Chapter 46

1014 Words
~Finley~ Nakaupo lang ako ngayon sa dalamapasigan, dindama ang hangin at gusto kong madinig ang mga alon. Kapag kasi ganito ay pakiramdam ko kasama ko siya ngayon dito dahil ito ang madalas niyang ginagawa. Subalit hindi na ngayon dahil wala na siya. Iniwan na niya ako. Naniwala siya sa sa narinig, hindi niya ako pinagpaliwanag, sarado ang uyak niya. Oo alam ko galit siya, kasalanan ko naman. Nabigla lang din ako. Hindi ko lunos maiisip na aabot kami sa gano'n. Hinabol ko siya, at kung ako ang tayanungin ngayon? Gusto ko siyang puntahan at magmakaawa. Ngunit paano ako haharap sa kan'ya?.. Ganito na ako ngayon, ano pa'ng mapapala niya sa 'kin? Kaya mas mabuti na rin siguro 'tong hindi na kami ng muli pa'ng magkita. Sana lang ay mapatawad niya pa ako. 'Yon lang ang hinihiling ko, sana ay pagdating ng panahon ay mahanap niya,sa puso niya na minsan niya rin akong minahal. Dahil hanggang ngayon, siya pa rin ang mahal ko. Walang nagbabago. 'I really miss you, Sweetie.' Kinapa ko ang singsing na ibibigay ko na sana sa kan'ya. Gusto ko na sana mag-propose sa kan'ya bago pa matapos ang isang taon niya inilagi niya dito sa Palawan. Kahit hindi pa kami agad magpakasal, basta sa akin na siya. Pero wala eh! Naglaho ang pangarap ko para sana sa 'min ni Shantal. "Brow, nagsosolo ka na naman diyan. Sino naghatid sa 'yo dito?" tanong ni Seth, malayo pa lang ay nagsalit na ito. "Oh, nandito na pala kayo. Nasa'n na sina Giovan at Red?" yanong ko naman. "Yeah, were here," ani naman ni Giovan sa bandang likuran ko. "Ando'n pa si Red sa isang tabi kausap ang girlfriend niya. Iba na! Umibig din ang gago, akala ko talaga Afam din ang gusto." Natawa naman kami ni Seth. Gago din 'tong si Giovan, eh! "Hayaan mo na bugok, baka inggit ka lang. Ikaw ba may girlfriend? Oh baka naman hanggang date ka lang tapos basted?" Si Seth naman ang bumanat kay Giovan. "Ulol! Wala pa akong time para magseryoso, gusto ko pa'ng tikman ang ibat' ibang putahe at hindi pa ako nagsasawa. Saka na kapag naumay na ako," mayabang na sagot naman ng gago. Wala pa naman talaga kaming nababalitaan na nag stick siya sa isang babae. Iba-iba palagi ang kasama nito sabi nina Seth at Red. "Ikaw ba Seth, okay na ba kayo ng Childhood bestfriend mo? Alam na ba niyang patay na patay ka sa kan'ya?" Ito namang si Seth ay, matagal na naghintay sa Childhood bestfriend niya kuno. Na ngayon ay nandito na sa pinas, pansamantala kasi itong lumayo dshil sa ibang bansa nagtapos ng pag-aaral. "Ako ang bahala do'n bugok! Hindi ako katulad mo'ng babaero. Ibahin mo na 'ko ngayon dahil mapasagot ko lang talaga si Coleen ay magpo-propose na ako agad." Nakakaingit sila sa totoo lang. Samantalang ako ay heto. Madilim ang buhay ko ngayon nang mawala si Shantal sa 'kin. "Hanep! Magsusuot na ba kami ng barong? Siguraduhin mo Seth, paghahandaan ko talaga 'yan!" ani Giovan. "Bakit invited ka ba?" singhal nama ni Seth sa kan'ya. "Tangina ka! Baka gusto mo'ng makakita na pagsabi ni Father na kung sino ang tutol sa kasal. Ay ako talaga ang pupunta sa gitna! Tingnan natin kung makapag-sabog ka ng lahi mo diyan sa Coleen mo!" tugon naman si Giovan. "Tarantado!" "Magsitigil na nga kayo, para kayong mga bangag. Ikaw Giovan mamaya marami ka na pa lang panganay hindi mo lang alam," sabi ko naman. "No, hindi mangyayari 'yan brother. Safe na safe 'to, palaging may baon," mayabang na pa nitong sabi. Napailing na lang ako, ayaw talaga magpatalo ng ungas. "By the way mga brow. Speaking of panganay. Alam mo ba sy may kasabayan sko sa counter kahapon nagbabayad, mag-lola 'yon eh. May karga siyang baby, siguro mga 1 year old or higit pa. Ang cute tapos tawa nang tawa sa 'kin kaya parang gusto ko na rin tuloy magkaanak eh," kuwento naman ni Seth. Naaliw naman ako bigla sa kuwento niya . "Tapos ito pa, nagpakarga talaga siya sa 'kin as in hinila ako sa braso, inabot niya ako. Nakakatuwa mga brow kaya kinarga ko siya, at ang sarap pala sa pakiramdam ns may karga kang baby. Parang nakikita ko na rin ang sarili ko in the future with Coleen." Halatang gusto na nga niyang mag-asawa at talagang si Coleen na ang babaeng pakakasalan niya. "But brow, alam mo nang titigan ko siya ay parang may naalala ako, eh. Pero sa ringin ko lang naman 'to," nambibitin pa ang gago hindi na lang sabihin.. "Ano naman 'yon? Gaga talaga pabitin ka pa, eh, no?" ani naman ni Giovan. "Sige ito na nga, iniisip ko pa nga eh. Sa totoo lang kinuhanan ko pa ng picture 'yong baby. Nagpaalam naman ako sa Lola at pumayag naman. Brow, nakita ko 'yong pictures mo ng baby ka at itong picture ng baby na kinarga ko, magkahawig kayo eh. Babae nga lang siya, pero hawig eh. Iba nga lang ang hugis ng mukha at labi niya kasi siguro babae at baka nakuha rin sa Mommy niya," mahabang saad naman ni Seth. "Patingin nga! Gago ka, ano may Anak na si Finley? Paano eh, wala naman si Shantal," sabi pa nito. Lumakas naman ag t***k ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. "Akin na nga asan? Hmmn... Oo nga! Kung tititigan ng mabuti ay hawig mo talaga siya brow. Oo, kamukha nga kayo dalawa, pero baka nagkataon lang." Napaisip naman ako, what if– "At ang tawag ng lola ni sa baby, ay Shan. Sayang nga at nskalimutan ko itanong ang buong pangalan kahit na no'ng lola. Basta magaan ang loob ko sa batang 'yon eh, Natuwa talaga ako," may kung ano namang sumikdo sa puso ko, umaasa. "What if kung Anak ko nga 'yon? Brow, may nangyari na sa 'min ni Shantal. Paano kung nakabuo pala kami?" Natahimik naman silang dalawa. "Wow! Ayos 'yan! Kung totoo man ay Daddy ka na, brow. Congrats na agad." Tinapik ni Giovan ang balikat ko. Nabuhayan ako at nasabik bigla. 'Shan... Shantal? Posible nga kayang nagkaanak kami?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD