Chapter 34

1209 Words
~Shantal~ "Balik na tayo! Okay ka lang ba?" nag-aalala pa rin ako sa kan'ya, kahit papaano dahil sa nangyari sa kan'ya. "Sige at malamig na." Akay-akay ko siya dahil alam kong nanghihina pa siya. "Wala ba'ng masakit sa 'yo? Dahan-dahan lang ha!" Mauuna ako sa kan'ya at mahahawak kamay kami. "Med'yo masakit 'yong napulikat ko at ang sinabi ko. Dahil sa ring siguro sa mga mainom kong tubig dagat kanina pari lalamunan ko rin, eh," naawa naman ako. Buti na lang talaga at hinalikan ko siya, kung hindi ay baka wala na siya ngayon. "Gusro mo ba na dalhin na lang kita, sa, ospital? At kailangan rin nilang malaman na bumalik naman alaala mo," saad ko sa kan'ya. "Bukas na lang Sweetie, please? Gusto kong ikaw ang kasama ko ngayon," malambing niyang sabi. Para na naman siyang bata. "Okay, ipahatid narin kita sa resort," tugon ko naman. Nang makarating kami sa bahay ay agad na nagpa-alam ako kay tita na ipahatid ko si Finley. "Ahmmn… Tita, ipahatid ko lang po si Finley sa resort. Napulikat po kasi siya kaya hirap siyang naglakad," ani ko kay tita Janice. "Sige, ikaw bahala! Mag-iingat kayo, ha?" Tumango naman ako agad nag kami lumabas. "Thanks po. Dito na po kami, Tita," Paalam rin ni Finley. "Sige na para makapag-pahinga, ka." Kumaway naman na si tita, Janice sa 'minf dalawa. "Akin na ang Susi," ani ko dahil ako na, and magda-drive. Marunong naman ako, eh! "Are you sure? Kaya ko naman Sweetie," pero hindi niya ako mapipigilan. "Yup! Kaya pasok na at ako na ang bahala, okay?" And loko ay humalik pa muna sa labi ko bago pumasok sa kot'se. 'Ayan na naman siya!' Agad ko nang pina-andar ang kot'se niya at pinaalis. Nang makarating kami sa resort pakakita pa lang sa'min ng mga tauhan niyang basa kami ay kinuha na kami agad ng towel at ibigay 'yon sa amin. "Thank you!" Pagdating namin sa lobby ay napapakamot ng ulo ang receptionist nitong si Eve at nahihiyang ngumiti sa 'min dalawa kaya ako'y ngumiti na lang rito at nagpatuloy na kami sa pad niya. Inalalayan ko na siya habang kuwarto niya "Okay, maligo ka na muna at non. 'yong mga dinala ko kanina para sa 'yo, pagkatapos ay kumain ka na." "Hindi mo ba ako sasamahan? Ngising tanong nito. Saka ko napagtantong basa rin pala ang panahon ko. "Halaaa! Hindi nga pala ako nakagbihis sa sa bahay. Paano na 'to? Sandali pahiram ako ng phone mo tatawanan ko si Jaica na dalhan ako ng mga damit," ani ko sa kan'ya. "No need marami naman akong damit diyan. 'yon na lang muna ang isuot mo! Ako nang bahala," tugon niya naman kaya pumayag na lang ako. "Oh sige! Maligo ka na muna d'yan, kusina lang ako," pero ang loko ay naghahabol pa. "Sweetie! Hindi mo ba talaga ako sasamahan?" SSinamaanko siya nang tingin. "Isa! Hindi ako nagbibiro, ha!" Humalakhak naman ito habang papasok sa bathroom. 'Loko 'to! Kalalaking tao ay maharot.' Agad na akong nagtungo sa kusina at uninit ang ulam na dala ko kanina habang nakasalang naman ang sinaing. Abala ako sa pagbutingting ng mga gamit do'n no'ng biglang may brasong yumakap sa 'kin mula sa likod. "Sweetie, maligo ka na muna do'n at ako na ang bahala rito." Hinarap naman ako agad sa kan'ya at ang ganda nang ngiti nito sa 'kin. "Okay, saglit lang ako. Tapos kakain na tayo para makapag-pahinga ka na rin. Hindi biro 'yong nangyari sa 'yo kanina, kaya dapat kang magpahinga," pagkasabi ko no'n sa kan'ya ay nagtungo na ako sa kuwarto niya upang maligo. Nalabhan ko rin ang mga damit ko at ida-dryer ko na lang agad upang Mabili matuyo. Nang matapos akong maligo ay nagtungo na ako sa closet nito. Napahanga ako dahil nakaayos nang mabuti ang mga gamit niya. Kumuha ako ng T-shirt niya pero Sobrang laki naman no'n sa 'kin hindi ako kumportable lalo na't nga pala akong bra. 'Kainis naman 'to!' Pinili ko na lang long sleeve niya kulay maroon para hindi halatang wala akong bra. Mabuti at mahaba 'yon pero nagsuot pa rin ako ng boxer niya. Mabilis lang naman matuyo ang mga damit kapag na-i-dryer ko na. Pagkatapos kong magsulat at lumabas na ako agad at nagtungo sa kusina. Sakto naman na nakakain na pala siya. "Wow! Nakakagutom naman, at ikaw na ang nag-ayos, ha!" bungad kong sabi sa kan'ya. "Para sa 'yo 'yan Sweetie ko! Let's eat." ipinaghila niya ako ng you upuan kaya nauna na akong umupo naupo naman siya sa tapat ko. "Kain ka na, ramihan mo ang kain para makabawi ka agad." At kumain na kaming dalawa, Sarap na sarap na siya sa niluto ko at magana win siyang kumain. Natuwa naman ako sa kan'ya. "Sarap talaga ni Tita magluto," masiglann sabi niya. "Buri Hindi ka kay Tita Janice na-inlove," Biro ko sa kan'ya, Gusro kong matawa dahil napanguso naman siya agad. "Sweetie naman! Masarap lang talaga ang luto ni Tita," nakakatwa talaga siya. "Hindi si Tita Janice nagluto niyan!" Napatigil naman siya sa pagkain dahil sa sinabi ko. "Hah? Eh.. Sino?" takang tanong pa nito. "Ako," simoleng sagot ko sa kan'ya. "Really?" Bulalas niya sa 'kin "Ouhmn.." Biglang siyang tumayo sa kinauupuan at lumapit ito sa 'kin. "Thank you Sweetie! Mukhang ready ka nang pakasalan ako, ha! Sabihin mo lang sa 'kin at mag-I DO ako agad." Hinampas ko siya. "Sira ulo mo! Kumain ka na nga! Andaming iniisip eh, no?" Pati ako ay nahawa na sa tawa niya. Napapaiking na, Lang talaga, ako sa kakulitan niya, pero ang tutuo ay namiss ko ang pagiging ganito niya! 'Yong mga banat niya palagi kahit seryoso ang usapan ay isisngit niya sa huli. Natapos kaming kumain at simo't ang ulam. mukhang palagi ko siyang ipagluluto. "Hmmn...pahinga ka na muna do'n. Bukas sasamahan kita sa doctor mo at ipapaalam nating nagbalik na, ang alaala mo," hindi siya sumagot bagkos yumakap siyang muli sa 'kin at sumikdo sa leeg ko. naiilang ako, dahil first time kong may gumawa sa 'kin ng ganito. Ang bilis nang t***k ng puso ko! Sana hindi niya mahalata. "Woi! U-umalis k-ka nga d-diyan!" dahil hindi ako kumportable. "Hmmn... Bakit Sweetie? Sabi mo magpahinga ako?" tanong niyang pabulong sa tenga ko. "Oo nga! Kaya do'n ka na sa kuwarto mo," tugon ko. "Ayaw ko do'n, gusto ko dito... Ikaw ang pahinga ko, eh!" Sinilip ko ang mukha niya at nakapikit siya. Ngayon ay kitang-kita ko nang malapitan kung gaano ka kinis ang mukha niya, ang tangos ng ilong at ang magagandang pilik mata nito. Napasali naman ang mga mata ko sa napupuna niyang labi na Naging ninanakawan ako ng halik. lihim akong napangiti. "Sweetie, puwede mo naman akong halikan kung gusto mo! 'Wag ka nang mahiya. I would love that." 'Yawa 'to! Alam niyang pinagmamasdan ko siya. Eh, nakapikit naman siya.' "Tss!.Halika na nga at ihahatid na kita sa kuwarto mo!" Naglakad ako habang nakayakap siya sa 'kin. "Oh, humiga ka na muna. Dito lang ako, babantayan kita," sabi ko sa kan'ya. "Dito ka na Sweetie, tabihan mo 'ko," gusto niyang tumabi ako sa kan'ya at mukhang nakuha niya naman ang iniisip ko. "'Wag kang mag-alala dahil matutulog lang naman tayo, Sweetie. Please..." pagsusumamo niya kaya wala na akong nagawa kun'di ang pagbigyan ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD