Kanina pa pinupukol ni Stella ng masama at nakamamàtày na tingin ang halos hindi na makahinga na si Zion sa kakatawa. Naiinis si Stella ng sobra pero Wala siyang magawa dahil hindi nakikinig ang binata sa kanya. Ayaw tumigil kakatawa.
Letcheng palaka kasi 'yon. Kung hindi sana tumalon ang palaka pa punta sa kanya edi, sana hindi siya nahimatay. Lakas ng loob niyang magyaya manghuli. Nakakahiya tuloy. Nakakabawas nang ganda.
"Tumahimik ka nga diyan, Patay gutom!" Saway ni Stella sa kay Zion na automatic na tumatawa kapag nagtatagpo ang kanilang mata. "Kapag hindi kapa tumigil diyan, hindi kita bibigyan ng sapin-sapin na gagawin ko bukas. Kahit kapa kumuha ng dugo, hindi kita bibigyan."
At ang patay gutom na si Zion naman ay tumahimik bigla at naging seryoso ang mukha. Napairap naman si Stella. Patay gutom ng talaga walang duda.
Nabaling naman ang atensyon ni Stella sa gilid dahil may humila sa laylayan ng kanyang damit. At bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ni Andrew.
"Mama, sama po ikaw tomorrow po?" Tanong ng bata na ikinagulo ng dalaga.
Binuhat ni Stella ang bata saka lumabas ng kusina at naupo sa couch sa salas, "Saan ka naman pupunta?"
"Daddy and Andew, we will visit grandpa's house tomorrow." Tumingin sa kanya ang bata gamit ang inosenteng mga mata, "sama po ikaw, ha?"
Napasinghap naman ang dalaga.
Grandpa? Bibisita sila sa Daddy ni boss sungit? Shít! No! Hindi! No way! Kahit na bayaran ako ng isang milyon, hindi ako sasama! Pero kung isang bilyon, gora na. Forda go agad ang ferson.
"Baka hindi ako makasama, Andew." Marahan na sabi ng bata pero agaw na pumalahaw ito ng iyak. "Shh, don't cry, mountain Andew." Pagpapatahan ni Stella sa bata. "Kapag umiyak ka, iiyak din ako. Gusto mo bang umiyak din ako?" Pananakot ni Stella. Wala siyang ibang maisip kung papaano magpatahan ng bata. Pa'no naman niya malalaman 'yon, hindi pa naman siya nagka-anak.
Pero mukhang effective dahil tumahan ang bata. Natawa naman ng palihim so Stella. Takot yata na umiyak din siya.
"Making ka muna sa akin, okay?" Inayos ni Stella ang pagkaka-upo ng bata sa kanyang mga hita. "Hindi ako makakasama kasi baka family gathering niyo 'yon. Baka reunion niyo. Baka exclusively for families lang ang imbitado doon." Stella was trying to make the kid understand her point, "pwede ko bang tanungin kung anong gagawin niyo don sa bahay ng grandpa mo?"
"B-birthday po n-ni grandpa," hikbing sagot ng bata saka pinahid ang luha nito gamit ang likod ng palad.
"See, baka private celebration ang gagawin ng grandpa mo. Baka gusto niyang kayo lang magpamilya ang dumalo doon." Sambit ng dalaga, "atsaka, hindi ako sanay sa malayuang biyahe. Baka sumuka pa ako sa bus kapag sumama ako. Gusto mo bang masukahan kita sa bus kapag sumama ako?"
Suminghot ang bata, "Mama, hindi po bus ang sasakyan natin po papunta kay grandpa."
Naguguluhan na tiningnan ni Stella ang bata, "taxi? Malapit lang ba ang bahay ng grandpa mo dito sa bahay?"
"It's far po, Mama. Grandpa is living in Monaco po." Sabi ng bata na ikinagulantang ni Stella, "we will ride airplane po."
"Monaco?!" Medyo napasigaw si Stella. "Sa ibang bansa pa?! Fudgee bar na 'yan. Hilong-hilo na nga ako sa biyaheng Manila hanggang Baguio, Manila to Monaco pa kaya?! Baka ikamàtày ko na 'yon. Baka huling trip to the earth ko na 'yon daretso trip to heaven!"
Sa hindi mawaring kadahilanan, bumulwak ng tawa itong si Andrew. Parang hindi ito pumalahaw ng iyak kanina sa sobrang lutong ng tawa ngayon.
"Mama, you're so weak po." Natatawang komento ng bata kay Stella. "You lost consciousness dahil po sa frog, ngayon naman po you're afraid of long way trip." Humalakhak naman ang bata. "My Mama is weak po."
Pinaningkitan ng mata ni Stella ang bata, "inaasar mo ba ako?"
Kunyaring tinakpan ng bata ang bibig nito gamit ang maliliit na palad, "No, Mama. Baby Andew is just telling the truth po. Weak po ang Mama ko."
Tumango tango si Stella, "Weak pala ha." Mabilis na inihiga ni Stella ang bata sa couch at sinimulan nitong kilitiin ang tagiliran. "Weak pala ako, ha." Hinalik-halikan ni Stella ang leeg ng bata.
"Mama! Stop! Mama! Stop na po!" Pakiusap ng bata habang tumawa pero hindi iyon pinakinggan ni Stella at kinalik-halikan pa nito ang leeg at ikuskos ng dalaga ang mukha sa tiyan ng bata. "Mama! Time pers po, time pers."
A loud giggles and a plea of desperation of Andrew echoed all over the house. While, Stella and Andrew playing on the couch, the four great Uncles are watching the two from the kitchen door.
"Never in my entire life I heard our young boss, giggled and laugh like that." Komento ni Cyruz at kumagat ng apple. "No wonder our young boss, loves Ms. Stella."
"Only when Ms. Stella barged in." Segunda naman ni Koa, kahit na may tampo siya kay Stella dahil mas naging paborito na ng young boss nila ang snacks na hinahain nito kumpara sa kanya, "our young boss really adores Ms. Stella. Kahit nga salita nito ginagawa na din ni baby Andew─ este Andrew."
Tumawa si Zion na nakahawak sa hamba ng pintuan at nakasilip lang sa sala, ulo lang niya nakalabas dahil hindi silang apat kasya sa may pintuan. "Kita mo pati ikaw na din Koa, nahahawa na kay Stella, eh. Buti pa ako, pogi lang."
Agad naman na nalukot ang mukha ni Koa, Cyruz at Kenzo dahil sa sinabi ni Zion. Nagawa pa talagang makalusot ng kahanginan nito.
"Let's get back inside. Give Ms. Stella and young boss a privacy." Tulak ni Kenzo papasok sa kusina sa tatlong chismoso, "let them play. Boss and young boss will leave tomorrow to Monaco. They'll be at home after one week."
"Ikaw ba, Kenzo?" Si Zion, "anong tingin mo kay Stella? Ikaw ang magaling kumilatis ng tao sa ating apat dito kaya anong masasabi mo kay Ms. Stella?"
Kenzo remain silent for seconds before he answered, "I have to right to say something about Ms. Stella. As long as she won't harm our young boss, I'm fine with her."
"Always the formal," irap ni Cyruz at kumuha na naman ng mansanas.
The three teased Kenzo for always acting so formal. They're happy, though. Kasi sa wakas, nagagawa nang ngumiti ng kanilang young boss ng sobra. Sana lang talaga, iba sa mga babae ang Ms. Stella nila. No matter how they like Stella for their young boss, the still couldn't hold their guard down. Mabuti na ang alerto kaysa mangyari na naman ang nangyari noon.
Pero wala ng mas sasaya pa kaysa Kay Phoebus. Watching his son beams in happiness makes him feel fullfil as a father.
Phoebus was hiding behind the wall and just watching his son from there. Labis ang kaba niya kanina ng marinig ang iyak ng anak kaya gano'n nalang ang pagmamadali niyang bumaba pero natigil siya ng marinig ang malambing at marahan na boses ng dalaga habang kausap ang anak.
Kahit hindi aminin ni Phoebus, malaki ang pasasalamat niya sa dalaga dahil kaya nitong patahanin ang anak ng gano'n kabilis.
Hindi namalayan ni Phoebus na nakatitig na pala siya sa masayang mukha ng dalaga. Stella may seem like she had issues with her behavior, but Phoebus could see that the woman is actually good. Maingay nga lang ito at mahilig magbigay ng palayaw sa kanilang lahat, bukod don, wala na itong problema.
Sumulyap muna si Phoebus ng isang beses sa anak at sa dalaga bago pumanhik pabalik sa kanyang opisina. Sabado ngayon kaya hindi siya pumasok sa opisina. Sakto naman na pagdating niya ay tumunog ang kanyang selpon.
''Yes, Dad?" Sagot ni Phoebus.
"Open your camera," utos ni Solomon sa anak. "I wanted to see, my apo. Where is he?"
Huminga ng malalim ang binata. "We'll visiting you tomorrow, Dad. Just wait is there. I'll off this video call now."
"I wanted to see my grandson, Phoebus." Pilit ni Solomon sa anak.
"He's asleep," palusot ng binata. "I'll off this now."
"No! Wait─" Phoebus put down his phone.
"Kahit kailan talaga ang kulit. Kaya walang nagtatagal na asawa, eh." Anang ni Phoebus. Maybe he got his fate from his dad.
Walang nagtatagal na babae sa kanya, kahit pa ang pinakamamahal niya. Iniwan din siya.