Chapter 9

4081 Words
TINIGNAN ni Lyn ang kalendaryo na nakalagay sa reception table. Halos patapos na din pala ang buwan ngunit wala pa ding Marlou na lumilitaw sa resort. Lagi niyang tinatanong si Bella kung tinawagan na ba ito ng Tito nito ngunit hindi pa daw nagpaparamdam si Marlou. She sighed. Tanging tyaga sa paghihintay ang kailangan niya tutal halos mag-iisang buwan na din naman siya sa resort. Hindi niya kailanman itatanggi sa sarili niya na sobrang saya at enjoy siya sa bawat araw na kasama niya ang mag-ama. Lalo na si Makki. Kahit naman hindi malinaw para sa kanya ang status nilang dalawa ng binata ay malakas ang paniniwala niya na mahal din siya nito. Bakit? Dahil nararamdaman niya iyon sa bawat galaw at pagtrato nito sa kanya. Kumabaga, action speaks louder than words ika nga. Maghihintay na lang siya ng maging official ang relationship nilang dalawa at magiging masaya kung anong meron sa kanila ng binata. Hindi rin niya magkakaila na head over heels in love na siya sa binata na hanggang ngayon nga ay hindi siya pakapaniwala. Bawat araw na magkasama sila ni Makki ay lalo niya itong minamahal ng husto. Makki is such a wonderful person. Walang dull moments sa bawat oras na magkasama silang dalawa. Actually, lagi nga siyang nakatawa kahit na mag-isa lang siya at iniisip ang mga memories nilang dalawa ng binata. Maganda-ganda na din ang kita ng Paradise kahit papaano dahil hindi pa naman sila nawawalan ng guests simula ng siya ang humawak ng resort compared noong inabutan niya iyon noong una. Pero alam niya sa sarili niya na marami pa dapat ayusin sa resort lalo na ang mga gamit dito at alam niyang ilang buwan lang ay magkakaroon na ulit ng malaking budget si Makki para sa mas ikakaganda ng Paradise. Dahil sa nagiging maganda ang resulta ng mga desisyon niya for resort ay nakakaramdam siya ng pagka-proud sa sarili. Hindi yata siya papayag na lumubog pa ang resort na pinaghirapan din niyang ibangon. Tanging ang malaking problema niya ay ang pera niya na ninakaw ni Marlou. Gaya ng sumpa niya sa sarili ay hindi siya papayag hanggat hindi niya nakukuha ang pera niya. "Lyn, pwede bang ikaw na lang ang sumundo kay Bella sa school niya? Hindi pa kasi lumalabas si Makki sa study room eh." ani ni Mang Salve sa kanya. Tumango siya dito. "Sige, Manang. Ako na po ang susundon kay Bella." ani niya habang tinignan niya ang suot ng relos. Meron pang thirty minutes bago ang uwian ni Bella kaya may oras pa siya na puntahan si Makki sa study room. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya na laging tahimik ang binata at halatang may malalim na iniisip. Kilala na kasi niya si Makki dahil sadyang makwento ito at mapagbiro kaya mapapansin dito kung may iniisip itong problema. Kahapon nga ay hindi ito lumalabas ng painting room nito kaya naman pinagbigyan niya ang binata. At alam niyang ito na ang tamang oras para kausapin na niya si Makki. Marahan muna kumatok si Lyn bago pumasok sa study room nito. Naabutan niya si Makki na nakayuko habang hawak nito ang noo at halatang malalim ang iniisip nito dahil hindi man lang siya napansin na nakapasok siya sa loob. Nakaramdam siya ng pag-aalala sa binata at wala na siyang duda na may problema nga ito. "Makki? What's wrong?" nag-aalalang tanong niya sa binata ng makalapit siya dito. Umangat ang ulo ni Makki at tinitigan lang siya. Kita niya sa ekspresyon ng mukha nito ang lungkot. Hinawakan niya ang mukha ng binata at hinaplos. "Alam kong may problema ka, Makki. Ilang araw ka ng parang malungkot. Common, you can tell me what it is. Kaya nga ako nandito para to help you. Spill it out." ani niya sa binata. Ilang saglit lang siyang tinitigan ni Makki na parang kinakabisado lang nito ang bawat parte ng mukha niya. Maya-maya ay umiling lang ito at ngumiti. Ngiti na hindi man lang umabot sa mga mata nito. "I know, darling. Alam kong nasa tabi kita lagi at tutulungan mo ako sa mga problema ko. But for now, pwede bang pakisundo muna si Bella? May kailangan lang ako tapusin ngayon." "Pero, Makki. Hindi tama na sinasarili mo lang ang problema." Marahang pinisil ni Makki ang braso niya. "I'm Okay, Lyn. In time sasabihin ko din sayo but not now. I hope you understand." Pinagmasdan ni Lyn ang binata bago siya nagsalita ulit. "Okay, Okay. You'll tell me what is it, right?." Tumango si Makki sa sinabi niya. "Pwede bang samahan mo si Bella sa bayan? May project daw siyang bibillin at ipasyal mo na din ang bata para malibang kayong pareho tutal wala pa naman tayong guest this day." She sighed. "See you later." ani niya sabay halik sa labi nito. Kahit na nag-aalala pa kay Makki ay minabuti na lang niya na bumaba na para sunduin si Bella. Buong byahe niya ang binata pa din ang nasa isipan niya at alam niyang malaki ang problema nito. Medyo naiinis din siya dahil hindi iyon masabi ng binata sa kanya. Humugot siya ng hininga at nagconcentrate na lang sa pag-d-drive. Fifteen minutes din bago narating ni Lyn ang school ni Bella kaya naman agad niyang naabutan ang bata na naghihintay ng sundo nito sa tapat ng school. "Bella!" tawag niya sa bata at sinenyasan niya din ito na hintayin na lang siya para hindi na tumawid. "Hi, little princess. How's school? Marami ka bang natutunan ngayong araw?" tanong niya sa bata sabay kuha sa mga gamit nito. "Yes po, Tita Lyn. By next week pala kasali ako sa math quizbee." "Wow! Ang galing naman talaga ng little pricess naming ni Makki. Don't worry bu next week dapat natin i-celebrate yan." "Kahit po hindi ako manalo sa quizbee?" tanong ni Bella sa kanya. Masuyo niyang hinaplos ang buhok nito. "Oo naman. Win or lose we will celebrate pa din. Ang talino kaya ng prinsesa naming." Kumikislap ang mga mata nito na tumingin sa kanya. "Tita Lyn, sana po huwag na kayong umalis ng Paradise. Sana po dito na lang kayo lagi kasama ni Daddy. I'm happy po dahil sa inyo." Natouched siya sa sinabi ni Bella. Masaya siya na kahit papaano ay napupunan niya ang pagmamahal na dapat ibinibigay ng mother nito. "Of course! Bakit pa ako aalis sa resort? Ayoko yatang iwanan si Bella." "Yehey!" tuwang sabi nito sabay yakap sa kanya. Lumuhod siya para pumantay ang tingin nila ni Bella. "May project ka dawn a bibilin sabi ni Daddy mo? Kailangan daw natin pumunta sa bayan." Umiling ito sa kanya. "Excuse na po ako sa project dahil nasa top 10 po ako." Tuwang hinaplos niya ang buhok ng bata at tumayo na. "Let's go, Bella. We need to go home." ani niya dito. Alam niyang binilinan siya ni Makki na gumala sila ng bata ngunit parang hindi yata siya mapapakali kung aalis pa siya at iiwan ang binata lalo't alam niyang may problema ito. Siya na lang siguro ang bahala magpaliwanag kay Makki kapag nagtanong ito kung bakit hindi sila tumuloy ni Bella. Masaya silang nagkwentuha ni Bella habang nasa sasakyan sila pauwi. Kung madaldal na ang bata sa simula pa lang ay mas lalong naging Magana ito sa pagkukwento ng mga nangyari dito sa school at masaya siya para sa bata. Tanaw na ni Lyn ang gate ng resort ng may matanaw siyang nakatalikod na lalaki na papunta din ng Paradise. Kumabog ng husto ang dibdib niya dahil kasing katawan ng lalaki si Marlou. Minabuti na muna niyang huminahon dahil nagmamaneho siya at kasama niya ang bata. Paglagpas niya sa lalaki ay nanlalaking mga mata niya ng makompirma nga niya na si Marlou iyon. Nagbago lang ang hairstyle nito ngunit hindi siya pwedeng magkamali o dayain man lang ng paningin niya. Nilagpasan niya muna si Marlou at ipinasok ang sasakyan sa tapat ng white house. Alam niya ang sady ng lalaki at hindi siya pwedeng magkamali na papunta nga ito ng resort. Madiin niyang ipinikit ang mga mata niya para huminahon ang nagwawala niyang kalooba. Sa wakas, Marlou! Natagpuan din kitang manloloko ka! Lintik lang ang walang ganti! sigaw niya sa isipan niya. "Tita, are you Okay?" tanong ni Bella sa kanya na marahil ay napansin nito ang pag-iba niya ng mood. Bago siya sumagot ay tinignan muna niya ang side mirror ng van para siguraduhin na nasa loob na ng resort si Marlou. "Bella, mauna ka na bumaba ng van. And papasukin mo muna si Tito Marlou mo sa loob ng white house, Okay?" bilin niya sa bata. "Is he already here?" tanong ng bata sa kanya. "Yes." Tumango lang si Bella at sinunod ng maayos ang sinabi niya. Baka kasi kapag siya ang unang makita ni Marlou ay malaki pa ang posibilidad na makaalis pa ito kaya hindi niya dapat aksayahin ang pagkakataon na iyon. Hindi siya papayag na hindi makuha ang pera niya! Kahit balatan pa niya ito ng buhay ay dapat niyang makuha ang ninakaw nito. Humugot muna siya ng hininga bago bumaba ng van. Marahil ay nasa loob na ng white house ang dalawa. Naningkit agad ang mata niya nang makita niya si Marlou na kausap ni Bella. Gustong-gusto na niyang sugurin ang lalaki ngunit nagagawa pa niyang pigilan ang sarili niya. Ayaw niyang makita siya ng bata na magwala dahil hindi iyon maganda sa paningin nito. "Kamusta naman ang manloloko kong kaibigan? Buti pinapatulog ka pa ng konsensya mo, Marlou?" sarkastikong sabi niya dito. Napansin niya ang gulat na lumarawan sa mukha ni Marlou ng mga oras na iyon. Marahil ay hindi nito inaasahan na hanggang sa resort ng pamilya nito ay natunton niya. "Alam mo bang ang tagal kitang hinintay?" ani niya na naniningkit ang mga mata dito. "L-Lyn.." tawag nito sa pangalan niya. "What are you doing here?" Mas lalo siyang lumapit kay Marlou. "Scared? Takot ka bang makuha ulit ang perang nanakaw mo?" Napansin niya na napalunok si Marlou habang tinitignan si Bella na ngayon ay nakatingin lang sa kanilang dalawa. "Hindi tama na pag-usapan natin yan sa harapan ni Bella, Lyn." Pagak siyang napatawa sa sinabi nito. "Bakit? Ayaw mong malaman ng pamangkin mo kung gaano ka kasama? Na ninakaw mo ang pera ng mga kaibigan mo? Ang kapal ng mukha mo, Marlou. PInagkatiwalaan ka naming ni Frishian. Nagtiwala kami sayo ng husto at wala sa isipan naming na lolokohan mo lang pala kami." "Look, Lyn. Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon. Ibabalik ko din naman sa inyo ang kinuha kong pera. Just give me enough time." Naningkit ang mata niya sa sinabi nito. "Eh talagang ang kapal naman ng mukha mo para sabihin pa yan sa taong ninakawan mo. Enough time my ass. FYI, Marlou. Kinasuhan ka na naming ni Frishian sa korte kaya wala ka ng kawala. It's either ibabalik mo samin ang pera naming o mabubulok ka sa kulungan." Frustrated na napasabunot ng buhok si Marlou. "Kapag sinabi kong bigyan mo ako ng oras, wala ka ng magagawa dahil iyon ang gusto ko. Mabebenta ko na ang resort na ito at isasampal ko pa sa mukha mo ang pera mo!" sigaw nito sa kanya. Hindi na siya nakapagpigil at agad niyang sinugod ng sampal si Marlou. "Hoy! Wala ka sa posisyon para pagtaasan mo ako ng boses dahil sa simula pa lang ikaw na ang may atraso sakin! Tingin mo ba hahayaan na lang kitang mamuhay ng Malaya gamit ang pera namin? Hindi, Marlou. Hindi! Dahil kahit saan panig ka man ng mundo hahabulin kita!" sigaw niya dito. "Sabi nang manahimik ka muna! Kapag nabenta ko na ang resort ibabalik ko din ang pera mo!" Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "Anong kalokohan ang sinasabi mo, Marlou? Anong ibebenta mo ang resort? Wala kang karapatan na ibenta ang resort na ito dahil hindi mo pag-aari ang Paradise!" Hinawakan nito ng mahigpit ang braso niya. "Nasa akin ang lahat ng karapatan na sinasabi mo kaya hindi mo ako papipigilan sa gusto kong mangyari. Akin ang resort na ito at gagawin ko lahat ng gusto ko!" Pilit siyang kumawala sa pagkakahawak ni Marlou at agad niyang sinampal ulit sa pisngi ang lalaki. "Nababaliw kana sa pera!" sigaw niya dito. Nang makabawi si Marlou ay masama siyang tinignan nito na para bang handa siyang kainin ng buhay. Aatras pa lang siya ng bigla ng dumapo ang kamay ng lalaki sa pisngi niya at malakas siyang sinampal na halos kinatumba niya sa sahig. "Tita Lyn!" hiyaw ni Bella na agad siyang nilapitan at niyakap. "I hate you, Tito Marlou! Sinaktan mo si Tita Lyn!" umiiyak ng sabi ng bata. Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Marlou ng makita nitong umiiyak ang pamangkin nito. "B-Bella, hindi sinasadya ng Tita Marlou mo na manakit." ani nito na akmang hahawakan ang pamangkin ngunit itinaboy lang ito ng bata. "No!" "I'm sorry-" Napasigaw si Bella ng biglang lumugmok mula sa kinatatayuan si Marlou. "How dare you na saktan mo si Lyn?!" galit na sigaw ni Makki. Hindi pa nakuntento ang binata at kinuwelyuhan pa si Marlou at muling sinuntok. "Wala sa usapan natin na mananakit ka! Nakuha mo na ang gusto mo bakit kailangan manggulo ka pa?!" sigaw ni Makki sa lalaki at itinulak ito ng malakas. Ilang saglit niyang pinakiramdaman ang sarili niya bago inaayos ang pagkakatayo niya. Sa sobrang lakas kasi ng sampal sa kanya ay feeling niya parang naalog ng husto ang utak niya. Nang makabawi si Marlou ay tumayo ito at dumistansya sa kanila. "She provoked me. Hindi ko gustong masaktan siya." ani nito sabay turo sa kanya. Akmang susugurin ulit ito ni Makki ng biglang sumigaw si Bella. "Stop it, Daddy!" umiiyak ng wika ng bata. Halatang shock na shock ito sa nakikita. "Don't hurt Tito Marlou!" Awtomatikong niyakap niya si Bella. Alam niyang hindi dapat makasaksi nang ganoong eksena dahil hindi ito magiging magandang epekto. At alam niyang mahal din ng bata ang Tito nito. "Umalis kana bago pa magdilim ang paningin ko sayo, Marlou." buong diin na sabi ni Makki dito. "No!" agad na reaksyon niya pagkarinig sa sinabi ng binata. "Bakit mo papaalisin ang hayop na yan? Ipapapulis natin siya! Hindi ako papayag makaalis pa yan!" Hindi kumibo si Makki sa sinabi niya. Lumapit siya dito at hinawakan ng mahigpit ang kamay nito. "Kailangan natin tumawag ng pulis, Makki!" Ngunit hindi pa din kumibo si Makki at iniiwas lang ang mata sa kanya. Alam niyang may hindi siya nalalaman na sikreto ng binata kaya ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ang akala ko ba tutulungan mo akong makuha ang pera ko, Makki? Bakit mo hahayaan na makaalis na lang si Marlou?" wika niya sa binata. Narinig niya ang pagtawa ng malakas ni Marlou. "Dahil hawak ko leeg si Makki, Lyn. Hindi niya ko magagawang ipapulis at lahat ng gusto ko dapat niyang sundin." Nang hindi siya makatiis ay akmang susugurin niya ito ng maramdaman niyang pinigilan siya ni Makki sa braso. "Hayaan na lang natin siya, Lyn." mahinang wika ni Makki sa kanya. "Paano ba yan? Ako na naman ang nanalo." parang baliw na wika nito sa kanila sabay tingin kay Makki. "Tumupad ka sa usapan natin, Makki. Kung ayaw mong mawala sayo ang anak mo." pagbabanta pa ni Marlou habang papaalis na ito sa white house. Bago pa nawala sa paningin niya ang lalaki ay nagbitaw pa siya ng maaanghang na salita para dito. Iyon lang kasi ang alam niyang paraan kahit na paano ay maganti sa hayop na si Marlou. "Shit." wika niya habang hawak ang noo niya. Maya-maya ay binalingan na niya si Makki na ngayon ay nakatingin lang sa kanya. "Anong ibig sabihin ni Marlou na ibebenta niya ang Paradise? At bakit mo pinabayaan na umalis na lang siya? Kaya ko siyang ipahuli agad sa pulis!" Hindi muna sumagot ang binata bagkus ay binalingan nito si Bella na ngayon ay wala pa din tigil sa pag-iyak. "Bella, umakyat ka muna sa kwarto mo." "Daddy, ipapapulis po ba natin si Tito Marlou? Makukulong po ba siya?" umiiyak na tanong ng bata. Napalunok siya. Alam niyang kahit na anong mangyari ay hindi mabubura na magkamag-anak pa din ang tatlo. Ilang saglit muna siyang hindi nagsalita kahit wala na sa harapan nila si Bella. Alam niya kasing hindi niya magugustuhan ang sasabihin sa kanya ni Makki at malaki ang duda niya na may katotohanan ang sinabi sa kanila ni Marlou kanina lang. "Pumayag akong ibenta na ang Paradise." Sa narinig sa binata ay parang biglang lalong bumigat ang ulo niya. "Nababaliw ka na ba, Makki? Bakit mo ibebenta ang resort na pinaghirapan niyo? Pumayag ka na lang na basta sumunod sa kahit na anong sabihin sayo ng Marlou na yun?" galit na sabi niya dito. "That's the best I can do para sa lahat." "Best? Anong best ang sinasabi mo? Sa tingin mo ba hindi malulungkot ang anak mo kapag nalaman niya ang bagay na 'to? Saka anong tingin mo sakin? Hindi masasaktan? Makki, ginawa ko ang lahat para umangat ang Paradise. Nakiusap kayo sakin na ayusin ang resort tapos sasabihin mo sakin na ibebenta mo na lang basta?" Hindi ito sumagot at iniiwas lang ang tingin sa kanya. Alam niyang may hindi pa sinasabi sa kanya ang binata dahil kilala niya ito. Hindi nito magagawang ibenta na lang basta ang resort dahil importante ito kay Bella. "Makki, maganda na ang kita ng Paradise. Lahat ng tao dito naghirap para lang gumanda ang kita ng resort. Kaya please lang, huwag kang makikinig kay Marlou. Huwag mong hayaan mawala lahat ng paghihirap natin." pakiusap niya sa binata. "Hindi ako ang may-ari ng Paradise. Nasa pangalan ni Bella ang resort." "Pero ikaw ang legal guardian niya, Makki! Sayo pa din ang huling desisyon!" Umiling si Makki sa sinabi niya. "Bella is not my daughter." Na-shock si Lyn sa narinig mula kay Makki. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa nalaman niya mula dito. "H-Hindi mo anak si Bella?" hindi makapaniwalang tanong niya dito. "Yes, anak siya ni Lenny mula sa pagkadalaga. Lenny had an affair with a married man na hindi siya kayang panagutan. Nalaman ko na lang din ang lahat ng umamin siya sakin na buntis na siya. I still offered her marriage dahil mahal ko pa din siya but she refused. Hindi niya daw kaya na paulit-ulit akong masaktan at ipaalala ang kasalanang ginawa niya sakin. Hanggang sa namatay siya sa panganganak. Hindi kayang alagaan ni Marlou ang pamangkin niya kaya nagkaroon kami ng kasunduan na ako ang mag-aalaga sa bata." "P-pero you had the same last name.." "Makki Villaruel ang totoo kong pangalan. Makki Quijano ang ginagamit ko sa mga paintings ko. Lenny and I are both painters. Hindi alam ni Bella na hindi ko siya totoong anak, Lyn. Dahil ayaw kong iparanas lalo sa bata na wala na siyang totoong magulang. Hindi kasalanan ng bata ang naging resulta ng ginawa ng mga magulang niya. At nakikiusap din ako sayo na huwag mong ipakulong si Marlou. Bella still love her Tito Marlou. Ayoko ng mawalan pa ng isang kaanak si Bella." Ilang saglit muna siyang natahimik at pilit na iniintindi ang sinabing sikreto ni Makki sa kanya. Pakiramdam niya ay napunta siya sa isang sitwasyon na kahit anong desisyon na gawin niya ay masasaktan silang lahat. "Pero hindi naman sa puntong papayag kang ibenta ang resort. Makki, hindi mo ba iniisip ang nararamdaman ni Bella? Ang nararamdaman ko? Mababaliwala lang ba ang paghihirap ko na makabangon ang Paradise?" "Anong akala mo sakin, Lyn? Manhid? Hindi nasasaktan? Akala mo ba gusto ko na ibenta ang resort?" ani ni Makki na halatang nasaktan sa sinabi niya. "Pero kumikita na ang resort! You can offer him a percentage sa kinikita ngayon! May iba pang paraan, Makki. Pero hindi ang pagbenta ng resort ang solusyon!" "Wala ng paraan!" ani nito na mataas na ang boses. "Kukunin ni Marlou sakin si Bella kapag hindi ako pumayag na ipagbili ang resort. Besides, siya talaga ang legal guardian ng bata at nasa kanya pa din ang huling desisyon." Sa sinabi nito ay naikuyom niya ang palad niya. Hindi niya akalain na mapapaikot sila ng ganoon kadali ni Marlou. Na halos lahat ng alas sa laban nilang iyon ay nasa kalaban at wala sa kanya. "Una pa lang alam ko na gusto na niyang ibenta ang resort dahil hindi na maganda ang kita at wala na siyang napapakinabangan. The day na inalok mo ako ng tulong I desperately grab it. Baka kasi kapag nakabangon ang Paradise at kumita hindin na niya ipagpilitan na ibenta pa." Napahugot ng malalim na hiningan si Makki saka pinagpatuloy ang pagsasalita. "Kapag nabenta na ang resort mababalik na din ang pera na ninakaw niya sayo, Lyn. Isa yun sa mga naging kasunduan namin. " Napapikit siya sa sinabi ni Makki. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay para siyang niloko ng binata. "Bakit hindi mo man lang sinabi sakin agad ang bagay na 'to, Makki? Buong akala ko pa naman nakagawa na ako ng tama sa buong buhay ko. Ang akala ko magagawa kong maisalba ang resort." "I'm sorry, Lyn. Pero alam natin sa simula pa lang ay naggamitan na tayo. Ito lang ang alam kong solusyon para sa ikakabuti natin. Makukuha mo na ang pera na ninakaw ni Marlou." Lumapit siya dito at hinampas ito sa dibdib. "Ano ba ako sayo, Makki? Hindi ba gusto mo ako? Hindi mo ba ako mahal? Bakit mo ginagawa sakin 'to?" naiiyak na niyang sabi sa binata. "Naging importante na din sakin ang Paradise. Lahat ng alam kong paraan ginawa ko para makabangon ang resort tapos mauuwi lang pala sa lahat dahil lang sa kaduwagan mo?" lumuluhang sabi niya. "Sana pala sa una pa lang sinabi mo na sakin para hindi na ko umasa!" "I'm sorry. Ang akala ko kasi may paraan pa. I was hopeless. Ayokong mawala ang anak ko, Lyn. Sana maintindihan mo ako." Impit siyang napaiyak. Sobra siyang nasasaktan ng mga oras na iyon dahil sa nangyayari. She felt betrayed at iyon ang bagay na lalong sumasakal sa puso niya. Pinaghirapan niya na umangat ang resort at hindi biro ang paghihirap niya na nauwi din pala sa lahat. May negosyo nga siyang napaunlad ngunit hindi rin pala nagtagal at mabibigo din pala siya tulad ng ibang naging business niya. "Hindi kita naiintindihan, Makki. Kasi una pa lang hindi ka na nagtiwala sakin. Mabuti na lang na umalis na ako sa resort dahil hindi na rin naman pala ako kailangan dito." ani niya sa binata. Nang wala siyang nakuhang sagot kay Makki ay lalo siyang naluha. Mukhang walang balak na pigilan siya ng binata sa pag-alis na mas lalong nagpapahirap sa kalooban niya. Agad siyang pumanik sa master's bedroom at nag-impake ng mga gamit niya. Hindi niya lubos akalain na magiging ganoon na lang pala ang ending nilang dalawa ni Makki. At wala siyang ibang pwedeng sisihin kundi ang sarili niya kaya siya nasasaktan ngayon. Dahil kung hindi niya hinayaan na umibig sa binata ay hindi siya umaatungal ngayon. Nanghihinang napaupo na lang siya ng matapos na siyang mag-empake. Hinang-hina talaga siya at emotionally drained na siya. Ilang sandali pa ay nagpasya na siyang lumabas ng kwarto niya at bumaba. "Lyn, nagbilin si Sir Makki na ihatid kita." wika sa kanya ni Mang Lino na naghihintay pala sa labas ng white house. Lalong sumikip ang dibdib niya sa sinabi ni Mang Lino. Mukhang wala na talagang balak si Makki na pigilan siya sa pag-alis. "Tita Lyn!" ani ni Bella na yumakap agad sa kanya. "Don't go, please. Akala ko po ba hindi ka na aalis. Iiwan mo din pala ako." Lumuhod siya para magpantay ang mga mukha nila ni Bella. Halata ang hinanakit na nakalarawan dito. "I'm sorry, Bella. Pero kailangan kong umalis." Sa sinabi niya ay awtomatikong kumalis ito ng pagkakayakap sa kanya. "Katulad ka din pala ng iba. Iiwan mo din pala ako!" ani ni Bella na umiiyak na tumakbo palayo sa kanya. "I'm sorry.." ani niya habang pinagmamasdan ang bata na tumatakbo palayo. Ilang segundo pa siyang nanatili sa pagkakatayo at tahimk na umiiyak. Ayaw niyang iwan si Bella pero alam niyang kailangan na niyang umalis dahil na rin sa naging sitwasyon nila ng Makki. Nasa loob na siya ng van nang muli niyang lingunin ang white house kung saan siya tumira ng halos isang buwan. Marami siyang naging magagandang alaala sa Paradise na tanging madadala lang niya pag-alis. For her it was hit and run happiness. Dahil ang kaligayahan palang iyon ay panandalian lang pala at ang puso niya ay naiwan niya kay Makki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD