo na lang muna kami ni Nanay kay Finley.
I love you," ito ang gusto ko sa girlfriend ko eh, napaka-maalalahanin. Gano'n din kay tita Janice na napakabait.
Sana ay maayos pa ang pagitan kina Shantal at Finley.
Sana may pag-asa pa, magin bukas lang sana ang kaisipan nito upang makinig.
~Finley~
Destinies Crime
~Finley~
"Brow, kumusta ka? Iniisip mo pa rin ba siya?" tanong sa 'kin ni Red. Ano ba,ang dapat kong sabihin, wala namang nagbago eh!
Halos araw-araw, walang palya na laman ng isipan ko si Shantal.
"Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Hindi naman siya nawala kahit kailan sa isip ko, eh."
"Wag ka panghinaan ng loob, babalik din ang lahat sa dati. May pag-asa ka pa at magkikita rin kayong muli ni Shantal, tutulong kami," pagpapagaan ni Red sa loob ko.
"Kumusta na kaya siya ngayon?" sambit ko.
"Pupunta ngayon sina Jaica at Tita Janice kay Shanta. Lumuwas sila ng maynila, makikibalita ako mamaya," bigla akong nabuhayan ng loob nang malaman kong magkikita sila ni Jaica.
"Talaga? Sige, balitaan mo ako agad kung kumusta na ba siya," ani ko naman. Dapat talaga ay magbalik na ako sa dati at lalong madaling panahon, kailangan ko siyang makausap.
"Oo, ang sabi naman ni Jaica ay tatawag siya mamaya sa 'kin. 'Wag ka na masyadong mag-alala dahil alam kong magkakaayos din kayong dalawa." Muling tinapik ni Red ang balikat ko.
"Sana nga."
Galing na rin kami kahapon sa bahay namin sa maynila ngunit nagdisisyon akong magbalik dito sa palawan dahil nextweek pa naman ang appointment ko sa kakilala ni mommy.
Mas gusto ko dito sa resort ko magpalipas ng araw, mas maaliwalas.
Hindi ako titigil upang magbalik sa 'kin si Shantal.
Itatama ko ang mali niyang akala.
Hindi ko siya niloko, hindi ko magagawa sa kan'ya 'yon.
Siguro kong hindi siya umalis ay natuloy ang balak kong pagpo-proprose sa kan'ya.
Baka ngayon ay ikinasal na kaming dalawa.
Siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay, ang magiging ina ng mga magiging anak ko. Tutuparin ko 'yon at hindi ako susuko na hindi siya makausap at malinawan.
Hinding-hindi.
Kung hindi lang sana nangyari 'to sa 'kin ay hindi hindi ko hahayaan na ganito katagal.
Susundan ko siya sa kung saan man siya nakarita.
Gusto sana ng parents ko na sila na lang ang paghahanap kay Shantal ngunit hindi ako pumayag, gusto kong ako lang ang makaahsabi sa kan'ya.
Gusto kong sa 'kin siya maninawala.
Humingi rin ng tawad agad sa 'kin ang parents ko dahil pinangunahan nila ako sa babaeng ipapakal nila umano sa 'kin na hindi ko pa naman nakikita.
At kung makita ki man ay wala akong balak sundin ang gusto nila dahi si Shantal lang mahal ko at mamahalin ko buong buhay ko.
Ang ganda na sana ng relasyon naming dalawa, eh.
Naalala ko pa ang kasungitan nito sa 'kin dati, ang pagmamaldita nito palagi kapag nakikita ako.
Hanggang sa napaamo ko na siya sa wakas nang unti-unti.
At naging maayos na siya kung makipag-usap sa 'kin.
Lahat 'yon ay namiss ko sa kan'ya, mga hampas at pag-irap niya sa tuwing naiinis siya sa 'kin tuwing inaasar ko siya.
Pero ang pinakamasayang araw ko ay ang sinabi niyang mahal niya na rin ako. Halos araw-araw ay sinasabi ko sa kan'ya kung gaano ko siya ka mahal, napakasaya ko dahil tingugunan niya 'yon.
Ang unang beses na siya naman ang lumambing sa 'kin, 'yong pag-alaga niya sa 'kin no'ng may sa 'kin ako. Ang pag-alala niya ng sobra no'ng malunod ako sa dagat nang dahil sa napulikat ako.
Gusto ko nang magbalik siya sa 'kin.
Sobrang hirap nang umalis siya, nang iwan niya ako.
Lalo pa no'ng mangyari sa 'kin 'to!
Tilia gusto ko na lang mawala sa mundo, hiniling ko na lang na sana ay namatay na lang ako.
Wala nang kuwenta ang lahat sa 'kin dahil iniwan ako ng mahal ko.
Pero buti na lang ay namulat ako sa katotohanang, hindi pa huli para sumuko.
Dahil nandiyan ang mga kaibigan ko, ang mga magulang ko.
Sa kanila ako kumukuha ng lakas para lang hindi sumuko.
Lalo na no'ng bisitahin ako nina Jaica at tita Janice.
Gumaan ang pakiramdam ko nang makausap ko na si tita.
"Wag kang mag-alala Finley, pasasaan ba't magkaka-ayos din kayo, hayaan mo na muna siya dahil nasaktan pa siya sa mga nalaman niya.
Hayaan mo dahil nandito lang kami para sa in'yong dalawa, sisikapin namin na magkaayos kayong dalawa sa tamang pananahon.
Magtiwala ka."
Hindi na ako makapag-hintay dumating ang araw na 'yon. Nasasabik na akong makita siya at marinig ang boses niya habang kumakanta.
Naalala ko na naman na kinantahan niya ako no'n para lang makatulog ako. Kinanta niya an TANDAHA, bagay na bagay sa 'ming dalawa at umaasa ako sa tadhana na muli kaming paglapitin na dalawa.
At gagawa rin ako nang paraan kapag naging maayos na ako.
'Malapit na.'
Biglang tumunog ang cellphone ni Red kaya "Brow si Jaica, wait sagutin ko lang." Tumango naman at naghintay kong ano ang balita tungkol kay Shantal.
Lalo akong nasabik sa,aking malalaman tungkol sa kan'ya.