~Shantal~
Nang makauwi ako ay agad din ako lumabas, gusto kong magbabad sa dagat at sumunod sa ilalim ng tubig. Ayaw ko 'tong nararamdaman ko.
Kaya naisipan kong magtungo do'n sa mabatong bahagi para walang tao ay ako lang talaga mag-isa. Gusto kong mawala sa isipan ko ang tagong 'yon nina Bianca at Finley.
Pagkarating ko sa batuhan ay mahubad na ako nang damit ko naka two piece naman na ako at lumusong na sa tubig. Ang sarap nang tubig malamig ang linis, may nakikita rin akong isda at ang iba ay maliliit pa.
Huminga ako nang malalim at sumisid ako sa ilalim upang makita ko pa ang mga ito. Napakaganda nilang lahat lalo na ang mga isdang iba-iba ang kulay sa pamamagitan nito ay gumaan ang loob ko kahit papaano.
Pero nagulat ako nang biglang may brasong hinaplos sa baywang ko at dinala ako pataas sa tubig at kahit anong paglasap ko ay hindi ko matanggap ang braso nito.
Ibahin niya ako sa tubig at pagbaling ko ay nagulat akong si Finley pala 'yon.
'Buwisit! Bakit siya nandito?'
"Ano ba'ng ang ginagawa mo at ang tangal mo'ng umahon? Kinabahan ako kaya lumusong na rin ako," agad na sabi pa nito sa 'kin.
Sinamaan ko siya nang tingin. Ang kapal! Nagpakita pa talaga siya sa 'kin.
"Ikaw na naman? Bakit ba sumusulpot ka na lang bigla!
Anong ginagawa mo dito?" singhal ko agad sa kan'ya.
Ayawnko nga, si'yang makita pero heto na naman siya sa harap ko.
"Sinundan ka! I know na pinuntahan mo 'ko sa resort. Let me explain to you, Shantal," pakiusap niya.
Ang bilis nalaman niya, agad na galing sa ako do'n!
Ibang klase talaga!
Ano naman kaya ang ipapalusot niya ngayon sa 'kin.
"Kung ano man ang nakita mo ay mali ka nang iniisip–" ngunit pinigilan ko ang sasabihin niya.
"Bakit? Sa tingin mo ay interesado ako? Kaya nga ako umalis agad 'di ba? Ano akala mo sa 'kin t'sismosa?" galit kong sabi sa kan'ya.
"Kaya puwede ba! Sa susunod ay maglocked kayo ng pinto kung gagawa ko nang kababalaghan!" sabi ko pa nang hindi siya tinitingnan.
"Uuwi na 'ko! Diyan ka na!" Umahon na ako sa tubig.
Napangisi ako bigla. Naglakad ako nang dahan-dahan panahon para makita niya talaga ang katawan ko, hindi sa pagmamayabang ay ay ibubuga din naman 'tong katawan ko.
Nakita ko ang pagkamangha niya sa 'kin, at nang hinarap ako ay napalunok pa ang loko.
'Pero sorry ka! 'Yan maglagay ka ngayon!'
Sinuot ko na ang damit ko at aalis na upang iwan siyang mag-isa nang magsalita siya.
"Shantal! Mag-usap tayo, please.... Magpapaliwanag ako sa 'yo!" pigil niya sa 'kin nang akmang aalis na 'ko.
"Wala akong pake! Do'n ka sa Bianca mo!" Iniwan ko siya ngunit hindi ko na siya narinig pa'ng muli.
Hinihintay kong tanggapin niya pa akong muli ngunit hindi naman na nangyari, may kung ano sa 'kin na nag-uudyok na balikan siya kaya banalikan ko talaga ngunit hindi ko na siya makita.
"Buwisit! Nasaan na 'yon?" sambit ko. Pero wala pa rin bakas nito. Med'yo kinabahan na ako dahil wala pa rin siya.
"Finn! Nasaan ka! Finley! Woi... 'wag ka ngang magbiro, hindi nakakatuwa!" Kinabahan na talaga ako dahil ilang minuto na siyang wala.
"Finley! Nasaan ka na ba kasi?! Kaya ang ginawa ko ay lumusong na ulit ako sa dagat.
Hahanapin ko siya sa ilalim ay baka nalunod na nga!
Unang so did ko ay hindi ko siya nakita kaya mad lalo na akong kinabahan.
"God! Finley nasaan ka na ba?'' sambit ko.
Muli akong sumisid at do'n ko na siya nakita. Nakapikit na ito kaya agad ko siyang pinuntahan. Tinampal-tampal ko pa ang mukha niya upang gisingin pero hindi siya nagigising kaya hinila ko na siya, agad panahon sa dagat.
Hingal na hingal akong hinaon siya sa tubig. "Finley gising! Ano ba ang nangyari sa 'yo?!
Hinila ko na siya sa batuhan kahit ang bigat niya ay pinilit ko siyang dalhin dito.
Namumutla na siya!
"Oh my god! Nalunod ka nga! Wait...paano ba 'to!" nagsasalita, akong mag-isa.
"Okay, Shantal kalma! Mag-isip kang mabuti, kaya mo 'yan!" sabi ko sa, sarili ko.
"Mouth to mouth resuscitation ang kailan. I-pump mo muna, ang dibdib niya," parang akong timing dahil ako rin ang nagtuturo sa sarili ko.
At ginawa ko na nga pi-nump ko ang dibdib niya at may naglalabasan ngang tubig do'n.
"C' mon Finn! Gumising ka!" sigaw ko sa kan'ya at pinapatuloy ko lang dahil panay ang labas ng mga tubig sa bunganga niya.
Naluluha na 'ko, ayaw ko pa rin naman siyang mawala.
"Finley, please….wake up!" Maya-maya lang ay umubo na siya.
Oh my god! Thank you at nagkamalay na siya.
Umubo siya nang umubo kaya pinatagilid ko siya at hinimas-himas ko ang likod niya.
Hingal na hingal din siya at namumutla. "Breath slowly, kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ko sa kan'ya.
Nakapikit siya at unti-unting dumilat, tumitig siya sa akin at ngumiti. "Thank you sweetie, you saved me," anito sa mahinang boses. Hirap pa siyang magsalita at mahina pa siya.
"Kinabahan ako sa 'yo! Akala ko mamamatay ka na! Ano ba kasing nangyari sa 'yo?! paninermon ko sa kan'ya.
At do'n bigla na lamang akong naiyak. Parang huli na lumabas ang emosiyon ko kanina na isiping paano kung sakaling namatay nga siya.
"Alam mo ba'ng takot na takot ako kanina! Hindi ko alam ang gagawin ko sa 'yo! Paano kung namatay na nga! Ha?! Umiiyak na ako nang todo sa paraan niya, hindi 'yon basta biro lang.
"Ssshhhhhh… I'm sorry kung pinag-alala kita, 'wag ka nang umiyak. Nandito pa rin ako, oh! Hindi kita iiwan, Sweetie ko," malambing niyang pagpapatahan sa akin.
"Ano ba, kasi ang nangyari at bigla ka, na lang nalunod?
Marunong ka namang lumangoy, Ah!" inis kong sabi.
"Bigla kasi akong pinulikat at hindi na ako makalangoy hanggang sa lumubog na ako sa tubig.
Pinilit ko pa ngang hilutin ang paa sa ilalim pero hindi ko na makita hanggang sa naubusan ako ng oxygen," saad niya. Kaya pala bigla siyang mawala, paano pala kung hindi ako bumalik?
Jusko! Siguro patay na na siya ngayon.
"But thanks to you! Kung hindi dahil sa 'yo ay baka namatay na talaga ako, Sweetie," muling pasasalamat niya ngunit Natigilan ako bigla.
"Sandali! Anong tawag mo sa 'kin?" tanong ko dahil narinig ko talagang tinawag niya ako kanina pa nang Sweetie.
"Sweetie," tugon niya naman. Napasinghap ako. Ibig sabihin?
"I-ibig s-sabihin ay b-bumalik na ang alaala mo?" Nauutal kong tanong rito.
Tumango siya sa 'kin at ngumiti. "I miss you, Sweetie," sambit niya. Kaya walang anu-ano'y yumakap na ako sa kan'ya.
"Talaga ba? Hindi ka nagbibiro?" Lumakas na ang pag-iyak ko habang nakayakap sa, kan'ya.
"'Wag ka nang umiyak! Oo, bumalik na. And I'm really sorry kung nakalimutan kita," anito sabay punas sa luha ko nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kan'ya.
"Di nga! Totoo? Bumalik na talaga?" ng hindi ko pa ring makapaniwalang tanong.
Imbes na sagutin ako ay halik ang tinugon niya sa 'kin. Namiss ko ang halik niya sa totoo lang kaya tumugon naman ako agad. Sa ngayon ay sobrang saya ko dahil mahal ko na talaga siya habang pinagsasaluhan namin ang halik na 'to.
Hindi naman 'tin nagtagal Ngunit Pinagdikit niya ang aming noo. "Sweetie,"
"Hmmn..?" tugon ko.
"Can you be my girlfriend?" tanong niya. Nagulat ako dahil ang bilis naman yata at dito na talaga.
Pero sa bagay, bakit ko pa ba tatanggihan eh, mahal ko na rin naman siya at hindi namin hawak ang panahon katulad na lamang nang biglang magka-amnesia naman siya.
Ngumiti ako sabay tumango sa kan'ya. "Yes!" tugon ko.
Ngunit rin siya habang hindi pa rin umaalis, sa, pagkakadikit ng mga noo naming dalawa.
"Talaga? Wala nang bawian, ha?" Umiling ko.
"Wala na!" pagkasabi ko no'n ay nagulat ako dahil bigla siyang sumigaw.
"Yaaahhhhooohhhh! Girlfriend ko na si Shantal! Yessss!"
'Lang 'ya! Pinagsigawan niya talaga!'
"Woi! Tama na nga 'yan! Para kang sira! Halika na nga." Agad niya naman akong niyakap.
"Masaya lang ako, Sweetie. Mahal na mahal kita," anito sa 'kin at ramdam ko naman 'yon dati pa.
"Mahal din kita! Alam mo ba'ng nag-alala ako nang husto nang malaman kong naaksidente ka? Tapos, do'n ko napagtantong mahal na pala kita nang araw na pinuntahan kita pero hindi mo na ako kilala.
Hindi na rin ako ang palagi mo'ng hinahanap at lalong-lalo na hindi na rin ako ang mahal mo kun 'di si Bianca na?" may hinanakit kong sabi sa kan'ya.
"Ssshhhhhh… Patawarin mo 'ko, please..? Promise, babawi ako sa 'yo!
Hindi na kita iiwan Sweetie." Hinalikan niya, ako sa noo kaya napapikit naman.
Yumakap na ako sa kan'ya nang mahigpit, namiss ko talaga siya. Pero bigla akong may naalala.
"Sapat pala dati pa kita nilunod, kind alam ko lang na ito ang makapagbabalik ng alaala mo, eh!" Natawa naman siya.
"Oo nga eh! Eh, 'Di sana naging girlfriend na rin kita agad." Hinampas ko siya.
"Hoy! May kasalanan ka pa sa 'kin. Akala mo ba ay nakalimutan ko na ang ginawa niyo kanina ni Bianca!" Asik ko sa kan'ya naalala ko na naman ang nakita ko.
"No! Walang nangyari sa 'min. Sumama ka, sa pad ko at ipapakita ko sa 'yo kung anong nangyari do'n no'ng umalis, ka," saad nito sa 'kin.
Inirapan ko lang siya, dahil naiinis parin ako.