Hindi na pangkaraniwang pagsusuka lang ang nangyayari sa akin dahil halos araw araw ko na iyong nararanasan. Katulad na lamang ngayon na nasa kasagsagan ako ng zoom meeting nang bigla akong parang maduduwal kaya't dumiretso na ako sa banyo. Halos palagian nang nangyayari 'to, idamay na rin na lagi akong wala sa mood. It's been a hell of week and I'm starting to get stress. Nagpunas ako ng bibig matapos maghilamos at napatitig sa salamin. Kinukutuban na ako sa hindi normal na pagduduwal ko. There's this thought na baka may something na sa tiyan ko at kailangan ko nang magpa konsulta sa doctor dahil baka lumala pa. Tinapos ko nalang agad ang meeting dahil gusto ko nang magpahinga. Nasa condo ako ngayon at hindi na muna umuuwi sa mansyon dahil mas malapit lang ito sa company. Mas co

