HALOS ilang minuto nang hindi nagsasalita si Lyn simula ng sabihin niya kay Makki na payag siya sa kundisyon na gustong mangyari nito. Hindi kasi siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari simula ng umapak ang mga paa niya sa Badian, Cebu at simula ng makilala niya ang mag-ama na ito.
Nang mga oras na iyon ay sila na lamang dalawa ni Makki ang nasa loob ng study room. Bago lumabas ng study room si Bella ay siniguro ng bata na pumayag na siya sa gusto nitong mangyari. Aaminin niyang part of her decision ay para sa bata dahil nga naaawa siya dito pero mas lamang pa din ang eagerness niya na makuha ang impormasyon na alam ng mga ito.
Kung si Bella ay umalis ng nakangiti sa study room siya naman ay halos hindi makangiti ng mga sandaling iyon. Sabagay, ano pa bang choice niya kundi tanggapin nalang ang lahat? Wish niya na lang sana na matapos na ang lahat ng problema niya at makuha niya ang ninakaw na pera ni Marlou.
“I want to know if you are capable in running a business.” wika ni Makki sa kanya ng manatili siyang tahimik pa din at walang kibo.
Lalo siyang nairita sa tanong nito. “Bakit ko naman tatanggapin ang kundisyon mo kung hindi ako capable na magpatakbo at magpalago ng business?”
Nagkibit-balikat ito. “I barely know you. Kahapon lang kita nakilala. At isa pa, according to you kaibigan mo si Marlou. How would
I trust you?”
Napataas ang kilay niya dahil na rin sa ginamit nitong tono. Mukhang sa palagay niya ay hindi maganda ang samahan nito at ni Marlou. Siguro may ginawang masama dito si Marlou na hindi naman nakapagtataka. Iba ang dugong nananalaytay kay Marlou.
Baka nga bff pa nito ang nasa ibaba.
“PInagdududahan mo ba ang kakayahan ko, Mr. Quijano?”
Isa pa sa kinaiinisan niya ay yung pagdudahan ang kakayahan niya sa pagpapatakbo ng business.
Talent? Baka kamalasan kamo sa business! tuya ng isipan niya.
“Yes.” walang pagdadalawang-isip na sagot ni Makki sa tanong niya na ikinasingkit ng mata niya.
“Excuse me?” ani niya sa paraan na para bang insultong-insulto siya sa lalaki.
“Marketing Mangement ang course na natapos ko in De La Salle University and I passed it with flying colors. Take note, hindi ako nawawala sa Dean’s List.” pagmamalaking sabi niya kay Makki.
"For your information lang Mr. Quijano, marami akong business na pinatayo na sa Metro Manila. Food carts, resturants, botiques.
Name it dahil lahat yan napalago ko ng husto." taas-noo na pagmamayabang pa niya sa binata.
Wow, Lyn! What a performance!
Kung pwede nga lang na ihampas niya sa mukha nito ang mga medals and achievements niya ay ginawa na niya kanina pa.
Pasalamat ito na malayo siya sa bahay nila. Ang hindi lang talaga totoo sa mga sinabi niya ay yung mga business na napalago niya.
Baka napalugi.
“Marami na din akong naipatayong business. Kaya please, huwag mong mamaliitin ang talent ko pagdating sa business.”
“How was your business?” tanong ni Makki sa kanya imbes na patulan ang init ng ulo niya.
“What?” inis na sabi niya.
“Your business. Did it go well?”
Bago niya sinagot si Makki ay taas noo niya itong tinignan. “Teka nga, kung makapagtanong ka sakin. Ano ‘to, job interview? At
ikaw ang boss ko?”
“Of course, this is an interview. And yes, I am your boss.”
“Excuse me, tinaggap ko ang kundsiyon mo dahil I have no other choice but to accept it. I will work here pero wala akong magiging boss.” madiing sabi niya sa binata na ikinailing lang nito.
“I am the owner of this resort, Ms. Lyn.”
“So what?”
“It means you have no choice but to follow my orders.”
Tinaasan niya ng kilay ang binata. “No. I will not follow your orders.”
Hindi sumagot si Makki at nakipagtitigan lang sa kanya. At syempre, hinding-hindi siya magpapatalo dito kahit sa titigan pa. Sayang lang talaga ang kagagwapuhan nito dahil sa sungit talaga ng lalaking ito. Pero habang nakikipagtitigan siya kay Makki ay pakiramdaman niya ay parang natutuyo ang lalamunan niya. Kaya minabuti nalang niyang siya na ang pumutol sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
“Saka teka nga, hindi ba’t ang usapan natin kapag pumayag ako sa kundisyon mo ibibigay mo na sakin ang impormasyon na kailangan ko?” wika niya habang pinupukpok ang table nito. “Nasaan na ang impormasyon na pinagmamalaki mo?”
Bago sumagot ang binata ay bumuntong-hininga muna ito. “Actually, kaya ako napapayag sa ganitong set up dahil ikaw nalang ang last option naming sa resort kahit na hindi ko alam ang kakayahan mo-”
“I’m good at business.” putol niya sa kung ano pang sasabihin ni Makki. “Nasaan na ang impormasyon? Where’s Marlou?” impatient na sabi niya sa binata.
Tinitigan muna siya ni Makki ng matagal bago sumagot sa tanong niya. “I don’t know where he is right now.”
Sa narinig ay nairita siya lalo. “Look, hindi ako nakikipaglokohan sayo. At lalong hindi ako papayag na pumasok sa ganitong sitwasyon kung alam kong hindi mo alam kung nasaan si Marlou. Spill it out now.”
“I really don’t know. I’m sorry.” seryosong sabi nito sa kanya.
“What?!”
Bumuntong-hininga ito. “But one thing is for sure. Lagi niyang dinadalaw at pinupuntahan si Bella dito sa resort. Every once a month. At for sure, iyon din ang impormasyon na sasabihin sayo ng anak ko.”
Feeling niya ng mga oras na iyon ay nanlalaki ang ulo niya. “Wait, ang ibig mo bang sabihin kailangan ko pang hintayin na dalawin ni Marlou si Bella dito sa resort?”
Tumango si Makki. “Exactly. Simula ng ipinanganak si Bella. Walang buwan na hindi niya pinupuntahan ang pamangkin niya. Bella is the only family he has.”
Ilang saglit muna niyang inulit-ulit sa isipan niya ang bawat katagang sinasabi ni Marlou. “Tuwing kailan pinupuntahan ni Marlou si Bella?”
“Every end of the month.”
Agad niyang tinignan ang calendar na nakapatong sa table ni Makki. Patapos palang ang first week ng buwan. Ibig sabihin kailangan pa niyang maghintay ng mahigit tatlong linggo bago niya masilayan ang hinayupak na si Marlou!
“Bakit parang pakiramdam ko niloloko mo lang ako?” nagdududang tanong niya kay Makki.
“Am i?” wika nito sabay kibit-ballikat.
“Maybe I only took advantage of the situation. But it doesn’t mean na niloko kita dahil mapapakinabangan mo naman ang impormasyon na nakuha mo mula sakin. Don’t you think na pareho lang tayong sumugal sa isang sitwasyon na hindi natin alam ang kalalabasan? You want information and I want your ability in business. So it means na quits na tayo. That’s all.”
Totoo ang sinabi ng binata at sa simula palang ay alam na iyon ni Lyn. Sa umpisa palang ay hindi na niya talaga alam kung anong klaseng impormasyon ang hawak nito. Isa pa ay sarado na ang usapan nilang dalawa at wala na siyang magagawa kundi tuparin iyon.
Nahinga nalang siya ng malalim. Mabuti pang maaga palang ay tanggapin na niya ang sitwasyon niya ng mga oras na iyon.
“I wouldn’t expect a high salary dahil sa lagay ng resort. I need to move in here and occupy the master’s bedroom.”
Gusto ni Lyn na magstay sa malaking kwarto para naman kahit paano ay makapagrelax siya ng husto. Masyado ng nagiging toxic ang nagdaang linggo para sa kanya. At para maramdaman din naman niya na hindi siya masyadong lugi sa usapan dahil alam niyang mahihirapan siya na pataasin ang kita ng resort.
“Excuse me?” gulat na wika ni Makki.
Mukhang hindi nito inaasahan ang sasabihin niya.
“Gusto ko ng malaking room and I want the best room in this house.”
Napansin niya na parang hindi nagustuhan ni Makki ang ideya niya na sa masters siya mag-s-stay. Pero hindi siya magpapatalo dito.
Ipipilit niya talaga ang gusto niya.
“May mas maganda pa na room kaysa sa masters. If you want-”
“I want the master’s bedroom, Makki. And I know you wouldn’t say no to me.”
“I’m sorry, but it’s a no.”
AGAD na humilata ng si Lyn pagkapasok niya sa master’s bedroom. Tama ang hinala niya na malaki ang iyon at sa tantya din niya na ito ang pinakamagandang kwarto sa white house. Wala kasing nagawa si Makki kundi sundin ang gusto niya dahil alam na alam niyang kailangan siya nito para sa resort.
Nang muling maalala ang naging kasundian nilang dalawa ni Makki ay napahawak nalang siya sa noo niya. Iisipin nalang niyang magiging libangan niya ang pag-improve ng resort habang naghihintay sa pagdating ni Marlou. Dapat din niyang isipin na achievement din para sa part niya kung magagawa niyang iligtas ang resort sa pagkalugi tiyak na magagawa din niya iyon ipagmalaki baling-araw. Tatlong linggo siyang magtitiis sa resort na ito kaya kailangan ay magtagumpay siya sa pagkuha sa pera nila. Awtomatikong naningkit ang mga mata niya. Ngayon pa lang ay nakikinita na niya ang gagawin niya kay Marlou kapag nagkita silang dalawa.
Singit mo lang ang walang latay, Marlou! sumpa niya sa sarili.
Pero aaminin ni Lyn sa sarili na hindi pa din niya mapigilan ang sarili na alalahanin ang gwapong mukha ni Makki.
Ano kaya ang nangyari bakit na-biyudo kaagad ang isang iyon?
Aaminin din niyang kahit inis at irritable siya kay Makki ay hindi pa din nawawala ang paghanga niya sa physical appearance nito.
Dahil sa sobrang abala niya sa pag-iisip ng business at pagiging competitive niya sa nakatatandaang kapatid ay halos ibuhos na niya ang atensyon niya sa negosyo. Negosyo niya na laging palpak. Malaki talaga ang panghihinayang niya sa business nila ni Marlou dahil malaki ang potensyal na umangat iyon sa market. Nasira lang talaga ang lahat ng itinakbo nito ang pera nila.
Humugot siya ng malalim na hininga. Minabuti nalang niyang takpa ng unan ang mukha niya para agad siyang makatulog. Pero kahit sa pagpikit niya ay mukha ni Makki ang nakikita niya.
NAPAUNGOL si Lyn nang maramdaman niyang may gumigising sa kanya. Dahil inaantok pa siya at hindi na siya nagtangkang dumilat para alamin kung sino iyon. Bagkus ay inayos pa niya ang kumot sa katawan niya.
“Wake up, Ms. Lyn.”
Narinig niya ang boses ni Bella sabay alog sa braso niya na tanging ungol lang ang nasagot niya. Pero mukhang hindi titigil si Bella sa paggising at pag-alog sa braso niya hanggat hindi siya gumigising. Kaya kinapa niya muna ang cellphone niya na nasa ilalim ng unan at pinilit ang mata na idilat para tignan ang oras.
Napaungol siya ng malakas ng ma-check niyang alas singko pa lang ng umaga kaya awtomatikong ipinikit din niya ang mata niya.
“Ms. Lyn-”
“Bella, let me sleep. Maaga pa.”
Pero muli nitong inalog ang braso niya. “We have something to do, Ms. Lyn. Wake up.”
Dahil malakas ang pakiramdam niya na hindi siya titigilan ni Bella hanggat hindi siya gumigising ay minabuti na niyang dumilat na ng tuluyan. Agad na bumungad sa kanya ang magandang mukha ng bata.
She smiled at her. “Good morning, little princess. Ang aga mo naman manggising.” wika niya sabay bangon.
Ngumiti sa kanya ang bata. Sa tingin niya ay mukhang magiging close sila nito.
“Ms. Lyn, may kailangan po tayong gawin.” ani nito.
“Okay sige. I just take a bath and wait for me downstairs.”
Umiilng-iling ito. “No, I will wait for you here.” wika ni Bella sabay upo sa malaking kama.
Masuyo niyang hinaplos ang ulo nito. Tiyak niyang sa murang edad nito ay wala ng ina ang nag-alaga dito. At alam niyang iyon ang pinakamahirap na stage para sa bata na lumalaki. Pagkatapos niyang maligo at mag-ayos ay agad niyang inaya si Bella matyagang naghintay sa kanya na bumaba.
“Let’s go.” wika niya dito sabay alok ng kamay niya.
Ilang saglit lang na pinagmasdan ng bata ang kamay niya. Halatang nangingimi pa din ito na abutin ang kamay niya. Kaya minabuti niyang ngumiti ng matamis sa bata kaya agad nitong tinanggap ang kamay niya.
Lumabas sila sa kwarto na magkahawak kamay at hinayaan niya itong i-guide siya. Nagkaroon din siya ng pagkakataon na mas lalo pang pagmasdan ang white house. Dahil gabi na din noong muli siyang bumalik sa resort para dalhin ang mga gamit niya ay halos ngayon lang din niya nakita ang bahay. Kahit na may kalumanan iyon ay lutang na lutang pa din ang ganda niyon. May pagka-spanish inspire kasi ang design at mukhang antique na din ang ibang gamit.
Malapit na sila sa hagdan ng may napansin siyang isang painting na nakasabit sa dingding. At kung hindi siya nagkakamali ay itong white house ang nasa painting. Ganoon din ang nakita niyang view ng white house mula sa swing kahapon.
“That was Daddy’s painting.”
Agad na napatingin siya kay Bella sa sinabi nito. “Gawa ng Daddy mo itong painting?” tanong niya sabay turo sa nakasabit na painting.
“Yes, painter kasi si Daddy.” muling sagot nito na ikinataas ng kilay niya. “He’s always busy sa pag-paint.”
So, painter pala si Makki huh. Mukhang hindi imposible dahil sa kasungitan. But
infairness, ang ganda ng pagkakagawa niya.
Ilang sandal lang ay nasa baba na silang dalawa ni Bella. Nagtaka siya ng dumiretso sila sa kusina.
“What are we doing here?”
“We need to cook, Ms. Lyn. Wala po kasi si Manangg Salve kaya walang maghahanda ng breakfast natin. Ikaw po agad yung una kong naisip.” sagot nito sa kanya.
Mukhang ang tinutukoy nitong Manang Salve ay ang katulong sa resort. Napahugot nalang siya ng hininga. Naaawa siya kay Bella dahil sa murang edad nito ay kailangan agad nitong problemahin kung ano ang kakainin pagkagising. At dahil no choice siiya kundi sundin ang request ng bata ay agad siyang naghanap kung anong pwede niyang lutuin sa kusina. Agad niyang inilabas ang chorizo at danggit para sa breakfast nila. Naglabas din siya ng gulay.
“You know how to used this, Bella?” tanong niya dito sabay kuha ng maliit na kutsilyo.
Tumango ito. “Yes.”
“Okay. Slice this.” wika niya sabay bigay ng kamatis dito. “Just be careful, Bella.” bilin niya sa bata.
Agad naman sumunod si Bella sa kanya at walang reklamo nitong hiniwa ang kamatis.
Pansin din niyang sanay na din sa gawaing bahay ang bata.
Ilang saglit lang ay muli niya itong kinausap. “Bella, hindi ba masungit sayo ang Daddy mo?”
Nagtatakang binalingan siya ng bata. “No, Ms. Lyn. Napakabait ni Daddy kaya nga kahit walang pumupunta sa resort hindi pa din umaalis sina Manang Salve. Daddy is a joker. He always jokes around us kaya lagi kaming masaya dito.”
Sa narinig ay palihim na napataas ang kilay niya. So, joker pala si Makki? Well, isang araw pa lang naman niya nakakasama ang binata kaya hindi pa niya nakikita ang side nito. Ang nakita pa lang niya dito ay ang kasungitan nito sa kanya.
“Ilan taon ka ng mawala ang mother mo?”
Sinusulyapan niya si Bella kung masyadong sensitive ang issue na iyon sa bata. Pero base naman sa nakikita niya ay parang hindi naman na masyadong apektado ang bata.
“I only see her in pictures. Ang sabi ni Daddy, maaga daw kinuha ni Jesus ang Mommy ko.” ani nito sabay tingin sa kanya.
“Bakit po kaya maaga siyang kinuha ni Papa Jesus?”
Nang marinig niya ang mga katagang iyon kay Bella ay parang nilukob ng awa ang puso niya para sa bata. Alam niyang mahirap mawalan ng Nanay sa murang edad pa lamang. Iniabot niya at masuyong hinamplos ang pisngi nito.
“May plan si Jesus, Bella. Ang magagawa lang natin ngayon ay magtiwala sa Kanya. You love and trust Jesus, right?”
Tumango-tanga ang bata sa tanong niya.
“Thanks, Ms. Lyn.” wika nito sabay baling ulit sa paghihiwa ng kamatis. Pinalipas muna niya ang ilang sandal bago muling nagtanong sa bata.
“So, Bella. Anong oras pumupunta ng resort ang Tito Marlou mo kapag dinadalaw ka niya?”
Saglit na nag-isip ang bata sa tanong niya.
“Minsan umaga, minsan din po gabi. Dito din po siya natutulog.”
Sa narinig ay parang nabuhay ang dugo niya. “Wala ka bang cellphone number ng Tito mo?”
“I don’t have cellphone. Pero minsan tumatawag siya dito sa resort.”
Mukhang ang tinutukoy nito ay ang landline ng resort. “Can I ask you a favor, Bella? Kapag tumawag sayo ang Tito Marlou mo, don’t tell him na nasa resort ako. Okay ba yun?”
“Okay.” mabilis na sagot nito sa request niya habang patuloy na hinihiwa ang kamatis.
“Do you love your Tito Marlou?”
“Yes, Ms. Lyn. But that was before. Ayaw ko na sa kanya.”
“Why? May ginawa ba siyang masama?”
Sasagot pa sana si Bella sa tanong niyia ng may biglang tumikhim ng malakas.
“Good morning.”
Napalunok si Lyn habang nakatingin kay Makki na ngayon ay nasa harapan na nilang dalawa ni Bella at matiim na pinagmamasdan siya. Dinig na dinig din niya ang biglang pagkabog ng dibdib niya simula ng marinig niya ang baritonong boses nito.
At dahil ramdam din niya na parang nanginginig ang kamay niya ay minabuti na lang niya na bitawan muna ang kutsilyo na hawak niya. Bakit nga ba hindi siya magkakaganoon? Fresh na fresh lang namana ng hitsura ni Makki ng mga sandaling iyon. Mas fresh pa yata sa gulay na hinihiwa niya.
Lumapit ito kay Bella at masuyong ginawaran ng halik sa ulo. Siya ba walang halik?
Hoy, gaga! Masama umasa! Nakamamatay.
“Morning, Dad. Nagluluto na kami ni Ms. Lyn for breakfast.” ani ni Bella.
“I see.” wika nito sabay muling baling sa kanya. “Hi. Goodmorning.”
Muli siyang napalunok ng muli niyan marinig ang baritonong tinig nito. Iniiwas niya ang mata dito bago sumagot. “R-Ready na ang breakfast in fifteen minutes.”
Tumango si Makki. Paalis na sana ito ng bigla itong lumingon ulit sa kanya. “We need to talk, Lyn.”
Sa sinabi nito ay napilitan siyang tignan ito.
“Regarding saan?”
“Sa resort, Lyn. Saka gusto ko din malaman yung plano na sinasabi mo sakin.”
Tumango siya kay Makki. “Ah, Okay. Fine.” sagot niya sabay muling hiwa sa gulay.
Oo nga naman. Ano bang akala niya na gusto niyang pag-usapan nilang dalawa ni Makki? Alam naman niyang tungkol lang sa resort ito interesado. Kaya minabuti na lang niyang tapusin ang paghihiwa ng gulay at ituloy ang pagluluto niya.