Sachzna's POV Hindi pa tuluyang dumidilat ang mga mata ko nang biglang maramdaman ko ang matinding pagtaob ng sikmura ko. Para bang may kung anong gustong kumawala mula sa loob, at halos mapunit ang lalamunan ko sa bigat ng sensasyong iyon. Dali-dali akong bumangon mula sa kama, halos maapakan ko na si Tsuki na mahimbing pa sanang natutulog sa tabi ko. Hindi ko na nagawang magpaalam o tumingin man lang sa kanya. Ang tanging nasa isip ko ay makalabas agad ng kwarto. Mabilis ang mga hakbang ko, halos madapa ako sa pagmamadali habang tinatahak ang makipot naming pasilyo. Pagdating ko sa kusina, mabilis akong yumuko sa lababo, hinahabol ang hininga habang naduduwal. "Ate?" Pupungas-pungas na lumabas si Tsuki mula sa kwarto. Halata sa boses niya ang pag-aalala kahit bagong gising pa lang. "O

