~Shantal~
Kinabukasan ay hindi na muna ako pumasok sa opisina, aalagaan ko na muna si Shan at gusto kong makasama ang anak ko. Ngayon ay narito lang kami sa kuwarto at naglalaro lang siya.
Naisipan kong kuhanan siya ng pictura at sinend ko 'yon kay Jaica, mamaya niya 'yon makikita dahil malaman tulog pa siya ng ganitong oras. 6 AM pa lang naman kasi.
"Baby, look at Mommy, smile," parang nakakaintindi na rin ito dahil ngumiti rin naman siya sa 'kin.
"Ang ganda-ganda talaga ng Baby ko na 'yan, mana ka ay Mommy 'di ba?" kinakausap ko siya at panay lang di ang tawa niya…
"Dada...dada…" Namilog ang mga mata ko nang sambitin niya 'yon. Hindi ako makapaniwalang nabigkas niya na 'yon.
"Baby, say it again. Say it to Mommy, common," sabi ko p, gusto ko muling marining.
"Dada...dada...dada," tatlong sunod niya itong binigkas kaya niyakap ko si Shan ng mahigpit sa galaki ko.
"Oh my god, I'm happy dahil ako ang unang nakarinig ng unang salitang nabigkas mo, Anak. Very goog naman 'yan." At pinaulan ko ito ng mga halik na siyang kinahagikhik ng baby ko.
Ang sarap sa pakinggan ang mga tawa ni Shan. Tila musika ito sa 'king pandinig.
"Very good naman ang baby ko, nagsasalita ka na Anak. Ang saya-saya ni Mommy," maluha-luha ako habang kinakausap ang anak ko.
Iba pala talaga kapag ikaw mismo ang nakarining ng unang salita niya.
Ang bilis ng panahon simula nang maipanganak ko si Shan.
Sobrang saya ko nang marinig ko ang unang iyak niya. Tanging sina mom and dad lang ang kasama ko, hindi na rin nakaluwas si Jaica dahil busy siya sa trabaho.
Kahit malayo si Jaica ay hindi nila ako kinakalimutan palagi na kunustahin ni tita Janice.
Bukod sa mga magulang ko ay sila ang nagpaoalakad ng loob ko nang pakiramdam ko ay sobrang durog ako.
Ngayon ay masasabi kong kaya ko na, ngayong nandito na si Shan ay buo na 'ko.
Siya ang pinaka-magandang regalong natanggap ko.
"Baby Shan, sabay tatong maliligo baby. okay...tapos ipapasyal ka ni Mommy. Gusto mo ba 'yon?" tumawa naman ang anak ko at pumalakpak.
"Aba! Mukhang gusto nga talaga ng baby ko makasama si Mommy, ah!" Lumabas naman kami ng kuwarto para punatahan si Mommy.
Nando'n siya sa kusina at mukhang nagluluto sila ni manang.
"Good morning mga Lola's, gising na si Baby Shan," bati ko sa kanila kasama ang anak ko.
"Ay good morning Shan, ang naman ng singing ng baby namin na 'yan," natutuwang bati rin ni Manang sa 'min.
"Good morning Apo ko. Ang aga magising ah!"
"Yes lola, at may good news kami," sabi ko naman.
"Baby Shan started to talk na kanina, ang I'm happy dahil ang sko ang unang nakarinig no'n, Mom," masaya kong sabi ka mommy.
"Really? Ano ang una niyang binigkas?" tanong naman ni mommy.
"She se's, DADA," sabi ko pa. Saglit naman silang natigilan ni manang kaya nangunot ang noo ko.
"Oww... Akala ko, DADDY," kunwaring natural lang na pagkasabi n mommy.
Hindi naman ako agad nakasagot.
"Halika nga dito Baby Shan, labas muna tayo sa Garden." Kinuha ni manang sa 'kin ang anak ko at naiwan kami ni mommy.
"Uhmmn... Upo ka na, Anak. Breakfast ka na," alok naman ni mommy sa 'kin.
Alam kong ayaw niya na rin akong pangunahan. "Mommy, gusto mo ba'ng sumama? Ipapasyal ko si Shan ngayon," ani ko kay mommy at napangiti naman iti.
"Talaga? Good to hear that, Anak. mabuti at nakinig ka sa 'kin. Sige, saan mo ba siya gustong dalhin?"
"Sa Ocean park Mommy, oky ba do'n?" tanong ko.
"Hmmn...okay naman do'n, baby pa naman si Shan. Okay na ron siya sa Ocean park, hindi pa naman siya puwede sa mga amusement park," sang-ayon naman ako sa sinabi ni mommy.
"Sige na, kumain ka na diyan at mag-asikaso na. Maganda 'yang maaga pa tayo umalis."
Nang bumalik na sina Manang ay agad na kami nagtungo naman kami na agad sa kuwarto upang maligo na kami ni Shan.
Nang matapos kaming magbihis ay napangiti ako dahil Terno kami ng damit ng anak ko.
"Wow ang ganda natin Baby Shan, bagay na bagay sa 'yo ang damit mo. Mas naging cute ka pa, tar na sa baba tawagin na natin si Lola para makapasyal na ang bata." Dinala ko na si Shan sa baba at agad na tinawag si mommy.
"Mga Lola! Ready na kami, let's go na."
Bumaba naman na mommy mula sa kuwarto nito. "Wow! Ang ganda niyo naman, bakit ako Anak walang gan'yan?" Natawa naman ako.
"Hindi ko naman alam na gusto mo ng ganito, Mom. Hayaan mo next time ay mero'n ka na, terno tayong tatlo," sabi ko naman.
"Heto na 'ko, let'go..." Bigkang lumabas naman si Manang na talagang nakapustura.
"Nak's naman si Manang, gara ng outfit natin ah!"
"Wow! Mukhang, makabibingwit ka pa ng Afam do'n Manang, ha," sabi naman ni mommy.
"Uy! 'Wag kayo, marami rin akong manliligaw no'ng kabataan ko," totoo naman dahil maganda pa rin naman si manang kahit may edad na.
Nagtawanan naman kaming tatlo.
"Hay naku, halina nga kayo nang maka pasyal na si Baby Shan." Nauna na si manang na lumakas at sumakay na sa kot'se at sumunod naman na kami ni mommy.
Nasa biyahe na kami papuntang Ocean Park nang biglang tumunod ang notification ko kaya binasa ko 'yon. Baka raw lumuwas sila ni tita Janice next week, gusto raw akong dalawin.
Napangiti naman ako, namimiss ki na rin silang dalawa pati ang araw na nando'n pa ako.
Ngunit napawi ang ngiti sa labi ko nang kasama pala sa mga araw na 'yon ang alaala namin ni Finley, ang masasayang araw namin na akala mo ay totoo na.
Pero nang masdan ang ngiti sa labi ng anak kong si Shan ay mas nagpo-fucos ako sa magandang nangyari sa 'kin, 'yon ang ang pagdating niya sa buhay ko.
Si Shan ang buhay ko.
Gagawin ko ang lahat-lahat para sa kan'ya. Hindi na mahala sa 'kin kahit hindi na, ako makapag-asawa. What I want is the best for my daughter.