Chapter 15

1153 Words
KALMADO ang anyo ni Amira sa labas subalit tensiyonado siya sa loob habang nagtsa-tsaa. Nakikiramdam siya kung kailan matatapos ang mahabang kwentuhan na iyon lalo kung saan si Eira ang bumabangka. Nakaupo ito sa lapag ng sahig habang nakatabi sa wheelchair ni Don Alfonso.           Hinaplos ni Don Alfonso ang ulo ni Eira. “Bukas na natin ipagpatuloy ang kwentuhan natin, apo. Alas nuwebe tayo aalis bukas para mamasyal. Goodnight, everyone.” Narinig niya ang paghinga ng maluwag ni Ailene. She was definitely relieved by Eira’s storytelling. Kanya-kanyang halik naman sa pisngi ang iba niyang kapatid “Goodnight, girls,” nakangiti wika ni Carrie sa mga kapatid niya at pati ito ay hinalikan din sa pisngi ng mga kapatid niya. Siya ang nasa huli. Hindi niya sinulyapan man lang si Carrie at itinuon niya ang atensiyon sa lolo niya. “Don Alfonso, pwede po ba kayong makausap? Sabi po kasi ninyo after dinner, pwede na tayong mag-usap.” “Hindi mo ba nakikita na pagod na si Papa? Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang ang pag-uusapan ninyo? Di naman yata ganoon kahalaga,” anang si Carrie sa matiim na boses. “Magpahinga ka na muna, hija. I am an old man. I can’t keep up with you young people anymore,” anang si Don Alfonso sa pagod na boses. At di naman ito nagbibiro. Mukhang mahina na talaga ito. Napilitan lang siguro itong manatili kanina dahil gusto pa nitong makasama ang mga apo. Humakbang siya paurong. “Sige po. Bukas na lang po.” Lulugo-lugo siyang nagtungo sa kuwarto. Bukas pa. Bukas pa siya makakaalis sa bahay na iyon. She felt like a worn-out soldier. Wala siyang matinong tulog dahil mula pa kagabi ay bumibiyahe siya papuntang Cordillera. Sa halip na naghahandang kalabanin ang mga Banal dahil sa minahan ng mga ito, heto siya ngayon sa mansion bilang apo ni Don Alfonso Banal. Nakaharap niya ang pitong mga kapatid na babae at may friction agad siya sa mga ito. At natitiyak niyang oras na malaman ng mga ito ang tunay niyang pakay ay lalo siyang di magugustuhan ng mga ito. It was a rollercoaster ride for her. Siguro nga ay kailangan muna niyang magpahinga para mas handa siya sa paghaharap nila ni Don Alfonso bukas. Kahit na mukhang mabait ito sa kanya dahil apo siya nito, alam niyang di niya ito basta-basta mapapahinuhod sa gusto niya. Isa itong matinik na negosyante. She had a huge battle on her hands tomorrow. Pagpasok niya sa kuwarto niya ay saka niya naalala ang Jacuzzi sa shower room niya. Di naman siguro masama kung mag-indulge siya kahit kaunti. Excited niyang tinanggal ang hikaw at bangles niya nang may kumatok sa pinto. “Amira, ang Ate Yumi mo ito,” anang mahinhing boses ng pinakamatanda niyang kapatid. Napilitan siyang buksan ang pinto. “Ano iyon?” Isa ito sa mababait at maasikaso niyang kapatid. Wala itong ipinakitang masama. Nahihiya siya kung babalewalain niya ito. “Gusto ko sanang tanungin kung komportable ka lang dito sa kuwarto mo. Baka may kailangan ka.” “Everything is perfect.” “Sigurado ka, ha? Gusto ko kasi maging at home ka dito. At huwag kang mahihiya kung may kailangan ka,” sabi nito. Tumango siya. “Salamat.” At sinundan niya ito ng tingin nang nagtungo ito sa sumunod na silid para katukin at tanungin kung may kailangan ang sinumang umookupa doon. Napaka-accommodating talaga nito at parang gusto silang alagaan na lahat. Isa ito sa mga kapatid niya na nakagaanan niya ng loob. Isa ito sa lumaki sa lolo niya kaya hindi niya alam kung bakit positive ang aura nito. Di pa siya nakakalayo sa pinto nang may kumatok na naman. “Sino iyan?” “Amira, si Sky ito,” anang isa pa niyang kapatid. Napilitan siyang buksan ang pinto. “Yes? May problema ba?” “Wala. Wala,” anito at umiling. “Gusto ko lang magpasalamat sa iyo dahil ipinagtanggol mo ako kay Ailene kanina. H-Hindi ko naman talaga sinasadya na sirain ang coat niya. Malay ko ba namang matatastas.” “Ahhh! Wala iyon.” Ayaw na lang niyang saktan ang sensibilities ng kapatid niya kapag sinabi niyang mas concern siya sa balahibo na nasa coat ni Ailene kaysa sa away ng mga ito. Ginagap nito ang mga kamay niya. “Kaya sabihin mo lang sa akin kung may maitutulong ako sa iyo. Gusto mo bang tulungan kita na ayusin sa closet ang mga damit mo? O kaya pwede ko ring suklayan ang buhok mo bago matulog. Ang ganda-ganda ng buhok mo. Parang ni-rebond. Mahaba, tuwid na tuwid at maitim.” Inangat nito ang kamay para haplusin ang buhok niya at bigla siyang naalarma. “No! No! Okay lang ako. Hindi na kailangan,” aniya at humakbang palayo dito. Mas maganda kung didistansiya siya kay Sky. She was walking, talking and breathing disaster. “Matulog ka na lang. Okay lang talaga ako.” Umaliwalas ang mukha nito. “Mabait ka naman pala. Maraming salamat. Goodnight.” “Goodnight,” sabi niya at isinara agad ang pinto. Nasayang na ang dapat na oras niya para sa pagbababad sa Jacuzzi. Antok na antok na siya matapos ang pakikipag-usap sa dalawang kapatid. Ilan pa kaya ang kakatok sa pinto niya? Dali-dali siyang pumasok sa shower room. Itutuloy sana niya ang pagbababad sa Jacuzzi nang yakapin siya ng malamig na hangin. Brrrrr! Mainit kaninang umaga pero grabe ang lamig nang gabi na. Hindi na niya kakayanin pa ang magbabad sa tubig kaya nagkasya na lang siya sa hot shower. Pagkaligo ay nagbihis siya ng makapal na jogging pants at T-shirt na pinatungan niya ng jacket. Pakiramdam niya ay frozen na ang dulo ng ilong niya. Sumampa siya sa kama at binuksan ang laptop niya para pag-aralan ang mga impormasyong ipinadala sa kanya ni Estephanie sa email niya. Nagsisimula pa lang siyang magbasa nang biglang may kumatok. “Ate Amira?” anang si Eira. Di siya kumibo. She already had enough of her sisters. At si Eira ay katumbas ng sampung makukulit na bata. Hindi siya halos humihinga para isipin ng kapatid niya na tulog na siya. Siguro naman kapag di na siya sumagot ay iisipin nitong tulog na siya at pababayaan na siya nitong mag-isa. Akala niya ay aalis na ito nang bigla itong kumanta. “Bet mo bang mag-do ng snowman? Gora tayiz and play. Wit kita na-sight anymore. Open sesame. Anyareh sa 'yo 'te?” What the heck was that? Tono ng “Do You Wanna Build A Snowman?” na kanta sa Walt Disney movie na Frozen pero sa Tagalog version? Hindi iyon Tagalog. Hindi niya maintindihan. Kankana-ey ba iyon na dialect sa Sagada? Ano ba naman ang trip nitong kapatid niya? Di niya ito pinansin noong una pero kumatok ulit ito. Subalit sa panggilalas niya ay itinuloy lang nito ang pagkanta. “Bet mo bang mag-do ng snowman? Or mag-roadtrip around the house? Dinead-Madela na si watashi. Chinichika ko na ang pic-pac sa paderrrrrr.” Napapikit na lang si Amira nang mariin. Oh, no! Mukhang hindi ito titigil sa pagkanta hangga’t hindi niya ito pinagbubuksan at itinataboy. Napilitan siyang bumaba ng kama at pinagbuksan ito. Isang nakangiting Eira ang bumungad agad sa kanya. Ni wala itong ideya na gusto niyang busalan na lang ang bibig nito dahil sa ingay nito. “Hi, Ate Amira! Bet mo bang mag-do ng snowman?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD