Chapter 52

1847 Words
Grabe ang kalabog ng dibdib ko, kahit hindi siya humarap ay kilalang-kila ko siya Paanong nangyaring– Lumingon ako kay Jaica na ngayon ay malungkot na nakatingin sa 'kin. Gusto kong magtanong sa kan'ya ngunit hindi ako makapag-salita, parang may nabara sa lalamunan ko at hindi ko mailabas ang gusto kong sabihin. Ang alam ko ay si Andrew ang nandito? Paanong naging si Finley? Hindi rin siya kumikilos, tila nakikiramdam. Alam niya na kayang anak ko si Shan? "Best, iwan ko na muna kayong dalawa ha! Kailangan niyong mag-usap, ako na muna ang bahala kay Shan," paalam ni Jaica, gusto kong mag-protesa ngunit wala na akong nagawa no'ng naglakad na ito palayo. "May tao pa ba diyan?" nagulat ako nang biglang magsalita si Finley, isinara ko muna ang pinto bago pumasok. Bumuga ako ng hangin bago dahan-dahang humakbang patungo sa kan'ya. Nang med'yo nakalapit na ako sa kan'ya ay napansin ko agad ang hawak nitong stick na ginagamit ng mga bulag. At nang umangat ang tingin ko sa kan'ya ay napatutup ako sa aking bibig at hindi ko mapigilang magsibagsakan ang mga luha ko. 'Anong nangyari sa kan'ya at nanging ganito siya't bulag?' "Alam kong ikaw na 'yan," sambit niya. Napapikit ako nang magsalita siya, bigla kong namiss ang boses niya ngunit hindi pa rin ako makapag-salita na patuloy sa pagtangis. Maya-maya lang ay nakita kong yumugyog ang balikat niya, umiiyak siya. Napakagat ako sa labi ko dahil parang hihikbi na ako, kahit nagalit ako sa kan'ya pero hindi ko naman hiniling na nangyari 'to sa kan'ya. Patuloy lang ang pagluha ko. "G-gano'n na ba k-kasama ang t-tingin m-mo sa 'kin, para hindi mo ipaalam sa 'kin na– M-MAY A-ANAK T-TAYO," ang may diin niyang sabi. Parang may malakas na bombang sumabog sa mukha ko nang sabihin niya 'yon sa 'kin. Napahilamos siya nang mukha at pinunasan ang luha, gusto ko siyang lapitan at gusto ko siyang yakapin ngunit hindi ako makahakbang palapit sa kan'ya parang napako mga paa ko. Dapat galit ako sa kan'ya, kinamumuhian ko siya, pero bakit parang dinudurog ako nang makita siyang ganito. "Shantal," tawag niya sa 'kin. "Ano? Wala ka man lang ba'ng sasabihin? O, natutuwa kang makita akong ganito?" "Hindi totoo 'yan!" sa wakas ay nasambit ko rin. "Kahit gano'n, nagalit ako sa 'yo ay hindi ko hiniling na may mangyaring masama sa 'yo! Oo, minura kita nang paulit-ulit sa isip ko at kinamuhian kita pero hindi 'yon umabot sa puntong hihilingin kong mapahamak ka!" do'n na bumuhos nang husto ang mga luha ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang nahihirapan akong huminga at naninikip ito, sumabalit pinilit ko paring maging maayos. Huminga ako nang malalim at muling nagsalita. "Nasaktan ako nang sobra-sobra noon Finley, alam mo 'yan!" "Na sana ay pinakinggan mo muna ako, Shantal! Sana, nakinig ka man lang sa paliwag ko para maliwanagan ka at maayos ko ang maling paratang mo sa 'kin. Kailana man ay hindi kita pinagtaksilan," madamdamin niya saad sa 'kin. Bawat bato nang salita niya ay dama ko rin ang sa 'kit. Pareho lamang kaming nasasaktan nang mga panahong 'yon! "Pero anong ginawa mo? Umalis ka na lang bigla at hindi na nagpakita pa sa 'kin. Alam mo ba kung anong hirap para sa 'kin? HA? SHANTAL?! "Nasaktan din ako nang labis kaya ako umalis no'n! Masisisi mo ba 'ko? Ha?! sinagaot ko rin siya nang may hinanakit. Saktong papasok na sana ako sa pad niya dahil nakaawang na 'yon. Sumabit napatigil ako nang maulinginan kong tila nag-uusap sila ni Red at minsan ay nagtatalo pa. "Brow anong balak mo? Paano mo ipapaliwang 'to kay Shantal?" ang may pag-aalalang tanong Red sa kan'ya. "I don't know, hindi ko pa alam! Hindi ako makapaniwala. Akala ko ay wala na 'yon kina Mom and Dad," sagot naman ni Finley na tila gulong-gulo. 'Ano ba kasi ang pinag-uusapan nila?' isip-isip ko. "Tumawag sa'kin si Jaica kagabi, hinanahap ka ni Shantal dahil hindi ka raw sumasagot sa mga tawag pati message niya sa 'yo. Ang sabi ko lang ay busy ka." "I know, hawak ko lang naman ang phone ko, hindi ko lang siya sinasagot dahil hindi ko kayang kausapin siya," dinig kong sabi ni Finley. 'So, hindi niya talaga sinagot ni isa sa mga tawag at messages ko.' Nag-init bigla ang mga mata ko, nasaktan ako sa nalaman ko at bakit niya naman kaya ginawa 'yon? Ngunit nagpatuloy lang ako sa pakikinig sa kanilang dalawa. "Anong plano mo sa sa Fiance mo'ng si Margarette?" Napasinghap ako sa gulat. 'Sinong Margarette? A-anong plano?' "Pag-iisipan ko pa, kailangan naming mag-usap ng parents ko at ni Margarette tungkol sa kasal–" "Ano?! Doon na ako pumasok dahil sa narinig ko.. Hindi ako tanga para hindi makuha ang pinag-uusapan nilang dalawa ni Red. 'So, after all of the sudden ay may Fiance pala siya, niloko niya lang ako!' Kaya pala siguro pumunta ang parents niya dahil sa kasal nila ng Margarette na 'yon! "Shantal?" Akmang lalapitan niya ako nang umatras ako at umiling na 'wag siyang lumapit, hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. "NO SWEETIE! It's not what you think," sabi niya, mukhang gusto pa na magpaliwanag eh, narinig at nalaman ko na ang dapat kong malaman. "MANLOLOKO KA!" galit ko na talagang sabi, nanginginig ako. "Shantal makinig ka muna," sabat naman ni Red. "ISA KA PA, RED." duro ko rito. "MGA SINUNGALING KAYO! MAGSAMA KAYONG DALAWA!" napasigaw na ako, akmang aalis na ako nang lingunin ko pa ulit si Finley, hindi maipinta ang mukha nito at napapasabunot na sa buhok niya na may pagsusumamong titig sa 'kin. "Bago ko pala makalimutan ay may sasabihin ako sa'yo Finley," ani ko. Pinahid ko ang mga luha ko at matapang ko siyang tinitigan. "'Wag na 'wag mo na akong lalapitan at 'wag ka nang magpapakita pa sa 'kin kahit kailan." "WHAT?! NO! HINDI AKO PAPAYAG, MAG-USAP TAYO SWEETIE, PLEASE…" pagmamakaawa niya pero pinatatag ko ang loob ko. "TAPOS NA TAYO!" Sabay talikod ko at nagmadali nang lumabas, ngunit hinabol niya ako. Agad na pumulupot ang mag braso niya sa katawan ko at mahigpit niya akong niyakap. Nasasaktan ako sa tagpo naming dalawa, mahal na mahal ko na siya eh! Ramdam ko rin naman na minahal niya nga ako pero nagsinungaling pa rin siya, may pakakasalan na pala siyang iba pero bakit pa siya nanligaw sa 'kin? Ano 'yon trip niya na naman? Kung gano'n nga ay ang galing niya, ha! Ang galing niyang itago 'yon sa 'kin. Ni, sa ospiyal nga ay hindi ko nakitang dumalaw 'yong Margarette na sinasabi niya. Siguro ay nasa malayo, sa ibang bansa at pauwi na para sa kasal nilang dalawa. Napangiti ako nang mapakla, tinanggal ko ang mga braso niyang nakayapos sa 'kin. Ayaw niya pero nangpumilit ako. "BITAW!" madiin at galit kong sabi sa kan'ya. Umiling-iling lan siya sa balikat ko habang umiiyak. 'Tss! kapal ng mukha niyang umiyak.' "BITAW SABI!" buong lakas akong kumawala sa kan'ya, nabitawan niya ako. "PAKIUSAP HAYAAN MO NA AKO!" Tumakbo na ako palayo sa kan'ya at hindi na rin siya nakasunod sa akin. Lalong bumuhos ang masaganang luha ko dahil, hindi na nga siya sumunod. Ibig sabihin ay gano'n ko na siya agad napapayag. Kaya tama ang desisiyon kong makipag-hiwalay sa kan'ya. 'Yon ang nasaksihan ko noon kaya ako ako umalis at nakipag-hiwalay sa kan'ya dahil sa labis akong nasaktan. Naging sarado ang isip ko na pati paliwanag niya ay hindi ko na ginustong pakinggan pa. "Kung nakinig ka lang sana kahit sandali, konting oras lang ay sasagutin ko ang mga katanungan mo! Handa kitang iharap sa parents ko sa oras na 'yon para lang malinawan ka at hindi mo ako dapat na hiwalayan, hindi dapat tayo nahiwalay," nagulat naman ako sa sinabi niyang 'yon. kung nakinig nga lang siguro ako. "Kaso hindi nga 'di ba? Ngayon ba ay magsusukatan tayong dalawa kung sino ang mas nagmamahal sa 'ting dalawa?" tanong nito, natahimik na lang ako. "Paano kung sabihin ko na ako ang mas mahal ka? Kasi kong mahal mo talaga ako ay hindi ka aalis, handa mo akong pakinggan. Kahit na hindi mismo sa araw na 'yon Mai-intindihan ko. Pero nang puntahan kita kina Jaica upang makapag-usap na tayo ay malalaman kong umalis na kana pala at hindi ka na babalik. BAKIT SHANTAL? BAKIT? BAKIT GANO'N NA LANG KADALI SA 'YONG IWANAN AKO?" parang punyal na tinarak sa dibdib ko ang mga katagang sinabi niyang 'yon. "Alam nang dios kong gaano kita gustong sundan, pero saan? Kahit anong pagmamakaawa ko kina Jaica at Tita Janice ay hindi nila sinabi kung saan kita mapupuntahan. Pero ayos lang, naintindihan ko sila! Kaya ko naman gawin at alamin kong saan ka nakatira. Pasunod na sana ako, eh. Hindi lang natuloy dahil dito." Inangat niya ang stick at tinuro ang mukha niya at mga mata. "GOD! I'M SO SORRY FINLEY, SORRY." Nilapitan ko na siya at niyakap ko siya nang mahigpit. Kung ano man totoong nangyari na daat kong malaman ay hindi na muna imporyante sa 'kin. Pakiramdam ko ay ako ang mau mali sa aming dalawa, ako ang dahilan king bakiya siya nagkaganito. Pakiramdam ko ang sama-sama ko. "PATAWARIN MO 'AKO." Wala akong ibang alam sabihin kun 'di patawad. Hindi siya sumagot, marahil ay galit na rin siya sa 'kin. "Oo umalis ako, pero ang totoo ay umaasa akong hahanapin mo ako, susundan mo ako kung nasaan ako. Patawarin ako Finley, I'm sorry.." Maya-maya lang.2o o'3 dahan-dahan umangat ang dalawang kamay niya at naramdaman kong unti-unti na rin siyang gumanti ng yakap sa 'kin hanggang sa tuluyan na nga niya ako niyakap. Lihim akong napangiti, iibig sabihin au mahal niya pa rin ako. 'Thank's God.' "Oh..Shantal, ang tagal kong hinintay na mayakap kita ulit. Mahal na mahal pa rin kita alam mo ba 'yon? At kailan man ay hindi ako nagalit sa 'yo kahit iniwan mo 'ko, pero inaamin kong nagtatampo ako. Akala ko ay hindi na tayo magkikita pero hindi ko akalain heto ka at may bunos pa," natawa ako sa huli niyang sinabi. Kumalas ako ng yakap sa kan'ya pero hindi ako lumayo, hinawakan ko ang mukha niya at hinaplos ko 'yon. Napakaguwapo niya pa rin talaga. "Oo, at kamukha mo siya," natatawa kong sabi. "I LOVE YOU SWEETIE," natigilan siya sa sinabi ko, mukhang himdi niya inaasahang sasabihin ko 'yon. Eh ano pa nga ba't 'yon naman ang totoo. Kalaunan ay nhumiti na rin siya. "I LOVE YOU TOO, SWEETIE." Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa 'kin kaya ako na mismo ang sumalubong no'n. Sa wakas ay natikman ko rin ulit ang halik niya, sobrang namiss ko. Pareho kaming kapwa sabik sa isat' at parehomg mapaghanap ang mga halik naming dalawa. Palalim nang palalim ang halik niya sa 'in at agad ko rin naman sinasabayan, kung ilang minuto kaming ganito ay hindi ko alam. Kapwa kaming dalawa hingal na hingal na kaya ako na ang unang bumitaw. "I miss you, Sweetie. Hindi ko na kakayaning malayo pa kayong muli ng Anak natin," namiss ko itong nakakachat ko siya. "I miss you too,' "Mag-uusap tayong dalawa, sa ibang araw okay?" sumang-ayon naman ito sa gusto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD