PAGKABABA ni Lyn sa habal-habal na naghatid sa kanya sa Paradise Resort ay pinagmasdan muna niyang mabuti ang paligid na nakapalibot sa resort. Maganda at halatang alaga naman ang kapaligiran ng resort. Malinis at wala kang makikitang kalat. She was wondering kung bakit hindi dinadayo ang resort na iyon.
Baka dahil sa kasungitan ni Makki? tanong niya sa isip niya.
Nagkibit-balikat siya. Hindi niya dapat problemahin ang resort o ang problema ng ibang tao. Ang dapat niyang asikasuhin ay ang sarili niyang problema. Kailangan niyang malaman ang kinaroroonan ni Marlou. Tulad kahapon, hindi pa din niya susukuan ang mag-ama. Kaya nga laking tuwa niya ng sabihin ni Bella kahapon na gusto nitong makipagkita sa kanya kinabukasan. Malakas ang pakiramdam niyang sasabihin na nito sa kanya kung nasaan ang Tito Marlou nito. Mukhang naawa sa kanya ang bata dahil na din sa nakita nitong pag-trato sa kanya ng ama nito.
Actually, buong akala ni Lyn na wala siyang mahihitang kahit na anong impormasyon sa mag-ama dahil sa nakita niyang reaksyon ni Makki. Kaya nga heto siya't nasa harap ng Paradise Resort habang may dalang isang paper bag ng chocolates para kay Bella.
Nang muling maalala ni Lyn ang ginawa sa kanyang pagpapalayas ni Makki ay awtomatikong napasimangot siya. Yung paghanga na naramdaman niya sa binata nang una niya itong makita ay napalitan ng inis at pagkapikon. Tingin nga niya, malayong-malayo ang kagwapuhang taglay nito sa ugali.
Sus! Speechless ka nga ng una mo siyang makita. Impokrita! tuya ng isip niya sa kanya.
Awtomatikong napahinto siya sa paglalakad at napapadyak. "Ah basta! Dapat malaman ko kung nasaan ang hinayupak na Marlou na yun ngayong araw!" malakas na kausap niya sa sarili.
She was silently praying na sana naman ay sabihin na sa kanya ni Bella ang impormasyon na makakatulong para mahanap na niya si Marlou. Minabuti nalang ni Lyn na tumayo sa gilid ng gate ng resort. Mahirap na dahil baka makita pa siya ni Makki at mapurnada pa ang sasabihin sa kanya ng anak nito. Hindi niya akalain na ganoon pala kasungit ang lalaking iyon na humantok pa sa pagkaladkad nito sa kanya kahapon.
Natitiis kaya ng asawa nito ang ugali ni Makki? O baka naman matagal na itong hiniwalayan ng asawa kaya hindi nakapagtataka ang kasungitan nito?
Pinilig-pilig ni Lyn ang ulo niya. Ano ba ang pakialam niya sa buhay asawa ni Makki? Iisa lang ang dapat niyang isipin at yun ay ang makita si Marlou sa lalong madaling panahon. Wala pang limang minuto siyang nakatayo sa kinaroroonan niya nang may maramdaman siyang may humihigit sa dress niya. Paglingon niya ay nakangiting Bella ang nabungaran niya.
"Hello, Ms. Lyn. Good morning." masayang bati nito sa kanya.
"Bella." wika niya sabay ginantihan niya ito ng magandang ngiti. Iniabot muna niya ang dala-dalang chocolates bago muling nagsalita. "Here. Pasalubong ko sayo. Chocolates yan at alam kong magugustuhan mo."
Siguradong sa chocolates na suhol niya sa bata ay magagawa na nitong magsalita at sabihin ang impormasyon na kailangan niya.
Pero imbes na kunin ang hawak niyang chocolates ay tumingin-tingin lang ito sa paligid habang tinatanaw ang gate ng resort.
"Ssshhh. Huwag po tayo dito mag-usap. Baka biglang pumunta si Daddy dito." mahinang sabi nito na para bang konting lakas lang ng boses nito ay maririnig ito ni Makki.
"Teka, pwede mo naman sabihin agad sakin kung nasaan si Marlou. Then, aalis na agad ako para hindi ka pagalitan ng Daddy mo."
Umiling-iling lang ang bata sa kanya. Maya-maya ay hinila na siya nito papasok sa loob ng resort. Hindi na siya nag-react pa dahil halata sa bata na nag-iingat ito sa bawat paghakbang. Mukhang ayaw nitong makita sila ng Daddy niya. At dahil alam niyang siya ang may kailangan kay Bella ay hinayaan nalang niya ang bata sa gusto nitong mangyari.
"Bilis, Ms. Lyn. Baka makita tayo ni Daddy." wika nito ng padaan na sila sa white house. Mas binilisan nito ang paghakbang hanggang sa makarating sila sa tabi ng dagat.
Halos ilang minuto din silang naglakad sa buhanginan hanggang sa makarating sila sa isang malaking puno kung saan nakalagay ang isang swing na nakatapat sa dagat. Hindi naman kalayuan doon ang resort at kitang-kita niya ang ganda ng white house kahit na medyo may kalumaan na iyon. Mas na-a-appreciate niya ang ganda ng buong resort mula sa kinaroroonan niya ng mga sandalng iyon. Mismanagement lang siguro talaga ang nangyari sa Paradise kaya hindi ito dinadayo ng mga turista.
Humugot si Lyn ng hininga bago muling hinarap si Bella na ngayon ay nakatingin lang sa kanya.
"Hey, kid. Alam mo bang hindi tama ang ginawa mo?" wika niya dito.
"Why?" clueless na tanong ni Bella.
"Hindi tama na hinila mo nalang ako dito papasok. I am older than you, Bella." naiiling na sabi niya dito.
Napakagat-labi nalang ang bata. "Gusto ko lang naman na tulungan mo ako, Ms. Lyn."
"Tulungan? Hey, hindi ba kaya mo ako pinapunta dito para sabihin sa akin kung nasaan ang Tito Marlou mo?" nagtatakang tanong niya dito.
Pakiramdam niya na may ibang iniisip ang batang ito. Ilang saglit lang itong tumingin sa kanya na para bang nangingimi ito na sabihin ang dapat na sasabihin nito. Maya-maya ay may inilabas si Bella na isang papel at iniabot sa kanya.
"Help us, Ms. Lyn." wika nito habang hawak-hawak ng mahigpit ang papel.
"What is this, Bella?" takang tanong niya.
Kinuha naman niya agad ang papel na binigay nito at binasa ang nakasulat doon. Halatang hand written iyon ng isang ten years old na bata.
"I, Bellarmina Quijano, promised Ms. Lyn to tell where my Tito Marlou. But she have to help us in our resort." malakas na basa niya sa sulat nito.
"Anong ibig mong sabihin sa letter mo, Bella?"
Tumango-tango ang bata. "Sasabihin ko lang kung nasaan si Tito Marlou kung tutulungan mo kami na kumita ang resort." sagot ni Bella sa kanya.
Napahawak siya sa noo niya. Hindi niya lubos akalain na may balak pala ang batang ito kaya gustong makipagkita sa kanya. Mukhang bata palang ay mautak na ito lalo't pagdating sa negosyo. Sana lang ay hindi ito maging katulad ng Tito Marlou nito. Pero dahil alam niyang bata ang kausap niya ay kakausapin niya ito ng malumanay at ipapaintindi sa simpleng paraang ang mga nangyayari.
"Darling, hindi ganoon kadali ang lahat. Wait, nasaan na ba ang mother mo?"
Nang marinig ang tanong niya ay napansin niya na para bang nalungkot ang bata.
"She's in heaven now."
Natahimik siya ng ilang segundo. Kung ganoon byudo na pala si Makki? No wonder na masungit ang lalaki.
Don't tell me iniisip mong pwede na kayong dalawa, aber? ani ng isipan niya.
No way! Hindi yata pwedeng mangyari ang bagay na iyon!
Kinuha niya ang kamay ni Bella at ibinigay ang paper bag na puno ng chocolates.
"Here. Gift ko sayo. Hindi dapat pinopromblema ng mga bata ang ganyan. Let your father do something about the resort."
Ngunit binitiwan lang iyon ni Bella. "No. I don't want it."
Pagsasabihan pa sana niya si Bella ng makarinig siya na nagsalita gamit ang baritonong tinig sa likuran niya.
"Bella?"
Napapikit ng mariin si Lyn ng marinig niya ang pamilyar na boses ni Makki. Hindi man niya gusto ay biglang kumabog ang puso niya. Kaya minabuti muna niyang pumikit ng mariin at humugot ng hininga bago hinarap ang lalaki na ngayon ay nakatingin sa kanilang dalawa ni Bella. Ilang saglit lang siya nito tinitigan bago bumaling kay Bella na ngayon ay nakayuko na ng mga oras na iyon.
"Anong ibig sabihin nito, Bella?" tanong ni Makki sa anak nito.
"D-Daddy.." wika nito habang nakayuko. Halatang takot ito sa Daddy nito.
Kaya naman agad siyang nagsalita at pumagitan sa mag-ama. "Hey, bakit ba nagagalit ka agad? Nag-uusap lang kami ni Bella."
Naiiritang tinignan lang siya ni Makki kaya awtomatikong napasimnagot siya.
Aba! Napakasungit talaga! ani ng isip niya.
Hindi siya nito sinagot at muling nagtanong sa anak. "Uulitin ko, Bella. At alam na alam mong ayaw ko sa mga hindi nagsasabi ng totoo. Anong ibig sabihin nito? Bakit kayo nanditong dalawa?"
"G-gusto ko lang po kausapin si Ms. Lyn." nauutal na sagot ni Bella.
"At para saan? What did you tell her?"
Nang hindi sumagot si Bella sa tanong ni Makki ay bigla nitong binalingan ang hawak niyang papel. Awtomatikong itinago niya iyon sa likuran niya.
"What is that?" tanong ni Makki sa kanya.
Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. "Bakit kailangan mo pang malaman? This is none of your business."
"That's my business because you're here in my resort. Give that to me."
"Why would I give it to you?" mataray na sabi niya kay Makki.
"Because I am also Bella's father bukod sa owner ng resort kung saan ka nakatayo ngayon. Kaya wala kang ibang choice kundi ibigay sakin yang papel."
Lumapit ito sa kanya at pili na kinukuha ang papel na nasa likuran niya. Kaya awtomatikong itinaas niya ang papel para hindi nito makuha.
"I said give it to me." buong diin na wika ni Makki.
"No." sagot niya na buong diin din na may kasama pang panlalaki ng mga mata.
At dahil sa pilit talagang inaagaw sa kanya ni Makki ang hawak na papel ay hindi na nito marahil napansin na halos magkadikit na ang katawang nilang dalawa. Samantalang siya ay pansin na pansin niya ang bagay na iyon at aware siya dahil narin sa nararamdaman niyang init na nanggagaling dito. Nakakaramdam din siya ng kakaiba to the point na bigla siyang pinagpawisan kahit na hindi naman mainit.
Gosh. Ano ba 'tong nararamdaman kong ito sa tukmol na 'to? kausap niya sa sarili niya.
Hindi nakapagtataka na madali din nakuha ni Makki ang papel na hawak niya dahil nawala din siya sa atensyon at tanging ang pagkakalapit lang ng katawan nilang dalawa ang nasa atensyon niya.
"What is this, Bella?" madiing tanong ni Makki pagkatapos sabihin ang sulat ni Bella.
"I-Im sorry, Daddy. Gusto ko lang naman makatulong sa resort." humihik nang sagot ng bata.
Humugot muna ng malalim na buntong-hininga si Makki na halatang hindi talaga nito nagustuhan ang ginawa ni Bella.
"Gusto mong makatulong?" wika nito sabay turo sa white house. "Go to your room and study hard. At ako ng bahala sa resort." madiing sabi ni Makki sa anak.
Sa sinabi ni Makki ay kitang-kita na nasaktan nito ang anak dahil bigla nalang napaiyak ang bata. Halata pa din talaga ang pagiging bata nito kahit na pinipilit ni Bella na maging martured na sa murang edad. Kaya naman hindi na maiwasan na makaramdaman ng awa.
"Narinig ko kasi si Ms. Lyn na kaya niyang iligtas ang resort. Kaya naisip ko na hingin ang tulong niya." katwiran ni Bellasa pagitan ng pag-iyak.
"Hindi tama ang ginawa mo. At lalong hindi tama na nangingialam ka sa problema ng mga matatanda."
"Ayokong mawala ang resort!" pasigaw na sagot ni Bella kay Makki.
"Bellarmina!"
"Daddy, hindi ako papayag na mawala ang resort natin. Ayokong mawala ang memories natin dito."
"Pero hindi para sayo ang problema na 'to, Bella. Nandito ako para maghanap ng solusyon. So please, hindi mo kailangan mag-alala ng husto dahil masyado ka pang bata." mahinahon ng ani ni Makki sa anak.
Marahil ay kitang-kita na nilang dalawaang sobrang pag-iyak ni Bella.
Hindi na sumagot ang bata sa ama nito. Sa halip ay umiiyak na nagtatakbo ito palayo sa kanila ni Makki. Napansin niyang frustrated na napahilamukos nalang ng mukha si Makki habang tinitignan ang papalayong anak. Ilang saglit lang ay binalingan siya nito.
"Stay where you are, lady." ani ni Makki sa kanya at agad na tumalikod para habulin ang umiiyak na si Bella.
"Hoy! Wala kang karapatang utusan ako!" wika niya kay Makki na papalayo na sa kanya.
Ilang saglit lang ay napapadyak nalang siya sa inis. Imbes na impormasyon ang makuha niya ngayon umaga ay nakasaksi pa siya ng away mag-ama. Pero ano pa nga bang magagawa niya ngayon? Dahil alam naman niya na magiging dead-end na ang paghahanap niya kay Marlou kapag hindi niya nakuha ang impormasyon kina Makki at Bella. Kaya no choice siya kundi maghintay dito.
Minabuti niya munang umupo sa swing habang nakatingin sa malawak na dagat. She sighed. Doon niya lang din nakita ang kagandahan ng dagat at kahit na ilang minuto lang siyang nakaupo doon ay parang nakaramdam siya ng kagaanan ng loob. Maganda kasi talaga ang lugar. Kumbaga bagay dito na tawaging hidden paradise. Narelax ang isipan at katawan niya.
Halos fifteen minutes din siyang nakaupo sa swing at nakatingin lang sa dagat ng tumikhim si Makki mula sa likuran niya.
Pagkalingon niya sa lalaki ay napahugot siya ng hininga. Dahil kahit na masungit ito ay hindi mapagkakaila ang ka-gwapuhang taglay ng lalaki.
"Where's Bella?" tanong niya ng makatayo na siya mula sa swing. Alam niyang tapos ng mag-usap ang mag-ama. At mukhang hindi na din galit si Makki ng mga oras na iyon. "Hindi pa kami tapos mag-usap."
Hindi sumagot si Makki sa tanong niya.
Tinitigan lang siya nito ng husto na para bang kinakabisado nito ang buong detalye ng mukha niya ng mga oras na iyon. Hindi maiwasan ni Lyn na ma-concious sa klase ng tingin na ibinibigay sa kanya ni Makki. Wala sa oras na napakapa siya sa pisngi niya para i-check kung oily na ba ang mukha niya.
Hindi naman oily.. parang tangang wika niya sa isip.
"She's waiting inside. We have to talk." wika ni Makki sa seryosong tinig.
Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ng lalaki. Siya? Kakausapin ni Makki? Eh kahapon lang ay galit na pinaalis siya nito palabas ng resort at galit pa dinng makita siya kanina. Baka sasabihin na nito kung nasaan si Marlou?
Sa naisip ay unti-unti siyang nabuhayan ng loob.
"GUSTO mong tulungan ko kayo sa pag-manage ng resort niyo?" tanong ni Lyn kay Makki.
Nang mga oras na iyon ay kasalukuyan silang nasa study room ng white house. Dito kasi siya agad dinala ni Makki ng sabihin nitong kailangan daw nilang mag-usap.
Tama naman ang sapantahan niya kanina na sasabihin na nito ang mga impormasyon na kailangan niya tungkol kay Marlou. Ang hindi lang niya inaasahan ay ang kapalit ng impormasyon na iyon.
Tumango-tango si Makki sa tanong niya.
"Yes and we need your help." ani nito sa kanya.
"Teka lang, medyo naguguluhan kasi ako o slow lang talaga ako. Pwede bang ulitin mo yung sinabi mo kanina lang?" wika niya kay Makki.
Bumuntong-hininga muna ito bago sinunod ang sinabi niya. "Kapalit ng impormasyon na gusto mong malaman kay Marlou ay kailangan mo kaming tulungan para makabawi sa kita ang resort. Once na pumayag ka, I will tell you all the informations I know."
Naiintindihan naman niya kung ano ang ibig sabihin ni Makki. Ang hindi lang talaga niya maintidihan ay kung bakit kailangan pa na idamay siya sa problema nito. Marami na din siyang problema na kinahaharap ngayon. Bakit pa niya po-problemahin ang resort nito?!
"Why would I help you?" tanging natanong lang niya sa binata.
Nagkibit balikat si Makki. "Because you need me. I have the information you needed."
"Can you please enumerate it?"
"I will. Pero dapat pumayag ka muna sa kundisyon ko." wika ni Makki.
"How will I know kung mapapakinabangan ko ang sinasabi mong impormasyon tungkol kay Marlou?" nagdududang tanong niya sa binata.
Pwedeng mangyari ang sinabi niya dahil sa totoo lang ay hindi pa naman niya masyadong kilala ang mga ito lalo na si Makki.
"Again, you will know once na pumayag ka sa kundisyon ko." muling sagot ni Makki sa kanya.
Bago pa sumagot si Lyn ay lumapit sa kanya si Bella at hinawakan siya sa braso.
"Help us, Ms. Lyn. Please?" pakiusap sa kanya ni Bella.
Mugto pa din ang mga mata ng bata na halatang galing sa matinding pag-iyak. Nakaramdam siya ng awa para dito. Pero not to the point na pati ang problema ng mag-ama ay kailangan niyang makisalo.
Bakit ba kasi niya naisipan sabihin na kaya niyang paunlarin ang resort?!
Imbes na sagutin si Bella ay binalingan niya si Makki. "Look, Mr. Quijano. Malaki din ang problema ko ngayon kaya bakit ko pa dadagdagan ng isa pang malaking problema?"
He sighed. "I have no choice." wika nito sabay tingin kay Bella.
Muli siyang kinalabit ni Bella. "Please, Ms. Lyn." ani ni Bella na parang maiiyak na naman. Kaya parang nadudurog ang puso niya ng mga oras na iyon.
Ano ba ang dapat niyang gawin?
"Say yes. Then I will tell you all the information I know." wika naman ni Makki.
Napapikit nalang siya ng mariin.
Lord, ibang klase ka talagang magbigay ng pagsubok!