Chapter 35

1042 Words
Chapter 35 ~Shantal~ Tumabi na ako sa kan'ya at pinaunan niya na ako sa kan'yang braso. Hindi ako makapaniwalang nandito ako ngayon sa tabi niya. Bigla kong naalala ang araw na nagselos siya kay Raven at muntik na niya akong pagsamantalahan. Hindi niya naman siguro gagawin sa 'kin 'yon ulit. "Sweetie," tawag nito sa 'kin. "Hmmn?" "Kantahan mo naman ako para makatulog ako. Please?" 'Nagpapalambing ang Loko!' "Hmmn...anong kanta na ang gusto mo?" tanong ko sa kan'ya. "Kahit ano, o kung anong gusto mong kantahin para sa 'kin," hirit niya pa. "Sige na nga! Basta Matutulog ka na, ha?" "Swear." Song Title : TADHANA By : Up Dharna Down. Sa hindi inaasahang Pagtatagpo ng mga mundo May minsan lang na nagdugtong Damang-dama na ang ugong nito 'Di pa ba sapat ang sakit at lahat Na hinding-hindi ko ipararanas sa 'yo? Ibinubunyag ka ng iyong matang Sumisigaw ng pagsinta Ba't 'di papatulan ang pagsuyong nagkulang? Tayong umaasang hilaga't kanluran Ikaw ang hantungan, at bilang kanlungan mo Ako ang sasagip sa 'yo, whoa-oh Sa'n nga ba patungo? (Saan nga ba patungo?) Nakayapak at nahihiwagaan Ang bagyo ng tadhana ay Dinadala ako sa init ng bisig mo Ba't 'di pa sabihin ang hindi mo maamin? Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin? 'Wag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo Naririto ako't nakikinig sa 'yo Oh-whoa, oh-whoa, oh-whoa, oh Oh-whoa, oh-whoa, oh-whoa Oh-whoa, oh-whoa, oh, oh-whoa Oh-whoa, oh-whoa Nang silipin ko siya ay malalim na ang paghinga nito, tulog na nga talaga siya. Hinaplos ko ang makinis niyang mukha dahil hindi ko mapigilan ang sarili kong hawakan ito. "Mabuti at nakatulog ka na, napaka-kulit mo! Pero mamimiss ko kung sakaling umalis na ako." Dahan-dahan akong umalis at bumangon sa tabi niya. Kailangan kong i-dryer ang mga gamit ko. Hindi ako komportable sa damit niyang sobrang laki para sa 'kin. Inayos ko na muna siya at kinumutan, bago ako lumabas at hinalikan ko pa siya sa pisngi. "Bakit ba ngayon ko lang napansin na sobrang guwapo mo pala? Nakakainis ka alam mo ba 'yon? Pinakaba mo ako kanina. Akala ko ay mamatay ka na," mahinang ani ko dahil baka magising ko siya bago ako lumabas ng silid niya. "Ano ba ang puwedeng gawin dito? Malinis naman. Hmmn...magluto na lang kaya ako ulit ng meryenda naman, kaya lang ay ano naman kaya ang puwede kong lutuin dito?" nagsasalita akong mag-isa tapos ako rin ang sasagot. Binuksan ko ang ref niya at puno naman ito ng stock's. Tiningnan ko lahat kung ano ang puwede kong lutuin ngunit nakita kong may tinapay siya do'n at may bacon and ham kaya igagawa ko na lang siya ng sandwich. May mga gulay naman siya, lalo na 'yong Lettuce. Gumawa akong mango shake dahil marami siyang hinog na mangga partner gagawin kong sandwich, tiyak na magugustuhan niya 'to. Pakanta-kanta lang ako habang gumagawa sa kusina niya. Binabash ko na muna ang ham at bacon sa tubig dahil nagyeyelo pa ito. Ang mga pangalan ko na muna sa sandwich ang uunahin ko. At saka ko na i-shake ang mango kapag gising na siya mamaya. Natapos ko na ang sandwich kaya tabi ko na muna 'yon, nakahanda lang din ang pasa sa mango shake. Nagtungo na lang muna ako sa sala at nagbukas ng TV. At habang nanunuod pala ako ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sala habang yaka ang unan. Naramdaman ko na lang na may mainit na palad hinaplos sa mukha ko kaya unti-unti na rin akong dumilat. Si Finley ang nabungaran ko at may matamis na ngiti, kaya ngunit na rin ako sa kan'ya dahil nakakahawa ang ngiti niya. "I'm sorry, Sweetie. Nagising kita," hinging paumanhin nito sa 'kin. "Okay lang, buti nga ginising mo 'ko. Anong oras na ba?" tanong ko dahil mukhang napasarap ako sa tulog," tugon ko. Nagugutom ka ba? Pinaghanda kita nang meryenda kanina para sabi ko pagkagising mo ay kainin mo. Sansali kukunin ko lang." Ngunit pinihilan niya ako. "Hindi na Sweetie. Ginawa ko na para sa 'yo, thank you." Hinalikan niya ako sa labi peeo smack lang naman. Ramdam ko namang uminit ang pisngi ko. 'Sheems...nakakahiya.' "You're more beautiful, Sweetie. Don't be shy when you're blushing." Natigilan naman ako dahil nagawa mga niya. "Eeehh…'wag mo na nga akong pansinin! Kita mo nang nahihiya ako, eh!" Saway ko sa kan'ya at siya nama'y hinila napatungong kusina. Nagawa na pala niya lagay pati ang mango shake. "Wow! Ikaw lahat gumawa niyan? Thank you," ako naman ang nagpasalamat sa kan'ya dahil in-arranged niya pala ang table. Parang nagdi-date kaming dalawa nito. Ipinaghila niya ako ng upuan. "Let's eat." At kumain na nga kaming dalawa. "Ang sarap nito Sweetie. Mukhang mahaba ako kapag lagi mo akong ipagkukuto," anito. "Sus! Nambola ka pa, kumain ka na diyan. Kumusta, na, and pakiramdam mo? Ayos na ba?" may konting pag-aalala pa rin ako sa, kan'ya. "Of course! Magaling ang tagapag-alaga ko." Nakangiti niyang sabi sa 'kin. "I love you!" "I love you too," tugon ko sa kan'ya. Alam kong gusto niyang marinig 'yon mula sa akin. "Sige na, kumain ka na." Nagpatuloy na ako sa pagkain. Nang matapos kaming kumain ay hinugasan ko naman agad muna ang pinagkainan naming dalawa. "Sweetie, dito ka na lang kaya sa 'kin. Gusto kitang makasama oras-oras," anito sa akin. Masaya talaga siya ngayon, walang mapag-lagyan. Halos ayaw niya ring makalayo ako sa kan'ya kahit dito sa loob ng pad niya. "Parang ayaw na kitang pauwiin talaga, eh." Hinarap ko siya. "Ano ka ba? Puwede ba'ng hayaan na muna nating kilalanin ang isa't isa. Masiyado na namang mabilis tingnan mo nga tayo na agad! Bawiin ko kaya," biro ko. Nanlaki naman agad ang mga mata niya. sa sinabi ko, "Sweetie naman! Wala nang bawian, eh!" para na naman siyang bata. "Oh bakit? Hindi mo pa nga ako niligawan nang maayos dahil nagka-amnesia ka, kaya tama lang na bawiin ko na muna–" "No! Hindi ako papayag! Girlfriend na kita at Boyfriend mo 'ko," nagmamarigas niya sabi. "Ah...gano'n! Sinisigawan mo pa 'ko ngayon! Sige, aalis na lang ako. Uuwi na 'ko," kunwaring galit na 'ko. Lumambot naman ang mukha niya. "Sweetie, sorry na. Hindi ko sinasad'ya." Lumapit ito sa 'kin at yumakap. Gusto ko na tuloy bumulanghit nang tawa. 'Naniwala ang Loko. '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD