Chapter 8

4503 Words
NAPAPAILING na lang si Lyn habangnakatingin sa pintuan ng painting room ni Makki. Simula kasi kagabi ay hindi pa lumalabas ng kwartong iyon ang binata. Nakatatlong balik na nga siya sa tapat ng room at idinidikit ang tenga sa pintuan para naman magka-idea siya kung anong ginagawa nito sa loob o kung humihinga pa ba si Makki. According to Bella, ganoon daw talaga ang Daddy nito kapag inspired sa pagpipinta. Pero sobra naman yata ang pagka-inspired nito dahil halos twenty hours na itong hindi lumalabas ng kwartong iyon. Ang sabi pa nga ni Manang Salve ay ayaw talaga magpa-istorbo ni Makki kapag busy ito sa pagpipinta kaya hayaan na lang daw niya. Humugot siya ng malalim na hininga. Hindi pwede ang ganoon sa kanya kaya naman umalis ulit siya sa harapa ng kwarto at pumunta sa kusina. Papasukin na niya si Makki sa loob at hindi siya papayag na magpalipas pa ulit ito ng gutom. Pagbalik niya sa painting room at marahan siyang kumatok. Nang wala siyang makuhang tugon ay inulit niya ulit ang katok sabay tawag sa pangalan ni Makki. "Makki, papasok na ako." ani niya ng wala pa din siyang nakuhang sagot mula dito. Pagbukas niya ng pinto ay unang bumungad sa kanya ang napakaraming paintings ni Makki na tingin niya ay karamihan sa mga ito ay mga unfinished pa o hindi nito nagawang matapos. Mas inilibot pa niya ang tingin sa kwarto na tanging paintings lang ang nakalagay. Napansin din niya na may isang divider sa room na kung hindi siya nagkakamali ay doon nagpipinta ang binata. Inilapag niya muna ang tray na may lamang pagkain upang mas lalo pa niyang makita ang mga paintings. Maya-maya ay ay napansin siyang isang painting dahil ito lang ang tanging may nakatakip na putting tela. Alam niyang hindi tama na pakialaman niya ang mga painting ni Makki ngunit sadyang malakas ang hatak ng nakatakip na painting na iyon ng binata. Malakas ang pakiramdam niyang may kinalaman iyon kay Makki. Ilang segundo lang niya iyong tinitigan bago nag-decide na tanggalin ang tela na nakatakip sa painting. Bumungad sa kanya ang isang portrait ng babae. Hindi man niya aminin ngunit humanga siya sa ganda ng babae na nasa painting idagdag pa na magaling talagang magpinta si Makki. Saka lang niya na-realize kung sino talaga ang nasa portrait nang mabasa niya ang title ng painting. "Lenny." mahinang bigkas niya. Kung hindi siya nagkakamali ay ang Lenny na nasa portrait at ang Lenny na binanggit sa kanya ni Makki ay iisa. Napakaganda pala ng asawa ni Makki kaya marahil ay matagal din bago nakamove-on ito. Napansin din niyang ibang-iba ang features ni Lenny sa kapatid nitong si Marlou at mas kahawig nito si Bella dahil magkatulad ang dalawa ng mga mata at ilong. Mahal pa kaya siya ni Makki? tanong niya sa sarili niya. Pero alam niyang siya na ang gusto ni Makki dahil sinabi iyon sa kanya mismo ng binata at nararamdaman niya iyon sa paglipas ng mga araw na magkasama silang dalawa. Kaya hindi siya dapat makaramdam ng pagseselos at pagdududa sa binata. Napapitlag siya ng makarinig si Lyn ng mga yabag papunta sa kinaroroonan niya kaya natatarantang muli niyang tinakpan ang portrait. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ni Makki kapag nahuli siya nito na ginalaw niya ang portrait ni Lenny. "Lyn?" mahinang tawag ni Makki pagkarating nito sa kinatatayuan niya. Matamis siyang ngumiti sa binata. "Hi. Dinalhan kita ng food. Kagabi ka pa kasi hindi kumakain and I'm sure gutom ka na." Awtomatikong nawala ang ngiti niya ng mapansin niya ang pagod at antok sa mukha ni Makki ng mga oras na iyon. "Natulog ka ba?" Umiling lang si Makki sa tanong niya at marahan itong lumapit sa kanya kasabay ng masuyo nitong pagyakap. "Bakit mo masyadong pinapagod ang sarili mo?" Umungol si Makki at lalo nitong binaon ang mukha sa leeg niya na para bang sinasamyo nito ang amoy niya. "Buong araw kong hinanap ang amoy mo." bulong ni Makki sa kanya na naghatid ng labis na kilabot sa katawan niya. "You're always in my mind, darling. I'm wondering kung ginayuma mo ako." Napaigil ang binata ng hampasin niya ito sa likod na awtomatikong binitawan siya nito. "Ang sakit non!" parang batang reklamo ni Makki. Pinamewangan niya ang binata. "Hello? Baka ako ang ginayuma mo, lalaki. Napakaswerte mo dahil nakuha mo ang isang tulad kong maganda na matalino pa." Natatawang muli siyang niyakap ni Makki at isiniksik ulit ang mukha sa leeg niya. "I miss you, darling." "Paanong hindi mo ako mamimiss eh nagkulong ka lang dito." Hindi na niya pinigilan ang sarili niya at ginantihan din niya ng yakap ang binata. Ramdam niya ang masuyong paghaplos nito sa kulutang niyang buhok. "I need your energy, darling. Recharge me." "Hmm. Paano ba kita irerecharge?" tanong niya kasabay ng mas lalo niyang hinigpitan ang yakap dito. "Ayan. Recharged kana?" Umiling ito. "Hindi sapat yan. Kulang pa." Mas hinigpitan pa niya ang yakap dito na pinatagal niya ng ilang segundo. "Charging Mr. Makki Quijano. Hundred Percent." sakay niya sa paglalambing ng binata. Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at tinignan siya. "Hindi ganyan ang gusto kong recharge. I'll show you the proper way of recharging Makki Quijano." Agad nitong sinakop ang labi niya na ikinagulat niya ngunit maya-maya lang ay kusa na din siyang napapikit para mas madama niya ang tami ng halik na pinagsasaluhan nila ni Makki. Kusa niyang pinulupot ang kamay sa beywang ng binata para makahanao siya ng lakas dahil talaga namang nakakapanghina ang halik na ginagawad sa kanya ni Makki ng mga oras na iyon. Napaungol siya ng mas lumalim pa ang halik nito at feeling niya ng mga sandaling iyon ay nakalutang siya mula sa kinatatayuan. Ibang klase talaga ang pinaparanas sa kanya ni Makki. Ngayon niya napatuyan ng husto kung gaano na niya minahal ang binata bukod sa bago lahat sa kanya ang mga feelings na pinaparanas nito everytime na magkasama sila. Tulad na lang ng paghalik nito na nagbibigay ng saya at may kahalong kilabot sa pagkatao niya. Nang mahalata na ni Makki na lumalalim na nang husto ang halikan nila ay ito na ang kusang tumigil at pinakawalan na ang mga labi niya. "Lyn.." bulong nito sa pangalan niya. Itinapat nito ang noo sa noo niya na para bang pinapahinahon muna nito ang mga nararamdaman nila. "Let's take it easy, darling." mahinang usal nito. Dahil speechless pa siya ay tanging tango lang ang naisagot niya. "Recharged." masayang wika ni Makki sa kanya. "Ikaw lang pala ang nagpapalakas sakin eh." Namumula ang mukha na kumalas siya sa pagkakayakap ni Makki. "Puro ka talaga kalokohan. Kumain ka na nga." Dahil walang table sa loob ng kwarto ay minabuti na lang nila na sa lapag umupo at kumain. "Marami ka pa palang paintings na hindi natapos, Makki." ani niya sa binata habang tinitignan ang magiging reaksyon nito sa sinabi niya. "Yeah." "Why?" tanong niya ulit dito. "If you don't mind asking you that." Hinaplos muna nito ang pisngi niya bago sumagot. "Nag-stop ako magbenta ng mga works ko three years ago. Actually, I really don't know why. I just felt that something's missing with my works. Wala ng kinang ang mga nagagawa kong paintings for me kaya lahat ng nakikita mong unfinished paintings, that's the result of my frustrations. Hindi ko na din nararamdaman ang satisfaction kapag nakakatapos ako ng paintings unlike before kaya I decided na hindi na magbenta ng mga gawa ko. Yung mga inilabas ko na paintings for exhibit, yun ang mga natapos ko na dati pa." Hindi man niya gusto ngunit nakaramdam siiya ng awa para sa binata. Alam niyang sa loob ng tatlong taon na lumipas ay naging mahirap ito sa binata lalo pa't sa kalagayan din ng resort nito. "How about now? Halos nagkulong ka na din dito sa painting room mo and I'm sure na may nagagawa ka na." Napangiti si Makki sa tanong niya. "Inspired ako eh." "Talaga lang ah?" ani niya dito na pinipigilan niya na mapangiti. "Dahil ba sakin yan?" Napangisi si Makki. "Ang sarap kasi ng halik mo eh. Talagang ma-i-inspired ako lagi." "Bastos ka!" nanlalaking mata na sabi niya sa binata. Mas nataranta siya nang mapansin niyang naghuhubad si Makki ng suot nitong tshirt. "Anong ginagawa mong lalaki ka?" saway niya dito. "Ang bastos nakahubad. Ginagawa ko lang yung sinabi mo." nakakalokong sabi nito. Imbes na matawa sa banat ni Makki at seryosong tinignan niya lang ito. "Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo, Makki. I don't have any idea kung gaano kahirap but I know na malalagpasan mo din ang problema mo. There's always a silver lining in every aspects in our life. Tignan mo na lang ako, kahit marami na akong napaluging negosyo at nasayang na pera at puhunan pero kahit kailan hindi ko nagawang sumuko. Nalulungkot at na-dedepress pero kahit kailan hindi ako nawalan ng pag-asa. Kita mo naman ninakaw pa ng hinayupak na Marlou na yun ang pera ko at dahil hindi ako sumuko kaya nga nandito ako ngayon eh." buong loob na sabi niya sa binata. Awtomatikong napahinto sa pagsubo si Makki ng marinig nito ang sinabi niya. "You mean, lahat ng naging business mo nalugi?" tanong nito sa kanya. Bigla siyang namutla ng ma-realize niya ang nasbai niya lang kani-kanina. Shit! Nabuko ako! Simula pa lang ay pinagmalaki pa naman niya kay Makki ang mga negosyo na napalago niya at genius siya pagdating sa business. Pero dahil sa kadaldalan niya ay siya pa mismo ang nagbuko sa sarili niya. Nang mga oras na iyon ay parang gusto na niyang lamunin na lang siya ng lupa. May takot din siyang naramdaman sa nangyari dahil baka hindi na siya nito pagkatiwalaan sa mga magiging decision siya sa resort. "M-May gagawin pa pala ako sa kusina." ani niya at akmang tatayo siya pero agad siyang pinigilan ng binata. "Are you thinking na mawawalan ako ng tiwla dahil sa sinabi mo?" Napayuko siya. "Sorry. Gusto ko lang kasi na mahanap si Marlou kaya nagawa kong magsinungalin sa inyo." "Darling, naramdaman mo ba na nawalan ako ng tiawala sa mga desisyon mo about resort?" Nang umiling siya ay nagpatuloy sa pagsasalita si Makki. "It doesn't matter kung marami beses ka ng nabigo sa business dati. Ang ganda kaya ng kita ng resort dahil sayo. May nabili pa tayong van at may mga guests na nagpapareserve na. It means na ang galing mo sa pag-manage ng business. At saka, ikaw pa nga nagsabi sakin na huwag sumuko hindi ba?" "Lyn, that night na sinabi ko sayong gusto kita kasama na din doon ang trust ko for you. Package deal kumbaga." Awtomatikong napatalikod siya sa binata ng maramdaman niya ang pag-iinit ng mata niya. Bukod kasi sa Mommy niya na malaki ang binibigay na tiwala sa kanya ay naramdaman niya din iyon sa binata. "M-Matagal ko ng alam na gusto mo ako." usal niya sabay punas ng luha sa pisngi niya. "Oo naman! Ang ganda pa kaya ng darling ko. Napakaswerte ko kaya sayo." "Matagal ko na din alam yan." ani niya dito. Natatawang tumango lang si Makki. Maya-maya ay naramdaman niyang tumabi ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Buong akala niya ay hahalikan nito ang kamay niya ngunit ipinatong doon ni Makki ang mga napagkainan nila. "Hugasan mo na din ito para mas mapatunayan mo sakin na magaling ka talaga." biro nito sa kanya. Natatawang inirapan niya ang binata. "Loko ka talaga." Masuyo nitong pinunasan ang luha niya. "Ayokong nakikita kitang malungkot at umiiyak, Lyn." "Thank you for trusting me, Makki." "But of course! Pero dapat may kapalit na halik." "Loko!" singhal niya dito. Pero mukhang hindi papapigil si Makki at nilalapit na nito ang mukha sa kanya ng biglang bumukas ang pintuan kaya naman awtomatikong napatingin silang dalawa at iniluwa si Bella na nakatingin lang sa kanilang dalawa. Ilang segundo lang siyang napatulala hanggang sa marealize niya kung ano ang hitsura nilang dalawa ni Makki. Siya ang unang nahimasmasan kaya agad siyang umatras palayo sa binata. "Bella, ano kasi. May nahulog sa lapag kaya hinahanap naming siya ng Daddy mo." ani niya sabay tingin kay Makki. "Diba?" madiing sabi niya dito. "Parang wala naman." nakangising sabi ni Makki. Kulang na lang nga mga oras na iyon ay mahampas niya ang binata sa sinagot niyo. "Makki.." madiing tawag niya sa pangalan nito na may kasama pang panlalaki ng mga mata. "Ah, oo. Meron nga kaming hinahanap. Nasaan na kaya yun?" wika ng binata at umaktong may hinahanap sa lapag. Pero halatang nang-aasar pa din ito dahil mas lalo pang dumikit si Makki sa kanya kaya naman siniko niya ito papatras. "Gusto mo na bang mamatay?" bulong niya dito. "It's Okay, Daddy." wika ni Bella sabay baling sa kanya. "Tita Lyn, dumating nap o kasi ang mga guests natin nasa reception na po sila ngayon." Tumango siya pagkarinig sa sinabi ng bata. "Susunod na lang ako, Bella. You can entertain them habang wala pa ako." nakangiting sabi niya dito. Sumunod naman si Bella sa sinabi niya na wala namang nahalata sa kanila ng Daddy nito. Muli niyang siniko si Makki at pinandilatan niya ng mga mata. "Buti hindi tayo nahuli ng anak mo." Nagkibit-balikat si Makki. "I'm sure Bella will understand as long as napapaliwanag natin sa kanya ng maayos." katwiran ni Makki. "Kahit na, bata pa si Bella hindi pa siya dapat nakakakita ng ganitong eksena. I need to go dahil dumating na yung mga guests. Bumaba ka mamayang dinner." banta niya sa binata at nagkunwaring nabahuan siya dito. "Saka maligo ka naman amoy pintura ka." Ngunit hindi pinansin ni Makki ang sinabi niya at lalo siya nitong dinikitan. "Kiss ko?" "Ito ang ikiss mo." ani niya sabay patong ng palad sa labi nito. "Yung mga bilin ko sayo, Makki." banta niya dito sabay bukas ng pinto na hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang binata. "Bye, beauty." "Thank you." nakangiting sabi niya dito. "May aso ako dati pangalan niya Beauty-" "Heh!" sigaw niya dito na ikinatawa nito ng malakas. Narinig pa niya ang pagtawa ni Makki habang palabas siya ng kwarto samantalang siya ay naiiling na lang sa mga kalokohan nito. Pero ilang saglit lang ay natatawa na din siyang bumaba para puntahan ang mga guests nila. Alam niyang marami na din silang nabubuong happy memories ni Makkie and she was looking forward for more. MATALIM na tinignan ni Lyn si Makki na ngayon ay masayang nakikipagkwentuhan sa isang guest nila sa resort. Kanina pa siya nasa reception hall at binabantayan ang bawat kilos ng dalawa kaya naman walang minuto na hindi siya nakakaramdam ng pagkainis sa nakikita. Ilang araw na din ang mga guests nila sa Paradise and so far ay maganda ang mga feedbacks na natatatanggap nila sa grupo. Natapos na din kasi ang nasa itinerary ng mga ito at nagpapahinga na lang ng mga oras na iyon sa loob ng white house. Noong una naman ay maganda ang mood niya dahil nga guests nila ito sa resort pero nagbago ng simula ng mapansin niyang nilalandi ng isang guest nila si Makki. Samantalang ang isa ay game na game pa sa paglalandi ng babaeng guest. Napasimangot siya ng husto ng makita niyang pinisil-pisil pa nito ang braso ni Makki na may kasama pang hagikgik. "Kalandian!" madiing sabi niya habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa dalawa. Kung nagbabaga lang sana ang mga tingin niya ay malamang na sunog na ang babae. For sure, nagjojoke na naman si Makki kaya naman sobra ang pagtawa ng babaeng guest nila. Gustong-gusto na niyang hatakin si Makki papalayo dito pero napipigilan pa niya ang sarili niya dahil ayaw naman niyang maging bastos sa guest nila. Aaminin niyang selos na selos siya ng mga oras na iyon. Halos hindi na nga niya namamalayan na lukot na lukot na nga ang hawak niyang papel. Obvious naman na mas maganda siya sa babae dahil kahit maganda ang porma nito ay di hamak na mas makinis pa din siya. Halata kasing tinatakpan lang nito ng foundation ang mga blemishesnito sa mukha. Napansin niyang papalapit sa kanya ang dalawa kaya minabuti na lang niyang abalahin ang sarili niya sa mga papel na nasa reception table. "Lyn, susubukan daw ni Luisa ang signature dish ni Mang Salve." ani ni Makki sa kanya. So, Luisa pala ang name ni girl foundation. ani ng isip niya. "Sure." malamig na sabi niya sa binata na hindi man lang niya tinitignan. "Sabi ni Makki, pwede daw kami mag-order for seven persons. Ano pa bang meron kayo dito sa resort?" maaerteng wika ni Luisa. Minabuti niyang hindi kumibo sa sinabi nito dahil baka hindi pa niya magustuhan ang pwede niyang gawin. "Saka sasamahan pala ako ni Makki sa isang palengke sa Badian marami daw akong magugustuhan na delicacies doon." sabi pa nito sa kanya habang ngiting-ngiting bumaling kay Makki. Pakiramdam niya ay doon na siya sasabog. Ibang level na pala nakarating ang kalandian nito. "Masarap magluto ng diningding si Manang. Would you like to try it?" tanong ni Makki. "Sure. But what if hindi kami nasarapan? What will you do?" maarteng boses ni Luisa na halata dito ang paagka-flirt. Nang hindi na siya nakatiis ay malakas niyang hinampas ang folder sa reception table na ikinagulat ng dalawa. Binalingan niya si Luisa at plastik na nginitian. "Don't worry masarap talaga magluto si Manang baka nga mabaliw ka kapag natikman mo. I mean, mabaliw sa luto." sarkastikong sabi niya kay Luisa. "Lyn-" "Manang Salve!" putol niya sa sasabihin sana ni Makki. "Nasa kusina si Manang. Lyn." Hindi niya pinansin ang sinabi ni Makki at muli niyang nginitian ng plastik si Luisa. "Ipapahanda ko na agad ang request niyo, Madam." ani niya sabay padabog na inilapag niya ang ballpen at umalis agad ng reception. Bubulong-bulong na pumunta siya sa kusina kung saan nandoon si Manang Salve. "Napakalandi talaga!" Gulat na napalingon sa kanya si Manang Salve. "Ano bang nangyari, Lyn?" Marahas na napahugot siya ng hiniga. "Hay naku, Manang. Bakit ba ang daming malalanding tao sa mundo?" inis na inis na sabi niya dito. "Pakiluto daw po ng putahe niyo yung mga guests natin. Tapos yung kay Luisa lagyan mo ng pampapurga nang hindi na lumandi pa." "Abay, nilandi ba ni Luisa si Makki? Naku, ke gwapong bata naman kasi." ani ni Manang sa kanya. Hindi na niya sinagot ang matanda hanggang sa napansin niyang papalapit si Makki sa kanya. "Lyn, what's wrong? Bakit parang ang init ng ulo mo ngayon?" takang tanong ni Makki sa kanya. Iritableng tinignan niya si Makki. "Bakit? Hindi ba pwedeng uminit naman ang ulo ko?" "But why?" "Huwag mo akong ma-why-why dyan baka masipa na talaga kita." buong diin na wika niya sa binata. Kumunot ang noo ni Makki sa sinabi niya at halatang clueless ito kung ano talaga ang kinaiinit ng ulo niya kaya doon mas lalong nadagdagan ang inis at pakairita niya. Tinangka siyang hawakan ni Makki sa braso ngunit iniwasan niya. "Aba, Makki. Baka naman kasi nagseselos si Lyn? Ano ba naman ang ginawa mo?" sabat ni Mang Salve sa kanila. Binalingan niya si Manang. "Ako? Magseselos?" natawa siya ng pagak. "Eh mas maganda pa ako dyan sa foundation girl na yan eh." ani niya na para bang mas kinukumbinse pa niya ang sarili niya. Gaga! Selos na selos ka kaya girl! "Ibig sabihin nagseselos ka kay Luisa?" Imbes na sagutin ang tanong ni Makki ay humarap siya kay Manang Luisa. "Ikaw ba Manang matutuwa ka pa kung ikaw ang nasa kalagayan ko?" "Aba, kung sakin mangyari yon baka maputol ko buhok niya." ani ni Manang sabay hiwa ng sitaw with feelings pa. "Gusto mo lagyan ko ng maraming vetsin ang pagkain niya?" Napangiwi siya sa sinabi ni Manang. Mukhang mas malala pa yata ito magselos sa kanya dahil vetsin na ang ilalagay nito sa pagkain. "Manang Salve." saway ni Makki dito. "I'm just entertaining them, Lyn. Syempre, guests natin sila dito sa Paradise para naman bumalik ulit sila dito." Dinuro niya si Makki. "Huwag mo akong daanin sa ganyan, Makki. Hindi tatalab sakin ang ganyang paliwanag." Itinaas nito ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko nito sa usapan nila. "Okay. I'm sorry hindi na mauulit." Pero dahil iritable pa din siya at hindi pa din mawala ang pagka-badtrip niya hindi niya pinansin ang sinabi ng binata. "Manang, matutulog na ako ng maaga. Pakisabi na lang kay Bella na nagpapahinga na ako." Naramdaman niya ang paghawak ni Makki sa braso niya. "Let's talk, Lyn. Huwag kang matulog na ganito tayong dalawa." Inalis niya ang pagkakahawak nito sa braso niya. "Si Luisa na lang ang kausapin mo. Saka may dinner pa kayo diba? Tapos bukas ipapasyal mo pa siya? Alam mo magpahinga ka na din para may lakas ka pa bukas." sarkastikong sabi niya sa binata sabay alis sa harapan nito. Dali-daling umakyat si Lyn sa master's bedroom. Rinig pa niya ang paghabok sa kanya ni Makki kaya naman mas binilisan pa niya ang pag-akyat. Pagkatapat niya sa pinto ay agad niya iyong binuksan pero bago pa niya masara ang pinto ay iniharang na agad ni Makki ang katawan nito. "Pwede ba, Makki? Get lost!" habang sinasabi niya iyon ay pilit niyang tinutulak palabas ang binata. Umiiling-iling si Makki. "Hindi ako papayag na hindi tayo magkakaayos ngayon." seryosong sabi nito. Nang alam na niyang hindi na niya mapapalabas ang binata ay binitiwan na niya ang pintuan at umupo sa gilid ng kama na nakatalikod sa binata. "Look, I'm sorry for being insentive. Hindi ko akalain na magseselos ka kay Luisa." paliwanag ni Makki sa kanya. Tinakpan niya ang tenga niya dahil ayaw niyang marinig pa ang iba pang sasabihin ni Makki. Hindi niya akalain na ganito pala siya magselos na kahit siya ay nagulat. "Masaya lang ako dahil sa nangyayaring progress dito sa Paradise kaya naman hundred percent ang binibigay kong customer service para sa maga guests natin." Alam naman niya ang bagay na iyon pero talagang selos na selos talaga siya dahil na rin siguro sa kalandian na ipinapakita ni Luisa kay Makki. Minabuti niyang humiga patalikod sa binata at nagtalukbong ng kumot. Nang tumagal kasi ay para siyang nakaramdam ng pagkapahiya sa binata. Pero ano naman ang magagawa niya kung ganoon katindi ang selos na naramdaman niya? Narinig niya ang malalim na buntong-hininga ni Makki at buong akala niya ay aalis na ito. Ngunit maya-maya lang ay naramdaman niya ang paglundok ng kama at pag-angat ng kumot. Ipinulupot ng binata ang mga kamay nito sa beywang niya at niyakap siya nito patalikod. Dumagundong ng husto ang dibdib niya dahil sa ginawa ni Makki. Biruin mo, under this sheet eh yakap siya ni Makki? Pakiramdam tuloy niya ay parang bulang naglaro ang kung anumang selos at tampo niya sa binata. "Sorry na, darling. Hindi na mauulit." bulong ni Makki habang nakabaon ang mukha nito sa leeg niya. Matinding kilabot ang naramdaman niya at para bang nag-iinit ang buong katawan niya. Namalayan na lang niyang kusang kumilos ang katawan niya at dahan-dahan siyang humarap dito. "Bati na tayo?" masuyong bulong ni Makki sa kanya. Tumango siya sa binata at hinaplos ang baba nito habang dinadama ang balbas nito na papatubo pa lang. "Huwa ka na kasing lalapit kay foundation girl." Napangiti si Makki. "Darling, wala naman akong magagawa kung napakagwapo-" Pinisil niya ang bibig ni Makki. "Gusto mo ng mamatay?" nanlalaking-mata na wika niya. Natatawang mahigpit siyang niyakap ni Makki. Ilang saglit silang nasa ganoong posisyon ng mapansin niya ang malalim nitong paghinga. "I think I need to go." ani ni Makki. "Saan ka naman pupunta, aber? Kay Luisa?" Nagulat siya ng bigla siyang pinaimbabawan ni Makki. "Darling, you're drving me crazy." Hinalikan siya ni Makki. Malalim at talagang nakakakapos ng hininga kaya naman ikinawin niya ang kamay sa leeg nito at lalong ninamnam ang halik na pinagsasaluhan nila. "I need to go, Lyn." bulong nito ng pakawalan ang labi niya. Napansin niyang namumungay ang mata nito habang nakatitig sa kanya at alam niya ang ibig sabihin ni Makki. At alam din niya na kapag tumagal pa silang dalawa sa ganitong sitwasyon ay baka iba na ang magawa nilang dalawa ng binata. "Let's take it easy, darling." Pinisila muna ni Makki ang baba niya bago tuluyang uamlis ng kama. Ilang saglit muna niyang tinitigan si Makki bago nagpasyang tumayo na din mula sa pagkakahiga. Hinawakan nito ang kamay niya at masuyong pinisil. "I have something for you, darling." "Really? Suhol ba yan dahil sa nangyari?" Natatawang umiling lang ito at inaya na agad siya sa painting room. Saka lang siya nagsalita ulit nang nasa loob na silang dalawa. "Hindi mo naman siguro ako ipipinta?" ani niya. Ngumit lang si Makki sa sinabi niya sabay aya sa kanya sa isang panig ng kwarto. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang painting na tinuturo nito. "Oh my God! You'll give this to me?" hindi makapaniwalang tanong niya habang sinisipat ang painting ng Sumilon Island. That particular painting na hindi ipinagbili ni Makki noong naganap ang exhibit nito. "Wala naman akong sinabing ibibigay ko yan sayo." natatawang sagot ni Makki sa kanya. "Heh!" ani niya dito habang hinahawakan ang gilid ng painting. "Magkano kaya ang price nito sa market?" Naramdaman niya ang pag-akbay ni Makki sa kanya. "Naging importante na ang place nay an kasi dyan ka na-nlove sakin. Kaya I'm giving this to you, darling." Kumikinang ang mga mata na binalingan niya ito. Sobrang touch siya sa ginawa ni Makki kaya pala hindi nito binenta ang painting ay para ibigay sa kanya. "Thank you, Makki." masayang hinalikan niya ito sa pisngi. "Napakaganda ng regalo mo. Kaya hindi na ako galit sayo." "Kanina ka pa kaya hindi galit simula ng hinalikan kita kanina." tukso ni Makki. Hindi niya alam kung paano i-co-contain ang happiness na nararamdaman niya kaya niyakap niya ng mahigpit si Makki. "Thank you for making me feel this way, Makki. Sa buong buhay ko ay ngayon lag ako nakaramdam ng ganitong klaseng saya. And that's because of you. And I love you, Makki. Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko sayo." emosyonal na sabi niya sa binata. Kumalas sa pagkakayakap niya si Makki at marahan siyang hinaplos sa mukha. "Let's take it easy, darling." Awtomatikong napatulala siya sa narinig mula sa binata. Feeling niya ay bigla siyang nahulog sa isang mataas na gusali dahil sa sinabi nito. "Darling, don't get me wrong Okay? Hindi ko sinabi na hindi kita mahal. Of course, I like you. Ang gusto ko lang is we can take this relationship step by step. We don't need to rush." pinisil nito ang palad niya. "Lyn, I like you. Very much." Ilang beses muna siyang lumunok at hinamig ang sarili niya. Hindi dapat niya hayaan na lamunin siya ng pangamba. He already said that he likes her. Sa ngayon ay dapat makuntento siya kung ano ang meron sila ngayon ng binata. Siguro naman darating din ang panahon na sasabihin ni Makki na mahal na siya nito. "O-Of course, Makki. We will enjoy every moments together. Tama ka na hindi tayo dapat magmadali." Ngumiti si Makki at masuyo siyang hinalikan sa noo. "That's my girl."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD